Megan Point of View
Nang biglang. . . naramdaman kong may humawak na malamig na kamay sa balikat ko. Napaigta ako sa gulat. "Mag-isa ka lang ngayon, miss?" isang malalim na boses ang nagsalita. Tumaas ang balahibo dahil kinilabotan ako. Kinakabahang tumayo ako at mabilis na hinarap ang nagsalita. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napasinghap sa gulat nang makita ko na tatlong kalalakihan na may mga tattoo ang nasa harapan ko at nakangisi ang mga 'to sa akin. Bakas sa kislap ng mga mata ng mga 'to na may mga balak itong gawing masama sa kaniya. Awtomatiko akong humakbang paatras sa kanila. Ngumisi ang nasa gitnang lalaki, "Naku! Segi na, Miss! Papaligayahin ka naman namin eh! Huwag kang matakot." aniya at sabay sabay silang nagtawanan. I'm not Maddie. . . I can't fight! And I can't run either because I'm wearing my stilettos! Anong gagawin ko?! Haloa hindi ko na rin magalaw ang katawan ko. Parang napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa takot at kaba. . . "Segi na, Miss oh!" sabad ng lalaking nasa kanan at nagsimula na itong humakbang papalapit sa akin. "Mukha ka pa namang malungkot. Kayang kaya ka naming pasiyahin ngayong gabi. . ." Nangilabot ako sa pandidiri nang dinilaan pa ng lalaking 'to ang kaniyang ibabang labi at saka puno ng pagnanasa siyang ngumiti sa akin. . . Nanginig ang tuhod ko. "Segi na miss. . . Halika ka na. . Magkipaglaro ka sa amin. . " Humakbang na naman ako paatras mula sa kanila habang iniisip ko kung anong gagawin ko. Kung sisigaw ba ako, may makakarinig kaya sa akin? Walang tao sa paligid. . . Kung tatakbo naman ako, malaki ang posibilidad na abutan ako ng mga 'to. . . pero wala naman akong ibang pagpipilian eh. "I can give you money? Iyon na lang. . . " tagumpay kong nasabi kahit na parang may nakabara sa lalamunan ko para pigilan ako sa pagsasalita. . Masyado akong kabado. "Wala kaming pakialam sa pera mo, Miss. . . Ikaw ang gusto namin." "Marami akong pera. Bibigyan ko kayo ng pera para mabuhay kayo ng magara. . . kasama ng mga pamilya niyo. Ng asawa at anak niyo. . " nagawa kong gawing mahinahon ang boses ko sa kabila ng panginginig ng kalamnan ko. Nakita ko na nagkatinginan silang tatlo kaya naman umatras ulit ako dahil nakakita ako ng oportonidad. Nauto ko sila. Umatras na naman ako at handa na sanang tumakbo nang biglang hinabol kaagad ako ng dalawang lalaki at hinawakan ako sa magkabilang kamay habang ang isa naman ay hinawakan ako sa beywang. "Bitawan niyo ako!" malakas na sigaw ko. Umaasa na may makarinig. "Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko habang pumapalag sa pagkakahawak nila. Tumawa lang ang lalaking hinihimas himas ang beywang ko. "Segi lang. . Sumigaw ka lang, wala namang makakarinig sayo." "Tang Ina ka!" malakas na sigaw ko sa muka niya. Sinubukan ko uling pumalag at umatras pero malakas akong hinila ng dalawang lalaki na nakahawak sa akin dahilan para mapasubsov ako sa dibdib ng lalaking may hawak sa beywang ko na ngayon ay nasa hita ko na ang kamay niya! "Sabing bitiwan niyo ako!" sigaw ko at pilit kong pinapatapang ang sarili ko. Pilit akong pumipiglas sa hawak nila pero wala akong laban sa lakas ng dalawang lalaki. "Segi na pare, dahilan mo na. . " nakangising sabi ng isa sa lalaking may hawak sa kamay ko. "ako naman ang susunod sayo. . " "Tulong!! Tulungan niyo ako! Aah!!" natataranta nang sigaw ko. Sinapo ng lalaking nasa gitna ang baba ko at nang makita ko na hahalikan na sana niya ako at mariin kong pinilig ang ulo ko at pinikiy ang mga mata ko. Muli akong sumigaw. "Czar!" tawag ko sa pangalan ng asawa ko. "Help me!" Ilang segundo ang lumipas pero walang labi na lumapat sa kahit anong parte ng mukha at katawan ko. At naramdaman ko rin ang pagluwaf ng hawak ng dalawang lalaki sa kamay ko. Iminulat ko ang aking mga mata at napaawang ang labi ko sa gulat nang makita ko ang ekspertong pakikipaglaban sa suntukan at sipa si Dr. Ryuu sa lakaking humawak sa beywang ko. Napasinghap ako nang nasuntok si Dr. Ryuu sa kaniyang dibdib pero ni hindi man lang siya nagpakita ng reaksyon na nasaktan siya. Parang wala lang 'yon sa kaniya. Patuloy ito sa pag-atake ng malakas na suntok at sipa na tumatama lahat sa mga lalaki na kalaban nito. At isang malakas na sipa lang uli niya sa lalaki ay napatumba na niya 'to. At nang tuluyan na akong binitiwan ng dalawang lalaking nakahawak sa akin para harapin si Dr. Ryuu ay doon ako nag-alala. Baka hindi nito kayanin ang dalawa! Pero nagkamali ako ng husga. Madali lang na napatumba at nakatulog ni Dr. Ryuu ang dalawang lalaki. Hinihingal na humarap ito sa akin. "Are you okay?" tanong nito sa akin. