ログインEVE
Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hindi nito kayang itago ang katotohanang pakiramdam ko ay isa lang akong dekorasyon sa loob ng buhay ni Denzel. Isang taong naroon pero hindi kailanman naging mahalaga. Kaya nang mag-message si Limuel at yayain akong lumabas para magkape at mag-dinner, hindi na ako nagdalawang-isip. Alam kong kailangan kong makahinga kahit saglit lang. Pagdating ko sa kilalang restaurant, agad kong nakita si Limuel na naghihintay sa isang corner table. Elegant ang lugar, may soft piano music sa background, mahihinang ilaw at mga taong halatang may sarili ring mga kuwento habang kumakain. Nakangiti si Limuel nang makita niya ako, pero agad ding nawala ang ngiti niyang iyon nang mapansin niya siguro ang pagod sa mukha ko. Tumayo siya at inayos ang upuan para sa akin bago ako umupo sa harap niya. “Kamusta ka na?” tanong niya habang maingat akong tinitingnan. Simple lang ang tanong pero pakiramdam ko ay napakahirap sagutin. Hindi ko agad nasagot dahil kahit ako ay hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang nararamdaman ko. Pagod ba ako? Malungkot? Wasak? O baka lahat ng iyon. Napabuntong-hininga ako habang hinihimas ang malamig na baso ng tubig sa harap ko. “Hindi ako okay,” sagot ko ng mahina. Hindi na siya mukhang nagulat. Parang inaasahan na niya ang sagot ko bago pa man niya itanong. “Ano na naman ang ginawa ni Denzel?” maingat niyang tanong. Napangiti ako ng mapait. “Parang hindi naman na yata mahalaga kung ano ang ginawa niya. Pare-pareho lang naman.” Hindi siya agad nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin habang para bang binabasa ang bawat pagod na pilit kong itinatago. “Eve,” sabi niya nng dahan-dahan. “Hanggang kailan mo pa ito titiisin?” Napayuko ako habang pilit pinipigilan ang bigat na umaakyat sa dibdib ko. Ayokong sagutin ang tanong na iyon dahil kahit ako ay wala akong matinong sagot. “Late siyang umuwi kagabi,” sabi ko sa wakas. “Nakainom siya. Hinihintay ko siya para sabayan kumain. Pero sinigawan lang niya ako.” Humigpit ang hawak ni Limuel sa baso. “Ano na naman ang sinabi niya?” Ngumiti ako ng po pilit kahit masakit. “Iyong mga dati pa rin niyang sinasabi. Na hindi ko dapat kalimutan kung bakit kami nagpakasal. Na gusto lang iyon ng lolo niya. Na hindi niya ako mahal.” Hindi ko na siya matingnan habang sinasabi ko iyon. Kahit ilang beses ko ng naririnig ang mga salitang iyon mula kay Denzel, masakit pa rin pa lang ulitin nang malakas. “Damn it, Eve,” bulong ni Limuel habang napapailing. “And you’re still staying?” Mabagal akong napatingin sa kanya. “Ano bang gusto mong gawin ko?” “Leave him.” Parang huminto sandali ang paligid nang marinig ko iyon. Natawa ako ng mahin. “Sa tingin mo, ganoon lang kadali?” “Malapit ng matapos ang kontrata n’yo, hindi ba?” seryoso niyang sabi. “Then leave him. Hiwalayan mo na siya. Wala ka nang dapat pang patunayan.” Humigpit ang hawak ko sa baso habang iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Napakadaling sabihin ng mga salitang iyon kapag hindi ikaw ang nasa sitwasyon. Napakadaling sabihing umalis na lang kapag hindi ikaw ang araw-araw na umaasa sa isang bagay na alam mong baka hindi na mangyari. “Hindi ko kaya,” mahina kong sabi. Nanlali ang mata niya. “Hindi mo kaya o ayaw mo?” Hindi ako agad sumagot dahil alam ko ang totoo. Pareho. “Mahal ko siya,” halos pabulong kong sagot. Tahimik siyang napatitig sa akin. Parang ilang segundo siyang hindi makapaniwala na narinig pa rin niya iyon mula sa akin matapos ang lahat. “Eve…” “Alam ko,” putol ko agad habang pilit ngumumingiti kahit may kirot sa dibdib ko. “Alam kong tanga ako. Alam kong wala siyang ginagawa para mahalin ako pabalik. Alam