Home / Romance / LOVE RETURNS WHEN SEPARATED / CHAPTER FOUR: HER DECISION

Share

CHAPTER FOUR: HER DECISION

Author: Lovina Alice
last update publish date: 2026-03-12 14:22:21

Nakikita man ni Agatha ang kaniyang asawa ay nagpasiya siya na huwag itong labasin. Sa ngayon ay alam niyang hindi mababago ng pagpunta nito ang nararamdaman niyang sakit, lalo na sa mga akusasyong ibinato nito sa kaniya. 

“I already sent them away,” sabi ni Darius nang napansin nito ang pagsilip ni Agatha. “They need to respect your decision lalo na ngayong sila ang nasa mali.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha. She already made up her mind about her marriage with Daniel. Sa tingin niya ay hindi naman ito tututol sa kaniyang kagustuhan.

“Dad, gusto ko na pong hiwalayan si Daniel,” sabi ni Agatha sa isang seryosong tinig.

Hindi na nagulat si Darius kung iyon man ang desisyon ng kaniyang anak. Ikinatutuwa pa nga iyon dahil sa wakas ay tuluyan na ring natauhan si Agatha sa tunay na estado ng kasal nito kay Daniel.

“What about the baby?” tanong kaagad ni Darius sa anak. “I hope na hindi mo siya idadamay sa galit mo sa kaniyang ama.”

Isang iling ang ibinigay ni Agatha. Kahit na sabihin pang sapilitan ang naganap sa pagitan nilang dalawa ni Daniel ay walang kasalanan ang bata sa kaniya. Napahaplos na lang siya sa kaniyang sinapupunan nang oras na iyon.

“Dad, I am not that petty,” sabi ni Agatha sa ama. “Magkaiba sila ni Daniel. Hindi ko idadamay ang bata sa isang kasalanang ibang tao ang gumawa. Ang gusto ko lang ngayon ay masigurong magiging healthy ang aking pagbubuntis lalo na at ang sabi ng doktor sa akin ay may chance na mawala siya sa akin kung puro stress ang makukuha ko.”

Isang tango ang ibinigay ni Darius, “As long as you are fit to travel, papayagan kitang pumunta sa bansang gusto mong puntahan. I won’t mind kung sa ibang bansa ka na rin manganganak.”

Niyakap ni Agatha si Darius nang sandaling iyon, “Thanks for understanding the situation, Dad.”

“Walang ibang makakaintindi sa pinagdadaanan mo ngayon bukod sa akin na magulang mo,” sagot ni Darius. “What about the house? I gave it to you as a wedding gift at siniguro ko na bahagi rin iyon ng pre-nuptial agreement na pinirmahan ninyo noon dahil nakapangalan iyon sa iyo.”

“Huwag po muna natin iyong pakialaman,” sabi ni Agatha sa ama. “Titingnan ko kung ano ang gagawin ni Daniel ngayong umalis na ako sa bahay ko.”

Hindi napigilan ni Darius ang pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang labi. Alam niya sa kaniyang sarili na nakikita na niya ang decisive Agatha na sa tingin niya ay matagal-tagal ding nawala buhat nang ito ay nag-asawa. Kilala niya si Agatha at sigurado siya na may naiisip na itong plano sa bahay na sa ngayon ay iniwanan nito.

“Sa ngayon ay susundin ko po muna ang payo ng doktor sa akin,” sabi ni Agatha sa ama. “Kapag nasiguro kong stable na ang aking pagbubuntis at naipanganak ko nang maayos ang aking anak ay babalikan ko ang kaniyang ama upang singilin sa kasalanan niya. Sa ngayon ay hahayaan ko po muna si Daniel na mag-enjoy sa aking pagkawala.”

Isang tango ang muling ibinigay ni Darius sa anak. Tiningnan niya ang kaniyang suot na relo bago pa man siya nagpaalam sa kaniyang anak.

“Mukhang nakinig naman sina Gavin sa akin kaya sa tingin ko ay hindi ka nila kakausapin nang personal sa mga oras na ito,” sabi ni Darius sa anak. “However, hindi ko masisiguro ang phone mo kaya mas makabubuti kung papatayin mo muna iyan para walang istorbo.”

“Iyon na nga po ang balak kong gawin,” sagot ni Agatha sa ama. “Kung sakaling tatanungin man po nila kayo ay sabihin ninyo na lang na sumusunod lang ako sa bilin ng doktor.”

Ilang araw pa lang ang nakalilipas buhat nang umalis si Agatha sa bahay nang dalhin ni Daniel ang first love niyang si Maica sa bahay na iniwan ng kaniyang asawa. Bakas sa mukha ng babae ang pagkamangha nang nakita niya ang loob nito.

“Ang ganda at laki naman ng bahay na ito,” sabi ni Maica sa lalaki. “Sigurado ka ba na walang magagalit sa atin kung sakaling malalaman nila na patutuluyin mo ako rito?” tanong pa niya in a sweet but sickening tone.

Isang ngiti ang isinagot ni Daniel nang sandaling iyon, “Walang magagalit dahil hiwalay naman na kami ni Agatha. Iniwan na rin naman niya ang bahay na ito and since this is a conjugal property, wala siyang magagawa kung sino man ang gusto kong patirahin dito.”

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Maica sa lalaki bago pa man niya ito niyakap. Ngayon ay sigurado na siyang wala nang makakahadlang pa sa magandang buhay na pinapangarap niya dahil wala na si Agatha sa pagitan nilang dalawa ni Daniel.

“Kung sakali bang magiging legal na ang paghihiwalay ninyong dalawa ni Agatha ay magpapakasal na tayo?” tanong agad ni Maica na ikinabigla ni Daniel.

Hindi alam ni Daniel kung paano niya sasagutin ang tanong na iyon ni Maica. Hindi iyon pumasok sa kaniyang isipan lalo na at sa ngayon ay alam niyang kasal pa rin siya kay Agatha. Hindi pa rin mababago ang status niya sa ngayon. Nagulat na lang siya nang bigla siya niyakap ni Maica.

“Alam kong mahirap sa ngayon ang aking hinihingi,” sabi ni Maica sa lalaki. “At sa ngayon ay kailangan ko munang makuntento sa kung ano ang mayroon tayo. Ang mahalaga lang naman ay magkasama na tayong dalawa at hindi na tayo maghihiwalay. Hindi mo naman siguro pipiliin si Agathang muli, hindi ba?”

Hinarap ni Daniel si Maica, “Oo naman, hinding-hindi ko na hahayaan pa si Dad na paghiwalayin tayong muli para sa Agatha na iyon. You once saved my life at ang tanging paraan para makabawi ako sa iyo ay mahalin ka nang buong-buo.”

Muling niyakap ni Maica si Daniel. Ngayon ay sigurado na siyang wala nang magagawa pa si Agatha dahil kaniya na ang asawa nito. Hindi na siya makapapayag pa na muli siyang maagawan ng nasabing babae dahil kaniya lang si Daniel. Wala siyang pakialam kung may maapakan man siya na ibang tao. Ang mahalaga lang sa kaniya ay ang masiguro na hindi siya iiwan ni Daniel.

Alam ni Maica na mawawala si Daniel sa kaniya kung hindi niya gagalingan ang kaniyang acting kaya nang nasiguro niyang nahuhulog na naman sa malalim na pag-iisip ang lalaki ay isang halik sa labi ang kusa niyang ibinigay iyon sa lalaki. She started slow para ipaalam kay Daniel na inosente pa rin siya.

“Hindi mo pa nga alam kung paano ako halikan kahit na ilang beses na kitang inangkin noon,” sabi ni Daniel sa dalaga bago pa man niya tuluyang inangkin ang labi nito.

“Make me yours then, body and soul,” sagot ni Maica sa lalaki.

