Kakalapag lang nila sa Ninoy Aquino International Airport galing ng London. Kanina pa siya iyak nang iyak. Simula sa London, hindi mawawala sa isip na baka hindi na niya maabutan si Hunter. Mugto na ang mga mata niya. Nakasuot lang siya ng malalaking glasses para hindi siya mapansin ng mga tao. Pero sa eroplano ay panay ang hikbi niya."Stop it, Yassy... andito na tayo... makikita mo na si Hunter." saway ng kuya niya. Pati ito ay mugto na din ang mata sa likod ng aviator shades na suot nito. Alam niyang nag-aalala din ito kay Hunter na bestfriend nito kahit magkaaway ang dalawa... at dahil iyon sa kanya."Kuya, I can't help it... paano kung hindi na natin siya maabutan?""Let's just pray na malayo siya sa kapahamakan, Yass... mabubuhay siya." Caleb assured her."Sana nga, kuya. Huhuh... di ko kakayanin na mawala si Hunter sa buhay ko. I love him so much... huhuhuh..."Tahimik lang si Caleb. Wala siyang pakialam kung malaman nito ang totoong damdamin niya para sa dating nobyo. Kahit pa
Wala nang nagawa ang mommy niya dahil hindi naman siya mapilit nito. Pasimpleng tiningnan ni Yassy si Olivia na tahimik na umupo sa kabilang sulok. Tumabi naman si Mike at hinaplos ito sa likod, tila pinapakalma. Napataas ang kilay niya. May kakaiba sa kilos ng dalawa. Para ba talaga kay Hunter ang papunta ni Mike doon… o para kay Olivia?Naputol ang pag-iisip niya nang lumabas na ang doktor mula sa recovery room.Agad siyang tumayo. “Doc, kamusta po si Hunter?”"Kayo po ba ang pamilya?” tanong ng doktor.“Opo, kami po ang mga magulang...” sagot agad ni Tita Helen at Tito Joaquin.“Ligtas na po sa kapahamakan ang pasyente sa ngayon, pero hindi pa natin masasabing ligtas na siya hangga’t hindi siya nagigising. He is still in a coma. Marami pong dugo na nawala sa kanya, at naipit ang isa niyang paa kaya kailangang lagyan ng support cast. May mga sugat din sa mukha niya mula sa salamin ng kotse. Buti na lang at hindi sa mata... kung hindi, may posibilidad na mabulag siya.”Tahimik lang s
Tumigil lamang ang kanilang pag-uusap nang dumating ang doktor, kasunod ang stretcher kung saan nakahiga si Hunter. Inilapit ito sa kama niya at itinabi roon.“Dito na po magpapagaling si Sir Hunter. Bisita-bisitahin ko na lang po siya dito.” wika ng doktor bago nilapitan ng pamilya si Hunter.Hindi pa rin ito nagkakamalay at puno ng tubo ang katawan, dahilan para kusang tumulo ang luha niya. Awang-awa siya kay Hunter.“Kamusta ka na, Yassy? Mas magaan na ba ang pakiramdam mo? Huwag kang masyadong ma-stress, masama 'yan sa baby mo.” nakangiting paalala ng doktor.“Maiiwan ko muna kayo. Kung may kailangan kayo, nasa clinic lang ako.” paalam nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.Ngayon, pareho na silang pasyente ni Hunter.“Magpagaling ka, anak...” sabi ng kanyang mommy habang hinihimas ang kanyang buhok. “Magpalakas ka para sa anak mo. Kapag nagising si Hunter at nalaman niyang pinabayaan mo ang anak niya ay siguradong magagalit 'yon.”Napaiyak siya... Alam niyang masaya ang ina para s
