Share

Chapter 75:

last update Tanggal publikasi: 2026-10-30 13:58:21

Eliezer Laurent Zaragosa

“D*mn it!”

Malakas kong isinara ang folder na kanina ko pa hawak, saka napasandal sa aking upuan.

“St*pid. F*cking stupid!”

I ran a hand through my hair, saka mariing ipinikit ang mga mata.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang minura ang sarili ko mula nang umagang iyon. Hindi ko rin alam kung ilang beses kong binalikan sa isip ang mga salitang binitiwan ni Mikaela bago siya tuluyang lumabas sa opisina ko.

Ganito ba talaga kayong mayayaman? Sa tingin niyo ba ay pera
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 75:

    Eliezer Laurent Zaragosa “D*mn it!”Malakas kong isinara ang folder na kanina ko pa hawak, saka napasandal sa aking upuan.“St*pid. F*cking stupid!”I ran a hand through my hair, saka mariing ipinikit ang mga mata.Hindi ko alam kung ilang beses ko nang minura ang sarili ko mula nang umagang iyon. Hindi ko rin alam kung ilang beses kong binalikan sa isip ang mga salitang binitiwan ni Mikaela bago siya tuluyang lumabas sa opisina ko.Ganito ba talaga kayong mayayaman? Sa tingin niyo ba ay pera ang sagot sa lahat ng katangahang ginagawa niyo?Napangiwi ako.“Godd*mn it, Mikaela!”Siya pa lang ang kaunaunahang babae na nakapagsabi sa akin nang ganoon. At kasalanan ko rin naman dahil basta-basta na lang akong naglabas ng pera. At mukhang hindi niya iyon nagustuhan. Ang akala ko rin kasi ay sa ganoong paraan ay maipapakita kong handa akong panagutan ang nangyari kagabi. Hindi ko naman intensiyong insultuhin siya. Gusto ko lang matapos ang usaping iyon at makabawi sa anumang abalang naidu

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 74:

    Mikaela Santos "At kung iniisip ninyong katulad ako ng mga babaeng palaging umaaligid sa inyo, nagkakamali po kayo. Ibahin niyo ako." Doon siya tuluyang napatitig sa akin.Walang kahit anong salitang lumabas sa kaniyang bibig. Ngunit sa halip na tumigil, lalo akong nakaramdam ng inis. Dahil sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang gawin ito gayong wala lang naman iyon.Hindi ko naman siya pinagbantaan o tinakot. At wala rin akong balak na gamitin iyon laban sa kanya para masira siya.Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harapan ng aking amo habang pinagmamasdan ang perang para bang iyon na ang sagot sa lahat.Maya-maya pa ay agad na kumunot ang noo ko nang muli siyang yumuko. At ilang sandali pa ay muli niyang inilagay sa ibabaw ng mesa ang panibagong bagkus ng pera.Napasinghap ako.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko."Five hundred thousand pesos," malamig niyang sabi.Pagkatapos ay tumingin siya sa akin."Sa tingin ko naman ay sapat na ito para sa paghal

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 73:

    Mikaela Santos "About last night..." Nanlaki ang mga mata ko. Ay, patay. Tuluyan nang nawala ang lahat ng kumpiyansa ko. At habang nakatayo ako sa harapan niya, wala ni isang palusot ang pumapasok sa utak ko. Mukhang ang inaasahan kong makalimutan niya ay siya palang unang bagay na nais niyang pag-usapan. Napakagat ako sa aking labi at pilit na ngumiti. "Ah... tungkol po ba iyon sa nangyari kagabi, Sir?" Bahagya siyang tumango. "Yes." Napayuko ako. Diyos ko, Mikaela. Ano na naman ang sasabihin mo ngayon? "First of all, I want you to know that I'm taking full responsibility for what happened." Napatigil ako. Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya. Seryoso ang mukha niya. Walang bakas ng pagkalasing, walang bakas ng pagdadalamhati kagabi, at lalong walang emosyon sa mga matang nakatitig sa akin. Para bang isa lamang itong ordinaryong usapin sa negosyo na kailangan niyang ayusin. "I understand that what happened was inappropriate," patuloy niya. "And I don't intend to l

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 72:

    Mikaela Santos"Sa wakas, pahinga rin!"Pabagsak akong naupo sa isang bakanteng upuan sa loob ng staff room at napabuntong-hininga. Kanina pa ako paikot-ikot sa trabaho, at pakiramdam ko ay gusto ko nang humiga at matulog nang isang buong araw.Kinuha ko ang bote ng tubig sa aking bag at uminom bago sumandal sa sandalan ng upuan. Pero kahit anong pilit kong magpahinga, may isang bagay pa ring hindi maalis sa isip ko.Ang nangyari kagabi.Napahawak ako sa aking mga labi."Hay, naku, Mikaela. Bakit ba paulit-ulit mong iniisip iyon?" bulong ko sa sarili.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking alaala ang mga nangyari sa opisina ni Sir Eliezer. Ang magulong silid, ang mga bote ng alak, ang larawan nilang mag-asawa, at ang biglang paghalik nito sa akin.Napangiwi ako.Hindi ko talaga inasahang mangyayari iyon!Sa totoo lang, noong una ay hindi ko alam kung paano ako kikilos. Sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla ka nalang hahalikan ng boss mo. Lalo na kung ang boss mo ay ang isang

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 71:

    Eliezer Laurent Zaragosa "Gusto mong malaman kung sino ang naka-duty kagabi? Gusto mo ba isa-isahin ko sila?" pang-aasar niya. Saglit akong natahimik. At saka muling nag-angat ng tingin sa kanya nang isang tanong ang sumagi sa isipan ko. "May nakakita ba sa akin kagabi?"Lalong kumunot ang noo ni Milo."Bakit? May nangyari ba kagabi?" muling tanong nito at ngayon ay mas naging interesado siya.Mabilis akong umiwas ng tingin. "Wala naman," "Sigurado ka?""Oo.""Kung ganoon, bakit parang ganyan ang itsura mo?" Napapikit ako at mariing napahawak sa aking sentido. Minsan talaga gusto kong busalan ang bibig niya "Umalis ka na nga sa harapan ko." Sa halip na sumunod, lalo pa siyang napatingin sa akin."Sandali lang. May nakita akong pumasok rito sa opisina mo kagabi." Nanigas ang aking mga balikat. "Sino?""Si Mikaela. Night shift siya kahapon eh," aniya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya."So, hindi nga pala talaga ako nanaginip..." s

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 70:

    Eliezer Laurent ZaragosaKinabukasanIsang mahinang ungol ang kumawala sa aking mga labi nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata.Ilang segundo akong nanatiling nakahiga sa sofa habang nakatitig sa kisameng nasa itaas ko. Mabigat ang aking ulo, tuyong-tuyo ang aking lalamunan, at tila may pumipintig na ugat sa aking sentido."Fuck..."Napapikit ako at idiniin ang mga daliri sa magkabilang sentido ko.Ano ba ang nangyari kagabi?Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Kaagad akong napangiwi nang tila umikot ang paligid dahil sa bigat ng aking ulo. Napahawak ako sa noo bago tuluyang napatingin sa paligid.At doon ko napansing malinis na ang aking opisina.Maayos nang nakasalansan ang mga dokumento sa ibabaw ng aking mesa. Wala na ang mga bote ng alak na nagkalat kagabi, at maging ang mga basag na bubog sa sahig ay wala na rin. Ang buong silid ay bumalik na sa dating kaayusan, na para bang walang nangyaring kaguluhan kagabi.Sandali akong napatingin sa paligid.May naglinis.Ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status