Share

CHAPTER 917

Author: dyowanabi
last update Huling Na-update: 2025-07-31 23:10:34
Hindi siya nakasagot.

“Ano ’tong mga dala mong paper bag?” tanong ni Precious. Nilapag niya lang iyon sa sahig pagdating niya.

“Mga pasalubong ko yan sa’yo,” walang ganang sagot niya. Pero kabaliktaran nun ay ang reaksyon ni Precious.

“Talaga? Akin lahat ’to?”

“Yes. Dami ko nang utang sa’yo eh. Kasama na ’yan ang graduation gift mo at birthday mo na wala ako.”

“Oww. You’re such a generous friend… kaya love na love kita eh!” Umupo si Precious at nag-umpisa niyang buksan isa-isa ang paper bags, parang batang tuwang-tuwa.

“Eeeiiiih!” tili nito kada bukas ng laman ng bag. Meron doon mga mamahaling designer bag. Meron din sapatos, at damit.

“Gurl ang saya saya ko! Ang dami kong natanggap na pasalubong hihihih…”

“Ako, walang pasalubong?”

Napatigil sila at napatingin sa pinto… andoon si Finn at mukhang kakarating lang.

“Finn, tingnan mo ang daming pasalubong ni Lilly para sa akin!” pagbibida ni Precious.

“Ako ba wala?” tanong nito, diretso agad ang tingin sa kanya.

“N-
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (28)
goodnovel comment avatar
Ferlyn Grace T. Dideles
good eve Miss Author,pwede agahan mo naman Yong update puyat kmi sa kakahintay ng 3chaapter update mo.
goodnovel comment avatar
MARY JOY LOREDO
update pls
goodnovel comment avatar
Analyn Datinguinoo
update pls...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1123

    Hindi na niya hinintay ang pag-deliver ng food ni Madison. Binilin na lang niya sa nurse. Pagkabigay nito ng susi sa condo ay agad na siyang umalis. Kailangan niyang mag-imbestiga. Habang tumatagal ay nagdududa na siya kay Madison lalo na sa nangyari kay Aria. Baka nga tama ang hinala ni Ate Lilly na may kinalaman si Madison sa mga nangyayari.Kahit pa sinabi ni Kuya Finn na isasama din si Madison sa iimbestigahan nito ay ayaw niyang umupo na lang at maghintay sa resulta, kung pwede namang mag-imbestiga din siya.Pagdating sa condo ay pinark niya ang kotse. Akmang lalabas na siya nang makita si Vice Governor Lucio Salcedo. Sandali siyang natigilan."What is he doing here? May unit din ba siya dito sa tinitirhan ni Madison?" Lalong lumakas ang kanyang pangamba. Hindi niya tinatanggalan ng tingin si Lucio kung saan ito papunta.Sandali itong nakipag-usap sa front desk. Mukhang may binibilin ang lalaki. Maya-maya ay umalis na din ito at sumakay sa kotse.Naghintay pa siya ng ilang minuto

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1122

    Nabaling ang atensyon nila nang may pumasok. Natahimik silang lahat... sina Ninong Ken at Ninang Jonie ang dumating.“Bebe... James! Mabuti andito na kayo. Pasensya na, ngayon lang din kami nakapunta. Galing kami ng Singapore and we flew right away nang malaman namin ang nangyari kay Aria.” Dali-daling lumapit si Ninang Jonie kay Ninang Bebe para yakapin ito.“Ate Jonie, huhuhu...” hagulgol ni Ninang Bebe nang salubungin sa pinsan nitong si Ninang Jonie.“Si Aria... baka kung hindi na siya magising... natatakot ako...”“Wag kang magsalita ng ganyan, Bebe... magigising si Aria. Mabubuhay siya.” Pilit pinapakalma ni Jonie si Bebe.“I’m sorry, Bebe, kung sa akala mo ay pinabayaan namin si Aria. Pero hindi...” sabat naman ng mommy niya.“Wag mo muna akong kausapin, Ate Fe... ang mabuti pa, umalis muna kayo... kasama ang anak niyo.”“Ninang, please, you can’t do this to us. Wag mo naman kaming paalisin,” pakiusap niya.“No, Clarkson!... hindi ko mawari kung paano ko kayo titingnan sa mata

