เข้าสู่ระบบMabilis na lumipas ang mga araw at buwan nang hindi namamalayan ni Agatha. Naging busy siya sa kaniyang trabaho bilang CEO lalo na at hindi pa rin nagpapakita si Daniel sa kaniyang kumpanya. Sa ngayon ay gamay na niya ang trabaho at wala na siyang pakialam kung may mga pagkakataong lagi siyang overtime sa trabaho. Sa dami ba naman ng files na dapat niyang basahin ay hindi sapat ang isang buong araw para sa kaniya. Isang gabi, habang busy siya sa kaniyang trabaho ay hindi niya namalayan na may isang lalaki na pumasok sa kaniyang opisina. "Saan ko ilalagay ang iced americano mo?" tanong ng lalaki sa kaniya. Hindi na nag-angat ng paningin si Agatha sa pag-aakalang ibang tao ang kasama niya nang sandaling iyon, "Pakilagay na lang diyan sa mesa ang coffee. Magkano nga pala ang babayaran ko?" "Hindi mo na iyan kailangang bayaran," sagot ng lalaki na nagpakunot sa noo ni Agatha. "Sagot ko na ang kape mo dahil masipag ka." "Excuse me, hindi ako --" Hindi nagawang ituloy ni Agatha
Hindi inaasahan ni Gavin na muli siyang kakausapin ni Darius tungkol sa sitwasyon, but this time, sa kaniya ibinibigay ng lalaki ang leadership sa kanilang company. Ang buong akala niya ay tatanggapin ng kaniyang manugang ang posisyong iniwan ng asawa nito. "Agatha finds it awkward to accept the leadership lalo na at lantad na sa publiko ang tunay nilang estado," sabi ni Darius sa kaibigan. "Ayaw niyang isipin ng ibang tao na sinadya niya ang pagbaba ni Daniel mula sa puwesto." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Gavin, "I am already past my retirment age para kunin pa ulit ang pagiging CEO. I mean, we need young blood na puwedeng makipagsabayan sa modern trends para hindi mahuli ang company sa advancements." "But Agatha does not like it lalo na at magiging awkward para sa kaniya ang lahat," sabi ni Darius. "It seems like nagkaroon ng epekto sa kaniya ang apology na kusang binanggit ni Daniel sa kaniya." "Well, guilty ang aking anak sa nangyari sa apo natin," sagot ni
Literal na nagulat si Agatha nang sumunod na araw ay mugto ang mata ni Daniel nang nagpakita ito sa kaniya. Nangunot pa ang kaniyang noo nang may napansin siya sa kamay ng nasabing lalaki. Bago pa man siya makapagtanong ay nagawa na siyang unahan ng lalaki. "This is my resignation letter na ipapasa ko sa board of directors," sabi ni Daniel sa isang seryosong tinig. "I will step down from my position at ibibigay ko na iyon dahil naniniwala akong mas kaya mo ang trabaho." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, "Kung ginagawa mo ito dahil sa guilt ay tigilan mo. Hindi ko kailanman isinama sa trabaho ang personal nating hidwaan." "Pero ako ang guilty sa ginawa ko sa inyong dalawa," sabi ni Daniel sa dating asawa. "Naging makasarili ako at ang inisip ko lang ay dinaan mo ako sa pwersa noon. Ni hindi ko man lang nakita kung paano mo ako minahal noon." Napalunok si Agatha sa sinabi ni Daniel. Ngayon ay ramdam na niya ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa ni Daniel. Is
Ngayon naramdaman ni Daniel ang sakit na matagal nang sinasabi sa kaniya ng ama niyang si Gavin. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa dating asawa at hindi iyon basta-basta mababawi ng isang sorry lang. Buhat nang talikuran siya ni Agatha ay nakaramdam siya ng kakulangan sa kaniyang puso na hindi niya magawang ipaliwanag kahit sa kaniyang sarili.“Ngayon ay alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin,” sabi ni Gavin nang naabutan niyang umiinom ang lalaki sa kanilang bar counter. “You lost something so precious na puwedeng pag-agawan ng kahit sino.”“Agatha is not interested,” saad ni Daniel. “Wala pa akong nakikitang lalaki na umaaligid sa kaniya.”“Pero hindi iyon nangangahulugan na puwede ka nang maging kampante,” sabi ni Gavin sa anak. “Maganda si Agatha at sigurado na akong may ilang nagpahayag ng interes sa kaniya noon pa. Hindi pa lang siya handa sa ngayon na tumanggap ulit ng lalaki sa buhay niya dahil sa trauma na inabot niya sa iyo.”Isang malalim na hininga ang pinakawala
Pagkarating nina Daniel at Maica sa bahay ay dumiretso kaagad si Daniel sa kwarto upang kumuha ng iba pa niyang mga gamit. Alam niya sa kaniyang sarili na wala na siyang karapatang tumira pa sa bahay na iyon dahil sa dati niyang asawa nakapangalan ang titulo.“What? Bigla kang natauhan ngayon na hindi mo ako mahal?” inis na tanong ni Maica sa binata. “Nawala ang pagmamahal mo sa akin dahil hindi ako ang inaakala mong nagligtas sa iyo noon?”Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel, “Hindi iyon ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal ko sa iyo. Alam mo iyon.”Bago pa man makapagsalita si Maica ay muling nagsalita si Daniel, “Huwag mo nang hintayin pa na si Agatha ang magpalayas sa iyo. Umalis ka na ngayong aalis na rin ako sa bahay na ito.”“Hindi ako aalis!” sigaw ni Maica habang pinagmamasdan ang pag-iimpake ni Daniel. “Sige, umalis ka ngayon! Alam kong babalik ka sa akin!”Hindi na pinakinggan pa ni Daniel ang sigaw ni Maica nang sandaling iyon. Kalmado niyang kinuha
Hindi na naalis sa utak ni Daniel ang huling sinabi ni Gavin tungkol kay Maica. Aminado siya sa kaniyang sarili na natatakot siyang matuklasan ang buong katotohanan tungkol sa insidenteng iyon lalo na at matagal-tagal din niyang pinaniwalaan ang sinabi nito noon tungkol sa pagliligtas nito sa kaniya. Iyon nga lang, kung hindi rin niya malalaman ang buong katotohanan ay sigurado siyang hindi siya matatahimik.Umuwi siya nang sumunod na araw upang komprontahin ang kinakasamang nagulat sa kaniyang pagbabalik.“Sabihin mo, paano mo ako iniligtas noon sa ilog?” tanong ni Daniel sa isang seryosong tinig.Napalunok si Maica sa tanong ni Daniel, “Hindi mo na kailangan pang balikan kung ano ang nangyari noon. Ang mahalaga ay alam mong iniligtas kita.”Nangunot ang noo ni Daniel, “Bakit hindi mo magawang sabihin sa akin ngayon ang detalye kung paano mo ako iniligtas noon?”“Dahil nakaraan na iyon, ayaw ko nang balikan!” sagot ni Maica in a defensive tone. “Gusto mo bang bumalik sa akin ang trau