Isang ngiti ang ibinigay ni Daniel kay Maica bago pa man niya ito hinalikan sa labi. Aminado siya na na-miss niya ang mga halik ng dalaga lalo na at ilang beses na rin naman niya pinangarap na muli itong angkinin. Iyon nga lang, nang nagsimula na siyang haplusin ang katawan nito ay biglang lumitaw sa kaniyang isipan ang mukha ni Agatha na para bang walang kamalay-malay na inaakit siya nito. Napahinto siya kaagad sa kaniyang ginagawa nang sandaling iyon dahil bigla siyang naguluhan.

“Daniel?” takang tanong ni Maica nang napatigil ang lalaki sa paghalik sa kaniya.

“I guess we are both tired tonight,” sabi agad ni Daniel sa dalaga. “Ipinahanda ko na ang guest room na tutulugan mo. Good night,” sambit pa niya bago halikan sa noo si Maica.

Pagkatalikod na pagkatalikod ni Daniel ay nawala rin ang inosenteng imahe na ipinapakita ni Maica kapag nasa paligid ang lalaki. Naiinis siya dahil kahit na iniuwi na siya ni Daniel sa bahay ay ipinaramdam pa rin nito sa kaniya na isa siyang kabit. Wala man siyang nakikitang pictures ni Agatha ay ramdam niyang ang nasabing babae pa rin ang kinikilala nito bilang asawa ni Daniel.

“Nabalitaan kong iniuwi na ni Daniel ang babae niya sa bahay mo,” balita ni Darius kay Agatha na kasama niya sa dinner nang sandaling iyon.

Isang ngiti lang ang pinasilay ni Agatha, “Sa ngayon ay wala na akong pakialam kung ano ang pa ang kaniyang gagawin. Ang hinihintay ko na lang ay ang legal separation papers namin na sigurado akong pipirmahan niya kaagad.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Darius, “Bakit hindi pa annulment ang ibigay mo sa kaniya? I mean, mas mainam kung maikakasal ka sa iba at hindi ka matatali sa kaniya.”

“Dad, kapag ginawa ko ang bagay na iyon ay mas hahaba pa ang proseso, baka tumagal pa ng taon bago maibaba ang pasya ng korte,” sagot ni Agatha.

“Kunsabagay, madali na lang din ang hatian sa assets ninyo lalo na at mayroon kayong prenuptial agreement na pinirmahan noon,” sagot ni Darius. “But still, hindi ko kayang sikmurain ang kababuyang ginagawa ni Daniel sa sarili mong pamamahay. Hindi ka na niya iginalang even in separation.”

Umangat ang kilay ni Agatha, “Ano ang magagawa ko? Ilang beses na rin niyang ipinamukha sa akin na hindi niya ako kayang mahalin. This baby na nabubuhay sa loob ko ngayon, hindi rin niya tinatanggap na kaniya kahit na alam niyang birhen ako nang gabing ginalaw niya ako.”

Akmang magsasalita si Darius nang biglang tumunog ang phone. Sasabihan sana niya ang kaniyang anak na huwag muna iyong sagutin nang nagsalita si Agatha.

“It’s from our lawyer, at sa tingin ko ay may maganda siyang sasabihin sa atin ngayong araw,” sabi ni Agatha in a calm tone. “Sagutin ko po muna ito.”

“Sige, let’s just hope na legal separation papers na iyang sasabihin niya sa iyo,” sagot ni Darius.

“Sana nga po ay ito na iyon,” saad ni Agatha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-NINE: DOMESTIC ABUSE

    Nang nasiguro ni Maica na wala na ang mga social worker ay pinuntahan niya kaagad si Julienne na kasalukuyang nakakulong sa kwarto nang sandaling iyon. Kailangan niyang sabihan si Julienne kung ano ang isasagot nito sa social workers kung sakaling babalik man sila para kausapin ito. Napailing pa siya nang nakita niya ang balat nito. "Kailangan kong takpan iyang mga pasa mo para hindi nila mapansin bukas iyan," sabi ni Maica sa bata. "May gustong kumausap sa iyo bukas." "Mama..." "Hindi mo ako tatawaging mama kapag nagkamali ka ng mga sagot sa kanila," banta ni Maica sa anak. "Ayaw mo naman sigurong mawalan ng mama, hindi ba?" Bago pa man makapagsalita si Julienne ay isang ngiti na ang ibinigay ni Maica sa kaniya. Nabuhayan siyang muli ng pag-asa na mamahalin siya ng sarili niyang ina kapag ginawa niya ang gusto nitong ipagawa sa kaniya. Hindi niya napansin na ang ngiting ibinibigay sa kaniya ng sarili niyang ina ay isang ngisi ang ibig sabihin noon para sa nasabing babae. "K

