แชร์

CHAPTER SEVEN: SENSE OF LOST

ผู้เขียน: Lovina Alice
last update วันที่เผยแพร่: 2026-03-22 00:42:34

Isang yakap ang ibinigay ni Darius sa kaniyang anak na si Agatha nang ito ay nagising na sa loob ng isang hospital room. Hindi niya alam kung paano niya ibabalita sa sariling anak kung ano ang nangyari sa ipinagbubuntis nito. 

“Dad, what happened to my baby?” iyon agad ang naging tanong ni Agatha kay Darius nang sandaling iyon.

Umiwas ng tingin si Darius. Alam niya sa kaniyang sarili na mas masasaktan ang anak kapag nalaman nitong nawala na ang baby nito. Iyon nga lang, dahil sa pananahimik niya ay nagkaroon pa rin ng ideya si Agatha. 

“Dad, huwag ninyo na pong itago sa akin ang totoo,” sabi ni Agatha sa isang naiiyak na tinig.

Isang halik sa noo ang ibinigay ni Darius, “I’m sorry, anak, hindi na nagawa pang iligtas ng mga doktor ang anak mo. I have no other choice kundi ang piliin ka.”

Napapikit si Darius nang narinig na niya ang hagulgol ng kaniyang anak. Nasasaktan siya para sa kaniyang anak lalo na at nakikita niya na pilit ibinabangon ni Agatha ang sarili para sa ipinagbubuntis nito. Sa ngayon ay isang desisyon na ang nabuo sa kaniyang isipan.

“Wala na akong pakialam kung hindi man pirmahan ni Daniel ang papers o kung hindi siya umalis sa bahay mo,” sabi ni Darius sa anak. “Ilalayo na kita sa lalaking nanakit lang sa iyo.”

Lumabas lang si Darius sa private room ni Agatha nang nasiguro niyang nakatulog na ito. Masakit para sa kaniya na makitang umiiyak ang kaniyang anak kaya nang tumawag siya ng nurse ay pinaturukan niya ito ng sedatives para makatulog. Isang malalim na hininga pa ang kaniyang napakawalan dahil hindi rin niya lubos maisip kung bakit nagawa iyon ni Daniel sa sarili nitong mag-ina.

“Darius, narinig ko na ang lahat,” sabi ni Gavin na may bahid ng guilt sa boses. “Alam kong hindi mo mapapatawad ang anak ko sa nangyari, at hindi ko hihingin ang kapatawarang iyon. Kung gusto mong parusahan ang aking anak ay ipauubaya ko na iyon sa iyo.”

“Kapag ba ipinakulong ko ang anak mo ay maibabalik pa noon ang buhay ng apo natin?” puno ng pighati ang boses ni Darius nang sandaling iyon. “Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa si Daniel dahil ako mismo ang nakakita sa anak ko na duguan nang oras na iyon. Hindi lang isang simpleng miscarriage ang naganap dahil sinaktan din niya si Agatha.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Gavin. Alam niyang hindi nakadirekta sa kaniya ang galit ng kaniyang kaibigan, pero anak pa rin niya si Daniel kaya pakiramdam niya ay may kasalanan din siya kay Darius.

“Gavin, hindi kita sinisisi sa ginawa ni Daniel dahil magkaibang tao kayo, pero sa ngayon ay mas makakainam kung hindi ka rin muna magpapakita sa kaniya,” sabi ni Darius sa isang seryosong tinig. “Masyadong masakit para kay Agatha ang nangyari sa kaniyang anak, sa apo natin na hindi kinilala ng iyong anak.”

“Alam ko at kahit hindi mo ako sisihin ay alam ko sa aking sarili na may kasalanan pa rin ako,” sabi ni Gavin sa kaibigan. “Hindi ko nagawang turuan si Daniel kung paano kilatisin ang mga taong nasa paligid niya.”

