Share

Chapter 102- SORROW

LABIS na ikinabigla at ikinalungkot ni Andrea ang ibinalita sa kaniya ni Julie. Sa maiksing panahon kasi na nakasalamuha niya ang mga miyembro ng Crow ay naramdaman niya kung gaanong kabuting tao ang mga ito.

Marami sa mga namatay ang makailang beses na rin niyang nakasama at nakausap, kaya naman labis ang kaniyang kalungkutan na malamang sumakabilang-buhay na ang mga ito.

Kaya naman nang malaman niya na ipinasusundo ni Jonas ang immediate family ng bawat namayapa ay nag pumilit siyang sumama. Hindi naman siya nabigo kay Julie dahil pinagbigyan din naman siya nito kahit pa ilang beses itong tumanggi.

Sinundo siya ni Julie sa tapat ng isang sikat na convenience store. Nakasuot pa siya ng kulay itim na bull cap at sunglasses upang hindi siya basta-bastang makilala ni Leopold sa sandaling makasalamuha niya ito roon.

Pagdating sa safe house kung saan nakalagak ang mga labi ng mga miyembrong nasawi ay kagyat na nagtungo siya sa pinakahulihan.

At dahil gabi na rin naman at nasa open ground
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status