Share

Kung Pwede Lang
Kung Pwede Lang
Author: chicaconsecreto

Prologue

Palitan ng putok ng baril.

Pagsabog.

Patayan.

At pagdanak ng dugo.

Hindi ko na alam kung magwawakas pa ba ang nangyayaring ito sa paligid naming dalawa ngunit pinagdarasal ko na sana ito na ang huling beses na masasaksihan 'to ng anak ko. Ayaw kong lumaki siya sa takot at pagtatago. Gusto kong magkaroon siya ng buhay na normal. 

"Trixie! Sumakay ka na, bilis!" sigaw ng taong mahal ko na ngayon ay nakasakay na sa isang speed boat kasama ang munting anghel ng buhay ko.

Ngunit nanatili pa din akong nakatayo dito sa lupa at tinatanaw ang nasusunog naming tahanan. 

"Mommy!" Maging ang aking anak ay umiiyak na. Ngunit bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko?

Akmang tatahakin ko na ang direksyon papunta sa kanila nang marinig ko ang isang boses ng lalaki mula sa aking likuran.

"Trixie—"

Napasigaw ako nang biglang may nagpaputok ng baril at tinamaan ang kung sino man ang nasa aking likuran. Pagharap ko dito ay para bang pinipiga ang puso kong nakatingin sa isang lalaking nakahandusay sa lupa at naliligo sa sarili nitong mga dugo. 

Ang papa ko…

Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Sa mga taong walang ginawa kundi ang tulungan ako? O sa isang taong minahal ako kahit hindi niya 'ko tunay na anak?

—————

Plagiarism is a crime.

Kung Pwede Lang

All rights reserved @2021

© chicaconsecreto

A/N: Names of people, places, events or organizations are based solely on the author’s imagination. Whether or not it bears a resemblance to the life of the reader, it is not merely intentional and only coincidental.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status