Share

LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE
LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE
Author: Scorpion Queen

CHAPTER 1 - BETRAYAL

last update Huling Na-update: 2022-12-17 16:36:08

"Zack, Celine, ano ang ibig sabihin nito? Bakit ako nandito?" agad na tanong niya, habang sinusuri ng kanyang paningin ang buong paligid.

Isang hubo't hubad na babae ang live na sumasayaw sa entablado sa ilalim ng madilim na liwanag habang ang mga lalaki sa harapan ay pinagmamasdan siya nang may paghanga. Sa pagtingin sa paligid, masasabi niyang dinala siya ng mga ito sa isang lugar kung saan ang mga mayayamang lalaki ay nagpakasawa sa sekswal na kasiyahan.

"Ito na ang bagong buhay mo Rihanna, 'wag kang mag-alala, palagi kitang puntahan dito," nakakaloka ang ngiti na pinakawalan ng kanyang step-sister.

Sa gitna ng mga akusasyon ng kanyang step-sister na ninakaw ni Rihanna ang $2 bilyon mula sa negosyo ng pamilya, tinanggal siya ng kanyang ama sa kanyang posisyon bilang bise presidente. Pinutol ng kanyang ama ang lahat ng kanyang koneksyon sa mga credit card at isinara ang kanyang mga bank account dahilan upang wala siyang mapupuntahan. She was now so broke na kahit isang daga ay maawa sa kanya. Sinusubukan niyang lumapit sa kanyang nobyo na si Zack Larson ngunit wala siyang ideya na kasabwat nito ang kapatid niya upang dalhin siya rito sa club.

"Rihanna, di ba humingi ka ng tulong sa akin? Naisip namin na dalhin ka rito. Mahirap ka na ngayon, 'wag ka ng mag inarte. Ang kailangan mo lang, humiga, bumukaka, at hayaan ang mga lalaki na pagsasawaan ang katawan mo. Tiyak, Limpak-limpak na pera ang makukuha mo. Hindi mo na kailangan pang—"

SLAP!

Hindi na natapos ni Zack ang gusto pa sana niyang sabihin ng dumapo ang masakit na sampal mula sa kamay ni Rihanna.

"How dare you! Hindi ako makapaniwala na sa loob ng tatlong taon nating relasyon, makakaya mong sabihin sa akin yan! Baka nakalimutan mo nang dahil sa akin naging CEO ka ng Larson Industries. Ako ang nagluklok sa'yo sa posisyon na tinatamasa mo ngayon! Kung hindi dahil sa malaking project na binigay ko sa'yo hindi ka pagkatiwalaan ng mga magulang mo upang maging CEO."

"So what? Ginawa lang naman kitang fiancee dahil alam ko na may kakayahan ka upang ilagay ako sa pwesto bilang CEO. Ngayong wala ka ng pakinabang sa akin, bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon sa'yo? Hindi mo naman maibigay sa akin ang virginity mo kaya mas mainam ng ibenta ko na lang 'yan para mapakinabangan naman!"

Parang lalabas si Rihanna sa kanyang balat sa sobrang galit matapos marinig ang mga sinabi ni Zack. Akmang sasampalin niya itong muli ng inunahan na siyang sampalin ng kanyang stepsister.

SLAP!

"Kagustuhan ni mom at dad na dalhin ka namin dito sa Club upang maturuan ka ng leksyon! Huwag mong isisi lahat kay Zack dahil una, kasalanan mo kung bakit ka naririto ngayon. Tanga mo kasi, nagnakaw ka lang din naman ng pera ng kumpanya, hindi mo pa nilinis ang trabaho mo. Iyan tuloy, nahuli ka!"

"Talaga? Wow, hanga naman ako sayo Celine. Akala mo hindi ko alam na pakana mo itong lahat? Pero 'wag kang pakasigurado dahil mayroon akong hawak na alas na siyang makapagturo na ikaw ang nagnakaw ng pera ng kumpanya!"

Biglang namutla si Celine dahil sa sinabi ni Rihanna ngunit hindi siya nag pahalata. Ngumiti siya at sumagot. "Mahal kong kapatid, sa tingin mo hahayaan kita na gawin mo 'yon? Hindi ka na makakalabas dito dahil sisiguraduhin kong dito ka na mamamatay!" Nagpakawala muna ito ng malutong na halakhak saka idinagdag, "Oh, by the way, buntis na ako ngayon ng anak namin ni Zack kaya kung iniisip mo na may pag-asa pa sa inyong dalawa itigil mo na ang ambisyon mo dahil ako lang naman talaga ang mahal ni Zack. Ginamit ka lang niya dahil sa impluwensya mo sa negosyo. Syempre, kailangan niyang mapaniwala ang kanyang mga magulang na karapat-dapat din siyang mamahala ng kanilang kumpanya bilang CEO kaya niligawan ka niya."

Rihanna seems ready to lose her mind right now because she simply can't believe the revelations of the two people standing right in front of her. She just can't wrap her head around the fact that the man she's loved for three years could be unfaithful to her.

"Nasaan na ang babae na sinasabing ibebenta n'yo?"

Sabay silang napalingon ng marinig ang sinabi ng mid 50's na babae habang papalapit sa kinaroroonan nila. May kasama itong maraming bodyguard na malaki ang katawan at nakasunod sa kanyang likuran.

"Oh, Hi, Madam Ritz, siya si Rihanna na sinasabi ko sa'yo kanina lang sa telepono," sagot ni Celine, sabay tulak kay Rihanna sa harapan ni Madam Ritz.

Pinasadahan naman siya ng tingin ng Ginang mula ulo hanggang paa. Ngumiti ito waring satisfied sa kanyang nakita. Daig pa ang naka jackpot sa lotto dahil ngiting tagumpay ang pinakawalan nito.

"Okay, napadala ko na ang pera sa bank account mo. Pwede na kayong umalis." Binalingan naman nito ang kanyang bouncer bodyguards at senenyasan upang dalhin na ang babae sa kanyang silid.

"Teka saan nyo ako dadalhin?" tanong ni Rihanna habang pilit na lumalaban sa mga bouncer ng Club na pwersahang kumaladkad sa kanya.

"Bye Rihanna, pagbutihin mo ang performance mo ha? Hahahaha,"

"Hayop kayong dalawa! Ipagdasal n'yo lang na hindi ako makakalabas dito dahil sa oras na mangyari 'yon pagbabayaran n'yo ang ginawa n'yo sa akin!"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Rihanna, nang hinagis siya ng mga bodyguard sa maliit na couch sa loob ng dressing room. Napangiwi siya sa sakit dahil sa pagkauntog ng ulo niya na tumama sa wall.

Pagkalipas ng isang oras, bumukas ang pintuan nito at iniluwa ang malaking katawan ni Madam Ritz.

"Rihanna, pumunta ka na ngayon sa VIP Room # 6, naghihintay na doon ang unang customer mo. Ayusin mo ang sarili mo. Itigil mo na yang pag-iyak iyak mo riyan dahil wala ka ng magagawa. Huwag ka ng umakto na napipilitan lang dahil malaki ang ibinayad ko sa boyfriend at stepsister mo kaya ayusin mo ang trabaho mo!” Pagkatapos siyang singhalan ng manager ng Club 'tsaka naman nito binalingan ang babaeng kasama niya sa loob ng kanilang dressing room na abala sa paglalagay ng make-up.

“Cindy, ikaw na ang bahala sa babaeng 'yan! Turuan mo siya ng kanyang gagawin dahil ayokong mapahiya sa mga big time na customer natin!”

Nang makita ni Cindy na umalis na ang tigre nilang Manager, mabilis niyang nilapitan si Rihanna na patuloy pa rin sa pag-iyak habang nakabaluktot sa maliit na couch.

"Girl, wala ng magagawa 'yang mga luha mo kung magpatuloy ka sa pag-iyak diyan." Binigyan siya nito ng Sexy na damit na halos luwa na ang dibdib at singit sa sobrang iksi. “Oh, ayan, bilisan mo at isuot mo na baka mamaya magagalit na naman sa'yo si Madam Ritz kapag nakita niyang hindi ka pa nakapag bihis. Bawal pag hintayin ang mga customer dito sa club.”

