55Azaylie’s POVDahil alam kong pag-iinitan ako ulit nila Briana ay agad akong umalis sa classroom at sa rooftop na lang pumunta habang ginagawa ang ilang notes at activities na hindi ko nagawa dahil lumiban ako kahapon. Sana lang ay walang mapadpad dito na kampon ni Briana. Gusto kong ng tahimik na buhay ngayon.Hindi ko maiwasan na malaglag nag balikat ko habang hirap na ginagawa ang mga activities na ‘to. Hindi ko gusto ang kusong ito kaya talagang hindi ko maiwasang mahirapan ako sa ilang mga activities. Napabuntong hininga ako nang maalala na nag-away nanaman kami ni lolo kanina.Dahil hindi ako lumabas kagabi ay mas lalo nga itong nagalit sa’kin. Wala pa si Ivo kanina, pero agad na akong lumabas sa bahay kahit na pinipigilan ako ni Lolo. Nagcommute ako papapunta sa university. I want to call Yrony, pero wala naman akong phone, o baka busy siya ngayon kasi hindi siya nakapagtrabaho kahapon. Sana kinuha ko na lang ang laptop ko.Natulala ako sa isang activities na hindi ko alam k
56Nang matapos kaming kumain ay nag-aya na lang bigla si Yrony na pumunta sa isang mall. Nagtataka pa ako, pero napasinghab na lang ako nang makitang bumili siya ng mini ref at nag grocery pa ng napakarami.“Yrony, hindi naman na kailangan ito,” malumanay na sambit ko sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa malaking cart na may laman na.“Para may pagkain ang kaibigan mo at para kapag bumisita ka roon may kakainin ka. You can always go there,” sambit nito habang hawak-hawak ang kamay ko.“Pero ang dami ko ng utang sayo. Hindi ko na alam kung mababayaran pa ba kita o ano,” nahihiyang sambit ko na sa kanya. Hindi ko na talaga alam ang pwedeng gawin ko para makabawi man lang kahit kunti. Gabe na itong sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa kanya, dahil sa lahat ng ginawa niya ngayon.“I told you that I don't need a payment. I'm doing this because I want to make you happy and because I love you, but if you really want to pay me, sige... May alam akong paraan para makabayad ka sa’kin,” sambit n
57Araw ay araw ay dinadalaw ko si Papa sa hospital. Araw-araw naman ay may vacant time ako kaya napupuntahan ko si Papa, pero kapag sabado at linggo ay hindi ako makapunta roon dahil hindi naman ako pinapayagan ni Lolo na lumabas ng bahay. Hindi na rin naman ako nagpumilit pa o sumuway pa dahil takot ako na malaman ni Lolo na nasa Manila na si Papa.Pakiramdam ko kapag nalaman ni Lolo ang tungkol kay Papa ay magagalit siya kaya minabuti ko na lang na huwag na ipaalam sa kanya. Hindi rin naman alam ni Ivo ang tungkol roon kahit na siya pa rin naman ang naghahatid-sundo sakin sa university. Halos ganoon ang nangyare sa halos dalawang buwan. Sa bahay, skwelahan, hospital o condo ni Yrony lang ang pinupuntahan ko.Sa university naman, talagang hindi ako tinitigilan ni Briana, pero ginagawa ko na lang ang lahat para hindi siya patulan. Masyado rin naman akong masaya sa lahat ng nanagyayare sa buhay ko para patulan pa ang kamalditahan niya. Hindi rin naman sila makahanap ng panahon para m
58“Wala kang assignment?” Tanong nito nang gumabi na. Ganito kami lagi kapag gabi.Bakit ba hindi ako nagsasawang titigan siya? Para akong nagayuma habang nakatitig sa kanya. Busy siya dahil maraming pinepermahan. Sabi nila mga busy raw ang mga kagaya nila, pero subrang saya ko na kahit na subrang busy niya ay nagkakaroon pa rin siya ng time para sakin.Hindi naman sa gusto kong may palagi siyang oras para sakin, maiintindihan ko naman kasi kung minsan hindi siya makatawag, pero talagang kahit subrang busy niya ay nagagawan pa rin niya pa rin ng paraan para magkita kami.This past few days kasi nasabi ko sa kanya na nahihirapan ako sa ilang topic sa business ad. lalo na kasi hindi naman iyon ang gusto kong kurso kaya kahit na busy siya ay tinuturuan niya ako. Malaking abala na nga ako sa kanya tapos dadagdag pa itong mga activities ko.“Natapos ko na kanina pa sa room. Madali lang naman iyon,” sambit ko sa kanya.“If you need anything, just tell me,” sambit nito na animo’y kahit anong
