Megan Point of View
"Are you really going to the hospital with that noisy guy?" Nagulat ako nang may nagsalita sa tabi ko. It was Ryuu. Akala ko ay umalis na siya kanina dahil nauna siyang lumabas sa amin. Nasa labas ako ng hotel at hinihintay ko si Seb na kinuha ang kotse niya sa parking area. Kumunot ang noo ko, "paano mo nalaman na sa hospital ako pupunta?" nagtatakang tanong ko, hindi pinansin ang itinawag niya kay Seb. Hindi niya ako sinagot. Umakma siyang aalis pero agad kong hinuli ang kamay niya para pigilan siya. "I'm asking you, Mister." madiin na tanong ko. Bumuntong hininga siya at hinarap ako. "I haven't introduce myself properly to you yesterday." panimula niya, "I'm Doctor Ryuu Keir Yniguez, ako ang doktor ng kapatid mo." pakilala niya sa professional na tono. "W-What?" Hindi na siya nagsalita pa at nagpaalam na mauuna na. Bago pa man ako makapag-react ay biglang nasa tapat ko na pala si Seb. Agad akong sumakay sa kotse niya. "Bakit 'yon?" tanong niya, tukoy ang lalaki na kausap ko kanina. Mukang nakita niya na seryoso ang usapan namin. "Alam mo ba na siya ang doktor na hahawak sa operasyon ng kapatid ko?" tanong ko kaagad. "Hindi. Hindi ko alam na doktor din para ang lalaking 'yon. . . Mukang siya 'yong sinasabi ni Tito na bagong salta na doktor. Usap usapan siya nitong nakaraang araw pa sa hospital," kwento niya, "lakas pala ng kapit ng asawa mo sa taas." tawa niya. "Bakit? Paano mo naman nasabi 'yan?" takang tanong ko. "Eh ang usap usapan, isa siyang Military Doctor at galing pa sa isang mission niya sa Iraq. Talagang pina-uwi siya rito sa Pilipinas para sa kapatid mo." Napatulala na lang ako sa nalaman kong information. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko upang i-text ang asawa ko at sinabi sa kaniya na nakilala ko na ang doktor ng kambal ko at nagpasalamat din ako. Hindi ko pa kasi nagagawa 'yon simula kahapon. "How's her condition?" malungkot na tanong ko kay Seb, nakasilip lang muna kami sa maliit na salamin ng pinto ng ICU, hindi ko gustong pumasok. . . hindi ko kaya. Sinabi niya sa akin na lumala ang kondisyon ni Maddie kaya dinala siya rito sa mas malaki at progresong hospital. Naging maayos na ang lagay niya pero kailangan na niyang ma-operahan sa lalong madaling panahon. "You need a hug?" tanong ni Seb nang nasa garden kami ng hospital. . . hindi ko kasi kayang tignan ng matagal ang kapatid ko na nasa ganoong sitwasyon siya. Nasasaktan at naaawa ako. Hindi ako sumagot at basta ko na lang sinandal ang sarili ko sa kaniya, niyakap ko siya. Nakilala ko si Seb no'ng nasa Pangasinan ako, noong tumatakas pa lang ako sa puder ng magulang ko. Siya rin ang nagbigay ng tulong sa akin no'ng magsisimula na ako ng buhay ko sa America. . Hindi madalas ang pag-uusap namin pero nanatili sa dati ang pagkakaibigan namin. He's funny and kind. Bali 6 years na kaming magkaibigan. And him being here by my side. . . make me long for my husband. Sana siya ang karamay ko ngayon. . . Sana siya ang umaalo sa akin. . Sana siya ang kayakap ko. "Sana sayo na lang ako kinasal." pabirong bulong ko kay Seb. Bigla siyang kumalas sa yakap namin. Ayan na naman ang nakakalokong ngiti niya. "Yuck ah! Maganda ka, Megan, pero hindi kita papatulan 'no!" sabi nito sabay pitik ng noo ko kaya daing akong napahawak doon. "Ang harsh mo naman." "Palambing ka ro'n sa asawa mo! Shoo!" Natawa ako sa inakto niya. Bumalik na ako sa loob ng hospital tapos siya naman ay bumalik na rin sa trabaho niya. . Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto ng ICU. Wala eh, hindi ko maiwanan ang kapatid ko, wala rin naman akong gagawin kaya rito na lang muna ako. I didn't mind the time. . . Basta andoon lang ako. "Mrs. De Luca," napatingin ako sa nagsalita and it was Ryuu, he's wearing his lab coat and glass that make him more look professional and intimidating. "Doctor. . " And he started telling me how's my sister condition at gagawin niya lang ang operasyon kapag sigurado nang kakayanin ng kapatid ko ang operasyon. . . That he will observe my sister first. . . "Don't worry, your sister will be safe in my hand. . I assure you that." sabi niya bago umalis sa harapan ko. Tumango ako kahit na wala na siya at napa-upo sa sahig dahil sa panghihina. Kaya 'yan ni Maddie. . Magiging maayos din ang lahat. Ilang Linggo akong halos araw araw sa hospital dahil wala naman akong ginagawa. Nasa labas lang ako ng ICU, sumisilip at nananatili sa gilid no'n hanggang sa maisipan kong umuwi sa hotel. Minsan ay kailangan pa akong pilitin ni Seb. "You shouldn't tire yourself, Megan. . . Baka kapag okay na 'yong kapatid mo, ikaw naman pumalit sa kaniya na humilata sa hospital bed." pabirong sabi ni Seb sa akin, ito na naman kasi ang gabi na kailangan niyang pilitin akong umuwi. Pero hindi ako sumunod. . . I am plotting something. . . I am observing someone. Naging abala ang hospital sa mga sumunod na araw. Ginagawa na kasi ang operasyon sa kapatid ko. Habang ako, hindi mapakali na naglalakad sa labas ng operating room. Naghihintay ng resulta. "Kumalma nga Megan." Biglang dumating si Seb at sinamahan ako ro'n. Pinaupo niya ako at sinamahan sa paghihintay. "Magaling na doktor 'yong si Yniguez," paninigurado sa akin ni Seb. Alam ko 'yon dahil sa pamamalagi ko rito sa hospital at sa araw araw na nakikita ko siya. . . hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging kuryuso sa buhay niya at kung sino siya dahil paghihinalaan ko rin siya. . . Unang beses pa lang na nakilala at nakita ko siya ay iba na kaagad ang tumatakbo sa utak ko. At isa pa, iisang hotel lang kami nakatira, pareho pa ang trato sa amin ng mga staff. Halatang may special treatment. At sigurado ako, na si Doctor Ryuu Keir Yniguez ay kilala ang asawa ko. Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng operating room. Agad akong tumayo at sinalubong si Doc. Ryuu na inalis ang PPE niya. . . "Kamusta ang operasyon, Doc.?" tanong ko kaagad. "It's successful." Agad akong humarap kay Seb nang marinig ko 'yon at niyakap siya ng mahigpit. Natawa ng mahina si Seb at niyakap ako pabalik at hinimas himas ng marahan ng likod ko. "I told you," sabi pa nito. Kumalas ako ng yakap nang mapagtanto ko na nasa harapan pa pala namin si Doc. Ryuu, hinarap ko siya at pinasalamatan bago ko hinila ang kamay ni Seb para silipin sa pinto ang kapatid ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kapatid ko na payapa ang muka na natutulog. Hindi na gaya ng dati na nakakunot ang noo niya na parang nasasaktan pa. Araw araw akong dumadalaw sa kapatid ko. Araw araw ko ring nakakasalubong si Doc. Ryuu pero hindi ko siya pinapansin at kung kaya ko man ay hindi ko talaga pagtatagpuin ang landas namin. Ino-obserbahan ko kasi siya mula sa malayo. Kaya sa ilang buwan na pag-obserba ni Doc. Ryuu sa kapatid ko ay ino-obserbahan ko rin siya. Bawat galaw at sinasabi nito ay nakabantay ako. Si Dr. Ryuu ay isang military doctor na nakabase sa ibang bansa, napaka-impossible lang na umuwi pa 'to ng bansang Pilipinas para lang sa kakambal ko. May kakaiba kasi eh. Kung kakilala nga ni Dr. Ryuu ang asawa ko, kailangan kong malaman kung anong nalaman niya tungkol sa asawa ko. Pero kailangan ko munang makasigurado kung tama nga ang hinala ko na personal nitong kakilala ang asawa ko. Sana. Sana kakilala nga niya. . "Maddie, gising na. . . " kausap ko kambal ko. Nakalabas na siya