LOGIN
Limang taon nang kasal si Sabrina sa isang lalaking hindi kailanman naging kanya. Kasalakuyan siyang nakaupo sa gilid ng kama, suot ang kanyang manipis na silk nightgown. Dalawang buwan na siyang naghihintay mula nang umalis ang asawa niyang si Thunder para sa isang business trip sa Europe at ngayong gabi ang uwi nito.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay sa tiyan at marahang hinimas ito. Wala pang umbok pero alam niyang may isang maliit na buhay na nabubuo roon. Dalawang linggo na ang nakararaan nang kumpirmahin iyon ng kaibigan niyang si Dr. Pao.
Masasabi niyang ang nangyari sa kanya’y isang himila at the same time sumpa.
Bago umalis si Thunder dalawang buwan na ang nakakalipas, may nangyari sa kanila. Sa sobrang pagmamadali ng asawa niya, nakalimutan nitong painumin siya ng birth control pill. Isang routine at nakagawian na ng lalaki sa bawat gabing magkasama sila.
Sa limang taon nilang pagsasama, tinupad ni Thunder ang lahat ng obligasyon bilang asawa niya. Binigyan siya ng marangyang buhay, mamahaling mga gamit at proteksyon. Ginawa lang ng lalaki iyon dahil utang na loob iyon sa pagligtas niya sa pamilya at kumpanya nito noon.
Lahat ibinigay ni Thunder sa kanya maliban sa pagmamahal. At alam na alam ni Sabrina na suklam na suklam si Thunder sa ideya ng pagkakaroon ng anak kung kaya’t natatakot siyang sabihin sa lalaki ang totoo.
Tumigil ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya naman bumukas ang p***o at iniluwa nito si Thunder. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa baywang, tumutulo pa ang tubig mula sa basa nitong buhok pababa sa matipuno nitong dibdib. Kahit ilang beses na niya itong nakita, bumibilis pa rin ang tibok ng puso niya. Ang mga matatalim nitong mata at walang emosyong mukha ang nagpapaluhod sa buong business world ng Maynila pero para sa kanya? Sobrang appeal at ito lang ang lalaking gustong-gusto at mamahalin niya.
"Thunder, may sasabihin sana ako sa 'yo."
Kumunot ang noo ni Thunder. Malamig siya nitong tinitigan, halatang nairita ata sa biglang pagsasalita niya.
"Kakarating ko lang, Sabrina. And yet, here you are, acting like a desperate wife waiting for her alms," malamig nitong sabi.
"Hindi. Tungkol ito sa—"
Bago pa man niya matapos ang sasabihin, mabilis na lumapit si Thunder sa kanya. Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang panga at walang pasabing sinakop ang mga labi niya. Mainit, agresibo at walang puwang para tumutol.
Nang subukan ni Sabrina na itulak ito para makapag-usap sila nang maayos, isang mapanuyang ngiti ang kumawala sa mga labi ni Thunder.
"Wag ka na ngang magpanggap, Sab. Alam ko naman kung bakit ka nandito, gusto mo rin ang ginagawa ko sa’yo," bulong nito bago siya tuluyang ihiga sa kama. Agad nitong pinunit ang night gown niya kung kaya’t napasinghap siya. "Let’s get this over with. Ito na ang huli! Pagkatapos nito, tatapusin na natin 'to."
Unti-unting kumunot ang noo ni Sabrina. “Tatapusin na?” sa isip ng babae.
Pero bago pa man siya makasagot, tinangay na siya ng mapusok nitong halik. Tuluyan nang naging manhid ang utak niya sa sakit at sa katotohanang kahit kailan, katawan lang ang habol sa kanya ng lalaking ito.
Kinabukasan, nagising si Sabrina na wala na siyang katabi. Gaya ng dati, hindi ito tumatabi sa kanya buong gabi. Pero may kakaiba ngayon. Nang bumangon siya, nahagip ng mga mata niya ang isang brown envelope sa ibabaw ng nightstand niya. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ito at nang mabasa ay halos mapaawang ang labi niya.