“Wala na tayong magagawa sa bagay na iyon,” sabi ni Darius. “Nabulag na siya sa babaeng madalas niyang kasama. Sa ngayon, ang iintindihin ko na lang muna ay si Agatha. Kung kailangan ko siyang ilayo kaagad ay ilalayo ko na siya kahit na hindi pa sila pormal na naghihiwalay ni Daniel.”

“Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong pipirmahan ni Daniel ang papeles para maging legal na ang paghihiwalay ng dalawang bata,” sabi ni Gavin sa kaibigan.

Literal na nagulat si Daniel nang bigla siyang hinila ng sarili niyang ama palabas ng bahay. Hindi niya alam kung ano ang kasalanang nagawa na naman niya nang oras na iyon.

“Hindi mo talaga alam kung ano ang kasalanan mo?” tanong ni Gavin sa anak bago pa man niya ito binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha. “Hindi mo alam o ayaw mo lang aminin na ikaw ang pumatay sa sarili mong anak?”

“Papa –”

Bago pa man magawang makapagsalita ni Daniel upang depensahan ang kaniyang sarili ay muli siyang nakatanggap ng isang malakas na suntok mula sa ama. Bakas sa mukha nito ang galit.

“I already gave you so many chances para itrato mo nang maayos ang iyong asawa, tapos ganoon pa ang gagawin mo!” sabi ni Gavin sa kaniyang anak. “Ni hindi ka man lang nagsagawa ng fact checking bago mo siya sinugod upang patayin ang sarili kong apo!”

“Papa, kailangan bang ako na lang lagi ang mag-a-adjust para sa babaeng iyon kahit na alam ko sa sarili ko na siya ang dahilan kung bakit umiyak si Maica?” tanong ni Daniel sa isang mataas na tinig. “Tinawagan ako ni Maica dahil hindi niya kinaya ang pamamahiya ni Agatha sa kaniya!”

“Maica! Maica! Maica! Lagi mo na lang kinakampihan ang babaeng iyon kahit na wala siyang pruwebang ipinapakita sa iyo!” sambit ni Gavin sa isang galit na tinig.

Naningkit ang mata ni Daniel nang narinig niya ang tono ni Gavin, “Alam kong hindi mo gusto si Maica pero matuto ka naman sanang irespeto ang babaeng mahal ko! Pinagbigyan ko na kayo ni Uncle Darius sa kalokohan ninyo kaya ngayon naman ay sarili ko na ang iintindihin ko.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Gavin, “It’s your decision then to kill your own child. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa iyo.”

“Hindi ko anak ang batang iyon!” tanggi ni Daniel sa ama. “I am sure of it dahil palaging may kasamang ibang –”

Hindi nagawang tapusin ni Daniel ang kaniyang sinasabi dahil binigyan siyang muli ni Gavin ng isang malakas na suntok. Hindi nito nagustuhan ang akusasyong ibinabato niya sa dating asawa.

“Tama nga si Darius, ang laking tanga ng anak niyang si Agatha para asahan ang isang pagmamahal na hindi mo maibibigay,” sabi ni Gavin sa isang kalmado ngunit galit na tinig. “You said she cheated on you when all I saw was a woman na napagod na sa paghihintay sa isang tulad mo na mas inuuna ang sarili kaysa sa sariling pamilya.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-SIX: LEGALITY

    Galit ang nararamdaman ni Maica nang nakalayo na siya sa mansyon nina Gavin. Hindi niya inaasahan na mapapahiya siya sa harapan nito dahil sa ang piniling makasama ni Julienne ay ang ipinakilala niyang lolo. Ang buong akala niya ay kakampi pa niya ang bata. "Nilason na nilang tuluyan ang isipan ng anak ko," inis na sambit ni Maica sa kaniyang kausap na abogado. "Hindi ko mababaw ang anak ko kung hindi ko idadaan sa batas ang pagbawi sa kaniya." "I understand the situation," sagot ng abogado kay Maica. "And with the evidences na inihain mo sa akin ay malinaw na illegal ang ginagawa nila sa iyo. Malinaw sa batas na dapat ay ina ang kasama ng bata sa kaniyang paglaki." Napangiti si Maica lalo na ngayong alam niyang may kakampi siya at kasama niya ang batas sa pagbawi sa kaniyang anak. Sapat na iyon para sa kaniya lalo na at alam niyang malakas ang kaniyang laban. "Attorney, tatanawin ko na malaking utang na loob kung magagawa nating bawiin ang bata," sabi ni Maica sa kausap. "Sa

