Share

ANG PAGBABALIK NG HARI NG SELDA 13

PUMULANDIT ANG DUGO mula sa bibig ni Brendon nang bumagsak sa kanyang mukha ang kamao ng misteryosong lalaking nag-abduct sa kanya mula sa kotse ni Joanne. Pinilit niyang kumawala sa silyang kinauupuan, ngunit ni hindi niya maigalaw ang kanyang braso sa higpit nang pagkakadikit ng patung-patong na mga industrial tape na ipinanggapos sa kanya sa silya.

Wala ano mang expression siyang mabasa sa mukha ng lalaking kanyang kaharap. Naaasiwa siya sa poker faced na pagkakatingin nito sa kanya

“Ano’ng atraso ko sa ‘yo, Boss?” Tanong niyang pilit pinakakalma ang naguguluhang isip.

“Walang personalan ‘to. Trabaho lang,” maikling sagot ng tinanong, “takpan ang mata nito,” biglang utos sa isang tauhan na naroon.

Nagdilim ang kanyang paligid, “ano’ng gagawin n’yo sa akin?” hintakot niyang tanong.

Nagpapasag siya. Pinilit na hindi matakpan ang kanyang mga mata.

“Tumigil ka sa kalilikot!” Singhal ng nagtatali ng blindfold niya na sinabayan ng malakas na pagbatok sa kanya.

ilang saglit lang
Em Dee C.

Happy reading my dearest readers! Thanks a bunch! Em Dee C.

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status