Share

CHAPTER 471

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2025-01-23 22:00:14

Agad niyang binuksan ang cellphone niya. Andoon nga sa balita ang engagement nila.

"Damn!" napamura siya. Agad na tiningnan niya si Fe. Nakatingin din ito sa kanya, gulat na gulat sa balita at namamasa ang mga mata nito. Gusto niya itong lapitan at magpaliwanag, pero hindi niya magawa. Maraming mga taong makakakita sa kanila. Walang nakakaalam sa tunay nilang relasyon ni Fe... ang alam lang ng mga tao ay malapit sila sa isa’t isa.

"Congrats, bro!" sigaw nina James at Ken sa kanya, pero hindi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
MarieRhose Olib
more updates po please
goodnovel comment avatar
MarieRhose Olib
Ang sakit nmn
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1446

    Lumipas pa ang mga araw at sa wakas ay araw na ng pag-uwi nina Tyler at Tiffany sa Pampanga. Kanina pa siya tinawagan ni Tyler upang sabihing nasa biyahe na sila. Simula nang marinig niya ang boses nito, halo-halong emosyon ang gumulo sa dibdib niya, matinding pananabik na makita muli ang nobyo, at kaba na hindi niya maipaliwanag.Sa bawat gabing hindi sila magkasama, palagi siyang pinapahiwatigan ni Tyler kung gaano siya nito nami-miss. Halos gabi-gabi ay tumatawag ito, minsan pa’y may kasamang lambing at pagbibiro.“Maghanda ka sa pagdating ko,” madalas nitong sabihin sa malambing ngunit mapanuksong tinig. “Pagdating ko, magkukulong tayo sa kwarto.”Sa tuwing naaalala niya iyon ay hindi niya maiwasang mapailing at mapangiti. Ngunit sa likod ng kilig, may kung anong bigat pa rin siyang dinadala sa dibdib.Kung ganoon kalaki ang pananabik ni Tyler sa kanya, ganoon naman kalaki ang pagkayamot niya kay Tiffany.Gabi-gabi na lamang ay nagsesend ito ng mga larawan nila ni Tyler na magkasa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1445

    Hindi na siya sumagot.Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin pa niyang umuwi agad sa Pampanga para makasama si Jolisa kaysa maglibot pa sa siyudad kasama si Tiffany.Habang tahimik silang kumakain, may isang tanong na biglang pumasok sa isip niya.“Habang nasa Sagada ka, Tif... wala ka bang naging nobyo doon?”Biglang natigilan si Tiffany. Para bang nabigla ito sa tanong niya.“B-bakit mo naman natanong ’yan, Ty...?”“Wala lang,” sagot niya habang nakatingin dito ng diretso. “Matagal ka ring nanirahan doon. Sa ganda mong ’yan, imposibleng walang nanligaw sa’yo.”Unti-unting ngumiti si Tiffany, at tila nabuhay ang pag-asa sa mga mata nito.“Maganda ba ako, Ty? Hanggang ngayon... nagagandahan ka pa rin ba sa akin?”Bahagya niyang pinigilan ang sariling mapataas ang kilay. Maganda naman talaga si Tiffany. Kaya nga minahal niya ito noon.Pero wala nang malisya ang tanong niya ngayon. Isa na lamang iyong simpleng usisang nagmula sa curiosity.“Well... may mga nanligaw naman sa akin,” sa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1444

    TYLER'S POV:Napatingin siya sa kanyang cellphone. Pinatayan ba siya ng telepono ni Jolisa? Kasasabi pa lamang niya ng I love you, ngunit hindi man lang ito nagsabing 'I love you too?' Sa halip, bigla na lamang naputol ang tawag.Aksidente lang ba iyong pagkamatay ng linya, o sadyang ibinaba talaga ni Jolisa ang tawag?Huminga siya nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata. Sabagay, hindi naman talaga sanay si Jolisa na sagutin ang bawat pag-amin niya. Ilang beses na niyang sinabi rito ang salitang iyon, ngunit ni minsan ay hindi siya nakarinig ng kapalit.Para bang may kung anong pumipigil sa dalaga na takot at pag-aalinlangan.Paano nga ba ito magsasabing mahal siya kung hindi pa siya tunay na mahal?Ngunit ganoon nga ba talaga? Kung wala itong nararamdaman, bakit iba ang kilos nito sa kanya? Bakit sa bawat tingin, sa bawat pag-aalala, at sa bawat simpleng pag-aasikaso ay tila may init na hindi maitatanggi? Siguro naman, kahit kaunti… kahit katiting lang… ay may puwang siya sa p