“Me too, Mom…” malungkot na sabi ni Caleb. “Pinagbawalan ko siyang makipagkita kay Yassy. Sinuntok ko pa siya para lang tantanan ang kapatid ko. Pero hindi ko alam… siya pala ang biktima dito. Kawawa naman ‘yung bestfriend ko…” sising-sisi si Caleb sa ginawa kay Hunter.“Huhuhu… hindi ko lubos maisip ang hirap na pinagdaanan ng anak ko…” umiiyak na wika ni Tita Helen. “At heto siya ngayon… nakaratay sa ospital… at hindi pa natin alam kung magigising pa siya…”“Don’t say that, sweetheart!” sagot ng daddy ni Hunter kay Tita Helen. “Mabubuhay ng anak natin. Magtiwala lang tayo... lalo na’t magkakaanak na sila ni Yassy. Let’s just look on the brighter side. Kapag gumaling si Hunter, puwede na silang magpakasal ni Yassy, magbuo ng pamilya gaya ng dati nating planong lahat simula pa ng mga bata pa sila.” Puno ng pag-asang sabi ni Tito Joaquin.Nagkaroon ng liwanag sa puso ni Yassy. Totoo nga... siya lamang ang babaeng minahal ni Hunter. At ngayong magkakaroon na sila ng anak, nagkaroon siya
Isang linggo na ang nakalipas, maayos na ang pakiramdam niya. Pinayagan na din siya ng doctor na makauwi. Si Hunter na lang ang nanatiling nasa ospital.Kasalukuyan siyang nagbabantay kay Hunter. Wala pa din itong malay, pero normal na ang mga results nito ayon sa doctor. Nakikita naman nila na lumalaban si Hunter para sa buhay nito."Babe..." pabulong na wika niya habang hawak ang kamay nito at hinahaplos. Nakaupo siya sa tabi nito. "Gising ka na please... I'm here, hindi na kita iiwan. Magising ka lang diyan, papayag na akong magpakasal sa'yo agad... We're going to have a baby soon at sana 'wag mo akong iwan, okay? Lumaban ka pa babe..." tumutulo ang luhang sabi niya. Palagi niya itong kinakausap kapag dalawa lang silang naroon. Gusto niya din alagaan ang nobyo dahil doctor naman siya. Si Hunter ang una niyang pasyente simula ng dumating siya galing London.Though hindi naman siya nagtatrabaho sa ospital, pero personal niya itong inaalagaan. She makes sure na tama ang lahat ng pina
"I'm sorry for all the pain I've caused you, babe... but believe me... I didn't mean to hurt you.""Ssshhh... I believe you, babe... wag ka na masyadong magsalita dahil makakasama 'yan sa'yo. Now take a rest..." utosa nya"H-hindi ka aalis?"Napangiti siya. "No... dito lang ako...""P-promise?""Yes..." mahinang sagot niya saka nginitian ito ng matamis to assure him that she will never ever leave him again. Nilapit niya ang mukha dito saka dinampian ng halik sa labi ang nobyo."Take a rest, babe..."Ngumiti ito at muling pinikit ang mga mata... madali pa itong mapagod dahil hindi pa ito masyadong nakaka-recover. But one thing is for sure... ang saya-saya niya sa araw na 'yun dahil gising na si Hunter.Ang gagawin na lang nila ay hintayin itong tuluyang gumaling. Hindi pa niya nasabi dito ang magandang balita na buntis siya. Surprise niya iyon sa nobyo sa muli nitong pagising.Habang pinagmamasdan niya ang mahimbing na pagtulog ni Hunter ay hindi niya mapigilang mapaluha. Sa wakas… mat
Kinabukasan ay napabalikwas siya ng gising. Agad niyang tiningnan ang oras. It's already 8 in the morning! Ala sais siya natulog kagabi! Gano’n kahaba ang tulog niya?“Shit!” wika niya saka dali-daling naligo at nagbihis. Pupunta siya sa ospital. Baka magising na si Hunter at hanapin siya. Mabuti na lang at mukhang hindi maselan ang pagbubuntis niya. Hindi rin siya ang nagke-crave ng kung anu-ano. Baka kasi walang time ang utak niyang mag-isip ng ike-crave dahil abala siya sa pag-aalaga sa nobyo.Pagkatapos magbihis ay kinuha niya ang pinatong niyang paper bag na laman ng sapatos ni baby at lumabas na ng condo. Nag-taxi na siya papunta sa ospital. Kapag magpasundo siya sa driver ay baka mas lalo pa siyang matagalan.Nainis siya dahil naipit pa siya sa traffic. Peak hours na kaya madami nang sasakyan sa kalye. Aabutin ata siya ng dalawang oras sa kalsada. Inip na inip na siya. Gusto na niyang mag-unat ng katawan.Nang sa wakas ay nakarating din sila ng ospital ay agad siyang pumunta sa
It’s been 1 week simula nang nagising si Hunter ay tuloy-tuloy na din ang paggaling nito. Mukhang excited na ito lagi sa buhay... nababanaag na sa mukha nito ang saya. Siya pa din lagi ang nagbabantay. Ang gusto ni Hunter ay palagi siya nitong nakikita. Wala din namang problema iyon sa kanya dahil ‘yun din naman ang gusto niya. Gusto niyang alagaan ng mabuti ang nobyo para mabilis ang paggaling nito. "Kainin mo na ang prutas mo..." pilit niya kay Hunter. Tinitikom nito ang bibig na parang bata. Nakasandal ito sa headboard ng kama habang nakaupo. Ang isang paa nito ay may semento pa din kaya hindi pa ito makakababa ng kama. Magkakaroon pa ito ng therapy para sa legs. Pero baka pagkalabas na nila ng ospital iyon gagawin. "I’m already full. Kanina mo pa ako pinapakain. Iba naman kaya ang ipakain mo sa’kin..." pabulong na wika nito na parang nanunudyo. Nandoon pa naman ang mga magulang nito. Tiningnan niya ito ng masama at kinurot. "Shut up, Hunter... napakabastos mo talaga."
“Kahit pa hindi nangyari 'yon, ay nagdadalawang-isip na din ako sa pagsagot sa’yo, Caleb. Hindi ko alam kung maibibigay ko ang mga kailangan mo na pwedeng maibigay ni Camila o ng ibang mga babae mo... Hindi ako ganoon.”“Pero hindi naman 'yon ang habol ko sa’yo, Belle... Believe me! I love you... You just misinterpreted me dahil nasa utak mo na na ganoon ako... You never gave me a chance. Pakiramdam mo ay sa kada lapit ko, may gagawin ako sa’yo, ji-nudge mo na agad ako wala pa man. Di mo ako pinagkakatiwalaan... and it hurts me too, Belle!”Hindi siya sumagot. Marahil nga totoo. Na-judge na niya ito bago pa man, pero nasaktan pa din siya.“Belle, please... Bukas uuwi na kami ng Pilipinas. Ihahatid ko lang si Yassy tapos babalikan kita dito. I want to make this right with you... Mahal kita, Belle.”“No thanks. You don’t have to do that. Samahan mo na lang doon si Yassy. She needs you. I’m gonna be okay here. At buo na ang desisyon kong makipaghiwalay sa’yo. Wala ka nang obligasyon sa a
Pinahid niya ang mga luha bago buksan ang pinto ng apartment nila. At hindi nga siya nagkamali, andoon na si Yassy, nakaupo sa veranda at mukhang tulala na naman. Mukhang naramdaman na niya ang sakit na nararamdaman ni Yassy ngayon... Ang tigas kasi ng ulo niya. Hindi siya nakinig sa kaibigan.Dumiretso siya ng kwarto at hindi ginambala si Yassy. Mas gusto niya ding mapag-isa. Lihim siyang umiiyak sa loob ng kwarto niya. Bahala na kung magtatanong si Yassy kung bakit siya mugto ang mata niya. She can't help but cry. Kailangan niya ilabas ang sama ng kanyang loob sa pamamagitan ng pag-iyak. Mas masakit lang sa kanya because she has nothing to talk to... Walang dadamay sa sakit na nararamdaman niya dahil ayaw niyang sabihin kay Yassy ang pinagdadaanan niya. Maya-maya ay ang ring ng cellphone niya... It's her dad. “H-Hello, Dad?” garalgal ang boses niyang sabi.“Hey, Princess...” masayang bati ng Daddy niya. Gusto niya lalo umiyak. She wants to hug her dad. Pero ayaw niya din na malam
"Oh yeah?! Ang bilis naman! Kahapon lang tinanong kita, sabi mo wala kayong relasyon? Natakot kang maagawan no? Hahaha...Don't worry, he is yours... titikim lang ako."Muli niya itong tiningnan ng masama."Chill, Belle!... Parang di ka na mabiro. I was just joking!"Mabuti na lang at nagbukas na ang elevator at dumating na siya sa opisina. Hindi na niya masakyan ang pang-iinis ni Camila. Kung tatagal pa sila doon ay baka nasabunutan na niya ito."Bye, Belle!" Nakangising kumakaway pa ito nang lumabas siya ng elevator. Nasa taas pa ang opisina nito. Senior model si Camila sa kanya pero mas madami siyang project kesa sa hitad. Kaya siguro inggit na inggit ito dahil kahit kakapasok pa lang niya sa kumpanyang iyon ay siya na agad ang pinag-aagawan ng mga brand company.Humugot siya ng malalim na hininga para iwaksi ang pagkainis kay Camila at nagpatuloy sa conference room para sa photoshoot. Ayaw niyang maging busangot ang mukha niya.Isa din 'yun sa paraan ni Camila para sirain siya, iin
Nakahinga siya ng maluwag saka dali-daling nagbihis. Naiinis siya kay Caleb dahil ang tigas ng ulo nito. Bakit ang sarili lang nito ang iniisip? Pakiramdam niya tuloy ay niligawan lang siya nito para makuha siya. At pagkatapos, ano? Kapag nakuha na siya nito, itatapon din siya katulad ng ginawa ni Hunter kay Yassy?Gusto niyang intindihin si Caleb pero bakit hindi siya nito maintindihan? Gusto niyang isipin na iba ito sa mga lalaki at hindi katulad ni Hunter, pero sariling kapatid nito mismo ang nagsasabi na huwag siyang magtiwala kay Caleb. 'Yun ang dahilan kaya natatakot siya kay Caleb… Oo, mahal niya ang lalaki, pero gusto niya din isipin ang sarili niya.Paglabas ng kwarto ay nakasimangot siyang nakatingin dito. Wala din itong imik nang tumayo sa upuan."Let's go?"Nagpatiuna itong lumabas. Hindi siya nito hinintay. Nararamdaman niyang nagtampo din ito. Pakiramdam niya ay first fight nila iyon. Napaisip tuloy siya, mas okay pa sila noong hindi niya ito sinagot… chill lang sila at
Kinabukasan ay maaga siyang nagising, wala na si Yassy sa tabi niya. Maaga itong pumunta sa school para asikasuhin ang ibang pang papeles sa pagka-graduate nila. Siya naman ay may pictorial mamaya sa agency bilang sa pagpa-part time model niya.Napapaisip siya... pagka-graduate nila ay mag-isa na lang siya doon dahil uuwi naman si Yassy sa Pilipinas. Binigyan ito ng trabaho ng dad niya. Hindi na rin siya pwedeng samahan doon ni Caleb palagi, may sarili din itong negosyo at career sa Pilipinas. Baka bisitahin nalang cya doon ng nobyo."Good morning…"Nagulat siya, biglang bumukas ang pinto niya at niluwa doon si Caleb."G-Good morning... What are you doing here? Baka makita ka ni Yassy..." pagdadahilan niya."Umalis na siya kanina pa." wika nito saka tuluyan nang pumasok sa kwarto niya. Umupo ito sa kama.Napahawak siya sa kumot… wala kasi siyang bra."Wala ba akong good morning kiss?" nakangiting wika ng nobyo niya."Ah, eh wala pa akong toothbrush eh…" bigla siyang na-conscious kaya
Magkahawak-kamay sila ni Caleb umuwi sa apartment nila. Pero pagpasok ng unit ay umaakto silang normal. Hindi nila pinapahalata kay Yassy na may relasyon na sila. Hindi pa siya handa na malaman ng kaibigan niya. Alam niya na may problema pa itong iniisip dahil kay Hunter. Ayaw niyang dumagdag sa iniisip ni Yassy."Hi bestie..." bati niya sa kaibigan nang pumasok sila. Nakaupo ito sa sofa at nanonood ng TV pero alam niyang wala naman sa pinapanood ang atensyon nito."Saan kayo galing? Bakit magkasama kayo?" Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila."Ah eh... nagkita lang kami sa baba. Sabay na kaming umakyat." pagdadahilan niya saka tinabihan ito sa sofa."What are you watching?" pag-iiba niya ng usapan. Si Caleb naman ay dumiretso sa kitchen at inayos ang dala nilang pizza para sa dinner nila."I don't know...""Nagsasayang ka ng kuryente. Di mo naman pala alam ang pinapanood mo... may problema ka ba?"Bigla itong tumahimik at umiyak."Bestie... Wag kang gagaya sa akin ha... kasi masak
