Share

KABANATA 7 - BAD DREAM OR PREMONITION?

Kinagabihan sa isang high-end private bar. Isang itim na Hummer ang huminto sa harap nito at lumabas mula roon ang isang matangkad at matipunong lalaki. Sa pustura pa lang ay may angking charisma at mayaman ang lalaki sa suot na black short-sleeved polo, denim jeans at military boots. Kulay itim at malinis ang gupit ng kaniyang buhok, moreno, at may nakaipit na sigarilyo sa manipis nitong mga labi.

Naglakad ang lalaki papasok sa entrance ng bar, hinawakan ang sigarilyo gamit ang dalawang daliri habang sumisipol. Sa isang kumpas ng kamay ay naibato nito ang susi ng kanyang mamahaling kotse, na awtomatikong nasalo ng isa sa mga parking boy.

Hawak-hawak ang susi ay magaling na nagtungo ng ulo ang parking boy.

“Magandang gabi, Sir Scott!”

Mabilis na humalo sa mga taong naroon ang matipunong lalaki.

Ito ay walang iba kung hindi si Scott Montealegre, isa sa mga tagapagmana ng pamilya Montealegre—ang pang-apat sa pinakamayayamang clan sa buong bansa, at ang matalik na kaibigan ni Marco Riego
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ybone Ruado
thankyou otor more power and more updates.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status