59Tahimik ako nang nasa dining table na kami. Pagkatapos na sabihin ni Janica sa’kin iyon ay lumabas din siya agad. Hindi naman na din nakapuslit si Yrony dahil talagang marami nga sigurong tanong si Lolo sa kanya.Nasa tabi ko si Janica at tahimik din na kumakain. Naisip ko lahat ng sinabi niya, lalo na ang huling sinabi niya na aaminin kong tinamaan ako ng husto. Selfish. Pagiging selfish ba kung ayaw kong itigil ang relasyon namin kasi pakiramdam ko magkakaroon ng kulang ang buhay ko? Hindi ko naman kasi alam na magiging ganito, eh.“Are you okay, Iha?”Hindi ko naman plinanong magkagusto sa kanya ng ganito kay Yrony at mas lalong hindi ko plinanong maging Alvarez.“Affeya!” Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig iyon. Affeya. Ako iyon hindi ba? Inangat ko ang ulo ko at napansin na nakatingin na halos lahat na pala sila ay nakatingin sakin, maliban kay Janica.“P-Po?” Utal na tanong ko dahil hindi ko na alam ang pinag-uusapan nila sa subrang pag-iisip ko.“Are you okay?” Tanong n
60Yrony’s POV"What was that?" I tried to be calm while asking Janica that question when I opened the door of my car, but she didn't seem to hear anything from me o talagang sinasadya niya lang na hindi pansinin. Mabilis kong sinara ang pinto ng kotse ko para ma sundan siya.“Huwag kang bastoS.I am asking what was that, Janica!” Papasok na siya sa bahay kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad para maabutan siya. Mag-isa ako sa kotse ko habang nasa iisang sasakyan sila sumakay kanina."I'm tired, Kuya. Now, if you are not tired, let me rest. Let's talk tomorrow, shall we? I'm sleepy, and you should also go home; baka mamaya ay may naghihintay pala sa tawag mo, nakaakhiya naman sa iyo, sa inyo," she said seriously as she continued to walk inside the house na para bang wala talaga siyang planong sagutin ang tinatanong ko sa kanya.“Hayaan mo na. Bukas mo na lang pagsabihan,” I heard Papa said, pero dahil hindi ko nagugustuhan ang inaasta ni Janica ngayon ay tinawag ko siya ulit.I a
61Azaylie’s POV“Galing! We deserve a night out!” Biglang sambit ng baklang kaklase ko nang matapos namin ang isang group project. Si Pey.Naging abala ako sa mga sumunod na araw dahil malapit na ang exam. Malaking tulong din sa’kin iyon para hindi gaanong maisip ang sinabi sa’kin ni Janica. Gusto ni Janica na itigil ko na ang relasyon namin ng Kuya niya, pero hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang parang dnudurog na ako.Alam ko na talagang nagmumukha na akong selfish nito, pero kasi, ang hirap eh.“Yeah. We really deserve it!” Erine said kaya ako napasulyap sa kaya. Isa din sa mga ka group namin. Lima kami sa group project na ‘to at kasama ko rito si Cresia. Hinayaan nila kaming sumama sa group project na ‘to kasi out of town si Briana, in short walang bully.Napasulyap ako sa relo ko. 6 p.m. na at lowbat na rin ang phone ko. Hindi kasi ako nagdadala ng charger. Mabuti na lang talaga at nakapagpaalam naman ako na malalate ako ng uwi dahil sa group project. Kung hind ko iyon ginawa ng ma
62Napakurap-kurap ako at agad na nag-iwas ng tingin sa parteng iyon. Hindi ko kasi alam kung tama ba iyong nakikita ko, o baka nalasing na agad ako sa alak na nainom ko at kung ano-anu na ang nakikita ko. Napailing ako at napasulyap ana lang sa basong ininuman ko kanina. Para kang tanga, Zay. Hindi naman agad matatamaan ka, halos kakainom mo lang naman.Inangat ko ulit ang tingin ko at tingnan ang lugar kung saan ko siya nakita, pero nakagat ko ang labi ko nang marami ng nakaharang doon kaya hindi ko na makita kung may nakaupo nga roon at nandoon nga si Yrony at Denver.“Labas lang ako. Your lolo is calling,” naagaw ni Ivo ang atensyon ko kaya mabilis akong tumango nang magpaalam siya. Sana lang talaga at hindi magalit si Lolo.“So this is your first time? Ghad! Ilang taon ka na tapos this is your first time? Edi dapat pala ay magpakalasing tayo! You need to experience this!” Tumatawa na na sambit ni Wendy nang sabihin ni Cresia na first time niya sa mga ganito kaya ayaw na niyang um