Maagang nag-alarm ang cellphone ni Margaret at nagising siya na masakit ang ulo. Marahil ay dahil naulanan siya kagabi, at mukhang magkakaroon pa siya ng sipon.
Hinilot niya ang sentido habang kumukuha ng damit mula sa maleta, aksidenteng nalaglag ang isang pulang bagay at gumulong sa sahig. Isang maliit na robot ito na kasinlaki lang ng manika, may suot itong pulang sumbrero. "Mr. Red Hat guy" bulong niya. Ang munting robot ay gawa sa bakal at kulay grey, maliban sa sumbrerong pula. Mukhang minadali ang pagkakagawa. Ito ang nagsilbing simbolo ng kasal nila ni Xander. Nuong ikasal sila, certificate lang ang nakuha nila, walang selebrasyon, ni hindi man lang ipinakilala si Xander sa mga tao. Ang tanging nilabas lang ng Ramirez Group noon ay ang bagong Chairman na kasal na, pero hindi sinabi kung sino ang napangasawa. Tanging mga malapit na kaibigan at kamag-anak ni Xander lang ang nakakaalam sa pagkatao ni Margaret. Noong gabi ng kanilang kasal, tinanong niya si Xander kung minahal ba siya nito. Ang sagot ay isang malamig na tingin at isang robot na inihagis sa kanya. Walang imik na umalis si Xander nang gabing iyon. Kalagitnaan ng gabi, inusisa niya ang robot at nadiskubreng may built-in na AI chat assistant ito. Kapag naka-link sa app, pwede kang magpadala ng mensahe at sasagot ang robot gamit ang boses na parang tao. Tuwang tuwa pa siya noon, dahil alam niyang mahilig si Xander sa AI at computer, akala niya ay ginawa ito ng lalaki para sa kanya. Pinulot niya ang robot at pinadalhan ito ng parehong mensahe gaya noong gabi ng kanilang kasal. “Do you love me?” Sumagot ang robot gamit ang parehong malamig at walang emosyon na boses gaya ng dati “No, I don't love you.” Napangiti si Margaret. Tingnan mo nga naman. Pitong taon ang lumipas, pero matagal na palang malinaw ang sagot. After all this time... Nagbulag-bulagan lang sya, nagbingi-bingihan. She was drawn to a fairytale that would never happened. Nagpadala siya sa sariling delusions. It was there all along, the answer was already there. Inihagis niya ang robot sa ibabaw ng maleta. Nakatagilid ito, tila isang laruang inabandona. Naramdaman niyang mas lalong sumakit ang ulo niya. Nilingon niya ang kanyang daliri, may suot pa siyang singsing, it was a simple diamond ring, na ang dyamante ay hindi pa lalaki sa butil ng paminta. Natawa na lang siya, kahit singsing ay ipinagdamot pa sa kanya. Mula’t simula, hindi sinusuot ni Xander ang kanyang wedding ring. Tanging kapag kailangan nilang magkunwaring masaya sa harap ng ina, saka lamang niya iyon isinusuot. Ang buong kasal ay parang isang palabas na siya lang ang aktor. Inalis niya ang singsing at itinapon din sa tabi ng robot. ‘So this is all I got for loving him huh? Bullshit!’ bulong niya sa sarili. Kapag nagkaharap na sila para pirmahan ang divorce papers, isusoli niya ang mga ito.---
Samantala, ginising ni Manang Rose si Leo. Wala ang kayang mommy upang bawalan siya maglaro kagabi, kaya buong gabi siyang naglaro ng video games. "Mommy," sabi niya habang nakapikit pa. Tinulungan siya ni Manang Rose na magbihis. “Wala si Madam, Master.” "Ah, oo nga pala," sagot ni Leo na biglang natahimik. Sanay kasi siyang pagmulat pa lang ng mata, si mommy nya na agad ang nag-aasikaso sa kanya. Napansin ni Manang Rose ang lungkot ng bata. “Baka gusto mong tawagan si Madam? Tuwang-tuwa yun pag tinatawagan mo siya.” Umiling si Leo. “No.” Namimiss nya ang mommy nya, pero mas gusto pa niyang huwag nang bumalik ang mommy niya agad. Malaya kasi siya kapag wala ang ina at makakapaglaro hanggat gusto nya. "Ako na lang po mag-isa," aniya habang pinupunasan ang sarili. Pagkababa niya para kumain, siya lang mag-isa sa hapag. Si Xander ay maaga nang umalis papuntang opisina. Matapos kumain, nanood si Leo ng cartoons at naglaro ng game console, pero kalauna’y na-bore na rin siya. Naalala niya si Tita Cass. Gusto niya itong makalaro. Pero sabi ni Daddy kahapon, may gagawin daw sila kaya hindi siya puwedeng sumama. Bigla siyang nakaisip. Mahal na mahal ni Daddy si Tita Cass. Kung kay Tita Cass siya hihingi ng favor, sure na papayagan siya. Kaya tinawagan niya si Cassandra. Nang pumayag ito, tuwang-tuwa siyang nagbihis at nagpahatid sa driver papunta sa kumpanya ng kanyang Daddy.---
At Bringhstar Bank, Technology Department, Margaret was on an important meeting.