“P-PETITION FOR ANNULMENT OF MARRIAGE?”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Sabrina. So totoo nga, seryoso ito kagabi nang sabihin nitong tapos na sila, mukhang nagsawa na si Thunder sa kanya.
Unti-unting tumulo ang nagbabadya niyang luha sa kanyang pisngi. Ilang minuto rin niya itong tinitigan, kinurot pa nga niya ang kanyang sarili, umaasang baka nananaginip lang siya pero wala. Totoo ngang makikipaghiwalay na si Thunder sa kanya.
Wala siyang nagawa kung ‘di ang mag-ayos ng sarili. Pagbaba niya sa dining area, naabutan niya si Thunder na nakasuot ng tailored suit nito, humihigop ng kape habang nagbabasa ng balita sa tablet. Sa likod nito ay nakatayo si Anton, ang personal assistant nito.
Nang makita siya, lumapit si Anton at naglapag ng isang basong tubig at isang maliit na puting tableta sa harap niya.
"Ma'am Sabrina, para po makasiguro tayo, paki-inom na po," magalang ngunit malamig na utos ng assistant ng asawa niya.
Ang morning-after pill na pinapainom sa kanya upang hindi siya mabuntis. Nanigas ang kanyang katawan, ni hindi niya magawang damputin ang gamot na nasa harapan.
Ilang segundo ang nakalipas, napansin ni Thunder ang pag-aalangan niya kung kaya’t malamig itong tumingin sa kanya. "Ano pang hinihintay mo?"
Napakagat-labi si Sabrina, susubukang baka makalusot siya sa lalaki. "Paano... Paano kung nabuntis ako mula noong huling may nangyari sa atin bago ka umalis?"
Agad na nag-iba ang timpla ng mukha ni Thunder. "Ipapalaglag ko 'yan," walang kaabog-abog nitong sagot. "O ako mismo ang papatay diyan. Sinabi ko na sa'yo, Sabrina. Ayoko ng bata, lalo na kung galing sa'yo."
Parang pinilipit ang puso ni Sabrina. Dahan-dahan siyang ngumiti, isang pilit at mapait na ngiti upang itago ang nagdurugo niyang puso.
"Wag kang mag-alala, Thunder. Nagtatanong lang naman ako," mapakla niyang sabi. "At tsaka, saktong-sakto. Sawang-sawa na rin ako sa setup na 'to. Pipirmahan ko na ang annulment papers na binigay mo sa akin kanina."
Kinuha niya ang tableta, inilagay sa bibig at ininom ang tubig sa mismong harapan nito. Nakita niyang bahagyang nagulat si Thunder nguni agad din itong nawala. Tumayo ang asawa niya, inayos ang suit at walang lingon-lingon na naglakad palabas ng bahay.
Nang marinig niya ang pag-andar ng makina ng sasakyan nito paalis, doon na gumuho ang mundo ni Sabrina. Mabilis siyang tumakbo papuntang kusina, isinuka nang isinuka ang gamot hanggang sa wala nang matira sa sikmura niya. Naluluha siya habang nakahawak sa kanyang tiyan niya.
"Baby, I'm sorry, I am so sorry… Hindi ko hahayaang saktan ka niya. Tayong dalawa na lang ang lalaban, hinding-hindi kita iiwan kagaya ng ginawa sa atin ng ama mo."
Alas-diyes ng umaga nang magpasyang pumunta si Sabrina sa St. Luke's Medical Center. Gusto niyang masiguro na hindi naapektuhan ang baby niya sa nangyari kagabi dahil masakit pa rin ang puson niya.
Habang naglalakad siya papasok ng VIP entrance, bigla siyang napatigil at awtomatikong nagtago sa likod ng isang malaking poste. Huminto sa mismong driveway ang pamilyar na itim na Maybach. Bumaba roon ang mga bodyguard at mula sa driver's seat, lumabas si Thunder.
