Share

ANG PAMANA

HINDI MAPAKALI SI Owen habang pinagmamasdan siya ni Theodore sa kanyang pagkakahiga sa kama ni Russell. Pakiwari niya’y gusto nang buksan ng kanyang amo ang kanyang buong katawan at alamin ang totoong pagkatao nang nakahiga sa kama at nagbabalatkayo bilang si Russell.

“Parang gusto mo na akong talupan, ha, Dad,” wika niya sa naaasiwang tinig , “mukhang nagdududa ka sa kung sino talaga ako?” Nagbibirong tanong niya.

“Sino ka ba talaga?” Ang hindi niya inaasahang pagbabalik tanong nito sa kanya.

“Papa naman…”

“Papa? Kailan mo pa napag-isipang tawagin ako ng papa?”

Biglang nagkunwari si Owen na inuubo, biding time sa sarili para makapag-isip ng alibi sa pagkakamali niya.

“Sorry, Dad…” patuloy sa kunwaring pag-ubo na tinakpan ni Owen ng nakasuntok na kamao ang sariling bibig, habang patuloy nang pag-iisip ng magandang alibi, “narindi lang siguro ako sa kakukuwento ng isang nurse tungkol sa Papa niya,” pagdadahilan niya, “paulit-ullit kasi ang kasasabi niya ng miss na miss niya ng pa
Em Dee C.

Nagsimula si Owen sa pagbubuhul-buhol nang mga kasinungalingan. Nagpatung-patong ang kanyang kasalanan ganoon din ng kanyang kinikilalang ina. Paano pa siya makakalaya sa mga kasinungalingan na nagbabaon sa kanya sa mas malalim na kasalanan? Read on dear readers - Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status