ng ICU, nasa isang private room na siya ngayon pero hanggang ngayon ay comatose pa rin 'to. "Alam mo ba. . . hindi ako masaya sa married life ko." kwento ko, "hindi ko pa nakikita ang asawa ko pero inaalagaan naman niya ako. Sinisigurado niya na nakukuha lahat ng gusto at kailangan ko. . . Pero gusto ko kasi ng anak, Maddie eh." sabi ko sabay tawa. "Hindi ko pa rin nakikita ang muka niya hanggang ngayon. . . Pero ayos lang naman. . . pero kasi gusto ko talaga ng anak." Patuloy lang ako sa pagkwekwento sa kapatid ko. Matagal kaming hindi nagkita at ang dami kong bagay na gustong sabihin sa kaniya. Natigilan lang ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n si Dr. Ryuu. . . Tinikom ko ang bibig ko at umalis sa tabi ng kama at pinanood ang lalaki na i-check up niya ang kapatid ko. Medyo nataranta ako nang makita na tapos na siya at naglakad na palabas, ni hindi niya ako pinansin para magpaalam. Mabilis na sinundan ko siya palabas. Hinabol ko siya at hinarang ang daanan niya. Napahinto siya at tumitig sa akin. Natigilan din ako dahil sa kulay asul na mata nito. Kahit araw araw ko 'tong nakikita ay may epekto pa rin 'to sa akin. "Do you need something?" Dr. Ryuu asked. Natigilan muli ako. He sounded like my husband. But no. . . magka-iba ang boses nilang dalawa. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nagsalita. "Pwede ba kitang makausap?" tanong ko. Kumunot ang noo niya. "You want to talk to me?" tanong niya at para pa siyang nagulat. "Akala ko ba plano mo akong iwasan at hindi kausapin? Since gano'n ang ginagawa mo nitong nakaraang buwan." Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. "You're avoiding me. Akala mo ba hindi ko napansin?" Hindi ako makapagsalita. Tinamaan ng hiya ang buong pagkatao ko. Don't fold, Megan! Kailangan mo siyang makausap. "Pwede ba kitang makausap?" muling tanong ko na lang sa lalaki at hindi inalis ang tingin sa kaniya. "Sure." Dr. Ryuu shrugged. "what it is you want to talk about?" Humugot ako ng malalim na hininga. "Kilala mo ba ang asawa ko? Like personally?" Napakurap si Dr. Ryuu. "What?" he asked. "Do you know my husband personally?" ulit na tanong ko, sa pagkakataon 'yon ay binagalan ko ang pagsasalita. "Sa tingin mong 'yan, kailangan ba 'oo' ang isagot ko sayo?" Umawang ang labi ko. Hindi pa ako kinabahan ng ganito sa tanang ng buhay ko. Ngayon lang. "Do. . Do you know him? Well? Do you?" Ilang segundo akong tinitigan ni Dr. Ryuu bago siya umiling. "No. I don't." sagot niya. "Sinungaling. . " mahinang bulalas ko matapos akong hindi makapagsalita ng ilang segundo dahil sa isinagot niya. "We're staying in the same hotel, with the same treatment from the staff and the manager. At. . . At andito ka ngayon sa Pilipinas dahil sa isang bagay at dahil 'yon sa kambal ko. Isa kang military doctor na naka-assign sa ibang bansa pero nandito ka ngayon sa Pilipinas dahil sa kapatid ko. It must've been something. I'm sure my husband has something to do with it—" "Can you just be thankful?" putol ng lalaki sa sasabihin ko pa sana. Napaawang ang labi ko na napatitig sa lalaki. "Can you just be thankful that I sacrifice my job for your sake?" nagulat ako dahil sa biglang pagkasarkastiko ng boses nito. Rinig ang pagkamasunngit niya, eh wala namang reaksyon ang mukha niya. "M-My sake?" utal na sabi ko. "Yes. Your sake. Why? Isn't this all for you. . . the reason why I am here right now?" Hindi pa rin mawala ang gulat sa mukha ko. Talagang ginamit ng asawa ko ang kapit niya sa nakakataas? Dahil sinabi ko? Para sa akin? "I received a call from my superior, saying someone wants me in the Philippines to do brain surgery. Hindi iyon request o pakiusap, isa 