Share

Kabanata 85

last update Last Updated: 2025-06-11 19:51:52

Pagkauwi nila mula sa school, agad na lumapit si Owen kay Margaret at ikinuwento ang halos lahat ng nangyari sa school.

Pero hindi niya binanggit ang tungkol kay Leo, yung pagnanais nitong maging "kuya" kaysa "brother", pati na rin ang madalas nitong pagkagalit. Nagpromise kasi siya kay Leo na hindi niya ito ikukuwento kanino man. Sabi nga ng papa niya, "Ang tunay na kaibigan, marunong tumupad sa pangako."

Tahimik na nakikinig si Margaret habang hawak ang isang tasa ng mainit na gatas. Nang matapos si Owen sa kwento niya, dahan-dahan siyang ngumiti.

“Ah, so gusto mong maging kaibigan siya at makipaglaro sa kanya, pero parang hindi ka niya masyadong pinapansin?”

Tumango si Owen, bahagyang nakayuko, parang nahihiya.

Napakagat-labi si Margaret. Hindi naman siya sigurado kung gusto talaga ni Leo makipaglaro kay Owen. Pero sa totoo lang, ito ang unang beses na may bata siyang gustong kaibiganin. Bilang isang ina, importante ‘yun para sa kanya.

Matapos ang ilang segundo, nagtanong siya ulit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Chapter 94

    The sky burned in hues of orange and pink, typical ng sunset sa Manila, pero ngayong araw, iba ang bigat sa dibdib ni Margaret habang nakatayo siya sa harap ng gate ng University.Hawak ni Xenox ang strap ng sling bag niya, tila ayaw talagang bumitaw. Bahagyang kulot ang buhok nito na sinaglit ng ginintuang araw, at sa likod ng maamong mukha, may bakas ng lungkot."Ate… sigurado ka ba? Bukas ka na talaga aalis?"Bahagyang ngumiti si Margaret, kahit pakiramdam niya ay dudurog ang puso niya sa bawat tanong ng bayaw."Oo… After ng court hearing bukas, lilipad na agad ako papuntang Paris. Di ko pa alam kung kailan ako makakabalik."Ngayon ang unang araw ng klase ni Xenox sa university. Kaya naisipan niyang yayain ito kumain at ihatid sa school bilang pamamaalam. Kahit papaano, gusto niyang may huling alaala silang dalawa, isang paalam na hindi sinambit pero dama.Lahat ng pinagmulan niya, ang lugar na ito, ang mga tao, ang pamilya, iiwan na niya. Para sa ikabubuti ng lahat, pero hindi ibi

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Chapter 93

    Sa madilim na basement, bahagyang lumiwanag ang maliit na screen ng relo ni Knight. Katatapos lang niya magpadala ng mensahe, at agad may dumating na reply."Don’t overdo it."Napangiti si Knight. Umiling siya at mabilis na nag-type."I know, I know you feel bad. Pero hindi na natin kailangan pang problemahin sila. Sa totoo lang, natapos na nilang ayusin halos lahat ng gulo bago pa ako makagalaw. Sa diskarte at bilis nila, minsan napapaisip ako kung veteran rin ba 'tong mga 'to."Walang tugon sa biro niya. Pagkaraan ng ilang segundo, isa pang mensahe ang lumitaw:"When are you going to come out and clean up the mess?""No hurry," sagot niya habang pinipindot ang maliit na keyboard sa ilalim ng relo."Alam ko nang hindi kakayanin ni Matthew yung pressure sa taas. Pag lumala pa 'yung gulo, saka tayo lalabas para isa-isang alisin 'yung mga uod nakapaligid sa kompanya.""Tungkol naman sa umatake sa’kin..."Napahinto siya sandali, tapos nagpatuloy:"Malaki ang posibilidad na may internal l

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Chapter 92

    Sa opisina ni Xander, makikita ang tensyon sa bawat sulok. Ilang tao ang nakaupo sa paligid ng mesa, hawak ang kani-kanilang laptop, abalang-abala sa pagbubukas ng mga file at pag-review ng impormasyon.“Shaina Ramirez?” Napakunot ang noo ni Xander habang binabasa ang isang pangalan sa screen. Tumingin siya kay Rio, sabay tanong, “Pumunta rin ba siya roon?”Nagkatinginan ang lahat.“Who's that?” tanong ni Cassandra habang lumapit sa laptop na tinitingnan ni Xander.“Friend ni Maragaret,” sagot nito nang walang kaarte-arte.Napakunot din ang noo ni Cassandra, sabay hinanap ang profile ni Shaina. Habang binabasa niya ito, nagpatuloy si Rio, “Na-trace ko. Nasa area siya ng isang financial dispute mediation nung araw na 'yon. Confirmed na may record sa police station. Pinacheck ko rin 'yung kotse niya kaninang umaga, walang bakas ng dugo.”Pabirong ngumiti si Cassandra, “Eh di wala rin ‘yan. Mukhang hindi rin niya kayang gawin yun.”Binilugan niya ng tingin ang buong kwarto. “Si Margaret

