Share

LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY
LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY
Author: Em Dee C.

KIDNAPPED

PANGALAWANG tadyak ng masamang kapalaran iyon sa buhay ni Theodore Rossell.

“Namatay po ang kakambal ng inyong anak habang nasa ICU,” pagbabalita sa kanya ng nurse na si Gemma Garcia, “nasa morgue na po ang katawan ng sanggol.”

Ang unang tadyak ng malupit na kapalaran ay ang pagkamatay ng kanyang asawa sa panganganak.

“Ano’ng klaseng ospital ba ‘to,” reklamo niya, “ipinagmamalaki n’yong narito ang pinakamagagaling na doktor at pinakamahuhusay na equipment, pero bakit hindi n’yo nagawang iligtas ang buhay ng asawa ko’t anak?”

“Ospital lang po ito, Sir Theodore, at hindi paraiso,” sagot ng nars, “hindi po diyos ang mga doktor na nagtatrabaho dito. At wala kaming magagawa kung nais nang bawiin ng Lumikha ang buhay na ipinagkaloob Niya.”

Tinalikuran na siya at iniwan ng nurse.

Nagpuputok sa galit ang kanyang damdamin. Gusto niyang magwala. Magsisigaw at sisihin ang lahat ng mga nasa ospital na iyon sa “pagkawala” ng dalawang mahalagang tao sa buhay niya.

Subalit pigil siya ng breeding na nasa isip, damdamin at katawan na niya simula pa ng kanyang pagkabata.

Halos sasabog na ang kanyang puso sa labis na sama ng loob at galit, pero tahimik pa rin niyang pinuntahan ang bangkay ng sanggol na namatay.

Dala niyang tila mabigat na krus sa kanyang balikat ang katotohanang, ilang araw pa lang ang nakalilipas matapos ilibing ang kanyang asawa, at sa sandaling iyon ay pupuntahan naman niya ang bangkay ng anak niya.

Pakiwari niya’y unfair ang Langit.

“Akala ko’y mayroon na akong heir and spare,” paghihimutok niyang kinakausap ang walang buhay na anak, “anyway, siguro ‘yon ang dapat mangyari. Ang universe ang siyang nag-decide ng iyong kapalaran. Nawa’y maging masaya ka, saan ka man dalhin ng kapalaran, anak ko.”

Ilang sandaling nanatili sa morgue si Theodore Rossell, bago yuko ang ulong lumabas. Itinago sa lahat ang luhang hindi napigilang maglandas sa kanyang mukha.

“I need to move on. Maraming empleyado ang umaasa sa aking mga kumpanya. Hindi sila dapat madamay sa masamang kapalarang inabot ko.”

Kailangan siya ng mga taong pinasusuwelduhan niya upang ang mga ito ay patuloy na mabuhay. At kailangan din niya ang mga ito sa pag-unlad pa ng mga negosyong kanyang mga pinamamahalaan. Upang madagdagan pa ang kanyang kayamanan at maging higit na makapangyarihan.

Ah, hindi niya malilimutan kailanman ang motto na isinaksak ng ama niya sa kanyang isipan, simula’t sapul na bata pa siya.

MONEY IS POWER.

*** ****

WALANG PAGSIDLAN ang damdamin ni Gemma sa sobrang kaligayahan, dahil nagawa niyang nakawin ang isa sa kambal ni Theodore Rossel.

“Russel ang pangalan ibinigay ng iyong ama sa kakambal mo, kaya papangalanan kitang Owen,” pakikipag-usap niya sa sanggol na kanyang karga, “French name ang Russel at ganoon din ang Owen, na ang ibig sabihin ay red haired.”

Obsessed si Nurse Gemma Garcia sa bilyonaryong si Theodore Rossell.  Naging obsesyon niya na  mapapaibig ang bilyonaryo. At mula nang mamatay ang asawa nito sa panganganak sa kambal ay inilusyon na niyang siya ang magiging kasunod na asawa nito.

“Gagawin ko ang lahat ng paraan para maakit sa akin ang daddy mo,” pakikipag-usap pa rin niya sa sanggol, “pero oras na hindi ko pa rin siya masapot ng aking spider web, ay ikaw ang gagamitin ko para magdusa siya at ng kung sino mang babae na ipapalit niya sa namatay niyang asawa.”

Planado na niya ang lahat.

“Nasa iyo ang lahat ng hinahanap ko sa lalaking aking magiging asawa Sir Theodore Rossell at hindi ako papayag na mapunta ka sa ibang babae,“

At ipinangako niya sa sarili…

“Kung hindi ka magiging akin, Sir Theodore ay anak mo ang kakalaban sa iyo. Siya ang magwawasak sa iyo at sa buong pamliya mo!”

Malakas na halakhak ni Gemma ang pumuno sa bahay na siya lamang ang nakatira.

*** ****

“OWEN!”

Nagkakamot ng ulong nilapitan ni Owen ang ina.

