Mag-log inEVEBuong biyahe pauwi ay para akong wala sa sarili. Mahigpit kong hawak ang maliit na envelope na ibinigay ng doktor. Habang paulit-ulit kong binabasa ang resulta kahit kabisado ko na ang bawat salitang nakasulat doon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa balitang natanggap ko. Kanina lamang ay pumunta ako sa klinika dahil sa simpleng pagdududa. Ngunit ngayon ay may panibagong buhay nang nabubuo sa loob ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak. Pakiramdam ko ay napakaraming emosyon ang sabay-sabay na sumisikip sa dibdib ko. Hindi ko inaasahang darating ang araw na ito lalo na ngayong nagsisimula pa lamang kaming buuin muli ni Denzel ang pamilyang matagal naming nawala.“Magkakaanak na ulit kami ni Denzel…”Napahawak ako sa tiyan ko habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Hindi pa naman halata ang pagbabago sa katawan ko, ngunit ang simpleng kaalamang may sanggol akong dinadala ay sapat na upang maramdaman kong iba na ang lahat. Hindi ko maiwasang mapangiti nang
EVE “Hay naku…bakit ba nahihilo na naman ako?” mahina kong usal sabay hawak sa ulo. Ilang sandali pa, naramdam kong parang may tao sa labas. Pagkabukas ko ng pinto ng mansion ay agad kong narinig ang busina ng sasakyan ni Denzel mula sa labas ng gate. Hindi ko namalayang napangiti ako habang naglalakad upang pagbuksan siya. Hinintay ko siyang makababa ng kanyang sasakyan bago humalukipkip. “Ano? Kumusta araw?” “Ayos naman…masaya ang araw ko,” nakangiti niyang ssbi. "Naku, ano na naman ang nangyari at parang nanalo ka sa lotto?" natatawa kong tanong habang nakatingala sa kanya. Mas lalo lamang lumawak ang ngiti niya. Pumasok na kami ng sabay sa loob ng bahay. "Hindi lotto ang napanalunan ko pero pakiramdam ko ay nabawasan ang pinakamabigat na problemang pasan-pasan ko nitong mga nakaraang linggo." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Napangiwi pa nga ako kasi medyo nahihilo na naman ako. Kahapon pa ako ganito. "Bakit? May nangyari ba sa opisina?" "Hindi tung
DENZELKatatapos lamang ng mahaba at nakakapagod na meeting. Kaya agad akong lumabas ng gusali ng kompanya habang iniikot ang susi ng sasakyan sa daliri ko. Halos buong umaga akong nakatutok sa trabaho ngunit kahit pilit kong inililihis ang isip ko ay paulit-ulit pa ring bumabalik ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Nang makarating ako sa parking lot ay agad kong hinanap ang sasakyan ko. Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita ko si Carlos na seryosong nakatayo sa likuran ko. Kilala ko siya dahil matagal na silang magkaibigan ni Celeste. Ilang beses na rin kaming nagkita sa iba't ibang okasyon noon. Kaya hindi na bago ang mukha niya sa akin, ngunit ngayon lamang siya lumapit sa akin nang kami lang dalawa."Carlos? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang bahagyang nagtataka.Mabagal siyang lumapit hanggang sa ilang hakbang na lamang ang pagitan namin. Hindi siya ngumiti at halatang may malalim siyang iniisip."Hin
CELESTEMahigpit kong hawak ang maliit na brown envelope habang mabagal na naglalakad palabas ng OB-GYNE clinic. Katatapos lamang ng buwanang check-up ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ng doktor. Maayos ang lagay ng bata. Normal ang paglaki nito at wala raw akong dapat ipag-alala. Dapat ay matuwa ako sa balitang iyon ngunit kabaligtaran ang nararamdaman ko. Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lamang akong kinakabahan. Habang lumalaki ang batang dinadala ko ay mas lalo ring lumalaki ang posibilidad na mabunyag ang katotohanang pilit kong itinatago. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang magsinungaling kay Denzel. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako susuwertehin na hindi niya matutuklasan ang lahat.“Maging healthy ka lang, anak ko…masaya na ako,” nakangiti kong sabi.Napahawak ako sa tiyan ko habang mabagal na naglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital. Pakiramdam ko ay bawat taong nakakasalubong ko ay nakatingin sa akin at alam an
EVENapalunok ako ng laway habang nakatitig sa kanya. Seryoso ang mukha niya matapos sabihin iyon. Kung totoo nga ang sinasabi niya, ibig sabihin ay sobrang desperada na talaga si Celeste para ipaako kay Denzel ang anak niya sa ibang lalaki. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina lamang ay pakiramdam ko ay muli na namang gumuho ang mundo ko. Ngunit sa isang iglap ay tila may bagong katotohanang unti-unting nabubuo sa harapan ko. Gayunpaman, hindi pa rin tuluyang nawawala ang pagdududa sa dibdib ko dahil minsan na akong nasaktan ng lalaking nasa harapan ko. Minsan na rin akong naniwala sa mga paliwanag niya at ako rin ang nasaktan sa huli.Pero paano kung totoo ngang hindi niya anak ang pinagbubuntis ni Celeste?Nakatayo siya sa harap ng gate habang magkahalo ang malamig na simoy ng hangin at ang mabibigat naming paghinga. Ilang segundo pa ang lumipas bago marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ako umiwas ngunit hindi ko rin siya ginantihan ng higpit sa pagkakah
EVEHindi ko na maalala kung paano ako nakauwi mula sa opisina. Pakiramdam ko ay kusa na lamang umandar ang sasakyan habang wala ang isip ko. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring umaalingawngaw sa utak ko ang mga sinabi ni Veronica. Kanina lamang ay napakasaya ko pa. Ngayon naman ay pakiramdam ko ay muli na namang gumuho ang mundong pilit kong binubuo. Mahigpit kong hawak ang manibela habang paulit-ulit kong tinatanong ang sarili kung bakit hindi sinabi sa akin ni Denzel ang tungkol sa pagbubuntis ni Celeste. Kung talagang mahal niya ako at seryoso siya sa lahat ng ipinangako niya sa akin, bakit kailangan pa niyang itago ang napakalaking bagay na iyon?“Nagawa na naman niya akong saktan…bakit ba ang tanga-tanga ko?”Hindi ko namalayang nakapasok na pala ako sa garahe. Pagkababa ko ng sasakyan ay mabigat ang bawat hakbang ko papasok ng bahay. Tahimik ang buong mansion dahil wala pa si Andrew. Nasa bahay pa ito ng kaibigan niya para sa school activity kaya mag-isa lamang ako ngayon. P
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat
EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg







