Share

CHAPTER 590

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-10-21 23:49:19

Wala siya sa sarili habang nakasakay sa tricycle pauwi ng bahay nila. Kanina pa sila naghiwalay ni Tere kung kaya’t mag-isa na lang siya. Malungkot siya dahil sa mga sinabi ni Gov sa kanya. Hindi niya akalain na gano’n kabilis ang naging relasyon nila ni Mayor Elijah... mas maiksi pa sa isang linggong pag-ibig. Isang araw lang ang sa kanila.

Kaya ba hindi na rin tumatawag o nagte-text si Mayor sa kanya? Kung hindi pa siya mag-text ay hindi rin ito nagre-reply. Ang akala niya ay busy lang ang nobyo niya, ‘yun pala ay nagdadalawang-isip na ito. Mabuti na lang at hindi pa niya naibigay ang sarili sa lalaki. Kapag nagkataon ay pagtatawanan lang siya nito.

Akala pa naman niya ay seryoso si Mayor sa kanya, kita niya sa mga kilos nito na gusto talaga siya. Pero bakit naging ganito?

“Ne, saan ka ba bababa?” Napapitlag siya sa tanong ng driver.

“Huh? Ah, eh…” Palinga-linga siya sa paligid. Sobra na siya sa kanyang babaan sa lalim ng mga naiisip.

“Pakibalik na lang ako, Kuya, sumobra po ako sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 608

    Pagkatapos nilang kumain ay gumala naman sila sa department store. Shoulder bag na mamahalin ang binili ni Tanya. Si Tere naman ay konti lang ang binawas sa perang binigay niya. Naghihinayang itong gumastos dahil hindi naman daw ito materialistic. Mas mabuti daw na ibigay na lang sa nanay nito para pangkain ng pamilya nila.Naawa siya kay Tere, ganun na ganun ang nararamdaman niya noong walang-wala sila. Si Tanya naman ay mabilis lang namang magkaroon ng pera dahil madami itong raket. Pero lately ay mahina daw ang kita kaya tuwang-tuwa nang bigyan niya ng pera.“Sa graduation n’yong dalawa, sasama ako ha.” sabi ni Tanya“Oo naman! Dapat andoon ka. Hindi ako papayag na hindi ka pupunta. Tapos mag-bonding ulit tayo.” Pangako niya sa dalawa. Pipilitin niyang muling i-treat ang dalawa sa huling araw nila sa Pilipinas.“’Wag na, Paulette! Kahit doon na lang tayo sa McDo o Jollibee.”“Hindi… ako ang bahala sa inyo.” pamimilit nya“Pero pupunta din si Mayor, di ba? Baka mawalan ka ng time sa

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 607

    “Huy, Paulette! Saan ka kumuha niyan?! Ang dami mong pera!” nanlaki ang mga mata ni Tanya“’Wag mo sabihing na-encash mo na ang isang milyon na binigay ni Gov. Felix sa’yo.” Dugtung naman ni Tere “Huh? Anong isang milyon?” gulat na tanong ni Tanya. Sila naman ang nagtinginan ni Tere.“Kasi ang daddy ni Mayor Elijah, binayaran si Paulette para layuan si Mayor dahil hindi daw siya ang gusto para sa anak niya.”“Huh? Ang yabang naman nila!” inis na sabi ni Tanya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin, Paulette?”“Pasensya ka na, Tanya. Hindi ko na nasabi… hindi naman importante. Saka hindi ko in-encash noh! Ibabalik ko ang isang milyon niya. Hindi ko kailangan ’yun.” Mayabang na sabi niya.“Saan ka kumuha ng pera kung ganun?”“Basta!” tipid na sagot niya. Bawal sabihin ang totoong estado niya ngayon.“Anong basta!… baka nagbebenta ka ng drugs ha? Imposible naman na magkaroon ka ng ganyan kalaking pera!?”Humugot siya ng malalim na hininga. Kating-kati na ang dila niya na i-share ang kanyang ka