Pero hindi ito nagmamadali papunta sa opisina. Umikot ito sa kabilang p***o, maingat na binuksan iyon at inalalayan ang isang magandang babaeng naka-sunglasses na bumaba ng sasakyan.
Kitang-kita niya kung paano maingat na inalalayan ng asawa niya ang isang babae na para bang isa itong pinakamahal na dyamante sa mundo. Ang pag-iingat at lambing na ni minsan, hindi niya naramdaman sa loob ng limang taon nilang pagsasama.
Unti-unting nadurog ang puso ni Sabrina habang nakatingin sa dalawa. Buntis siya at si Thunder ang ama pero para sa lalaking iyon, isa lang siyang basurang madaling itapon ngayong nagbalik na ang babaeng totoong nagmamay-ari ng puso nito.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang tuluyang maglaho si Sabrina na parang bula.Sa loob ng panahong iyon, unti-unting naramdaman ni Thunder ang bigat ng kawalan nito, hindi lang sa kumpanya, kundi maging sa mismong bahay na tinawag nilang tahanan.Alas-tres ng madaling araw, nakatayo si Thunder sa harap ng malaking floor-to-ceiling window ng kanyang penthouse habang hawak ang isang baso ng whiskey. Madilim na ang buong kwarto. Wala na ang mainit na ilaw na laging sumasalubong sa kanya tuwing umuuwi siya ng gabi. Wala na ang amoy ng bagong lutong hapunan at wala na rin ang babaeng tahimik na naghihintay sa sofa pero nakangiti kahit pagod na.Sa halip, ang bumabalot sa buong penthouse ay ang masangsang at matapang na amoy ng mamahaling pabango ni Alexa.“Thunder, babe, why are you still awake?”Napapikit nang mariin si Thunder nang marinig ang boses ni Alexa mula sa pinto ng kwarto. Nakasuot ito ng manipis na silk robe, pupungas-pungas pero halatang iritado."I'm just thinking ab
Dumating ang lunes ng umaga, para kay Thunder ito na sana ang simula ng perpektong linggo niya. Wala na ang babaeng pilit na ipinakasal sa kanya at sa wakas ay nasa tabi na niya ang babaeng totoong nagmamay-ari ng puso niya. Ngunit pagkapasok pa lang niya sa kanyang opisina, ramdam niya na para bang may mali. Wala ang paborito niyang kape sa ibabaw ng mesa. Ang mga dokumentong kadalasang naka-arrange by priority na may kasamang maliliit na sticky notes ay nakatambak lang na parang basura.Agad niyang pinindot ang intercom. "Anton, nasaan ang kape ko?""S-Sir," nauutal na sagot ng assistant niya. "Tinitimpla ko na po. Pero hindi ko po makuha 'yung saktong timpla ni Ma'am Sabrina. Siya po kasi talaga ang personal na nagtitimpla niyan para sa inyo tuwing umaga."Kumunot ang noo ni Thunder. "It's just coffee, Anton. Wala na si Sabrina rito kaya matuto kang gumawa ng sarili mong trabaho."Pinatay niya ang intercom at padabog na umupo. Pilit niyang iwinawaksi ang iritasyon. “Coffee. Right
Samantala, nakatayo lang si Thunder sa loob ng opisina. Ang paningin niya’y nakapako sa ibabaw ng kanyang mahogany desk. Nariyan ang Irrevocable Resignation Letter ni Sabrina at sa ibabaw nito ay ang Petition for Annulment na pirmado na ng babae na walang anumang pag-aalinlangan. At sa mismong gitna, tila nang-aasar na kumikinang sa ilalim ng ilaw ang two-carat diamond wedding ring na ibinigay niya rito limang taon na ang nakararaan.Wala itong kinuha, ni wala itong hiningi sa kanya. Umalis ito na parang wala lang. Isang pamilyar na pabango ang sumira sa pagmumuni-muni niya. Naramdaman ni Thunder ang malambot na mga braso ni Alexa na yumakap sa kanya mula sa likuran. Ipinatong ng babae ang baba nito sa balikat niya at nag-aalalang nagsalita."Thunder. I feel so bad," malambing ngunit malungkot na sabi ni Alexa. "Dahil ba sa akin kaya umalis ang asawa mo? Paano na 'yan? Sabi nila, magaling daw siya eh. Baka bumagsak ang Alcantara Group kapag nawala ang Marketing Director niyo."Kumuno
