LOGINIsang matagumpay na ngiti ang ibinigay ni Agatha sa kaniyang ama nang ipinakita na niya ang papeles na nagsasaad ng petisyon niya para sa legal separation nilang dalawa ni Daniel. Sigurado siyang wala nang trial na magaganap sa pagitan nilang dalawa ni Daniel dahil kasama na nito si Maica. Wala siyang puwang sa puso nito kahit na ano pa ang kaniyang gawin o sabihin.
“Hahayaan mo pa ba siyang makilala ang anak ninyo kung sakali?” tanong ni Darius sa anak.
“Para saan pa? Ayaw kong lumaki ang anak ko na ipinagsisiksikan din ang kaniyang sarili sa lalaking iyon,” sagot ni Agatha. “Magagawa naman siguro nating punan ang pagmamahal na iyon kahit wala ang biological father niya.”
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Darius, “Malaki ang kasalanan ko sa iyo, Agatha. Kung hindi kita pinigilan sa kahibangan mo sa lalaking iyon noon ay hindi mo ito sasapitin. Magkakaroon sana ng isang magandang pamilya ang aking apo kung nanindigan lang sana ako sa desisyon ko noon na pigilan ang kasal ninyo.”
“Dad, kung hindi ako naging tanga sa pagpapakasal sa kaniya ay baka nananaginip pa rin ako nang gising ngayon,” sagot ni Agatha sa ama. “Alam kong sumama rin ang loob mo sa akin dahil nanaig ang pagmamahal ko sa kaniya noon.”
Napatango si Darius. Kung hindi naging tanga ang nag-iisa niyang anak ay sigurado siyang hindi pa ito magigising sa kahibangan nito kay Daniel. Nagkataon na inabot pa ito ng tatlong taon bago tuluyang nagising sa katotohanan.
“Nakapag-file ka na ng petition for legal separation, paano ang sa eviction nilang dalawa ng babae niya?” tanong agad ni Darius sa anak.
Tiningnan ni Agatha ang laman ng envelope na hawak niya. She is hoping na kasama roon ang demand letter sa gagawin niyang pagpapaalis sa kanilang dalawa sa sarili niyang pamamahay. Isang malalim na hininga ang kaniyang napakawalan nang nakita niya ang sulat na kailangan niya.
“Nandito na ang demand letter for eviction,” sabi ni Agatha sa kaniyang ama. “At sa mga oras na ito ay sigurado akong natanggap na nila iyon habang nagpapakasaya sila sa bahay ko.”
Hindi nga nagkamali si Agatha nang sandaling iyon. Ilang minuto lang ang lumipas at nag-ring ang kaniyang phone. Tinitigan lang niya ang kaniyang dad na para bang nagtatanong siya kung sasagutin ba niya ang tawag ni Daniel o hindi.
“Go ahead, sagutin mo ang tawag niya,” sabi ni Darius sa isang kalmadong tinig. “Let him know na desidido ka sa nais mong gawin.”
“Agatha, ano ba itong kalokohang ipinadala ng korte sa akin?” tanong ni Daniel sa isang inis na tinig. “Why did I receive a demand letter for eviction? Sa pagkakaalam ko ay conjugal property natin ang bahay na ito.”
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Sinasabi ko na nga ba, hindi mo binasa ang buong pre-nuptial agreement na pinirmahan natin noon. Hindi mo nakita ang clause na hindi kasama ang bahay na iyan sa property na paghahatian natin kapag naghiwalay tayo.”
“What?”
“That house is under my name alone, lalo na at ipinangalan iyan sa akin ni Dad bago pa man tayo magpakasal,” sagot ni Agatha. “I already agreed to leave the marriage kaya sana lang ay pakawalan mo rin ang bahay ko.”
“You’re a heartless b*tch na wala nang ginawa kundi sirain ang buhay ko!” bulyaw ni Daniel sa asawa.
