Share

PANIC ATTACK

MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.

Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.

“Nasaan kayo?” Tanong niya.

“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”

“Is he dead?” Pag-aalala niya.

“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”

“Ang balisong, nasa iyo ba?”

“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”

Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.

“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status