Nang makitang hindi pa rin siya gumagalaw, tinaasan siya nito ng kilay. “Gusto mong makaalis sa lugar na ito?”

Agad siyang humarap kay Cindy at bahagyang tumango. Nakita nya itong nagngunguya ng bubble gum habang nakatingin sa kanya.

“Ilang taon ka na? Virgin ka pa ba?” Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Muli siyang tumango at pinahid ang luha bago sumagot, “Twenty five na ako ngayon.”

“Maganda ka, makinis at sexy. Kahit sinong lalaki hindi matiis na hindi ka mailabas dito. Kung gusto mo talagang makaalis sa lugar na ito isakripisyo mo ang bandera mo." Direktang tiningnan siya nito sa mga mata, waring inaaral ang magiging reaksyon niya 'saka idinagdag, “Gawin mo ang lahat upang mapaligaya ang unang customer mo nang sa ganun ilalabas ka niya rito. Kapag nakalabas ka na, huwag ka ng bumalik.”

"Hindi ko kaya," naiiyak niyang sagot kay Cindy dahilan upang mairita ito.

"Hindi mo kaya? Isang gabi lang hindi mo na kaya? Pwes, kayanin mo na lang ang maraming gabi na mananatili ka rito dahil hindi lang isang customer ang paligayahin mo kundi marami pa. Pumili ka, nasa sa 'yo na 'yon kung ingat-ingatan mo pa 'yang virginity mo. Kahit anong gawin mo bubutasin pa rin 'yan ng mga customer na hahawak sa 'yo."

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. May punto si Cindy. Iyon lang ang tanging paraan upang makatakas siya sa madilim na lugar na ito; ang isakripisyo ang pagkabirhen niya at hindi niya hahayaan na masusundan pa 'yon.

Matapos niyang sumang-ayon, tinulungan na siya nitong makapagbihis at maglagay ng make-up. Binigyan muna siya nito ng maraming tips kung paano magpaligaya ng lalaki sa kama habang inaayusan siya. “Oh, ayan, mas lalo kang gumanda. Dali, bilisan mo na, baka nainip na 'yon. 'Wag mo akong kalimutan kapag nakalabas ka na ha?” Nagawa pa nitong biruin siya habang inaakay palabas ng dressing room. “Huwag mong kalimutan na dumaan muna kay Madam Ritz sa counter upang makapag check attendance ka,'' dagdag pa nito sa sinabi ng makalabas na siya.

Habang naglalakad siya sa hallway panay ang pahid niya ng kanyang luha. Hindi niya lubos maisip na darating ang araw na ito sa buhay niya. Kung sino pa 'yong mga taong minahal niya at naging parte na ng buhay niya, 'yon pa ang mga taong sisira ng kinabukasan niya. Kung alam niya lang na magkasabwat ang dalawang 'yon sa pagkasira ng buhay niya sana hindi na siya lumapit pa sa akala niyang boyfriend niya.

Malapit na siya sa counter ng marinig niya ang galit na boses ni Madam Ritz habang nakaharap ito sa mga kausap. Naka dim light ang loob ng Club kaya hindi niya gaanong nakikita kung sino ang kausap nito lalo pa’t nakatalikod ang mga ito sa kanya.

“Malaki na ang binayad ko sa inyo bakit pa kayo humihingi ng dagdag!?” Biglang binagsak ni Madam Rits ang hawak nitong baso ng alak at galit na tiningnan ang dalawang kausap niya.

“Madam Ritz, virgin pa ang babae na binenta namin sa'yo. Natural lang na dagdagan mo ang presyo dahil mas malaki ang kikitain mo sa kanya kapag ibenta mo siya sa lalaking makauna sa kanya.”

“Gaano mo ka siguradong virgin pa siya? Baka mamaya pinagpeperahan n'yo lang pala ako.”

“Madam Ritz, never been touched, never been kissed pa 'yang girl friend ko. Kahit nga ako, hindi niya hinayaan na humalik sa kanya. Kaya sigurado akong virgin pa siya.” Nakangising sagot ni Zack sa manager habang nakapulupot ang isa nitong kamay sa baywang ni Celine; ang step-sister ni Rihanna.

“Hayop ka Zack! Ang kapal talaga ng pagmumukha ninyong dalawa na bumalik pa rito upang dagdagan ang presyo ng pagbebenta n'yo sa akin?” Napuno ng poot ang puso ni Rihanna habang palipat-lipat ng matalim na tingin sa dalawang taong nanghudas sa kanya.

“Nandito ka na pala Rihanna."

Napabaling siya kay Madam Ritz matapos marinig ang sinabi nito. "H'wag ka ng mag-eskandalo rito dahil puro VIP ang mga customer natin ngayon. Ito ang log book, mag log-in ka na riyan at bilisan mo dahil kanina pa naghihintay sa'yo ang customer mo.” Agad siyang pumirma sa logbook na binigay sa kanya ni Madam Ritz.

“Mabuti naman at inayos mo na ang sarili mo, kung ganyan ka ba naman eh, magkakasundo talaga tayo. Siya nga pala, pagbutihin mo ang performance mo at habaan mo pa ang iyong pasensya dahil isang bulag at disable na lalaki ang unang customer mo ngayong gabi. First time lang ng lalaki na 'yun na pumasok sa club na ito at mukhang galante dahil malaki ang binayad niya sa akin at talagang ne-request ka niya.”

“Kawawa ka naman sis Rihanna, isang bulag at disable na lalaki pa ang unang makakuha ng virginity mo. Paano ka kaya niya paligayahin sa kama?”

Sinabayan pa ni Celine ng malutong na halakhak ang kanyang sinabi dahilan upang mas lalong nadagdagan ang poot sa dibdib ni Rihanna. Pati ang boyfriend niya nakangisi na rin habang nakatingin sa kanya na parang mababang uri siya.

“ 'Yan ang bagay sayo Rihanna, ang ebenta sa mga lalaki dahil wala ka din namang silbi sa akin. Hindi katulad ni Celine naibibigay niya ang lahat ng gusto ko sa kama.”

Gustong umiyak ni Rihanna ngunit hindi karapat-dapat ang mga taong ito na pagsayangan niya ng mga luha niya. Nilapitan niya ang dalawa at madiin na sinabi, “Sige, lubos-lubusin niyo nang dalawa ang magpakasaya dahil bukas sisiguraduhin kong gagapang kayo sa lupa at hahalikan ang aking mga paa makahingi lang ng tawad sa akin.”

Matapos niyang sabihin 'yon ay agad na siyang tumalikod sa mga ito kasabay ng lihim na pagbagsak ng kanyang mga luha. Pinapangako niya sa sarili, gaganti siya. Hindi niya hahayaan ang kahit sino man na gustong mang-api sa kanya.

“Hahaha, gagapang daw, Hoy, Ulol! Nagpapatawa ka ba!? Hindi ka na makakalabas dito! Pagsasawaan ng mga lalaki 'yang katawan mo!”

Malayo na siya ngunit naririnig pa rin niya ang mga malutong na halakhak ng dalawa habang sinisigawan siya. Gayunpaman, taas noo pa rin siyang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na siya sa harap ng pintuan ng VIP Room # 6.

Nagpakawala muna siya ng maraming hangin at inayos ang sarili bago pumasok sa loob. Agad na bumungad sa kanya ang madilim na silid, tanging dim light na nanggaling sa lampshade lamang ang nagsisilbing liwanag sa loob nito. Pumasok siya at umupo sa kama, agad niyang napansin ang lalaki na nakaupo sa wheelchair ngunit hindi niya gaanong maaninag ang mukha.

“You're thirty minutes late, hurry up and take off your clothes.”