“Ano ba ‘yan, Mama. Kanina ka pa tawag ng tawag sa tuwing paalis na ako. Parang ayaw mo akong paalisin, ah.” Tanong sa ina na pilit inaalis ang pagka-irita.

“Hindi naman,” saad ni Gemma, “napansin ko lang na may mantsa ‘yang dulo ng t-shirt na suot mo,” paliwanag niya, “mas mabuti sigurong magpalit ka muna ng suot.”

“Mama naman,” pilit ang ngiiting sagot ng anak, “hindi naman mapapansin ‘yan. Ikaw lang ang masyadong…” isinuksok ni Owen ang t-shirt sa pantalon niyang suot, “o, ayan, naka-tuck-in na. Wala ng mantsang nakikita.”

Isang halik sa noo ang iginawad niya kay Gemma.

“Aalis n ako, Ma. Please, ‘wag mo na kong tawagin, ha?”

Malalim na napabuntunghininga ang kanyang mama.

Nagtutumulin sa paglabas ng bahay ang anak, na handang magbingi-bingihan kung sakali at tawagin na naman siya ni Gemma.

Na hindi nangyari.

Nag-iisip na pumasok ng kanyang silid tulugan ang babae. Itinaas ang kutson ng kanyang higaan at binuksan ang lihim na taguan na naroon.

Naroon sa taguang iyon ang sikreto ng buhay ni Owen.

“Ito ang ebidensiyang isasalpak ko sa mukha mo, Sir Theodore Rossell,” pakikipag-usap niya sa mga dokumentong hawak, “kapag natupad na lahat ang mga plano kong pagpapabagsak sa iyo sa pamamagitan ng sarili mong anak!”

*** ****

TWENTY YEARS ago na ang nakakaraan mula ng palitan niya ng abandonadong bangkay ng sanggol ang kakambal ng anak ni Theodore Rossell, na kanyang ninanakaw, inangkin at pinalaking tulad sa isang  tunay na anak, bilang single mother.

 At sa pagitan nang maraming taon mula noon hanggang sa mga sandaling iyon ay sinikap niyang maakit ang ama ng sanggol na kanyang kinidnap. Ginawa ang lahat ng paraang alam niya upang pakasalan siya ng tunay na ama ng sanggol na pinalaki niya.

Nabigo siya.

Nakipagrelasyon sa kanya si Thodore Rossel, ginamit siya’t pinakinabangan sa marami at iba’t ibang paraan, pero hindi siya pinakasalan.

“Hayup ka Theodore, ano ba ang kulang sa akin at hindi mo ako pinili upang maging legal na asawa mo?” Tanong niya habang nakaharap sa salamin, “ginawa ko na lahat ng magagawa ko para lang matutuhan mo akong mahalin, pero bakit ang Solenne Stevens pa rin na ‘yon ang iyong pinakasalan? Ano mayro’n ang babaing ‘yon na wala ako?”

Hinubad niya ang saplot na suot. Pinagmasdan ang sariling kahubaran. Ang katawang sa tulong ng siyensya at doktor ay napanatili niyang maganda, makinis at kaakit-akit.

“Ipinagkaloob ko sa iyo ang aking katawan at kabataan sa pag-asang ako ang iyong pakakasalan,” paghihimutok niya, “pero binale-wala mo ako. Parang basahang matapos pakinabangan ay itinapon na lang kung saan.”

NAPAKASAKIT!

“Panahon na para makaganti ako sa inyo ni Solenne Stevens!”

*** ****

“RUSSELL!”

Tuluy-tuloy na nilampasan si Joanne ng lalaking kanyang tinatawag.

“Kailan pa ako Natutuhang dedmahin ng lalaking ito?” Iritadong tanong niya sa hangin.

Nagtutumuling hinabol niya ang tinawag, na mabilis na nawala sa kanyang paningin nang humalo ito sa karamihan ng taong nasa Shopping Mall.

Baka kaya nalaman na niya ang tungkol sa affair namin ni Adrik,” pag-iisip niya, “baka gusto na niya akong iwasan at pagkatapos ay saka siya makikipag-break sa akin.”

Nagpatuloy siya sa pag-iisip ng posibleng dahilan kung bakit siya iniiwasan ng lalaking kanyang hinahanap.

“Hindi kaya mayroon siyang ibang girlfriend? Baka kakatagpuin niya dito ang girlfriend niyang iyon kaya niya ako iniwasan.”

Ah, hindi siya makapapayag na mapunta sa iba ang unico hijo ng bilyonaryong si Theodore Rossel.

“Over my dead body! Ako at tanging ako lamang ang may karapatan sa iyo, Russel.” Nasambit niya sa malakas na tinig.

Mabibilis ang katok ng kanyang high heels sa sahig ng mall. Halos magkandabuhol ang mga binti sa bilis ng paglalakad habang sinusuyod ng tingin ang lahat ng lugar na madaanan.

