Share

Chapter 101- CHOOSING REVENGE

UMAGA na ngunit tulala pa rin si Leopold. Maraming bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.

Nasa loob sila ng medical facility ng Crow. Ginagamot sa isang silid ang mga miyembrong may tama ng baril habang sa kabilang silid naman nila inihilera ang bangkay ng kanilang mga nasawing kasamahan.

“Damn those bastards!” nanggagalaiti sa galit na saad ni Flint. Mayroon pa itong bitbit na saklay.

“Leopold! Sumunod ka sa akin.” Madilim ang anyo na utos ni Jonas.

Hindi naman na siya nag dalawang salita pa sapagkat kagyat na tumayo mula sa pagkakaupo si Leopold at sumunod sa nakatalikod na lalaki.

“Look at this…”

Hinila ni Jonas ang kumot na nakatakip sa isang bangkay. Pero ang bangkay na ito ay hindi nagmula sa panig nila. Isa ito sa mga lalaking umatake sa kanila na nagawa nilang mapabagsak.

Itinuro pa ni Jonas ang kanang braso nito. Nakaburda roon ang simbolo ng limang bilog na pawang kulay ginto.

“Golden Circle,” bulalas ni Leopold.

“Those motherfuckers did all of these?”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status