Nasaktan man si Agatha sa akusasyon ni Daniel ay hindi na niya iyon pinatulan pa. Malinaw sa kaniya na mababa ang pagtingin ng lalaki sa kaniya dahil pinili niya ito noon. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan para hindi lumabas ang ibang emosyon na gusto niyang balewalain.
“Wala na akong pakialam kung heartless b*tch man ako sa iyong paningin,” sabi ni Agatha sa kaniyang ex-husband. “Ang mahalaga lang sa akin ay naipaalam ko sa iyo nang maayos ang katotohanang wala kang karapatan sa bahay na iyan. In fact, you should thank me dahil hindi illegal eviction ang ginawa ko. Idinaan ko pa rin sa due process ang lahat.”
Bakas ang inis sa mukha ni Daniel nang natapos na ang kaniyang tawag kay Agatha. Hindi niya nagawang itago ang emosyong nararamdaman niya nang sandaling iyon.
“That b*tch! Inuubos niya talaga ang pasensiya ko,” may bahid ng inis ang boses ni Daniel. “Biruin mo, inaangkin ng babaeng iyon ang bahay na kung tutuusin ay conjugal property namin. May karapatan pa rin ako sa bahay na ito!”
Isang masuyong pagyakap ang ibinigay ni Maica kay Daniel. Nag-iisip na siya ng kaniyang sasabihin na puwede niyang palabasin na si Agatha ang mas masama sa kanilang dalawa. She needs to manipulate him into thinking na may laban ito sa claim ng sarili nitong asawa. Kung kailangan niyang magpaawa ay gagawin niya iyon upang masiguro na siya pa rin ang papanigan nito sa bandang huli.
“Kung sa tingin mo ay mas magkakagulo lang kayong dalawa ni Agatha dahil sa akin ay mas nanaisin ko pa na umalis na lang dito,” sabi ni Maica in a fake sweet tone. “Puwede naman akong manatili muna sa hotel hangga’t wala akong permanent na matutuluyan.”
Nakaramdam ng inis si Daniel nang sandaling iyon towards Agatha. Dahil sa ginagawa nito sa kaniya ay naapektuhan na rin si Maica.
“No, walang aalis sa bahay na ito,” sabi ni Daniel sa dalaga. “May karapatan din ako sa bahay na ito.”
“Daniel…”
“Agatha should give this house to me bilang kabayaran sa pagpapakasal ko sa kaniya,” sabi ni Daniel sa dalaga. “Huwag kang mag-alala, kokontakin ko agad ang abogado ko para malaman kung ano ang dapat gawin.”
Niyakap na lang muli ni Maica si Daniel upang itago ang pagsilay ng kaniyang tagumpay na ngiti. Alam niya sa kaniyang sarili na hawak na niya sa leeg ang lalaki at kung sakaling magpumilit itong umalis sa kaniyang tabi ay hindi ito makalalayo kaagad sa kaniya.
“Daniel, hayaan na lang natin si Agatha sa gusto niyang gawin,” sabi ni Maica sa lalaki. “Ayaw ko namang mahirapan at maipit ka sa aming dalawa ni Agatha.”
Isang halik sa noo ang ibinigay ni Daniel sa noo ni Maica, “There is nothing to worry. Wala kang kasalanan. Sadyang pinapalaki lang ni Agatha ang pagpapatira ko sa iyo rito.”
“Daniel –”
Hindi na hinayaan pa ni Daniel na makapagsalita si Maica nang sandaling iyon dahil nagawa nang sakupin ng binata ang kaniyang labi. Hindi na rin siya tumutol pa sa halik na iyon lalo na at alam niyang magiging kaniya na ang lalaki.
“Shall we continue this inside our bedroom?” tanong pa ni Daniel in a husky tone.
“Alam mo na ang sagot ko,” sagot ni Maica. “Just make me scream your name in pleasure.”
Nang sumunod na araw ay nagpasiya si Maica na lumabas ng bahay upang mag-shopping. Naiinis siya sa nakikita niya sa loob ng bahay lalo na at ramdam niyang pagmamay-ari pa rin iyon ni Agatha.
