Mag-log inIliana POVPag-uwi namin sa mansion, sa banyo ang tuloy ni Mama Davina. Hindi naman sa pagiging maarte, pero nung kasama namin kasi siya kanina sa sasakyan ay may amoy. Hindi ata siya nakakaligo ng maayos doon. Pero sabi naman niya, pinapaliguan siya minsan nila Zariyah, pero madalian. Hindi na masyadong nakukulkol ang balat. Halos sabon na nga lang daw ang gamit pati sa buhok niya kaya naging sobrang dry na ng buhok nito. Ngayon, ayon, nakababad pa siya ngayon sa bathtub. Habang naliligo, naka-wine pa. Iyon daw kasi ang nakasanayan niya noong okay pa ang buhay nila ni Papa Braxton. Hinayaan ko na lang, mukhang miss na miss na niya ang ganoong buhay.Habang naliligo siya, kino-contact ko naman si Zariyah. Siyempre, kahit natakas na niya ang Mama Davina ko, sinigurado ko pa ring magiging okay siya. Nakatanggap ako ng message sa kaniya. Ang sabi niya, huwag tumawag kasi nagkakagulo na ngayon doon sa hideout dahil sa paghahanap sa Mama Davina. Natuwa akong malaman na wala silang alam na
Davina POVHabang mabilis ang pagtakbo namin ni Zariyah, ramdam kong malagot-lagutan agad ako ng hininga. Pero kinakaya ko kasi gusto ko nang makatakas. Tagaktak na ang pawis namin kasi masyado palang malayo ang palabas ng gubat na ito.Halos magkakalahati na kaming tumatakbo, minsan, napipilatan ako ng tumigil para magpahinga. Hinahayaan naman ako ni Zariyah dahil baka malagutan na ako ng hininga. Pero sampung minuto lang, pagkatapos ay takbo na ulit.Sa kalagtinaan nang pagtakbo namin, biglang sumulpot ang isang armadong lalaki.“Miss Zariyah, anong ibig sabihin nito?” tanong ng lalaking iyon habang nanlalaki ang mata. Nakatutok na agad ang baril nito sa akin.Hindi agad sumagot si Zariyah, pero ‘yung kaba ko, aba, mas lalong tumindi. Pero hindi na ako nagdalawang-isip na kumilos. Sayang ang patalim na hawak ko. Sa isang iglap, mabilis ko itong hinagis sa kaniya. Napangiwi ako nung tumama ito sa mukha niya. Agad tuloy siyang bumagsak sa sahig.“Nice one, Ma’am Davina,” puri ni Zariy
Davina POVTanghali na at isa ito sa masahol na pinagdadanan ko. Sobrang init kasi dito sa kuwarto ko tuwing ganitong oras. Tuwing napakatindi ng sikat ng araw. Wala manlang kasing electric fan. Tinanggalan ako ng lintik na si Venice.Pero ang napansin ko, ngayong araw ay parang may kakaiba. Tahimik ang paligid, sanay na kasi ang tenga ko sa bawat ingay nila tuwing umaga, hanggang hapon.At doon ko narinig ang malakas na usapan nila nung dumungaw ako sa may bintana.“Maghanda na kayo!”Narinig kong sabi ng isa sa kanila. Ang lakas ng boses nito. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko, para makinig.“May training tayo sa kabilang area.”“Lahat kayo ay sasama!”Napakunot ang noo ko. Training sa malayo? Naisip ko agad na pagkakataon na ito para maitakas ako ni Zariyah.Mas lalo akong nakinig.“Yung mga maiiwan, kayo na bahala dito. Bantayan niyo ‘yang babae. Hindi ‘yan puwedeng makatakas.”Narinig ko ang mga paa nilang naglalakad na. Mukhang ngayon din ay aalis na sila.Hanggang sa naging
Iliana POVKatatayo lang namin ni Kuki mula sa maliit na lamesa sa karinderya.“First time ko sa ganito, Iliana, pero tama ka nga, masarap ah,” nakabulong na sabi ni Kuki. Nahihiya siyang marinig nung ibang tao na kasabay naming kumakain.“Sabi ko naman sa iyo. Ako pa ba?” pagmamayabang ko sa kaniya.Pinunasan ko na ang labi ko gamit ang tissue at tumayo.“Okay na?” tanong ni Kuki, na nakasunod sa likod ko.Tumango ako. “Yes, bayad na rin,” sagot ko.Pagtayo namin, bigla namang may sumigaw, kaya kapwa pa kaming nagulat ni Kuki.“Hoy! Huwag kang gagalaw!”Napahinto ako, kasabay ng malakas na sigaw ng lintik na lalaking iyon.Napalingon ako agad.Doon ko nakita ang dalawang lalaking naka-cap, namay hawak na patalim. Ang isa ay agad namang nakalapit sa harap ng kaha. Kinukuha na nito ang mga pera nung ginang na may-ari ng karinderya.“Ilabas mo lahat ng pera! Bilis!”Mangiyak-ngiyak ang ginang na may-ari ng karinderya.“Kuya, huwag naman, pinuhunan ko lang ‘yan.”Pero hindi sila tumigil
