Keilani POV
Pagdilat ng mata ko sa umaga, wala na akong karapatang tumunganga pa dahil kailangan kong ipagluto ng almusal ang mahal kong asawa. May pasok kasi ito araw-araw sa pinagtatrabahuhan niyang Merritt wine company. Masaya ako kasi maganda-ganda na ang trabaho niya ngayon. Hindi na niya kailangang magtiis pa sa pagiging waiter sa isang maliit na restuarant na ang liit nang kinikita niya kasi dati, madalas kaming magtipid para lang mabayaran ang mga bills namin dito sa bahay.
Tatlong taon na kaming nagsasama ni Braxton. Kasal na kami, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nagiging anak. Nagpapa-check up naman kami, okay ako, pero siya, simula nung unang check up, hindi na nasundan kasi sobrang busy niya palagi sa trabaho niya. Isa siyang sales manager sa Merritt wine companu kaya madalas siya talaga siyang busy.
“Oh babe, maaga ka palang nakagayak ngayon, tamang-tama, luto na ang almusal natin, kumain ka muna bago ka umalis,” sabi ko sa kaniya nang makita kong lumabas na siya sa banyo nang naka-topless.
“Babe, kailangan kong umalis ng maaga. May meeting kami ng maaga at bawal ma-late, kaya baka doon na ako mag-almusal sa office namin,” pagtatanggi niya agad sa akin. Ni hindi manlang niya ako tinapunan nang tingin. Wala na rin ang morning kiss na madalas niyang gawin dati.
Minsan, naiisip ko, parang may iba na siya. Sa totoo lang, tatlong buwan na siyang nagtatrabaho sa Merritt wine company, at napansin ko, simula nung pumasok siya roon, parang nanlalamig na ako sa kaniya. Hindi naman ako ganitong asawa dati, pero ngayon, naaamoy at nararamdaman kong parang may babae na siyang iba.
Nung isang araw, may nakita akong isang pirasong buhok na blonde ang buhok sa polong lalabhan ko na. Binalewala ko lang ‘yun nung una, kasi baka may napunta lang doon na buhok ng ka-workmate niya, pero nung sumunod, lipgloss naman ang nakita ko sa bulsa ng jacket niya, sabi naman niya sa akin, ginagamit niya iyon kapag dry ang lips niya, eh, ni minsan o kahit dati, wala naman siyang pakelam sa mga makeup.
Basta, simula nang magtrabaho siya sa Merritt wine company, malaki na ang pinagbago niya.
“Sure ka ba, kahit manlang tinapay at kape ay ayaw mo?” alok ko pa nang lumabas na siya sa kuwarto namin habang nakagayak na, gulo-gulo pa ang buhok niya at halatang nagmamadali.
Ang pinagtataka ko lang, wala naman atang nagkakaroon ng meeting ng ganitong kaaga, alas singko ng umaga o ala sais ng umaga? Ang weird lang, puwede naman niyang isingit ang kahit limang minuto na pag-aalmusal.
**
IBA NA ang kutob ko kaya nung umalis siya, gumayak agad ako para sundan siya. Nakasakay siya sa sasakyan niya, habang ako ay nakasakay sa taxi na agad kong pinara pag-alis niya. Mabuti na lang at magaling magmaneho ang taxi driver, nasundan pa rin niya ang sasakyan ni Braxton.
Sana mali ang kutob ko, sana mali talaga ako. Pero mainam na ‘yung malaman ko ang totoo, para mapanatag na rin ang loob ko.
Kakapanalangin ko lang, na sana ay mali ang kutob ko, pero nang makita kong bumaba at nag-park ng kotse si Braxton sa tapat ng isang mamahaling coffee shop, doon na lalong kumabog ang dibdib ko.
“Kuya, diyan na lang ako sa tabi,” sabi ko sa taxi driver habang nagmamadaling i-abot ang bayad sa kaniya.
Palihim akong sumunod sa kaniya habang suot ang itim niyang cup at face mask. Habang papalapit ako sa kaniya at papasok siya sa loob, nanghihina na agad ang mga tuhod ko. Iba talaga ang pakiramdam ko. Ang sabi niya ay meeting sa office, pero bakit coffee shop ang pinuntahan niya ngayon?
Pagpasok niya sa loob, lumapit siya sa isang lamesa na may magandang babae na nakaupo na tila kanina pa nag-aabang sa kaniya. Napakunot ang noo ko. Naisip ko, isang babae lang ang ka-meeting niya, akala ko ay marami?
Tumayo ang magandang babae na sobrang sexy. Nang makita nito si Braxton ay sumilay ang napakaganda nitong ngiti sa asawa ko. Ngiti na mukhang hindi sa ka-workmate, kundi ngiti na para bang may relasyon sila.
“Putangina!”
Napamura na lang ako bigla sa nakita ko matapos niyang salubungin ang asawa ko. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya hinalikan sa labi ang asawa ko. Kitang-kita ng mga mata ko kung gaano napangiti ng husto ang asawa ko na dati ay ako lang ang nakakagawa. Ganito siya ka-sweet at ka-inlove dati, alam na alam ko ang ganitong itsura ni Braxton. Hindi siya ganito sa akin, ibang-iba siya ngayon sa akin, cold.