"Confirmed na ba ang mga requirement ng mall page?" tanong niya habang nakatingin sa projected slide sa dingding. Matapos i-confirm ng product manager at UI designer, tumango siya. “Okay then, sundan natin ito. Hati-hatiin ninyo ang gawain sa front-end at back-end. Bago mag-out mamaya, kailangan ko ng schedule ninyo.” Matapos ang meeting, dumiretso siya sa opisina ng Technical Director. Maaga pa lang ay busy na siya. Pagkatapos ng ilang oras na diskusyon, nag-resign siya. Ayaw siyang pakawalan ng direktor dahil isa siya sa best and hardworking na employee sa bangko. Pero nang malaman nitong hindi siya lilipat sa ibang kumpanya kundi magpapalit talaga ng career, napilitan itong pumayag. "Pero kailangan mong humanap ng ipapalit dapat kasing galing mo," bilin ng direktor. "Yes sir, of course" tugon niya. Nag-message agad si Margaret sa HR para maghanap ng senior programmer. Agad niyang tinapos ang request. Pagkatapos, dumaan siya sa pantry para kumuha at uminom ng gamot. Totoo ngang nagkasipon siya at ang malala,parang sasabayan pa ng lagnat. Matapos uminom ng gamot, tumayo siya ng kaunti para magpahinga. Dinukot niya ang cellphone. Tatawagan sana niya ang kanyang auntie. Pero natigilan siya. Naalala niya ang mga sinabi nito; “How stupid of you to waste such a talent for a man?! Huwag ka nang magpakita sa akin. Kalimutan mo na ring tita mo ako!!” Nanginig ang kamay niya habang hawak ang cellphone. Ngunit hindi niya tinawagan. Sa halip, nagpadala siya ng text message. “Auntie, I'm back” Pagkatapos niyang maipadala ang mensahe, biglang nagsulputan ang mga balita sa screen:[Cassandra Smith, daughter of the Smith family, who holds a PhD from Pennsylvania Business School, returns to Philippines][Ramirez Group officially enters the Al field)[Ramirez Group announces the establishment of a new technology branch and the appointment of new president: Cassandra Smith]Isang banayad na amoy ng scented candles ang bumalot sa buong silid. Parang usok na hinahaplos ang hangin, nagpapakalma sa bawat kaluluwang nagtatago ng pagod at pangamba.Nasa ilalim ng kumot si Margaret, nakapikit habang ninanamnam ang bango ng kandila. It smells cool, sweet, and comforting. Sa kauna-unahang pagkakataon sa matagal na panahon, nakatulog siya ng mahimbing.---Maaga ng umaga.Tatlong mahinahong katok ang pumunit sa katahimikan. Tok, tok, tok.Sa labas ng pintuan, naroon si Asher. Suot ang gray na sweater, silver-rimmed glasses, at ang mukhang laging kalmado.“Sir, Didn't you sleep?” tanong ni Butler Ed, nakatayo malapit sa hagdan.Ngumiti lang si Asher, tipid at magaan. “I brought some scented candles for Yanna last night. I wanted to see it works so I stayed late last night, It seems working though.”Nagpatuloy siya sa kabilang kwarto, yung malapit lang sa kay Margaret, at doon nagpahinga. Si Butler Ed, tahimik lang na umiling habang bumaba ng hagdan.---Kinabukasan
Tahimik na lumapit si Zein sa kama. Huminto siya mga isang metro bago ito maabot."President... kamusta na po ang sugat ninyo?" tanong niya, mahinahon pero may halong concern.Pinili niyang bumalik sa formal tone, she was on her Secretary mode. Para malinaw na respetado niya ito bilang tagapagligtas at hindi kung sino pa man.Pero hindi siya sinagot.Hindi man lang siya tiningnan.Nakakahiya.Tumayo lang siya roon. Hindi alam kung ano’ng gagawin, kaya naghintay siyang magsalita ito. Tahimik lang sila parehas. She was too scared to speak, baka mamaya gusto palang gumanti ni Warren o di kaya, hilahin na lang sya papunta sa kama.Si Warren, nakasandal pa rin sa headboard, hawak ang librong binabasa, hindi man lang kumurap simula pa nang kumatok siya hanggang ngayon.Dumaan ang halos isang minuto.Mabagal na binuksan ni Warren ang pahina gamit ang mahaba’t mapuputing daliri, parang eksena sa art film, eleganteng-elegante.Saka siya nagsalita. "Secretary Verg