Iliana POVPumunta ulit kami ni Kuki sa bahay ni Zariyah para makibalita. Dito sa loob ng bahay ni Zariyah ay masyadong tahimik kapag ganitong oras.May amoy ng lutong ulam na parang kakahain lang kanina. Sa tingin ko ay parang sisig pork, kasi iyon ang naaamoy ko talaga.Lumabas na sa kuwarto si Zariyah. Naglakad siya palapit sa amin dito sa maliit na sala nila.Tinitigan ko si Zariyah. Seryoso na naman ang mukha niya. Kapag nandito kami sa bahay niya, para bang naaamoy kong kabado siya at hindi komportable.“Kumusta ang plano?”Hindi na ako nagpaligoy-ligoy. Gusto ko na agad malaman kung nag-uumpisa na ba siya? Kung nakausap na ba niya ang Mama Davina ko at ipinaalam na sa amin na ang panig ni Zariyah.Huminga siya nang malalim bago sumagot. “Hindi kasi madali iyon, Miss Iliana.”Oo, minadali ko talaga siya. Kasi, baka kako may magawa agad siya. Alam ko kasing magaling siyang assassin, so, baka naman may magawa agad siya. Saka, inaasahan ko pa naman na ngayong araw ay mailalabas na
Iliana POVHabang ginagawa ni Zariyah ang inutos ko, nagpaka-busy na rin muna ako sa mansion. Mabuti na lang at kayang ma-handle ni Ceska ang company namin. Kahit hindi ako madalas doon, nandoon siya para saluhin ang mga dapat saluhin. Sina Luna, Ariella at Gia ang katulong niya sa lahat. At mukhang maganda naman ang mga nangyayari dahil hindi na sila pala-report ng mga problema ngayon sa company. Nalinis na rin nila ang iniwang problema ng lintik na si Jate.Ngayong araw, nakatayo ako sa gitna ng training field, nakasuot lang ng fitted na training top at jogger pants. Basa na ng pawis ang leeg ko, pero hindi ko iyon pinupunasan.Ngayon araw kasi ay haharapin ko ang isa sa mga helltrace. Nasa paligid ko sila, nakatingin sa akin.Si Vandall, nakasandal sa poste, nakangisi. Si Nomad, seryosong nakatingin. Si Jink, naka-cross arms, parang naghihintay lang ng mali ko.At sa harap ko, naroon Si Rook, na nakatayo siya, kalmado. Siya kasi ang napili kong labanan ngayon. Battle malala na ito
Keilani POVPagbagsak ko sa malambot na kama sa loob ng napakalaking kuwarto ko, parang nawala lahat ng bigat sa dibdib ko. Tahimik ang paligid, walang alingawngaw ng ingay mula sa labas na dati ay bahagi na ng buhay ko. Sa wakas, naramdaman kong payapa ang isip ko at ang puso ko. Sa loob ng mga na
Keilani POVDahan-dahan akong dumilat, ramdam ko ang init ng katawan ni Sylas sa tabi ko. Hindi ko planong matulog nang mahaba, pero malamang ay napagod din ako sa pag-aalaga sa kanya kanina.Marahan akong gumalaw, iniwasang magising siya. Nilapat ko ang kamay ko sa noo niya at kahit may bahagya pa
Keilani POVIsang linggo na ang lumipas mula nang simulang aralin ko ang mga librong binigay ni Sylas. Punung-puno ng technical terms ang bawat pahina—mga bagay na noon ay hindi ko man lang naisip na magiging bahagi ng buhay ko. Pero ngayon, hindi ko maikakailang unti-unti akong nahuhulog sa mundo
Keilani POVNapangiti ako habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Ang tanawin sa labas ay parang isang perpektong winter wonderland—puno ng malalaking pine trees na nababalot ng niyebe, habang ang sinag ng papalubog na araw ay nagbibigay ng gintong sinag sa buong paligid. Ang Canada sa winter sea







