Se connecterMinahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
Voir plusMakalipas ang dalawang buwan…Natapos na ang tag-araw at nagsisimula na ang paglaming ng panahon na dulot ng taglagad. Isang eroplano na nagmula sa bansang Amerika ang lumipad patungong Pilipinas.Sa airport, marami mang mga tao ang naroon ay may isang matangkad na babae ang halos maka-agaw ng atensyon ng lahat mga taong naroon. Nakasuot siya ng mahabang itim na windbreaker na may slim black v-neck vest, ripped jeans at puting sapatos. She was only wearing casual clothes but she sported it like she was a real idol.Ang babae ay nakasuot ng itim na cap na siyang bumabalot sa mahaba nitong orange-pink na buhok, at isang sunglasses. Tinatakpan ng mga ito ang kanyang maganda at inosenteng mukha. Bahagyang nakanguso ang kanyang mga pulang labi at naniningkit ang mga magagandang mata sa likod ng suot na sunglasses na para bang kagagaling lamang nito sa pagtulog at marahang nagmamasid sa paligid.Ang mga taong nalalagpasan niya, kahit na ang mga kalalakihan, kababaihan, bata o matanda, lahat
Kinagabihan sa isang high-end private bar. Isang itim na Hummer ang huminto sa harap nito at lumabas mula roon ang isang matangkad at matipunong lalaki. Sa pustura pa lang ay may angking charisma at mayaman ang lalaki sa suot na black short-sleeved polo, denim jeans at military boots. Kulay itim at malinis ang gupit ng kaniyang buhok, moreno, at may nakaipit na sigarilyo sa manipis nitong mga labi.Naglakad ang lalaki papasok sa entrance ng bar, hinawakan ang sigarilyo gamit ang dalawang daliri habang sumisipol. Sa isang kumpas ng kamay ay naibato nito ang susi ng kanyang mamahaling kotse, na awtomatikong nasalo ng isa sa mga parking boy.Hawak-hawak ang susi ay magaling na nagtungo ng ulo ang parking boy.“Magandang gabi, Sir Scott!”Mabilis na humalo sa mga taong naroon ang matipunong lalaki.Ito ay walang iba kung hindi si Scott Montealegre, isa sa mga tagapagmana ng pamilya Montealegre—ang pang-apat sa pinakamayayamang clan sa buong bansa, at ang matalik na kaibigan ni Marco Riego
Hindi tumigil si Marco na ipahanap si Anna. He wanted to speak with her and confront her about her evil tactics. Ngunit kahit ang mga taong inutusan niya para hanapin ang dating asawa’y hindi ito matunton.Marco couldn’t find Anna anymore.Ang malala pa roon ay hindi siya pinatatahimik ng nabasang diagnosis result tungkol sa kondisyon ni Anna.Isang lingo na ang nakakalipas, pero sa sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, ang salitang cancer ang palagi niyang naiisip. Hindi niya maintindihan kung bakit parang sumisikip ang dibdib niya kapag naiisip iyon.Hindi niya gustong paniwalaan na totoo ang resultang ‘yon. Mas gusto niyang isipin na gawa-gawa lamang iyon ni Anna para maghabol siya sa babae, pero sa mga nagdadaang araw, hindi na rin siya sigurado sa dinidikta ng isip niya.Mabilis na lumipas ang isa pang linggo…Walang ibang ginawa si Marco kung hindi ang igugol ang atensyon niya sa trabaho. Ni wala siyang ganang sagutin ang mga tawag mula sa mga business partner niya at ni Ce
Kinagabihan… Ginugol ni Marco ang kaniyang atensyon sa trabaho matapos ang mga nangyari sa Civil Affairs Bureau. Hanggang mga oras na ‘yon ay nagngingitngit pa rin siya tuwing naaalala ang mga sinabi ni Anna sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sa loob lamang ng ilang araw ay nagbago ang ugali ng babae. Dalawang katok mula sa saradong pinto ng kanyang opisina ang nagpabalik sa kanya sa realidad. “Mr. Riego, Ms. Fuentes is here to visit you,” pormal na wika ni Xian mula sa labas ng pinto. Hindi tumigil sa pagbabasa ng mga dokumento si Marco, at hindi rin nag-aksayang mag-angat ng tingin. “Hindi ba’t sabi ko ay hindi ako tatanggap ng bisita?” malamig niyang sabi. “I’m sorry, Mr. Riego. Ang sabi ni Ms. Fuentes ay may mahalaga raw siyang sasabihin sa ‘yo.” Nakakunot-noong nag-angat ng tingin si Marco, pagkatapos ay hinubad ang kanyang suot na gold-rimmed glasses. “Let her in,” aniya habang mi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.