“Wala na ang dati mong asawal kaya tama lang na ibahin ko na rin ang furniture sa bahay,” sabi ni Maica kay Daniel sa phone habang busy siya sa pagtingin sa mga naka-display na furniture. “Ayaw ko namang maging awkward ang pagtira ko sa bahay dahil lang sa may bakas pa rin ng mga gamit niya roon.”
“Well, nasa iyo naman na ang card ko kaya ikaw na ang bahala sa mga bibilhin,” sagot ni Daniel. “Just make sure na pasok sa aesthetic mo ang iyong bibilhin.”
Isang ngiti ang pinakawalan ni Maica nang sandaling iyon, “Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa bagay na iyon.”
Nang natapos ang tawag ay itinuloy ni Maica ang kaniyang ginagawang pagtingin sa mga furniture habang iniisip kung ano ang babagay para sa bahay. Sa kaniyang paglalakad ay hindi niya inaasahan na mababangga niya ang babaeng ayaw niyang makita nang sandaling iyon, si Agatha. Dahil alam niyang panalo na siya sa puso ni Daniel ay madali na para sa kaniya ang tarayan ito na para bang pag-aari niya ang mall.
“And here comes the desperate wife na handang gawin ang lahat para hindi iwan ng asawa,” sabi ni Maica sa isang nang-aasar na tinig. “What are you doing here? Sinusundan mo ba ako? Inaalam mo ba kung kasama ko si Daniel?”
Tinitigan lang ni Agatha si Maica mula ulo hanggang paa, “I think masyado ka nang hibang sa sarili mong mundo. Sa tingin mo ba ay makakauwi ka sa bahay ko kung nandoon ako?”
“Agatha –”
“Hindi ba si Daniel sa iyo na ako ang nang-iwan sa kaniya?” tanong ni Agatha in a mocking tone. “Mukha kasing binibigyan ka niya ng ilusyon na pinalayas niya ako para sa iyo. It is the other way around.”
Naningkit ang mata ni Maica nang sandaling iyon. Hindi niya inakala na ibang Agatha ang makakasalubong at makakausap niya. Pakiramdam niya ay minamaliit siya nito lalo na ngayong silang dalawa ni Daniel ang magkasama at hindi silang mag-asawa.
“Maaari ngang umalis ka, pero aminin mo, kahit na ano pa ang gawin mo ay ako pa rin ang pipiliin niya dahil ako ang mahal niya,” sabi ni Maica para asarin si Agatha. “Ako pa rin ang kaniyang first love na mamahalin niya kahit na ipagsiksikan mo pa ang iyong sarili sa kaniya.”
Ngumiti na lang si Agatha, “Ikaw nga ang first love niya, wala na akong laban doon. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi pa tumagal sa tatlong taon ang pagsasama naming dalawa dahil isa na iyong malaking pagkakamali. Katangahan na kung tutuusin.”
Bago pa man makapagsalita si Maica ay inilapit na ni Agatha ang kaniyang labi sa tapat ng tenga ng dalaga, “Siguraduhin mo lang na hindi niya malalaman ang katotohanan tungkol sa ginawa mong “pagliligtas” sa kaniya noon. Hindi mo pa nakikita kung ano ang tunay niyang ugali.”
Isang ngisi pa ang ibinigay ni Agatha kay Maica bago pa man siya nagpasiyang iwan ito. Alam niya sa kaniyang sarili na nagawa niya ang kaniyang misyon na inisin ang nasabing babae nang hindi sinasadya.
“Ikaw ang naunang mang-asar kaya siniguro ko lang na uuwi kang talunan mamaya,” sabi ni Agatha sa kaniyang sarili.