“Malas lang ng kung sino mang babaing sasabit sa buhay mo, Russell Rossell. Matitikman niya ang lupit ni Joanne Javier. Promise.”

Nang matanaw ang isang lalaking may suot na t-shirt na katulad ng suot ng tinatawag niyang Russel ilang saglit pa lang ang nakakaraan. At agad niyang napansin na may babae itong ka-holding hands.

“Impakto kang Russel ka,” naibulong niya, “kaya ka pala nagbingi-bingihan kanina ay dahil may ka-date kang iba! Humanda sa akin ang baba emo!”

Halos lumipad sa pagmamadaling sinugod niya ito. Agad hinablot ang buhok ng babae at hinatak nang mapalapit siya sa likuran nito.

“BRUHAAA…”

“Aray, ano ba?” D***g at tanong ng babae.

Walang sabi-sabing agad niya itong sinampal nang mapaharap ito sa kanya.

“Hey, sino ka ba? Ano’ng karapatan mong sampalin ang girlfriend ko?” tanong ng kasama nitong lalake na namumula ang mukha sa galit.

Shocked si Joanne.

“Oh, no!” Ang tangi niyang nasabi na puno ng pagkabigla.

Hindi si Russel ang ka-holding hands ng babae.

Bigla, naramdaman niya ang malakas na sipa sa kanyang lower back, na naging dahilan upang siya ay ma- off balance.

BAGSAK!

Napansin ni Owen Garcia ang biglang pagkakagulo sa Shopping Mall. Sumiksik siya sa karamihan ng tao at nakiusyoso.

Agad pumako ang tingin sa ni Joanne na nagkandapilipit ang mga binti sa pagbagsak. Hindi sinadyang nagkatitigan silang dalawa.

“Russell!” Pagtawag nito sa kanya.

Lumingon si Owen, sa pag-aakalang nasa likuran niya ang Russel na tinatawag ng katitigan niya.

“Russell, help me…” Paghingi ng tulong ni Joanne sa kanya na sinabayan ng pagtataas ng kamay nito para abutin niya.

Mga kamay ng security agent ang siyang kumapit sa kamay ni Joanne at tumulong dito na makatayo.

“Sino po ba ang nagsimula ng gulong ito?” Tanong ng security officer.

“’Yan! ‘Yang babaing ‘yan. Bigla na lang sinabunutan ang girlfriend ko.” Sagot ng lalaking nakaakbay na sa sumipa sa lower back ni Joanne.

“Kailangan pong magpunta kayong tatlo sa security office para magpaliwanag.” Pahayag ng guard.

“No, hindi. Ayoko,” tanggi ni Joanne na agad nag-aalala sa bad publicity na kakapit sa pagkatao niya once na i-publisize ng media ang eskandalong kanyang kinasangkutan, “ hindi ko sinadya ang mga nangyari. Akala ko’y boyfriend ko ‘yong ka-holding hands niya.”

Agad niyang nilinga ang paligid. Hinanap si Russel sa mga taong naroon.

“Nandito ang boyfriend ko…”

Wala na si Owen.

“Russel, magpakita ka sa ‘kin! Huwag mo ‘kong pagtaguan!”

Nagngitian ang maraming taong naroon. Ang iba’t sarkastkong nagtawanan.

“Baliw yata ang babaing ‘yan,e.”  Saad ng isang mapang-asar na naroon.

“Hindi ako baliw, nandito si Russell, ang anak ni Sir Theodore Rossel!”

“Sa upisina na po kayo magpaliwanag Miss.”

“Magbabayad na lang ako ng kahit magkanong danyos. Ayokong sumama sa inyo!” Tanggi pa rin ni Joanne.

“Doon na lang po sa upisina. Sumama na po kayo nang maayos. Please po. Para hindi na lumala ang eskandalong ginawa n’yo.”

Napilitang sumama sa security officer si Joanne, na palinga-lingang hinahanap pa rin ang lalaking inakala niyang si Russel.

*** ****

MALALIM na nag-iisip si Owen habang pauwi.

“Sino kaya ang Russel na ‘yon,” tanong sa sarili, “baka iyon ang sinasabing doppelganger.”

Agad siyang nag-search sa g****e.

Doppelganger is a biologically unrelated look alike or a double of a living person.

“So possible nga na may taong kamukhang-kamukha ko. At marahil ay iyon na nga ang Russel na tinatawag ng babaing ‘yon na inakala niyang ako!”

Na-curious, nagkaroon nang paghahangad si Owen na makaharap at makilala nang lubusan ang kanyang doppelganger.

“Kakaibiganin ko siya. Magiging para kaming kambal! Magagamit naming pang-prank ang pagiging magkamukha namin”

Na-excite sa mga naiisip na kalokohan, lalo pang nag-umigting ang paghahangad ni Owen Garcia na makilala si Russle Rossel.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status