Bakit pakiramdam niya masyado namang nagmamadali ang customer niya? Pinahubad na kaagad siya ng hindi man lang tinatanong kung sino siya? Kung sabagay, mas mabuti na ang ganun. Wala ng maraming advertisement dahil iisa lang naman ang gusto nilang mangyari. Hindi na lang siya nagreklamo pa. Para sa kanyang kalayaan kailangang gawin niya ang lahat ng pinag-uutos nito. Mabilis na siyang naghubad ng damit at hindi na nag paligoy-ligoy pa. Agad na niyang sinabi sa lalaki ang kanyang pakay bago niya tuluyang isuko ang kanyang bandera.

"Ibibigay ko sa 'yo ang virginity ko sa isang condition, tulungan mo akong makatakas sa lugar na ito."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (29)
goodnovel comment avatar
Charina L Almoguera
wow nice story
goodnovel comment avatar
Nix Pulido
sana hindi nya sasaktan si Rihanna
goodnovel comment avatar
Niseimondrey Celestial
nice story ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 78 - THE END

    Pagdating sa garden-themed reception area na punong-puno ng fairy lights at hanging flowers, may isang malambot at romantic na instrumental music ang tumutugtog. May personalized na photo wall sa gilid na may neon sign: The Wedding of the Century: “From Crawford - Albrecht” ganun din sa kabilang side, may neon sign naman na rin na nakalagay “From Crawford - Lockheart” Umupo na sa bridal table ang mag-asawa, Seidon at Dharylle.At umupo naman sa table ang mag-asawang Dharyne at Luke, pero bago pa makakain ang lahat,, Tumayo si Dustin at kinuha ang mic. “Bago pa lamunin ng gutom ang lahat… isang toast muna para sa bagong Mr. and Mrs. Luke and Dharyne Lockheart, ganun din sa Bagong Mr. and Mrs. Dharylle Albrecht!”“Cheers!” sigaw ng lahat, sabay taas ng wine glasses. Clinking and laughter filled the air. Sa di kalayuan, napatingin si Dharylle kay Seidon. “Feeling mo ba may one up na tayo sa vows?” Seidon smirked. “Feeling ko may sequel na ang comedy ng kasal natin.”Tawanan ulit ang p

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 77 - WEDDING VOWS (CRAWFORD+LOCKHEART)

    Seryoso ang tono ni Luke nang una siyang magsalita, ngunit may laging nanlalarong ngiti sa kanyang labi habang tinititigan si Dharyne na parang wala nang ibang tao sa mundo."I never dreamed of a perfect woman until I met the most unpredictable one. You were never easy to understand. Sometimes, you push me away just to see if I’d stay. Other times, you build walls just to check if I’d break them down. But sweetheart, I loved every version of you, even when you were too hard to love yourself."(Tumawa ang ilan, ngunit muling naging malambing ang tono ni Luke.)"Hindi ko makakalimutan ang araw na hiniling ko sa Diyos na sana huwag kang gawing monghe, bagkus ibigay ka Niya sa akin, at pareho tayong dalawa ang magsisilbi sa Kanya, kasama ang ating binubuong pamilya. Salamat na lang at binigay ka Niya sa akin kahit ayaw mo pa. Gusto mo yata magmadre!" (Tumawa ang buong crowd, lalo na ang pamilya ni Dharyne. Napahampas si Dharyne sa braso ni Luke. Naudlot ang pagsinghot niya dahil sa kapil

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 76 - WEDDING VOWS (CRAWFORD-ALBRECHT)

    Huminga muna ng malalim si Seidon upang maibsan ang sobrang kaba at sandaling katahimikan. Pagkatapos ay ngumiti sa asawa habang hawak ang kamay at hinahanda ang ipasuot na singsing. “Luv,They say men are bad with words. But the truth is, I just didn’t know how to say sorry without breaking. I didn't know how to love you right until I almost lost you for good. I thought I was strong, but the day you walked away, I realized… I was never whole without you.Nagpause muna si Seidon upang pigilan ang pagbadya ng luha dahil halata na sa boses niya na para na siyang iiyak. Muli siyang nagpatuloy.Noong mga panahon na binitawan mo ako, doon ko narealize na nasaktan na pala kita nang hindi ko alam. And honestly, mahal…ang hirap mong suyuin. Daig ko pa ang isang kulog na nakikipagtagisan sa kidlat. But you know what was the most exciting part? It was when you didn’t want to marry me…but your dad did.Nagtaas ang dalawang kilay ni Dustin nang marinig ito. Ngunit sumabay na rin sa tawanan ng mg