Nang nasiguro ni Maica na wala na ang mga social worker ay pinuntahan niya kaagad si Julienne na kasalukuyang nakakulong sa kwarto nang sandaling iyon. Kailangan niyang sabihan si Julienne kung ano ang isasagot nito sa social workers kung sakaling babalik man sila para kausapin ito. Napailing pa siya nang nakita niya ang balat nito. "Kailangan kong takpan iyang mga pasa mo para hindi nila mapansin bukas iyan," sabi ni Maica sa bata. "May gustong kumausap sa iyo bukas." "Mama..." "Hindi mo ako tatawaging mama kapag nagkamali ka ng mga sagot sa kanila," banta ni Maica sa anak. "Ayaw mo naman sigurong mawalan ng mama, hindi ba?" Bago pa man makapagsalita si Julienne ay isang ngiti na ang ibinigay ni Maica sa kaniya. Nabuhayan siyang muli ng pag-asa na mamahalin siya ng sarili niyang ina kapag ginawa niya ang gusto nitong ipagawa sa kaniya. Hindi niya napansin na ang ngiting ibinibigay sa kaniya ng sarili niyang ina ay isang ngisi ang ibig sabihin noon para sa nasabing babae. "K
Labag man sa kalooban ni Daniel ang gustong gawin ni Agatha ay pinili na rin niyang pagkatiwalaan ang suhestyon nito sa kaniya. The only way to collect evidence is to make sure na kasamang muli ni Maica ang sarili nitong anak. "Sana lang ay hindi pa huli ang lahat para kay Julienne kapag kumilos na tayo para iligtas siya," sabi ni Daniel kay Agatha. "Ayaw kong dumating ako sa point na pagsisisihan ko ang nangyari sa kaniya." "Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko rin na hindi siya tuluyang mapapahamak," sagot ni Agatha sa binata. "Anak na rin ang turing ko kay Julienne kaya hindi ko gugustuhing mapahamak na lang siya sa kamay ni Maica." Kahit na hindi mapalagay si Daniel ay hindi siya nagtangkang tumawag kay Maica upang kumustahin ang bata. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang nasabing babae na makapaghanda sa kaniya. Gusto niyang ilabas ang tunay na pagkatao ni Maica. "It's been several days pero wala pa rin tayong nakukuha mula sa kakilala mo. I am afraid na baka kun
Hindi makapaniwala si Maica nang sumunod na punta niya ay iba na ang sinasabi ng abogadong kausap niya. Hindi siya tanga para hindi siya magkaroon ng ideya sa kung ano ang nangyari pagkatapos ng naging pag-uusap nilang dalawa."Tell me, magkano ang ibinayad nila sa iyo para sila ang panigan mo?" tanong ni Maica sa isang matapang na tinig. "Hindi mo ba alam na bawal ang ginawa mong pagtalikod sa una mong kliyente?"Isang tikhim ang pinakawalan ng nasabing abogado nang sandaling iyon, "Sa pagkakaalam ko ay consultation lang ang ginawa natin nang nakaraang araw? You offered me your story nang hindi inilalahad ang buong katotohanan.""You --! Don't tell me nagawa ka na nilang lokohin kaagad!" sambit ni Maica.Isang tikhim na lang ang pinakawalan ng abogado sa dalagang ina, "Kung tama ang pagkakatanda ko ay consultation lang ang ginawa mo sa akin, which is iyon naman talaga ang sinadya mo sa akin nitong nakaraan. Hindi na sakop ng konsultasyon mo ang ginawa ng kabilang panig dahil legal op
Galit ang nararamdaman ni Maica nang nakalayo na siya sa mansyon nina Gavin. Hindi niya inaasahan na mapapahiya siya sa harapan nito dahil sa ang piniling makasama ni Julienne ay ang ipinakilala niyang lolo. Ang buong akala niya ay kakampi pa niya ang bata. "Nilason na nilang tuluyan ang isipan ng anak ko," inis na sambit ni Maica sa kaniyang kausap na abogado. "Hindi ko mababaw ang anak ko kung hindi ko idadaan sa batas ang pagbawi sa kaniya." "I understand the situation," sagot ng abogado kay Maica. "And with the evidences na inihain mo sa akin ay malinaw na illegal ang ginagawa nila sa iyo. Malinaw sa batas na dapat ay ina ang kasama ng bata sa kaniyang paglaki." Napangiti si Maica lalo na ngayong alam niyang may kakampi siya at kasama niya ang batas sa pagbawi sa kaniyang anak. Sapat na iyon para sa kaniya lalo na at alam niyang malakas ang kaniyang laban. "Attorney, tatanawin ko na malaking utang na loob kung magagawa nating bawiin ang bata," sabi ni Maica sa kausap. "Sa