'yong utos. And I'm just following what's my superior order me to do, Mrs. De Luca." pagpapaliwanag nito sa napakapropesyonal na tono. Napaatras ako at nagbaba ng tingin at kinuyom ang dalawa kong kamao. "M-My sake?" natatawang ulit ko sa sinabi kanina gamit ang mahinang boses. Mapait akong napangiti, "if it's really my sake. . . why won't he show himself to me and end misery?" hindi ko mapigilang sabihin 'yon sa harapan ng lalaki. Wala eh, bigla na lang ako sumabog. Nagtagis ang bagang ko at taas noo akong tumalikod at naglakad palayo sa lalaki. "Sawang sawa na ako sa ganito." bulong ko sa sarili. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na sumabog. Gusto kong sumigaw dahil sa nararamdaman kong galit at frustrasyon pero pinigilan ko ang aking sarili. Bakit mo 'to ginagawa sa akin, Czar? Why are you playing with me? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Gano'n ba 'yon? Isa lang ba akong laruan sayo? Naghihintay ako. . . tatlong taon na. . Upang maalis ang init sa ulo ko ay pinili ko munang maglakad lakad sa labas ng hospital. Dahil sa kalutangan ay hindi ko na namalayan kung saang parte ako napunta at dinala ng paa ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa isang parke na walang tao. Gabi na rin kasi. . . Umupo ako sa isang bench sa gilid upang magpahinga. Nang biglang. . .Megan Point of View"May darating akong bisita," imporma ko kay Vonte na siyang sumalubong sa akin sa labas ng bahay. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. Pumasok na ako at sinundan naman niya ako."Sino, madam?""Someone," sagot ko lang.Hinihintay ko ang pagdating niya.Hindi ko sinabi kung saan ako nakatira. Wala akong sinabi na na kahit ano, sa bahay ba ako nakatira, sa hotel, sa mga beach resort.Kaya kapag dumating siya. . . paghihinalaan ko na siya.Hindi kasi ako naniniwala sa nagkataon lang. Dinala ako ni Czar dito sa Isla. Andito rin si Ryuu ngayon.Kailangan kong siguraduhin kung si Czar ba at si Ryuu ay iisang tao lamang. Hindi ko hahayaan na paglaruan mo uli ako, Czar. . Not this time.Napangisi ako at nagtungo sa kwarto upang magpalit ng damit at nang matapos ay pumanhik na ako sa kusina upang ihanda ang mga lulutuin ko."Lulutuan ko siya ng almusal, bagong kaibigan ko siya. Tiyak na kilala mo siya, Vonte." sabi ko sa lalaki na pinapanood ang bawat galaw ko. Hindi ito
Megan Point of View Pagod ako kahapon pero maaga pa rin akong nagising. Pinilit kong matulog ulit dahil masyado pang maaga pero masyadong marami akong iniisip. Napabuntong hininga ako habang nakatingin lang sa kisame. Czar left. Ryuu was here. I don't know what to feel. Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko at nagtimpla ng kape. Pero nang maubos ko 'to ay agad akong nakaramdam ng pagkayamot. Kaya naman nagdesisyon akong lumabas muna ng bahay para sana panoorin ang pag-angat ng araw. Nang makalabas ako sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa dalampasigan pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang mapansing hindi yata sa parteng 'to ng Isla sisikat ang araw kundi sa kabila. Bakit ang malas ko? Marahas na bumuga ako ng hangin at wala sa sariling napatingin sa lalaking naliligo sa dagat. Malayo ito ng kaunti at nasa malalim na parte pero dahil malinaw naman ang mga mata ko at medyo maliwanag na, malinaw kong nakita ang lalaking naliligo at nakatalikod sa gawi ko. Mula rito
