Share

MAKAMANDAG NA AHAS

KASUNOD ANG DALAWA NIYANG bodyguard ay nagtutumulin sa pagpunta ng receiving area sa kinaroroonan ng kanyang mansion si Theodore.

Hiwalay sa marangyang mansion ang tanggapan ni Theodore ng mga bisitang hindi niya gaanong kilala at bisita na hindi niya gustong ganap na makilala. Iyon ang lugar na inilalaan niya sa mga taong, sa kanyang sapantaha o pakiramdam ay maghahangad lamang ng pakinabang sa kanya o mga taong posibleng magdala ng gulo sa kanya , sa kanyang mga negosyo at sa ano man o sino man na nakaugnay sa kanya.

Mga bisitang hindi matanggihan, katulad ng mga reporter na ang hangad ay maabutan sila ng envelope na may cash o mga pulitiko, pulis o sino mang nasa awtoridad na naghahangad na siya ay magatasan o naghahangad ng ano mang mapapakinabangan sa kanya.

Iyon ang lugar na inilalaan niya sa pagharap sa mga taong hindi niya ganap na maagkakatiwalaan. At labag sa kanyang kalooban na makausap o makaharap man lang ngunit napipilitan siyang harapin at kausapin sa iba't ibang kad
Em Dee C.

HAVE A NICE DAY! - Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status