Share

HUWAG MO 'KONG BALIWIN

PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.

“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”

Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.

“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”

Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.

Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.

Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status