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-FIVE: DENIED MANIPULATION

    Alam ni Daniel na sa mga susunod na araw ay gagawa't gagawa ng paraan si Maica upang makita at makausap si Julienne kaya ibibigay niya ang gusto nito. Hindi siya magpapakita ng resistance lalo na at iyon naman ang gusto niyang mangyari: ang mahuli sa akto si Maica na minamanipula ang damdamin ng sarili nitong anak."Anak pa rin ni Maica si Julienne," sabi ni Agatha sa binata. "Sigurado ako na makikinig at makikinig pa rin siya sa kaniyang ina kahit na kasinungalingan pa ang lumabas sa bibig ni Maica. Maniniwala pa rin siya na kaya siyang mahalin ng sarili niyang mama kapag sinunod niya ang mga gusto nito."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel nang sandaling iyon, "Alam ko naman ang bagay na iyon kaya nga gusto kong siguraduhin na hindi siya basta-basta makakalapit sa bata.""Hayaan mo siyang lumapit sa bata lalo na at wala tayong laban kapag ginamitan na niya tayo ng batas," sabi ni Agatha sa lalaki. "Wala ka pa ring hawak na matibay na papel para mapagbawalan siyang mak

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-FOUR: PARENTAL TRUTH

    Hindi inaasahan ni Maica ang biglaang pagpunta ni Daniel sa kaniyang bahay. Ang buong akala niya ay pinuntahan na siya ng binata dahil nagbago na ang puso nito sa kaniya at napagpasiyahan na nitong makipagbalikan sa kaniya. "Ano ang ibig sabihin ng request na ito? Tinatanggalan mo na ba ako ng karapatang maging ina sa sarili kong anak?" sunod-sunod na tanong ni Maica nang nabasa na niya ang dokumentong ibinigay sa kaniya ng binata. "Alam mo na ang ibig kong sabihin lalo na at may patunay kami na sinasaktan mo ang anak ko," sabi ni Daniel. "That alone spells the truth na hindi mo mahal ang bata at ginagamit mo lang siya para makalapit sa akin at mapaghiwalay kami ni Agatha." "That is not true! I love our child!" sabi ni Maica sa isang defensive tone. "Hindi mo puwedeng agawin sa akin ang anak ko!" Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel, "We will see about that at kaya kong patunayan na inabuso mo ang anak natin." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Maica. Daniel acknowled

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-THREE: CUSTODY

    "Hindi ko alam na sinasaktan mo pala ang aking apo," sabi ni Gavin nang nakipagkita siya kay Maica nang sumunod na araw. "Ang akala ko ba ay mahal mo siya?"Namutla si Maica sa tanong na iyon ng matanda lalo na at mahigpit ang naging instruction niya sa bata na pababanguhin nito ang kaniyang pangalan sa mag-ama. She needs to make another convincing lie para lang masiguro na hindi ito makakapaghinala sa mga ginagawa niya sa bata."Sir, hindi po maiiwasan na disiplinahin ko rin si Julienne kasi nasa panahon siya ng kakulitan," sabi ni Maica sa lalaki. "Nagkakataon lang na mabilis din siyang magkaroon ng mga pasa kaya mapagkakamalan ninyo pong sinasaktan ko siya.""We will see about that kapag naibigay na ng doktor ang kanilang findings," saad ni Gavin sa dalaga. "Afterall, mapapatunayan pa rin naman ng science kung totoo ang sinasabi mo o hindi.""Sir...""Tatawagan na lang kita kapag nakuha na namin ang report mula sa ospital," sabi ni Gavin sa dalaga sa isang seryosong tinig. "Papayag