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-EIGHT: REPORT

    Labag man sa kalooban ni Daniel ang gustong gawin ni Agatha ay pinili na rin niyang pagkatiwalaan ang suhestyon nito sa kaniya. The only way to collect evidence is to make sure na kasamang muli ni Maica ang sarili nitong anak. "Sana lang ay hindi pa huli ang lahat para kay Julienne kapag kumilos na tayo para iligtas siya," sabi ni Daniel kay Agatha. "Ayaw kong dumating ako sa point na pagsisisihan ko ang nangyari sa kaniya." "Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko rin na hindi siya tuluyang mapapahamak," sagot ni Agatha sa binata. "Anak na rin ang turing ko kay Julienne kaya hindi ko gugustuhing mapahamak na lang siya sa kamay ni Maica." Kahit na hindi mapalagay si Daniel ay hindi siya nagtangkang tumawag kay Maica upang kumustahin ang bata. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang nasabing babae na makapaghanda sa kaniya. Gusto niyang ilabas ang tunay na pagkatao ni Maica. "It's been several days pero wala pa rin tayong nakukuha mula sa kakilala mo. I am afraid na baka kun

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-SEVEN: DEMAND

    Hindi makapaniwala si Maica nang sumunod na punta niya ay iba na ang sinasabi ng abogadong kausap niya. Hindi siya tanga para hindi siya magkaroon ng ideya sa kung ano ang nangyari pagkatapos ng naging pag-uusap nilang dalawa."Tell me, magkano ang ibinayad nila sa iyo para sila ang panigan mo?" tanong ni Maica sa isang matapang na tinig. "Hindi mo ba alam na bawal ang ginawa mong pagtalikod sa una mong kliyente?"Isang tikhim ang pinakawalan ng nasabing abogado nang sandaling iyon, "Sa pagkakaalam ko ay consultation lang ang ginawa natin nang nakaraang araw? You offered me your story nang hindi inilalahad ang buong katotohanan.""You --! Don't tell me nagawa ka na nilang lokohin kaagad!" sambit ni Maica.Isang tikhim na lang ang pinakawalan ng abogado sa dalagang ina, "Kung tama ang pagkakatanda ko ay consultation lang ang ginawa mo sa akin, which is iyon naman talaga ang sinadya mo sa akin nitong nakaraan. Hindi na sakop ng konsultasyon mo ang ginawa ng kabilang panig dahil legal op

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-SIX: LEGALITY

    Galit ang nararamdaman ni Maica nang nakalayo na siya sa mansyon nina Gavin. Hindi niya inaasahan na mapapahiya siya sa harapan nito dahil sa ang piniling makasama ni Julienne ay ang ipinakilala niyang lolo. Ang buong akala niya ay kakampi pa niya ang bata. "Nilason na nilang tuluyan ang isipan ng anak ko," inis na sambit ni Maica sa kaniyang kausap na abogado. "Hindi ko mababaw ang anak ko kung hindi ko idadaan sa batas ang pagbawi sa kaniya." "I understand the situation," sagot ng abogado kay Maica. "And with the evidences na inihain mo sa akin ay malinaw na illegal ang ginagawa nila sa iyo. Malinaw sa batas na dapat ay ina ang kasama ng bata sa kaniyang paglaki." Napangiti si Maica lalo na ngayong alam niyang may kakampi siya at kasama niya ang batas sa pagbawi sa kaniyang anak. Sapat na iyon para sa kaniya lalo na at alam niyang malakas ang kaniyang laban. "Attorney, tatanawin ko na malaking utang na loob kung magagawa nating bawiin ang bata," sabi ni Maica sa kausap. "Sa