“Margaret?? Marga?? Hello?”Napatigil sa pag-iisip si Margaret nang paulit-ulit siyang tawagin ng kaibigang reporter sa kabilang linya.“Gusto mo ba itong i-expose? Big scoop ‘to, kahit hindi pa confirmed, sasabog sa media to.”Halata sa boses ng lalaki ang sabik at excitement pero iba ang dating nito kay Margaret. Alam niya kung gaano kabigat ang impormasyon, at kung gaano kalala ang pwedeng maging consequence ng maling paglalabas nito.“I'm not in favor of fake news. Hindi tayo pareho,” malamig niyang sagot.“Ang kailangan ko malaman, may contact ba si Rin kay Cassandra? May binanggit ba siya tungkol dito?”“Wala, as in wala. Sa ngayon, base sa records at surveillance, never pa silang nagkausap. Magkaama lang sila, pero never silang nagtagpo.”Napakurap si Margaret. Walang contact?Kung gayon, yung 10 million yuan na hinihingi ni Madrid para sa kasal na nauwi sa pagka-ospital niya ay hindi galing sa utos ni Cassandra?Ibig sabihin… baka may ibang mastermind.Biglang pumasok sa isip
"Are you having a nightmare?"Dahan-dahan ang boses ni Asher habang nakatayo sa hallway, naka-gray pajamas, tahimik lang, pero punô ng pag-aalala ang mga mata."Dumaan lang ako sa kusina para uminom ng tubig... pero narinig kita. Sumisigaw ka, Yanna."Napakurap si Margaret.Sumigaw siya?Hindi niya namalayang ganoon na pala kalalim ang bangungot niya. Unti-unti siyang tumango, pagod na pagod, at umupo sa gilid ng kama."Hindi na ako makatulog ng maayos," mahinang sabi niya.Tuwing pinipikit niya ang kanyang mata, bumabalik-balik ang mukha ni Xander na may dugo sa ulo, nakakulong sa madilim na selda. Nakakasulasok sa isip.Nag-isip siya sandali, at saka mahinang nagtanong. "Do you have sleeping pills?"Umiling si Asher, at may konting kunot ang noo. "Stop depending on sleeping pills. Lalo kang manghihina."Kita niyang nawalan ng pag-asa ang babae, kaya't nag-alok siya. "Kung okay lang sayo, puwede ba akong maupo sa tabi mo hanggang makatulog ka?"Napatigil si Margaret. Saglit siyang na
Kahit pa gusto na niyang sipain palabas si Wayne, hindi na niya ito pwedeng itapon basta-basta. After all, si Mama pa rin ang may final say.“Just let me recover at saka mo na lang ako guluhin,” maikling sabi ni Xander.“Ohh~” sagot ni Wayne, kunyaring inosente habang nakatitig nang tuwid kina Cassandra at Xander, ngiting may malisya.Napakuyom ng kamao si Xander, halatang naiirita. Pero bago pa siya makapagsalita, naunahan na siya ng pinsan:“My dad ask me to go here every weekend. Kung hindi raw, I'll be punished. Tapos, may sakit ka pa! Eh kung ‘di ako dumalaw, hindi na ako tao n’un, ‘di ba?”"Get him out of here" Hindi na nagdalawang-isip si Rio. Parang laruan lang na binuhat si Wayne at inilabas sa kwarto.Pagbagsak sa labas, napa-“Aray!” si Wayne.“Tangina, lakas non!” Wayne cursed while still in shock.Pero syempre, hindi siya nagpatalo. Kumalampag siya sa pinto ng ward habang sumisigaw. "Bye, cousin~ See you tomorrow!"Tapos, mabilis siyang tumakbo pababa. Habang pababa sa ha
"Hindi pa rin ikaw ang head of household?" Napakunot na ang noo ng staff sa presinto, at halatang nawawalan na ng pasensya. Mabilis ang pila, at mahaba ang naghihintay sa likod niya. "Medyo komplikado 'yan, Miss. Pumunta ka muna sa kasama ko para i-explain ang proseso. Marami pa kasing kailangang intindihin diyan." Margaret had no choice but to step aside and seek assistance. First time niya ito, at wala siyang kaalam-alam sa bureaucratic maze ng pagpapalit ng legal documents. "Ang pinakaimportante ngayon ay ang household registration mo. Kapag kumpleto ang info, usually, five days lang 'yan," paliwanag ng mas mahinahong staff. Pero... "Dahil hindi ikaw ang householder, kailangan mo ng kopya ng ID niya, o kung wala siya, kailangan mo ng authorization letter na may pirma niya." Of course. Of course kailangan pa rin si Xander. "Paano kung hindi naman nawala ang household book pero... ayaw lang niya ibigay?" tanong ni Margaret, halos pabulong, pero may bahid ng desperasyon