kong araw-araw niya akong pinaparamdam na wala akong halaga. Pero mahal ko siya, Limuel.” Napabuntong-hininga siya habang pinapikit sandali ang mga mata niya. “Bakit?” Napatingin ako sa labas ng glass window ng restaurant, sa mga ilaw ng siyudad, sa mga taong dumadaan na para bang napakadali ng buhay nila. Habang ako ay pakiramdam ko ay matagal nang nawawala sa sarili kong mundo. “Dahil umaasa pa rin ako,” sagot ko nang totoo. “Sa ano?” Mabagal akong napatingin sa kanya. “Na balang araw, kahit kaunti, mamahalin niya rin ako.” Napailing siya at hindi makapaniwala. “Eve, three years na…hindi naman siya nagbago kahit minsan.” “I know.” “He doesn’t treat you like a wife.” “I know.” “He hurts you.” “I know.” “Then why are you still holding on?” Bumuga ako ng hangin. “Because loving him is the only thing I know how to do now.” Hindi na agad siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin, at sa mga mata niya ay kitang-kita ko ang awa na ayaw na ayaw kong makita. Ayokong kaawaan. Ayokong magmukhang kawawa. Pero siguro iyon naman talaga ako sa paningin ng ibang tao, isang babaeng kumakapit sa pagmamahal na hindi naman para sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin ako. Pinilit pa niya akong ihatid pero tumanggi ako dahil gusto kong mapag-isa kahit saglit. Habang nasa loob ako ng sasakyan pauwi, paulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Hiwalayan mo na siya. Dapat siguro iyon ang gawin ko. Dapat siguro matagal ko nang ginawa. Pero sa tuwing sinusubukan kong isipin ang buhay ko na wala si Denzel, pakiramdam ko ay may kung anong nawawala sa loob ko. Kahit hindi niya ako mahal. Kahit hindi niya ako pinipili. Kahit hindi niya ako tinitingnan gaya ng pagtingin ko sa kanya. Pagdating ko sa mansion, tahimik na naman ang buong bahay. Inabot ko ang handbag ko habang papasok sa sala ngunit napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Denzel mula sa may malaking glass window sa gilid ng foyer. Nakatayo siya roon, nakatalikod sa akin habang may kausap sa cellphone. Hindi ko marinig ang buong usapan, pero ang narinig ko ay sapat para humigpit ang dibdib ko. Malambing ang boses niya. Iyong klaseng tono na hindi ko halos marinig mula sa kanya. Mahina siyang tumawa at may lambing sa paraan ng pagsasalita niya na para bang ibang tao ang kaharap ko. Napatigil sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang likod niya. Hindi ko alam kung sino ang nasa kabilang linya. Pero sa simpleng paraan ng pagsasalita niya ay alam kong hindi iyon business call. Parang may malamig na bagay na dumaan sa dibdib ko. Napahakbang ako nang bahagya at doon niya ako napansin kaya agad siyang tumahimik. At sa isang iglap ay pinatay niya ang tawag. Mabagal siyang lumingon sa akin. At parang isang pindot lang ay nawala ang lambing sa mukha niya. Bumalik ang malamig na ekspresyon na para bang wala akong narinig. Pinilit kong ngumiti kahit may kung anong masakit na bumabara sa dibdib ko. “Kumain ka na ba?” maingat kong tanong habang pilit pinapakalma ang sarili ko. “Oo,” maikli niyang sagot. Tumango ako kahit hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, mas masakit pa iyong simpleng sagot kaysa sa narinig kong malambing niyang pakikipag-usap sa ibang tao. “May ipapainit sana ako kung-” “No need,” putol niya agad. “Pagod ako. I’m going upstairs.” Wala na siyang ibang sinabi..Wala man lang tanong kung saan ako galing. Wala man lang tingin na parang may pakialam siya. Basta na lang siyang dumaan sa tabi ko at naglakad paakyat ng hagdan na para bang isa lang akong bahagi ng bahay na naroon pero hindi mahalaga. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng sala habang pinagmamasdan ang likod niyang unti-unting nawawala sa itaas. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko, doon ko lang naramdaman ang bigat na kanina ko pa pinipigilan..Mabagal akong naupo sa sofa sa sala at saka ko lang napansing nanginginig na pala ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ngayong gabi. Siguro dahil narinig ko kung paano siya magsalita nang malambing sa ibang tao, sa tonong hindi ko halos marinig mula sa kanya kahit ako ang asawa niya. Siguro dahil kahit sa simpleng tanong ko kung kumain na ba siya ay parang napakabigat para sa kanya na sagutin ako nang maayos. O siguro dahil sa wakas ay unti-unti ko nang nakikita ang katotohanang matagal ko nang pilit tinatakasan. Na baka kahit gaano ko siya kamahal… hindi niya talaga ako kayang mahalin pabalik. Napahawak ako sa dibdib ko habang tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Tahimik lang akong umiiyak sa loob ng napakalaking sala ng mansion, mag-isa na naman, habang ang katahimikan ng bahay ay parang unti-unting lumalamon sa akin. At sa gitna ng pag-iyak ko, isang tanong lang ang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Kung ganito rin naman ang magiging wakas, bakit hindi ko pa rin kayang bitawan ang lalaking araw-araw na unti-unting pumapatay sa puso ko?DENZELHindi ako nakatulog nang maayos ng gabing iyon. Matapos ang pag-uusap namin ni Celeste ay halos magdamag akong nakatitig lamang sa kisame. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang mukha niya habang nagtatanong kung mahal ko pa ba siya.Kinabukasan ay maaga akong bumaba sa kusina. Akala ko ay makakapag-almusal ako ng tahimik ngunit pagpasok ko pa lamang, agad ko nang nakita si Celeste na nakaupo sa mesa. Mukhang kanina pa siya gising. May tasa ng kape sa harapan niya ngunit halatang hindi naman niya iyon iniinom. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na sana gustong makipag-usap. Ngunit mukhang wala akong pagpipilian. Agad akong naupo sa kabilang dulo ng mesa at nagsimulang kumain.Ilang minuto kaming walang imik. Hanggang sa siya rin ang unang nagsalita."Denzel."Hindi ako agad tumingin sa kanya."Ano?""May itatanong ako."Napahinto ako sa pagkain. Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya. Parang may kung anong desperasyon do
DENZELBuong biyahe pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa park. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang mukha ni Eve nang maglapat ang mga labi namin. Kahit na simpleng halik lang iyon, hindi ko maikukubling kinilig talaga ako. Lalo pa't anak namin ang may pakana. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung aksidente lang ba talaga iyon o sadyang may bahagi sa akin na ayaw umurong noong mga sandaling iyon. Ilang beses akong napailing habang nakahawak sa manibela dahil pakiramdam ko, unti-unti nang nawawala ang kontrol ko sa mga bagay na dati ay kaya kong kontrolin.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, isang bagay lamang ang malinaw sa isip ko.Masaya ako.Pakiramdam ko ay may direksyon ulit ang buhay ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang saya ng simpleng paghawak sa kamay ng anak ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang pakiramdam na may batang tumatawag sa akin ng "daddy" na hindi dahil sa obligasyon kun'di dahil gusto niya.At habang naiisip ko iyon ay lalo lamang sumisikip an