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1121

    Pagdating sa kwarto ni Madison ay agad itong inasikaso.“Ano ba ang masakit sa’yo, Madison, at bakit parang hinang-hina ka na diyan?” inis na sabi niya. Kulang na lang itong turukan din ng madaming tubo.“Why? Do you think I’m faking it? Masakit ang tiyan ko at anak mo ang pinoprotektahan ko dito!” singhal nito sa kanya. “Kung sa inakala mo ay nagbibiro ako, e di doon ka kay Aria!”“Wag mo akong turuan sa gagawin ko, Madison! Tandaan mo na ang bata na lang ang concern ko dito. Nakipaghiwalay na ako sa’yo!”“What!?... No! How can you break up with me if I’m pregnant with your child, Clarkson? Dahil pa din ba sa Aria na ‘yun? Kahit ba dito ay makikipagkompetensya pa din ako sa kanya? How can you do this to me?”“Hindi mo kailangang makipagkompetensya, Madison... dahil walang-wala ka kay Aria. Dapat alam mo kung saan ka lulugar. Dati, pinagbibigyan ko lang ang kapritso mo. Pero ngayon, hindi na. I want to spend my time with Aria... take care of her hanggang sa gumaling siya. Kesa naman s

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1120

    CLARKSON’S POV: “Fuck!” sigaw niya sa utak habang naghihintay sa doctor. Nasa loob ito kasama si Madison. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang sumakit ang tiyan nito. Madami pa siyang gustong itanong at sabihin kay Madison pero hindi na niya nagawa nang nagreklamo itong sumakit ang tiyan. Ayaw naman niyang ipagsawalang-bahala dahil buntis ito sa anak niya. Kahit galit siya kay Madison ay wala namang kasalanan ang bata. Maya-maya ay lumabas na ang doctor. Agad siyang tumayo. “Doc, ano ang nangyari sa kanya? Bakit bigla na lang sumakit ang tiyan niya ng gano’n?” “Ah eh, Sir Clarkson... we will conduct a series of tests dahil hindi namin makita ang reason kung bakit sumakit ang tiyan niya ng gano’n. We will admit her for observation.” “O-okay, Doc...” Wala sa sariling sabi niya at muling umupo na parang nauupos na kandila. “Shit, bakit nagsunod-sunod ang problema? Ang dalawa niyang nobya ay nasa iisang ospital. Paano niya ngayon mahihiwalayan si Madison? Hindi na siya nakapa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1119

    Habang pinagtimpla niya si Clarkson ng kape, hindi niya alam kung bakit nanginginig ang mga kamay niya. Di kaya dahil guilty siya? Parang ngayon niya lang narealize... Di kaya may nalalaman na ito kaya bigla itong sumulpot? Kinalma niya ang kanyang sarili bago bumalik kay Clarkson.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa nobyo, pinatong niya ang kape sa table sa harap nito at tumabi ng upo. Hindi nagsasalita si Clarkson. Nandoon lang, nakatitig kung saan.“Babe, you must be tired...” sambit niya saka minasahe ito sa braso. “Mabuti naman at pumunta ka dito para ma-relax ka naman.” Wala itong reaksyon.“I know, mahirap ito para sa inyong pamilya dahil parang kapatid mo na si Aria at masakit makita na ang kapatid mo ay nakaratay sa ospital. Pero tanggapin mo nang maluwag sa iyong puso kung ano man ang magiging kahihinatnan niya, babe.”“Na ano, Madison??? Anong ibig mong sabihin na tanggapin ko na lang sakaling mamatay siya?” Napaiktad siya sa pagsinghal ni Clarkson sa kanya. Nanlilisik a

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1118

    MADISON'S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang condo. Gagaling lang niya sa ospital at nasabi na niya kay Clarkson at sa mga magulang nito ang ipinagbubuntis niya, pero hindi niya nakuha ang inaasahan nyang reaksyon ng mga ito. Ang inaasahan niya ay matutuwa si Clarkson o di kaya si Gov dahil magkaka-apo na ang mga ito.Pero bakit si Gov pa ang nagsasabing hindi nila kailangang magpakasal ni Clarkson kung ayaw ng isa? And worst, gusto na palang makipaghihiwalay ni Clarkson sa kanya."Fuck!" Inis na sabi niya. Umiinom siya ng alak habang nakatingin sa TV kahit na wala naman siyang naiintindihan kung ano ang pinapanood niya. Masyadong napre-occupied ang utak niya sa problema.Muli siyang tumungga sa alak na hawak, wala siyang pakialam kung buntis siya, hindi niya naman gusto ang ipinagbubuntis niya. Ang akala niya ay iyon ang magiging tulay sa pagpapakasal kay Clarkson at magiging Almonte na siya.... pero hindi din pala.Maya-maya ay nakita niyang bumukas ang pinto... si Lucio ang pumas

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status