"Ganun ba ako kasama sa paningin mo, Belle? Hindi mo pa ba nakikita ang effort ko na magbago? Simula ng makilala kita ay ikaw na lang ang babae sa buhay ko. Hindi na ako tumingin sa iba. That's how I love you, Belle." Lihim siyang kinilig. "Pero paano si Yassy?" "Ako ang bahala sa kanya... sagutin mo lang ako..." Hindi na niya napigilan ang ngumiti... Ang totoo ay mahal naman niya talaga si Caleb... Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong feeling sa isang lalaki. "S-sige... sinasagot na kita." nahihiyang wika niya saka yumuko. Sa edad niyang iyon ay ngayon pa lang siya nagkaroon ng nobyo at si Caleb ang first boyfriend niya. "Talaga, Belle?" tanong nito, tila hindi makapaniwala. "Y-yes, sinasagot na kita..." muling sabi niya. Ramdam niyang pulang-pula na ang pisngi niya sa hiya. Caleb cupped her face. "Look at me, Belle," utos nito. Agad naman siyang tumango ng tingin at nakipagtitigan dito. Parang matutunaw siya sa pamamaraan ng pagtitig ni Caleb sa kanya... "Tama ba ang
CALEB LEDESMA & BELLE LAUREL: BELLE POV: Kasalukuyan siyang nasa kwarto na inookupa niya sa mansion ng mga Ledesma. Tapos na ang kasal ng bestfriend niyang si Yassy, kaya pwede na siyang umuwi ng Manila o di kaya bumalik ng London. Hindi naman sa ayaw niya doon. God knows kung gaano siya na-in love sa lugar na 'yon pati sa mga kaibigan ng bestfriend niya. Everybody is so welcoming... feel niya na belong siya doon, parang matagal na silang magkakilala kahit pa ngayon niya lang na- meet ang mga ito. Ang totoo ay ayaw pa niyang umalis pero kailangan na dahil ayaw na niyang makasalamuha pa ulit si Caleb. Habang nakikita niya ang lalaki ay naaalala niya ang ginawa nitong pananakit ng damdamin niya. Napapaluha na lang siya habang naaalala... wala siyang pinagsabihan kahit na sino. Maging sa bestfriend niyang si Yassy. Okay naman sana sila ni Caleb noong nasa London sila. They had mutual feelings. Alam niyang gusto siya nito at gusto niya din ang lalaki. Kahit na ang paninira
**********HONEYMOON:"Put me down, Hunter!" natatawang wika niya nang binuhat siya ng asawa mula sa baba papunta sa kanilang kwarto."Ano ba... baka mahulog ako!...""I will not let you fall, babe... syempre iingatan kita, at saka ang anak natin."Nang buksan nito ang kwarto nila ay dahan-dahan siyang nilapag sa kama. Tinitigan siya nito ng maigi na tila sinasaulo ang kanyang mukha."I love you, Mrs. Rosales. I finally call you my wife."Ngumiti siya pabalik at kinawit ang dalawang bisig sa leeg ni Hunter. "I love you too, my hubby. Naabot mo rin ang pangarap mong pakasalan ako, huh?" biro niya."Hahahaha!" ang lakas ng tawa nito."Oo nga, noh? Ilang beses din kitang sinubukang pikutin...""And I'm so happy too, babe... Kung hindi ka pa muntik nang mawala sa akin ay hindi ko pa mare-realize kung gaano ka ka-importante sa akin." Naalala niya nang muntik nang mamatay ang asawa kaya napauwi siya galing sa London. Since then, ay pinangako na niya sa sarili na mabuhay lang si Hunter ay ib