EVEPagkauwi ko sa mansion ng gabing iyon ay agad kong naramdaman ang pagod sa buong katawan ko. Mula pa kaninang umaga ay sunod-sunod na ang meetings ko sa opisina at halos hindi ako nakapagpahinga ng maayos. Ang tanging nasa isip ko habang bumababa ng sasakyan ay ang maligo, magpalit ng damit at magpalipas ng oras kasama si Andrew bago matulog. Ngunit pagpasok ko pa lamang sa loob ng bahay ay agad akong napahinto nang marinig ko ang malakas na tawanan mula sa sala.Napakunot agad ang noo ko dahil kilalang-kilala ko ang isa sa mga boses na iyon. Nang lumapit ako ay bumungad sa akin ang eksenang hindi ko inaasahang makikita.Naupo si Denzel sa carpet habang katabi si Andrew. Nakakalat sa paligid nila ang iba't ibang piraso ng dinosaur puzzle at pareho silang mukhang abalang-abala sa ginagawa. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong matagal ng magkasama ang dalawang iyon dahil sa sobrang komportable nilang tingnan."Mommy!"Agad na tumayo si Andrew nang makita ako at mabilis na tumak
CELESTEHindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang tiningnan ang oras sa cellphone ko.. Mula alas onse ng gabi hanggang madaling-araw ay paulit-ulit kong sinusubukang tawagan si Denzel ngunit ni isang tawag ay hindi niya sinagot. Ilang beses ko ring binasa ang mga mensaheng ipinadala ko sa kanya ngunit nanatili lamang iyong naka-seen at walang kahit anong reply. “Nasaan ba ang lalaking iyon?! Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko at reply?!” inis kong sabi bago hinawakan ang ulo ko.Habang lumilipas ang bawat oras ay lalo lamang akong naiirita at kinakabahan dahil hindi naman siya dating ganoon. Kahit gaano siya kaabala sa trabaho noon ay palagi siyang nagbibigay ng update kung nasaan siya o kung anong oras siya makakauwi. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay pakiramdam ko ay unti-unti siyang nagiging ibang tao.Nakahiga ako sa kama ngunit ni hindi ako dinadalaw ng antok. Sa bawat paglingon ko sa kabilang bahagi ng higaan, lalo lamang akong naiirita dahil nananatiling bakante
EVEHindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan matapos sabihin ni Denzel na parang wala na siyang pakialam kay Celeste. Hanggang ngayon ay parang umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga salitang iyon.Sa likuran namin ay ang kumikislap na mga ilaw ng lungsod habang malamig na humahaplos ang hangin sa balat ko. Ngunit sa kabila ng ganda ng tanawin ay wala akong ibang maisip kundi ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Dapat ba akong matuwa?Dapat ba akong magalit?O dapat ba akong mag-alala?Dahil kahit paano, fiancé pa rin niya si Celeste. At kahit gaano ko kagustong magpanggap na wala akong pakialam, alam kong hindi simpleng bagay ang sinabi niya."Denzel..." mahinang sabi ko."Huwag mo muna akong sermunan."Napairap ako."At alam mo pa talagang sisisermunan kita?""Kilala kita."Napailing ako bago tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik sa sasakyan. Ayoko ng palawakin pa ang usapan na iyon dahil pakiram
EVEHindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapailing matapos sabihin ni Andrew na gusto niyang ipakilala si Denzel bilang boyfriend ko sa Family Day nila sa school. Sa totoo lang, parang ilang segundo ring tumigil ang takbo ng isip ko dahil sa sobrang diretso ng tanong ng anak namin. Nakaupo lamang siya sa gitna ng sala habang yakap ang paborito niyang dinosaur toy at walang kaalam-alam na muntik na niyang patigilin ang paghinga naming dalawa ni Denzel.Napatingin ako kay Denzel at agad kong nakita ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Halatang pinipigilan niyang matawa kaya lalo lamang akong nainis."Ikaw, huwag kang ngumingiti diyan," sabi ko habang pinandidilatan siya.Mas lalo tuloy siyang napangiti at parang matatawa pa nga."Ano na naman ang ginawa ko?""Huwag kang magkunwari. Natutuwa ka sa sinabi ng anak natin. Tama?”"Hindi naman…”"Sinungaling ka talaga kahit kailan!” nakanguso kong sabi.Malakas siyang natawa bago sumandal sa sofa. Samantalang si Andrew naman ay sa