Tila gumuho ang mundo ko nang mapatunayan ko sa sarili ko na may something talaga sa kaniya. At ang hinalang iyon ay tama pala talaga. May kabit ang asawa ko, at ang malala pa roon, sobrang ganda at sobrang sexy pa nito. Mukha pang mayaman, kaya ano na lang ang panlaban ko sa kaniya?
Umalis ako sa harap ng coffee shop na iyon na bumabaha ang luha sa mga mata ko. Para akong zombie maglakad habang papalayo roon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang gusto ko lang ay makalayo at umiyak nang umiyak dahil parang binibiyak ang puso ko ngayon.
Ang tanong sa isip ko ngayon, kailan pa niya ito ginagawa? Kailan pa niya naramdaman na hindi na siya masaya sa piling ko? Dahil ba ‘to sa tanong ng mga pamilya niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin kami magkaanak? nakulili na ba ang tenga niya sa mga sulsol at mga negatibong dila ng angkan niya? Ibang babae na ba ang sinusubukan niyang anakan?
Pinili ko siya kaysa sa pamilya ko. Pinili ko siya kasi alam kong mahal niya ako at seryoso siya sa akin, kaya nga kami tumagal ng tatlong taon. Pero ngayong nalaman ko na may kabit na pala siya, pakiramdam ko ay parang mali ang naging desisyon ko noon. Hindi ako makapaniwala, sobrang nagulat ako sa natuklasan ko.
Hindi ko inaasahang darating ang araw na mambabae siya. Grabe ang halikan nila kanina, smack lang dapat, pero nilaplap na agad siya nung magandang babae.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Tinawagan ko ang bestfriend kong si Fletcher na pinagseselosan niya palagi.
“Aba, himala, after ng ilang buwan ay nagparamdam ang bestfriend ko, anong kailangan mo?” tanong niya agad sa kabilang linya nang sagutin ang tawag ko.
“On the way na ako sa bahay ninyo. Maggayak ka ng alak at pulutan, ako na ang mababayad pagdating ko diyan,” direstyo kong sabi habang ngarag ang boses ko.
Magsasalita at aangal pa sana siya, kaya binaba ko na ang linya ko. Sumakay nalang ako ulit ng taxi para tumuloy na sa bahay nila. Kailangan ko nang makakausap, kailangan kong makalimot, kailangan ko ng alak kahit hindi naman ako umiinom ng alak.
Ilaria POVAlas-singko pa lang ng umaga, gising na ako. Mabuti nga at effective ang binigay na gummies ni Sir Keilys. Dahil doon ay na-relax ako at nakatulog ng maayos.Hindi pa man sumisikat ang araw, ramdam ko na ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko habang nagmamadali akong magbihis.Bitbit ko ang supot na may lamang lugaw na pinagawa ko pa bago mag-alas kuwatro. May sinangkutchang manok ito at nilagang itlog. Alam kong sa mga oras na ito ay gutom na sila at hinihintay ako.Gising na ang ilan sa mga staff ni Sir Keilys. Binati nila ako ng magandang umaga, tumango lang ako at sumagot din. Si Manong Goryo ang tinawag kong driver na maghahatid sa akin sa ospital. Bago siya, kaka-hire lang ni Sir Keilys. May minsan kasi na hindi available si Manong Egay, kaya dalawa na lang silang driver dito sa villa.Pagdating ko sa ospital, mabilis kong inakyat ang hagdan. Habang umaakyat sa itaas. At nang makita ko na ang pinto ng private room ni Toph, para akong hihimatayin sa kaba. Sana ay
Ilaria POVTahimik kaming nakarating ni Sir Keilys sa ospital. Nasa labas na rin si Manong Egay, sabi niya ay nasa emergency room na si Toph.Hindi ako kumikibo, wala e, nakukunsensya ako sa nangyari. Kung hindi lang sana namin sila iniligaw, baka walang nangyaring ganoon.Nasa tabi ko si Sir Keilys, at kahit siya, halatang hirap itago ang pag-aalala. Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa lobby, pareho kaming hindi makatingin sa isa’t isa. Pero ang mahalaga ay hindi niya ako sinisisi.Doon na yata ako pinanghinaan ng loob nang makita ko ang pangalan ni Toph sa chart na hawak ng nurse. Ang saya pa namang umuwi sa probinsya ni Toph, kasi parada na bukas, tapos ganito lang pala ang mangyayari.Sumalubong ang amoy ng alcohol at gamot sa amin. Hinawakan ko ang braso ko nang mahigpit, para pigilan ang panginginig. Iba talaga ang eksena sa pakiramdam ko kapag nasa loob ng ospital. Parang may phobia na ako, dahil siguro sa nangyari sa nanay ko.“Dito po tayo, Ma’am, Sir,” sabi ng nu