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 75 - THE WEDDING (CRYSTAL AETHERIALES)

    Wala nang mas marangya pa sa kasalang ito. Ang langit ay bughaw na bughaw, at sa gitna ng walang katapusang dagat ay unti-unting umaangat ang dambuhalang plataporma ng yelo at kristal—ang tinaguriang Crystal Aetherealis, isang eksklusibong wedding sanctuary na dinisenyo lamang para sa mga pinakamakapangyarihan sa mundo. Lumulutang ito sa ibabaw ng Glacemer Sea, at sa paligid nito'y tila naglalaro ang mga ulap at sinag ng araw, sumasayaw sa ibabaw ng salamin ng dagat.Ang buong ceremonial hall ay gawa sa translucent crystal, bawat detalye ay handcrafted mula sa pinakamahal na yelo ng hilaga—glass flowers, frozen archways, snowflake chandeliers na kumikislap sa bawat galaw ng liwanag. Sa pinakagitna, ang aisle na tila isang dumadaloy na ilog ng liwanag at tubig, umiilaw ang ilalim na parang bahagyang alon sa bawat yapak.Mula sa himpapawid, nakatutok ang mga drone cameras na live na nagbo-broadcast sa buong mundo. Sa bawat dako ng siyudad, malls, at luxury lounges, nakapako ang mata ng

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 74 - LIHAM NG PAGBABAGO

    Two Weeks Later Mainit ang araw pero malamig sa puso ni Seidon habang dahan-dahan siyang naglalakad palabas ng ospital. Kasama niya si Dharylle na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. "Sure ka bang kaya mo na?" tanong nito habang pinapahiran ng pawis ang kanyang noo. Ngumiti si Seidon, matipid. "Kailangan kong gawin ‘to. Kailangan ko siyang kausapin." Inside the Detention Facility Sa malamig na silid ng kulungan, nakaupo si Scarlet sa luma at kalawangin na bangko. Tahimik siyang nakatingin sa pader nang marinig ang pagbukas ng bakal na pinto. “Ms. Zimmer, may bisita ka.” ani ng pulis. Lumingon siya na may bakas ng pagtataka. Lumabas siya at pumunta sa visitor’s lounge. Doon siya pinapahintay ng pulis. Di nagtagal, pumasok si Seidon. Tila huminto ang oras para sa dalaga. Napatitig si Scarlet, bakas sa mata ang gulat at pagkalito. Hindi siya makapaniwala sa presensyang kaharap niya ngayon—ang taong akala niyang wala na. "You’re alive…" aniya, halos pa-whisper. "Bakit ka nandi

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 73 - BALA NG KATOTOHANAN (BULLET OF TRUTH)

    Sa kalagitnaan ng pag-uusap nina Dharylle at Rhayan sa labas ng operating room, biglang bumukas ang pintuan. Sumilip ang ilaw mula sa loob, kasabay ng paglabas ng doktor na suot pa rin ang kanyang surgical mask."Doctor!" Agad na salubong ni Dharylle, nanginginig ang tinig. "Kumusta na po si Seidon?"Inalis ng doktor ang kanyang mask at tumango. "Ligtas na siya. Agad naming natanggal ang bala mula sa kanyang dibdib. Sa awa ng Diyos, hindi tinamaan ang puso, pero ilang milimetro na lang at baka hindi na siya umabot."Bumuhos ang luha ni Dharylle. Napaluhod siya sa sahig, parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Agad siyang inalalayan ni Rhayan habang pilit ding tinatago ang nag-uumapaw na emosyon."Salamat, Doc..." mahinang sambit ni Rhayan."Makikita n’yo na siya mamaya, pagkatapos naming mailipat sa recovery room."Pagkaalis ng doktor, muling lumitaw ang hologram ni Ciela AI sa ere. Makinis, malamig ang boses nito, ngunit dala ang katotohanan."Detecting critical data," anito.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status