Nasa labas lang si Thunder ng banyo, nakatayo sa tabi ng pinto habang nakahawak sa bewang ni Alexa. Madilim ang mga mata ng asawa niya, isang tingin na pamilyar kay Sabrina. Ito ang tingin ni Thunder kapag may isang bagay na pumupukaw sa inis nito. At sa pagkakataong ito, malinaw kung sino ang dahilan nun."Anong nangyayari rito?" malamig na tanong ni Thunder, sapat na para magtayuan ang mga balahibo ng tatlong chismosang empleyado.Agad na nakakita ng pagkakataon si Cindy. Mula sa pagiging matapang kanina, bigla itong nagpaawa, nangilid ang mga luha at napayuko. "S-Sir Thunder, humihingi lang po kami ng pasensya kay Ma'am Sabrina. N-Nagalit po kasi siya nung nagtanong kami kung babalik na si Miss Alexa sa kumpanya.” Napatiim-bagang si Sabrina. Ang galing! Isang ahas at sinungaling. Handa na sana siyang magsalita para ipagtanggol ang sarili, ngunit naunahan siya ni Alexa.Hinawakan ni Alexa ang braso ni Thunder saka malambing na nagsalita. "Thunder, wag ka nang magalit. I'm sure pag
Hindi alam ni Sabrina kung paano siya nakarating sa Obstetrics and Gynecology department ng St. Luke's. Parang nakalutang ang mga paa niya habang naglalakad. Paulit-ulti na nag-re-replay ang senaryong bumunga sa kanya kanina. Kahit na ganun, rinig na rinig pa rin niya ang bulong ng mga nurses at pasyente na para bang sinasadyang iparinig sa kanya. "Diba si Alexa Ysmael 'yan? 'Yung sikat na artista at model?""Buntis pala siya! At grabe, kasama pa niya si Thunder Alcantara! 'Yung CEO ng Alcantara Group. Ang gwapo niya sa personal, ano? Mas gwapo pa kaysa sa mga magazine at TV!""Ang perfect nilang dalawa ‘di ba? Bagay na bagay! Imaginin mo na lang kung gaano kaganda 'yung magiging anak nila.""Shh! Hinaan niyo boses niyo, ang daming bodyguard oh. Papalapit na sila."Napatigil si Sabrina, unti-unti niyang inangat ang tingin niya. Totoo ngang naglalakad si Thunder pabalik, may hawak na ultrasound result at ilang resibo. Sa tabi nito ay si Alexa, nakangiti nang pagkatamis-tamis habang na
Limang taon nang kasal si Sabrina sa isang lalaking hindi kailanman naging kanya. Kasalakuyan siyang nakaupo sa gilid ng kama, suot ang kanyang manipis na silk nightgown. Dalawang buwan na siyang naghihintay mula nang umalis ang asawa niyang si Thunder para sa isang business trip sa Europe at ngayong gabi ang uwi nito.Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay sa tiyan at marahang hinimas ito. Wala pang umbok pero alam niyang may isang maliit na buhay na nabubuo roon. Dalawang linggo na ang nakararaan nang kumpirmahin iyon ng kaibigan niyang si Dr. Pao.Masasabi niyang ang nangyari sa kanya’y isang himila at the same time sumpa. Bago umalis si Thunder dalawang buwan na ang nakakalipas, may nangyari sa kanila. Sa sobrang pagmamadali ng asawa niya, nakalimutan nitong painumin siya ng birth control pill. Isang routine at nakagawian na ng lalaki sa bawat gabing magkasama sila. Sa limang taon nilang pagsasama, tinupad ni Thunder ang lahat ng obligasyon bilang asawa niya. Binigyan siya