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-TWO: GIVING IN

    Hindi man kumbinsido si Maica sa gustong mangyari ni Gavin ay wala siyang nagawa nang sandaling iyon. Kailangan niyang pagbigyan ang matanda lalo na at iyon lang din ang tanging paraan upang masiguro niya na wala nang kawala si Daniel sa kaniyang mga kamay."Julienne, siguraduhin mo na mahuhulog ang lolo mo sa iyo at isipin niya na tama lang na ipakasal ako sa Papa mo," sabi ni Maica sa anak habang binibihisan niya ito. "Ayaw ko nang mangyaring muli ang pagkakamali mo. Nagkakaintindihan ba tayong dalawa?"Isang tango ang ibinigay ni Julienne. Alam niya sa kaniyang sarili na mamahalin siya ng sarili niyang ina kung susundin niya ang mga bilin nito."Sisiguraduhin ko na itatakwil kita bilang anak ko kung hindi mo magagawang sundin ang mga kagustuhan ko," sabi ni Maica sa anak. "Simple lang ang trabaho mo. Gawin mo iyon nang matino."Bago pa man makatangong muli si Julienne sa sisinabi ng kaniyang ina ay narinig na nila ang isang busina ng kotse. Hudyat iyon na susunduin na ni Daniel an

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-ONE: DECEPTION OF THE HIDDEN TRUTH

    Dahil na rin sa katotohanang alam na nina Agatha at Daniel ay naging madali na para sa sa kanila na manipulahin ang sitwasyong ibinigay sa kanila ni Maica. Gusto nilang masiguro na kung sakaling ibibigay na nila ang gulong nais nito ay kaya nila iyong panindigan. "All is set, " sabi ni Daniel sa dating asawa. "Puwede na nating baligtarin ang buong sitwasyon nang hindi niya namamalayan." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, "Ang tanong: maniniwala kaya siya na nagkahiwalay tayong muli? Hindi talaga natin kabisado ang laman ng kaniyang utak." Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel sa babae, "Para saan pa ang rumors na pinasimulan natin kung hindi siya maniniwala roon?" "Well --" "As long as masiguro lang niya na naghiwalay tayong muli ay babalik siya para kunin ang pwesto mo," sabi ni Daniel sa dating asawa. "Naiintindihan ko naman na gusto mong makasiguro na mahuhulog si Maica sa patibong natin, pero hindi kaya gamitin din niya ang patibong natin laban sa atin?"

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER SIX: CONFRONTATION

    Umuwi si Maica na inis na inis sa nangyari. Hindi niya inakala na papatulan siya ni Agatha ngayong naghiwalay na silang dalawa ni Daniel. Ang buong akala niya ay tulad pa rin ng dati ang ugali nito na hindi siya papatulan kahit na ano pa ang kaniyang gawing paninira rito.“Humanda ka Agatha dahil s

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIVE: PETITION

    Isang matagumpay na ngiti ang ibinigay ni Agatha sa kaniyang ama nang ipinakita na niya ang papeles na nagsasaad ng petisyon niya para sa legal separation nilang dalawa ni Daniel. Sigurado siyang wala nang trial na magaganap sa pagitan nilang dalawa ni Daniel dahil kasama na nito si Maica. Wala siy

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FOUR: HER DECISION

    Nakikita man ni Agatha ang kaniyang asawa ay nagpasiya siya na huwag itong labasin. Sa ngayon ay alam niyang hindi mababago ng pagpunta nito ang nararamdaman niyang sakit, lalo na sa mga akusasyong ibinato nito sa kaniya. “I already sent them away,” sabi ni Darius nang napansin nito ang pagsilip n

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER THREE: SEPARATION

    Bumalik si Agatha sa poder ng kaniyang mga magulang na walang ibang dala kundi ang kaniyang cellphone at sarili. Alam niya sa kaniyang sarili na puwede rin siyang palayasin ng kaniyang ama at pabalikin kay Daniel kaya inihahanda na niya ang kaniyang sasabihin upang kumbinsihin si Darius na huwag na

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status