LOGINMadilim na nang makabalik si Cacai ng bahay. Tahimik na sa loob at patay na ang karamihan ng ilaw sa loob maliban sa ilang lampshade sa hallway at sa sala. Nasa silid na ang mga kasambahay. Hindi na niya inabala pa si Ate Larah at ang kanyang ama na alam niyang nagpapahinga na.Dumiretso sya sa kanyang silid, nagpalit ng damit at humiga. Hanggang ngayon ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Hindi dahil nawalan siya ng tiwala kay Leon. Mas kabaligtaran pa nga. Dahil sa mga ipinagtapat ni Renz, mas lalo niyang naiintindihan kung gaano kalalim ang ugat ng pagmamahal nito sa kanya. At ang bigat ng dibdib niya at takot para sa asawa.Gusto sana niyang tawagan ito pero pinigilan niya ang sarili. Siguradong abala ito sa mga bisita, mga obligasyon.., lalong lalo na sa delikado at problemang kinakaharap nito ngayon.Kahit ilang beses niyang ipikit ang mga mata, hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil paulit ulit na bumabalik sa isip niya ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. Bukas ang
Paglabas ni Cacai sa bulwagang yun ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha.Pilit niya yung pinipigilan noong nasa loob siya ng convention hall. Pero pagdating sa labas ay doon na siya tuluyang bumigay. Ginawa niyang tahimik ang pag-iyak, walang hikbi upang walang ibang makaalam lalo’t ngayon ay alam na niya ang buong katotohanan.“I told you, hindi ka na dapat nagpunta sa loob. Hindi mo na dapat yung nakita pa.” boses ni Renz na nasa tabi niya.Umiling si Cacai. May pait sa ngiti habang pinupunasan ang mga luha.“Salamat, dahil ipinagtapat mo sa akin ang lahat.” sumisinok na sabi niya.Nang bumalik siya kanina ay nakita agad siya ni Renz pagpasok na pagkapasok niya ng hall. Sinalubong agad siya nito upang pauwiin gaya ng utos ni Leon pero ayaw niyang makinig dahil katwiran niya, ay naroon na siya.At dahil hindi na siya mapigilan ni Renz ay napilitan na itong sabihin sa kanya ang totoo, wag lang siyang tumuloy. Ipinagtapat nito ang tungkol sa mundong ginagalawan ng mga i
Pagpasok na pagkapasok pa lang sa loob ng banyo ay sinipa ni Leon ang pinto sa likod niya upang sumara.At agad na itinulak papalayo si Victoria na muntik nang matumba kung hindi pa ito napahawak sa pader. Kasunod noon ay dinukot ni Leon ang panyo mula sa bulsa ay mariing pinunasan ang sariling labi.“Really?” tila naiinsultong bulalas ni Victoria nang makita ang ginawa ni Leon na animo’y nakalulon ng lason.Doon ay marahang umangat at humarap kay Victoria ang madilim na mukha ni Leon.“What the f*ck are you doing?” galit at halata ang pagtitimpi sa boses nito. “I’m your sister’s–.”Mahinang natawa si Victoria sabay iling.“No, I'm your fiancee. Inagaw ka lang niya sa akin.” giiti nito.Hindi man lang nagbago ang mukha ni Leon. “Stop it.” mariin niyang sabi.Pero hindi tumigil si Victoria. Sa halip ay bahagya pa itong lumapit at mas lumalim ang titig sa binata.“No. Alam kong ginagawa mo lang ito dahil galit at gumaganti ka sa akin dahil sa pagtakas ko noon... Okay, I’m sorry, alr
Sa loob ng convention hall, tuloy tuloy ang selebrasyon na parang walang anumang problema. Masaya na at nag-eenjoy ang lahat kahit kasisimula pa. Sa gitna na lahat ng yun ay kumikilos si Leon na parang normal lang ang naturang gabi. Nakikipagkamay, tumatango at sumasagot sa mga bumabati. Pero ang mga mata aniya ay hindi mapakali. Tuloy tuloy lang siya sa pagscan ng paligid habang sinusuri ang bawat galaw ng lahat ng taong naroon. Sa dami ng kanyang empleyado, bukod pa ang mga caterers at staff sa venu, hindi niya matukoy kung sino sa mga ito ang ipinadala ni Pacquito para magmanman kung merun man. Kaya naman, tahimik na ring siyang nagpakalat ng sarili niyang mga tauhan sa loob ng hall na nakahalo sa crowd nang hindi nahahalata. Habang iginagala ni Leon ang mga mata ay nahagip ng kanyang paningin ang isang pamilya na mukha sa isang bahagi ng bulwagan., at yun ay si Victoria. Naka-gown ito at tila pinaghandaan talaga ang kanyang pagdating mula sa makeup, sa ayos ng buhok hanggang
Marami nang bisita ang nagsidatingan sa event ng Pacific Air. Ginaganap yun sa isang convention hall. Taon taon dito nila ipinagdiriwang ang event na ito.Special at halatang pinagkagastusan dahil makikita ang karangyaan kahit saang bahagi ng bulwagan ka tumingin. Hindi tinipid upang siguraduhing lahat na dadalo ay masisiyahan. Naroon na ang ilang mga empleyado, executives at mga business partners na nag-uusap usap sa paligid. May mga caterers at staff na paikot ikot na nag-aayos ng drinks at pagkain. Busy ang lahat at may kanya kanyang ginagawa.Habang si Leon naman ay kanina pa patingin tingin sa relo na tila inip na inip na. Ilang minuto na rin mula nang malaman niyang on the way na si Cacai. Hindi niya maintindihan kung bakit pero hindi siya mapakali. Siguro dahil ito ang unang beses na makakasama niya ang dalaga na maraming tao ang makakakita. Nakatayo siya sa gilid at bahagyang nakahiwalay sa kumpulan ng mga tao. Kanina pa siyang patingin tingin sa direksyon ng entrance
Mahigit isang buwan ang lumipas matapos ang huling outing ng pamilya ni Cacai. Mabilis ang mga sumunod na araw. Bumalik sa normal ang lahat, eskwela, trabaho at ang tahimik na pag-aadjust sa bagong yugto ng buhay ni Cacai. Ang pagdadalang tao sa anak nila ni Leon. Wala pa silang pinagsasabihan. Masyado pang maaga upang ipaalam sa iba.Tanging si Ate Larah at ama niya lang muna ang may alam. Pero may petsa na ang kasal, hindi pa lang ina-announce. May dahilan si Leon at hindi yun kinu-kwestyon ni Cacai. Ganun niya ipinagkakatiwala san lalaki ang lahat.Sa loob ng silid ay nakaupo si Cacai sa harap ng salamin habang inaayusan siya ni Larah. Hindi simpleng pagdiriwang ang pupuntahan ni niya. Anniversary yun ng Pacific Air na gaganapin sa isang convention hall. Si Larah ang naghanda ng isusuot ni Cacai, mula ulo hanggang paa. Ito rin ang pumili ng sapatos na gagamitin ng dalaga.“Tama lang yan heels mo, hindi masyadong mataas. Baka matapilok ka, delikado si baby.” sabi ni Larah haban
“Araaay…” mahinang daing ni Cacai habang marahang tumatayo mula sa pagkakadapa. Nang makatayo ay napatingin siya sa kanyang mga kamay at braso na puro putik, at nang bumaba ang kanyang tingin sa damit, nakita niyang marumi na din yun. Nagpapasalamat siya at hindi mabilis ang kanyang pagpapatakbo k
“Done staring?” Para akong nagising nang marinig ang boses niya. “Bastos!” malakas na sabi ko. Mabilis kong tinakpan ng dalawang palad ang aking mukha. Pero kahit may takip na ang mga mata ko, yung anino pa rin ng alaga niya ang nakikita ko at ayaw mawala sa isip ko. Narinig ko siyang mah
Nandito pala siya. Akala ko ba hindi siya dito nakatira? Nakita ko siyang pumasok sa isang pinto. Kahit malayo tanaw ko na parang hindi naman silid yun dahil pagbukas niya ng pinto ay may mga baitang ng hagdan. Ano kayang merun dun? “Huy…, anong sinisilip mo dyan?” Nagulat ako nang may bi
“Ayan po, may dasal na yan. Kaya pwede nyo rin pong gamiting anting anting yan. Pampahaba ng buhay kaya hindi ka na po ulit tatamaan ng kahit ano.” wika ng batang si Iska na may matamis na ngiti….. Napabalikwas si Leon sabay sapo sa dibdib. Saka niya narealized na panaginip lang pala pero lahat na