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1443

    “S-sige… I have to go. Andito na ang taxi,” mabilis niyang pag-iiba ng usapan.“Tyler… the food is ready.”Narinig niya ang boses ni Tiffany sa kabilang linya.“Saan kayo?” hindi niya napigilang itanong.“Sa condo ko, love. Dito muna kami habang pinaprocess pa ni Tiffany ang papers niya.”Hindi na siya agad nakapagsalita. Marahil ay naramdaman ni Tyler ang biglang niyang pananahimik.“Anong gusto mong pasalubong pagbalik ko?” tanong nito, pilit na ibinabaling ang usapan.“W-wala naman…”“Hindi ako papayag na wala. Dapat meron,” natatawang sabi nito. Parang bigla itong naging sobrang sweet... parang may gustong patunayan.“Wala ka bang cravings lately? Maasim? Mangga kaya?”Natigilan siya. ang pagke-crave ng mga maasim, di ba sa mga buntis yun? Iniisip na ba ni Tyler na buntis siya? Sabagay, matagal na silang nagse-sex at wala naman silang ginagamit na contraceptives. Pero nagkaroon siya ng regla kamakailan lang, kaya imposibleng buntis siya.“I have to go, Ty… andito na ang taxi.” Hin

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1442

    Pagbalik ni Daniel sa stage ay muling umugong ang buong lugar sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao. Para bang lalo pang sumigla sa muling pagharap nito sa entablado.Pero siya, hindi na lumapit pa roon. Sapat na ang ilang minutong nagkausap silang dalawa, higit pa nga sa sapat. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib sa alaala ng maikling tagpong iyon.Hindi niya maiwasang kabahan. Baka kung magtagal pa siya roon ay mapansin siya ng iba. Baka may makakilala. Baka may magsimulang magtanong kung sino siya at ano ang koneksiyon niya kay Daniel.Nakakahiya kung machismis siya kay Daniel. Kahit magkaibigan sila, may mga tao talagang binibigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay-bagay.Naalala niya ang sinabi ni Mama Jessa. Marami nang nagsabi sa kanya noon na maganda siya... matangkad, may hubog ang katawan, at may natural na dating. Pero para sa kanya, kulang ang mga papuring iyon para mabura ang mga insecurities na matagal nang nakabaon sa kanya

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1441

    Pagpasok niya sa backstage, naroon si Daniel. Umiinom ito ng tubig habang pinapahiran ng pawis ng make-up artist. Nang makita siya, agad nitong pinaalis ang mga tao sa paligid.“Akala ko hindi ka na maghihintay,” nakangiting sabi nito.“Siyempre maghihintay ako. Ikaw na nga ang nagpahintay sa akin, eh,” biro niya.Napatawa si Daniel. “Sorry na. Duty calls.”“Okay lang. Sanay naman na akong maghintay,” nasabi niya nang hindi man lang iniisip.Bahagyang natigilan si Daniel, tila may napansin sa tono niya.“You okay?”Mabilis siyang ngumiti. “Oo naman.”Tinitigan siya nito nang ilang segundo. “Nope. Hindi mukhang okay ang isang taong ganyan ang ngiti.”Hindi niya alam kung bakit, pero parang gusto niyang magkuwento. Siguro dahil matagal na rin siyang walang ibang nakakausap na hindi konektado kay Tyler. Ngunit pinigilan niya ang sarili.“Gutom na ako. Tara na nga, kape tayo.”“Coffee lang? Libre mo na rin ako dessert.” biro niya."Oo, naman! Kainin mo ang lahat ng gusto mo. Siyempre magk

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1301

    Mabuti na lang at nahawakan siya ni Tyler sa bewang, pero sabay pa rin silang bumagsak sa damuhan. Napasinghap siya nang maramdaman ang init ng katawan nito sa ilalim niya. Ang problema, nakapaibabaw siya kay Tyler, at sakto namang nagdampi ang kanilang mga labi!Nanlaki ang kanyang mga mata, hindi

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-05
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1297

    “Naku, Ate Rosabel, baka ito na po ang unang pagkakataon na magkakamali si Lola!” pabulong na sagot ni niya habang pilit na ngumingiti. “Masyado pong malayo ang agwat namin ni Tito—ay, ni Tyler.”“Hahaha! Iyan din ang sabi ni Aria noon kay Clarkson, at ‘kuya’ din ang tawag niya kay Clarkson! Tingna

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-05
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1285

    ARIA’S POV:SA RECEPTION:“Are you happy, babe?” bulong na tanong ni Clarkson sa kanya.“Of course, I’m happy! I have nothing to ask for. Finally, I’m Mrs. Almonte. Lahat ng mahal natin sa buhay ay andito.” nakangiting sabi niya. Ramdam niya na iisa lang ang kanilang nararamdaman.Nang tumawag na a

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1283

    ARAW NG KASAL:Maaga pa lang ay abala na ang lahat sa loob ng rancho. Alas-kwatro pa ang kasal pero hinahanda na ang mga upuan at mga bulaklak sa garden.Excited na kinakabahan siya habang nakadungaw sa bintana. Mag-isa lang siya roon, Si Clarkson ay nasa kabilang rancho naman, sa rancho nA pagmamay

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-04
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status