Ilaria POV“Ito ang gusto ko, tahimik, magandang spot at masarap na merienda, grabe, Ilaria, natanggal ang stress ko bigla. Salamat sa magandang bonding at experiece na ito,” sabi ni Toph, habang panay ang tingin sa mga naging picture ko sa kaniya kanina.Tapos na rin kaming mag-merienda, ginutom kami pareho sa mga naging pictorial niya.Maya maya, habang nagliligpit na kami ng gamit at basket, biglang nadulas si Toph sa isang madulas na bato.“Toph!!!”Napasigaw ako dahil nakita ko kung paano siya bumagsak sa batuhan. “Aray, Ilaria, ‘yung paa ko!”Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya inalalayan. Doon ko nakita na may dugo ang isang paa niya.“Toph, dumudugo ang paa mo,” nag-aalala kong sabi. Parang pakiramdam ko pa, hindi siya makakapaglakad. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag sobrang saya, biglang lungkot naman mamaya.“Kaya mo bang tumayo, Toph?” tanong ko.“Titignan ko, pero ang sakit ng paa at binti ko, pakiramdam ko ay tila may pilay, Ilaria,” sagot niya. Sinubukan ko siyang
Keilys POV“Sandali, bakit ang tagal naman ata nung dalawa? Nauna pa tayo rito?” tanong ko kay Ceska at Iliana.“Aba, bakit sa amin mo itatanong? Pare-pareho tayong nandito,” natatawang sagot ni Iliana. Alam kong napansin nila kami kanina, kaya baka nag-iba sila ng destinasyon. Pero sure akong sa ilog pa rin ang punta nila. Siguro, iniba ni Ilaria ang spot na pupuntahan nila. Tagarito pa naman siya, kaya mas kabisado niya ang lugar na ito.“Sa tingin ko, ayaw nila tayong kasama,” sabi ni Ceska, habang nakaupo sa isang malaking bato. Panay ang picture nito sa magandang background ng ilog.“Sa tingin ko, ayaw nga tayong kasama ni Toph. Bakit, gusto niya bang ma-solo si Ilaria? Huwag niyang sabihing may gusto siya sa personal maid mo?” tanong ni Iliana, habang nakatingin nang seryoso sa akin.“Ang haba din ng hair ni Ilaria, sa totoo lang. Kahit ako, na-a-amaze dahil kuhang-kuha niya ang puso ninyong mga taga-city,” natatawang sabi ni Ceska, kaya tinignan ko siya ng masama. Talagang hala
Ilaria POVHabang nakahiga ako sa bedroom ko at namamahinga, nakarinig ako sa labas ng busina ng sasakyan. Hudyat na nandito na si Toph. Sakto, kakagising ko lang, kanina ko pa siya hinihintay dahil naigayak ko na ang pagkain at gamit na dadalhin namin sa ilog ngayong hapon.Bumangon na ako at nagligpit ng kama. Nagbihis ako bago lumabas ng kuwarto ko. Paglabas ko sa bahay, nakita kong kausap na ni Sir Keilys si Toph. Sina Iliana at Ceska naman ay nasa sofa, abala sa paglalagay ng kyutiks sa mga kuko nila.“Ilaria!” tawag sa akin ni Toph nang makita na niya ako. Ngumiti ako habang naglalakad ng palapit sa kanila ni Sir Keilys.“So, mamamahinga ka ba muna o aalis na agad tayo?” tanong ko sa kaniya.“Hindi na, doon na ako magpapahinga sa ilog, sabi mo nga, nakaka-relax doon, kaya, tara na,” sagot niya. Nakatingin lang sa amin si Sir Keilys.“Sige, kukunin ko lang ang pagkaing hinanda ko para sa atin.” Pumunta ako sa kusina para kunin ang basket na hinanda ko.“Hindi ba talaga kami puwed
Ilaria POVDala-dala ang maleta, maaga akong pumasok sa work ko sa villa. This time, sige, balik ako sa dating gawi. Sa kung paano ako unang pumasok dito, kung anong goal ang mayroon ako para maging masipag. ‘Yung Ilaria na hindi na maguguluhan ang isip at puso. ‘Yung Ilaria na palaging iisipin na kasambahay lang siya at hindi magugustuhan ng sarili niyang amo. Tama, ganoon dapat. Hindi ako dapat maguluhan sa mga sinasabi ng ibang tao. Ang palagi kong dapat isipin ay ang pag-focus sa work. Para sa pag-aaral ko ang pagpasok ko rito, iyon lang iyon at wala ng iba pa.“Mabuti naman at bumalik ka na,” bati sa akin ng security guard.“Salamat po,” sagot ko at saka na ako naglakad papasok sa loob.Back to zero. Kumbaga ay parang na-reset ako. Siguro, nahiya lang ako sa sarili ko. Nahiya ako sa pag-aakalang may gusto si Sir Keilys sa akin, kaya siya ganoon umasta. Masyado lang kasi siyang mabait, kaya siguro ako naguluhan.Sinalubong ako ni Manang Lumen sa pinto ng villa. Nakangiti siya sa a