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-FIVE: DENIED MANIPULATION

    Alam ni Daniel na sa mga susunod na araw ay gagawa't gagawa ng paraan si Maica upang makita at makausap si Julienne kaya ibibigay niya ang gusto nito. Hindi siya magpapakita ng resistance lalo na at iyon naman ang gusto niyang mangyari: ang mahuli sa akto si Maica na minamanipula ang damdamin ng sarili nitong anak."Anak pa rin ni Maica si Julienne," sabi ni Agatha sa binata. "Sigurado ako na makikinig at makikinig pa rin siya sa kaniyang ina kahit na kasinungalingan pa ang lumabas sa bibig ni Maica. Maniniwala pa rin siya na kaya siyang mahalin ng sarili niyang mama kapag sinunod niya ang mga gusto nito."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel nang sandaling iyon, "Alam ko naman ang bagay na iyon kaya nga gusto kong siguraduhin na hindi siya basta-basta makakalapit sa bata.""Hayaan mo siyang lumapit sa bata lalo na at wala tayong laban kapag ginamitan na niya tayo ng batas," sabi ni Agatha sa lalaki. "Wala ka pa ring hawak na matibay na papel para mapagbawalan siyang mak

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-FOUR: PARENTAL TRUTH

    Hindi inaasahan ni Maica ang biglaang pagpunta ni Daniel sa kaniyang bahay. Ang buong akala niya ay pinuntahan na siya ng binata dahil nagbago na ang puso nito sa kaniya at napagpasiyahan na nitong makipagbalikan sa kaniya. "Ano ang ibig sabihin ng request na ito? Tinatanggalan mo na ba ako ng karapatang maging ina sa sarili kong anak?" sunod-sunod na tanong ni Maica nang nabasa na niya ang dokumentong ibinigay sa kaniya ng binata. "Alam mo na ang ibig kong sabihin lalo na at may patunay kami na sinasaktan mo ang anak ko," sabi ni Daniel. "That alone spells the truth na hindi mo mahal ang bata at ginagamit mo lang siya para makalapit sa akin at mapaghiwalay kami ni Agatha." "That is not true! I love our child!" sabi ni Maica sa isang defensive tone. "Hindi mo puwedeng agawin sa akin ang anak ko!" Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel, "We will see about that at kaya kong patunayan na inabuso mo ang anak natin." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Maica. Daniel acknowled

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER SEVEN: SENSE OF LOST

    Isang yakap ang ibinigay ni Darius sa kaniyang anak na si Agatha nang ito ay nagising na sa loob ng isang hospital room. Hindi niya alam kung paano niya ibabalita sa sariling anak kung ano ang nangyari sa ipinagbubuntis nito. “Dad, what happened to my baby?” iyon agad ang naging tanong ni Agatha k

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER SIX: CONFRONTATION

    Umuwi si Maica na inis na inis sa nangyari. Hindi niya inakala na papatulan siya ni Agatha ngayong naghiwalay na silang dalawa ni Daniel. Ang buong akala niya ay tulad pa rin ng dati ang ugali nito na hindi siya papatulan kahit na ano pa ang kaniyang gawing paninira rito.“Humanda ka Agatha dahil s

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIVE: PETITION

    Isang matagumpay na ngiti ang ibinigay ni Agatha sa kaniyang ama nang ipinakita na niya ang papeles na nagsasaad ng petisyon niya para sa legal separation nilang dalawa ni Daniel. Sigurado siyang wala nang trial na magaganap sa pagitan nilang dalawa ni Daniel dahil kasama na nito si Maica. Wala siy

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER THREE: SEPARATION

    Bumalik si Agatha sa poder ng kaniyang mga magulang na walang ibang dala kundi ang kaniyang cellphone at sarili. Alam niya sa kaniyang sarili na puwede rin siyang palayasin ng kaniyang ama at pabalikin kay Daniel kaya inihahanda na niya ang kaniyang sasabihin upang kumbinsihin si Darius na huwag na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status