Megan Point of ViewNaligo na ako at nagbihis ng sundress bago ako lumabas sa kwarto ko at nilibot ang buong kabahayan. Halatang pinapalinis ito araw araw dahil dumating ako rito na malinis na ang paligid.Walang ibang tao ngayon dito maliban sa akin at si Vonte na hindi ko na alam kung saan pumunta.Nang magsawa ako ay lumabas ako ng bahay at nagpasya na maglakad lakad muna sa dalampasigan upang mawala ang galit at dismaya na nararamdaman ko.Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako sobrang nadismaya at nagalit, ngayon lang. Tanging ang asawa ko lang, si Czar lang ang kayang kaya na iparamdam sa akin ang sobrang galit, pagkamiserable, at pagkadismaya.Marahan ang paglalakad ko. Hinawakan ko na ang sandal na suot ko upang mas maramdaman ko ang pino at puting hangin sa paa ko. Inililibot ko ang paningin ko sa paligid at nakakita ako ng ilang mga tao na rito nakatira. . . At mga turista na mukhang nag-eenjoy sa ganda ng tanawin. Mukhang doon sila sa mga cabin at hotel tumutuloy.May mga nakit
Megan Point of View Namangha ako sa ganda ng tanawin. Inalalayan ako ni Vonte na bumaba at maglakad sa pino at puti na buhangin ng dalampasigan. . . Ang ganda ng paligid. Ang presko ng hangin at bibihira lang ang tao na makikita rito sa Isla. May mga beach resort kaming nadaanan kanina at mga hotels. Sinundan ko si Vonte na naglalakad, may mga kasama na kaming magbubuhat ng gamit. What a beautiful island. . . Sumakay pa kami ng golf cart papunta sa rest house ni Czar at hindi na ako nabigla nang makita na hindi lang 'to basta basta rest house. Kasing laki lang nito ang bahay namin sa Italy. It was big and extravagance. . . Pero anong silbi ng malaki at magandang bahay kung mag-isa ka lang naman? Wala. Kayang kaya kong ipagpalit ang buhay ko ngayon maging masaya lang ako. "Let me show you your room, Madam. . " sabi sa akin ni Vonte. "No, thank you." tanggi ko kaagad. Hinarap ko siya at inilibot ang tingin ko sa paligid, hinanap ang taong dahilan kung bakit ako narito ngayon. "W
Megan Point of View "Aalis ka na talaga? Hindi na kita mapipigilan? Iiwanan mo na ako?" Natawa ako dahil iyan ang sunod sunod na tanong ni Seb sa akin habang bitbit niya ang mga maleta ko palabas ng hotel. Wala pa si Vonte pero tumawag na siya kanina sa akin na paparating na siya. Pababa ako ng hotel nang nakasalubong ko si Seb . . . At ito, kinukulit ako. "Sa Palawan lang naman ako, kung gusto mo akong dalawin ay puntahan mo lang ako." tawang imporma ko sa nakasimangot na lalaki. "Eh, ako mag-aalaga sa kapatid mo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa gising si Maddie pero maganda na ang lagay niya. Si Doc. Seb ang naka-assign na doktor sa kapatid ko kaya panatag din akong aalis. Nakalabas na kami ng hotel at sakto naman na huminto ang magarang kotse sa harapan namin. Alam ko kaagad na ito ang kotse na susundo sa akin. Tama ako dahil lumabas mula sa kotse si Vonte. Hindi siya nagsalita at inagaw ang mga maleta ko kay Seb na walang nagawa dahil sa gulat. "Vonte, he's
Megan Point of View Tumayoo na ako mula sa pagkaka-upo ko sa sofa at hinubad lahat ng damit ko at saka ako pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpling ito na damit na hanggang tuhod ang haba at saka lumabas sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto ni Dr. Ryuu. Kumatok ako at hinintay na pagbuksan niya ako. Nang bumukas ang pinto ay sumalubong sa akin ang iritadong mukha nito. Napakurap kurap ako dahil sa iritadong mukha nito. "Ahm. . . Abala ka ba?" "No." halos pasinghal na sagot nito sa akin, "bakit? May kailangan ka ba?" tanong nito. May yamot na sa boses na para bang gusto na niya akong umalis at isarado ang pinto. "I. . . Ahm. . I wanna thank you for saving me—" "Hindi na kailangan." putol nito sa sasabihin ko. At akma niyang isasara ang pinto pero hindi natuloy dahil nagsalita ako. "Have dinner with me." sabi ko. "Hindi ba may asawa ka na?" matalim ang boses nitong tanong sa akin. Kunot din ang noo