Share

CHAPTER 10 - ENDEARMENT

last update Last Updated: 2022-12-26 15:46:41
Nagising si Rihanna ng maramdaman niyang huminto na ang sasakyan sa tapat ng mansion. Muli ay bumaba siya at tinulungan muli, si Dustin upang bumaba ng sasakyan. Di nagtagal nakarating na rin sila sa masters bedroom nito. Maingat niya itong tinulungan na humiga sa kama, na kaninang umaga lang sila pa ang magkasama.

"Rihanna, obligasyon mo na rin ang magpabihis at magpaligo kay Dustin. Yan din naman talaga ang trabaho mo di ba?" Habol na wika ni Shane sa kanya, nang makitang paalis na siya.

Binalingan niya ito at sinagot, " Oo, yan ang trabaho ko bilang asawa, ngunit ngayon hindi na. Ikaw naman ang tunay niyang asawa di ba? Ikaw ang mahal niya, kaya responsibilidad mo na iparamdam sa kanya na mahal mo rin siya. Unless, hindi mo talaga siya mahal, kaya hindi mo magawang alagaan siya?"

Biglang natigilan si Shane dahil sa sagot ni Rihanna sa kanya. Tinapunan muna siya ito ng matalim na tingin bago, tuluyang lumabas ng silid. Naiwan si Shane, sa loob na nagpupuyos sa galit. Wala siyang p
Scorpion Queen

HEllo my fan Reader, Thank you po sa palaging pagsubaybay ng story ko. Kung hindi kalabisan, hihingi sana ako ng favor, sana po supurtahan nyo ang story ko upang manalo sa billionaire contest. Kung isa ka sa nagagandahan ng story ko, sana tulungan nyo akong ma e promote ang story na ito by voting at magbigay ng gems. Maraming salamat po. Kung walang gems, malaking tulong na rin ang paglagay ng magandang komento at ratings sa review section ng story. Thank you po.

| 50
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (304)
goodnovel comment avatar
Yolanda Boniel Obnamia
maganda ang story sana tuloy tuloy kc yong ibang nabbasa ko maganda nga kaya bukod sa sobra ng haba ng kwento tapos at tagal bago yong sumunod na epesude
goodnovel comment avatar
Elizabeth Rimando
nagustuhan ko ang story ni Rheana susubaybayan ko to...
goodnovel comment avatar
Sopeah Nazari
author ang ganda ng story.thank
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   CHAPTER 66 - CIELA'S PLAN 2

    “Pigilan nyo sila!” sigaw ng chief nang makita na sa direksyon ng selda ni Sonia papunta ang mga ito. Gayunpaman huli na ang mga pulis dahil pinagtutulungan na ng mga ito na kalmutin at sampalin si Sonia.Ngunit ang Donya parang walang pakialam sa ginagawa sa kanya. Nanatili siyang nakatayo habang iniinda ang pananakit sa kanya ng mga tao.“Gusto ko nang mamatay. Please patayin nyo na ako.” Nagmamakaawa ang Donya. Napatigil naman ang mga tao sa kanilang ginagawa nang mapansin na tila manhid na ang katawan ng Donya kahit anong pananakit pa ang kanilang gagawin. “Maawa kayo, patayin nyo ako. Bakit kayo tumigil!? Patayin nyo na ako!” Naghihisterical na ang Donya. Pinilit niyang abutin ng kamay ang kahit sinong tao na pwede nyang hawakan ngunit umatras ang mga ito.“Ano pang hinihintay nyo! Patayin nyo na ako upang matapos na ang pagdurusa ko! Sasamahan ko ang mga anak ko sa impyerno! Ah..hahahahaha!”Bam!“Bweset! Ang ingay! Ano ba!” Bumangon ang malaking tibo mula sa higaan nitong imp

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK5: CHAPTER 65 - CIELA'S PLAN

    “Dad, Mom,” bungad ni Rhayan pagpasok nila ni Hera sa loob ng silid ni Dharylle. Matapos yakapin si Dustin at Rihanna, si Dharylle naman ang sunod na niyakap nito na kasalukuyang yakap din ni Seidon.“Tama na ‘yan, Ako naman.” Sita niya kay Seidon na halos ayaw pakawalan si Dharylle. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong nito matapos yakapin ang kapatid.“Okay na ako, Kuya. Gusto ko na ngang lumabas eh.” nababagot na sagot ni Dharylle.“Kanina pa ‘yan nakikiusap na lumabas na. Ayaw namin dahil dumudugo pa ang sugat niyan. Umaandar na naman ang katigasan ng ulo.” sumbong ni Rihanna sa anak na panganay.“Mom, isa akong Doctor, alam ko kung makakaya ko na ang sarilo ko o hindi. Isa pa, nag-aalala na ako sa mga ang anak ko, baka hinahanap na ako ng mga iyon.” Katwiran ni Dharylle.“Sweetheart, sundin na lang natin sina Mom at Dad. Isa pa ang sabi ng doctor after 3 days pwede ka nang umuwi upang sa bahay na magpagaling. Hindi namin nakakalimutan na Doctor ka, ngunit mabuti nang makakasigu

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 64: THE FOOL

    “Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 63: A MOTHER'S REGRET

    Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 62 - MOTHER AND SON

    “Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 61 - UNDEFEATED CRAWFORD

    Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status