Alam ni Daniel na sa mga susunod na araw ay gagawa't gagawa ng paraan si Maica upang makita at makausap si Julienne kaya ibibigay niya ang gusto nito. Hindi siya magpapakita ng resistance lalo na at iyon naman ang gusto niyang mangyari: ang mahuli sa akto si Maica na minamanipula ang damdamin ng sarili nitong anak."Anak pa rin ni Maica si Julienne," sabi ni Agatha sa binata. "Sigurado ako na makikinig at makikinig pa rin siya sa kaniyang ina kahit na kasinungalingan pa ang lumabas sa bibig ni Maica. Maniniwala pa rin siya na kaya siyang mahalin ng sarili niyang mama kapag sinunod niya ang mga gusto nito."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel nang sandaling iyon, "Alam ko naman ang bagay na iyon kaya nga gusto kong siguraduhin na hindi siya basta-basta makakalapit sa bata.""Hayaan mo siyang lumapit sa bata lalo na at wala tayong laban kapag ginamitan na niya tayo ng batas," sabi ni Agatha sa lalaki. "Wala ka pa ring hawak na matibay na papel para mapagbawalan siyang mak
Hindi inaasahan ni Maica ang biglaang pagpunta ni Daniel sa kaniyang bahay. Ang buong akala niya ay pinuntahan na siya ng binata dahil nagbago na ang puso nito sa kaniya at napagpasiyahan na nitong makipagbalikan sa kaniya. "Ano ang ibig sabihin ng request na ito? Tinatanggalan mo na ba ako ng karapatang maging ina sa sarili kong anak?" sunod-sunod na tanong ni Maica nang nabasa na niya ang dokumentong ibinigay sa kaniya ng binata. "Alam mo na ang ibig kong sabihin lalo na at may patunay kami na sinasaktan mo ang anak ko," sabi ni Daniel. "That alone spells the truth na hindi mo mahal ang bata at ginagamit mo lang siya para makalapit sa akin at mapaghiwalay kami ni Agatha." "That is not true! I love our child!" sabi ni Maica sa isang defensive tone. "Hindi mo puwedeng agawin sa akin ang anak ko!" Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel, "We will see about that at kaya kong patunayan na inabuso mo ang anak natin." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Maica. Daniel acknowled
Nakikita man ni Agatha ang kaniyang asawa ay nagpasiya siya na huwag itong labasin. Sa ngayon ay alam niyang hindi mababago ng pagpunta nito ang nararamdaman niyang sakit, lalo na sa mga akusasyong ibinato nito sa kaniya. “I already sent them away,” sabi ni Darius nang napansin nito ang pagsilip n
Bumalik si Agatha sa poder ng kaniyang mga magulang na walang ibang dala kundi ang kaniyang cellphone at sarili. Alam niya sa kaniyang sarili na puwede rin siyang palayasin ng kaniyang ama at pabalikin kay Daniel kaya inihahanda na niya ang kaniyang sasabihin upang kumbinsihin si Darius na huwag na
“This marriage has fallen nang hindi pa nag-uumpisa,” sabi ni Daniel sa isang seryosong tinig habang tinatanggal ang suot na necktie. “Do not expect me to touch you, kahit na ipagpilitan mo pa ang iyong sarili sa akin.”“Daniel –”Hindi na nagawa pang sabihin ni Agatha ang gusto niyang sabihin dahi
“Agatha, what is the f*cking meaning of this?!” galit na tanong ni Daniel Ibañez sa kaniyang mapapangasawa na si Agatha Dela Cruz. “Bakit ka pumayag na magpakasal tayo?!”Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Mga magulang natin ang nag-usap tungkol doon. Pumayag ako dahil childhood f