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 606

    Namumula pa din siya habang pabalik sa kanyang mama at mga kapatid na ini-enjoy ang lambot ng kama.“O, bakit parang hindi ka maihi na pusa diyan?” nagtatakang tanong ng mama niya.“Ah, eh wala ma…” sagot niya. Ayaw niyang ikuwento ang kanyang nahahalata na parang nagpapa-cute si Atty. Chan sa kanya. Baka sabihin ng mga ito na kapal ng mukha niya.“Ma, ang sarap pala maging mayaman kapag ganito kalambot ang kama at ganito kaganda ang tinitirhan!” sabi ni Charlotte na pagulong-gulong sa kama.“Madami pang pagkain dito sa lamesa, ate. May chocolates at cake!” excited naman na sabi ni Asherette habang puno ang bunganga ng pagkain.“Kulang pa ito, anak. Kapag makapunta tayo sa China ay baka malula kayo sa karangyaan natin.”“Nakapunta ka na ba sa China, ma?” tanong nya.“Oo naman, doon ako pinanganak eh. Ang daddy lang ang nagpumilit na dito kami titira sa Pilipinas. ’Yun pala, dahil may kabit siya dito at para hindi makikita ni lolo ang kanyang gagawing pananakit kay mommy.”“Napakawalan

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 605

    Nakahiga siya sa kanyang kama. Mag-a-alas dose na pero hindi pa rin siya makatulog. Iniisip niya ang pinag-usapan nila ng kanyang mama Elise. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa kanyang utak na mayaman pala sila... at hindi lang basta mayaman, isa sa pinakamayaman sa buong mundo!Ang dami niyang hugot sa buhay dahil sa kahirapan. Kung ano-anong trabaho ang pinasok niya para lang mabuhay sila. Isang beses naging escort pa siya. Nagkaroon siya ng maraming insecurities dahil sa kahirapan nila. But now, the tables have turned... Hindi pa rin niya alam kung panaginip ito o isa lang prank.Nakatitig lang siya sa kisame habang nakahiga. Ano na ngayon ang gagawin niya? Bukas ay mayaman na sila, pero bakit parang hindi siya masaya? Siguro dahil may maiiwan siya... si Elijah.Kapag sinabi ba niya kay Elijah na mayaman talaga sila, matutuwa ito? Pero kabilin-bilinan ng mama niya na walang makakaalam hangga’t nasa China na sila. Walang pwedeng makaalam ng totoong pagkatao nila dahil delikado. Bukod

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 604

    “Ang daddy ko ay nagkaroon ng kalaguyo na pinay at gustong mawala ang mommy para masolo ang lahat na mamanahin ni mommy at magsama na sila ng kanyang kabit. Alam ko kung anong hirap ang dinanas ni mommy sa daddy, sinasaktan niya si mommy ko. May muwang na ako noon kaya nasaksihan ko ang lahat. Wala namang mapagsabihan si mommy dahil nasa China ang gung-gung at po-po ko. Kami lang dito sa Manila at walang ibang pamilya, kaming dalawa lang ang magkakampi." Naluluhang kwento ng mama nila. Ramdam nila ang sakit dulot ng kabataan nito"Naging sakitin si mommy hanggang sa namatay siya. Nalaman iyon ng gung-gung Li at gusto akong kunin pero ayaw akong ibigay ni daddy dahil ako lang ang susi para sa mana ni mommy. Pero naglayas ako, ayaw kong magtagumpay si daddy sa kanyang plano. Napunta ako sa isang bahay ampunan, at doon ko nakilala ang tatay n’yo. Nabuntis ako ng maaga sa’yo, Paulette, sixteen lang ako nun. Tumakas kami ng papa nyo sa bahay-ampunan at dito kami napadpad. Nagsama kami hang

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 603

    Malungkot siyang umuwi sa kanilang bahay. Kahit pa nag-explain na si Elijah sa kanya tungkol kay Nova, ay hindi pa rin mawawala sa isip niya ang magduda at magselos.Habang papalapit sa kanilang bahay ay may nakita siyang magarang kotse na naka-park sa harap ng bahay nila. Imposible naman na kay Elijah iyon dahil nasa Quezon ang nobyo at kakatapos lang nilang mag-usap.Bigla siyang natakot nang makitang pinagtitinginan na naman ng mga kapitbahay ang kotse. Baka magasgasan na naman iyon at sila ang mapagbintangan.“Paulette!” tawag sa kanya ni Aling Conching. “Sino ang bisita n’yo? Mukhang may manliligaw ang mama mo na mayaman ah.”Napakunot ang kanyang noo. Wala namang nababanggit ang mama nila na may nanliligaw dito. Saka hindi nga ito lumalabas ng bahay. Wala din itong social media... Paano nangyari ‘yun?Nainis siya dahil mukhang may niluluto na namang tsismis ang mga kapitbahay tungkol sa kanila. Dali-dali siyang pumasok para malaman kung sino ang kanilang bisita.Pagpasok niya ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status