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Chapter 91

    Bukas nang kaunti ang pinto.Nanlaki ang mata ni Margaret. Napatigil siya sa paglalakad at tumama agad ang tingin niya sa lalaking nakatalikod kanina pero ngayon ay nakaharap na sa kaniya.Tumigil bigla ang pintig ng puso niya… pero agad din itong bumalik sa normal. Hindi siya kalaban.“Anong ginagawa mo dito…” tanong niyang bahagyang paos, hindi pa rin tuluyang makabawi mula sa gulat.“Mommy!”Bago pa siya masagot ng lalaki, isang maliit na katawan ang tumakbo papunta sa kaniya. Si Owen, suot pa rin ang paboritong raccoon pajamas na humikbi at niyakap siya ng mahigpit.Nagpigil ng luha si Margaret habang hinahaplos ang likod ng bata. Hindi na niya naalalang tanungin kung bakit naroon ang mag-tito sa ganitong oras. Ang mahalaga, yakap niya ngayon ang batang umiiyak sa takot.Hindi rin malinaw kung anong kinatakutan nito. Pero mula sa lakas ng hikbi at kabigatan ng katawan, halatang matagal nang umiiyak. Sa wakas, sa bisig ni Margaret, muling nakatulog si Owen sa pagod.Dahan-dahan niy

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Chapter 90

    Pagkabalik ni Margaret sa ospital matapos ayusin ang lahat ng gamit niya, agad siyang naupo sa kama para magpahinga. Hindi pa man siya nakakarelax, bumukas na ang pinto ng ward.Dumating si Kin kasama si Owen, galing eskwela. Napatingin agad si Kin sa kanya.“Bakit parang namumula ang pisngi mo?” tanong niya, bahagyang nagulat.Napahawak si Margaret sa mukha niya. Baka kasi sa pagmamadali at sa init ng panahon, uminit talaga ang katawan niya.“Siguro dahil umiinit na ang panahon,” sagot niya, umiwas ng tingin.Sandaling kinausap niya ang bata, tapos hinila niya si Kin palabas ng kwarto para makausap ng pribado. Pagkalabas nila, diretso agad siya sa punto.“Malapit na akong ma-discharge. Hindi maganda na masyadong ma-attach si Owen sa akin. Hindi ko siya kayang alagaan palagi. Ikaw ang tito niya, dapat ikaw ang mas madalas kasama niya.”Hindi ito inaasahan ni Kin. Napakamot siya ng ulo, medyo nahiya. Gusto naman niyang samahan ang pamangkin, pero alam niyang mas malapit ito kay Margare

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 89

    Sa tapat ng side gate ng village, huminto ang isang taxi. Isang babae na nakasuot ng puting coat at may suot na face mask ang bumaba. Tahimik pero mabilis ang mga hakbang niya papasok sa loob ng compound, dala ang isang malaking bag. Huminto siya sa isang villa, at binuksan ito na para bang pagod na sa lahat ng nangyayari.Sa loob, agad na sumalubong si Shaina. Matagal na itong nag-aabang sa kanyang pagdating, halatang hindi mapakali.“Marga!” agad nitong bati. “Kamusta? Nakipag-cooperate ba siya?”Hindi sumagot agad si Margaret. Isinara niya ang pinto, tinanggal ang mask habang hawak ang mabigat na bag, at diretsong naglakad pababa sa basement.“Medyo... okay naman siya. Hindi siya lumaban,” mahinahong sagot ni Margaret habang patuloy sa paglakad.Sumunod si Shaina habang hawak ang isa pang bag, nandoon ang baril. Sa ilalim ng ilaw, kumislap ang metalikong bahagi nito.Noong una, parehong hindi alam nina Margaret at Knight kung sino ang dapat magtiwala. Pero nauwi ito sa kompromiso.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status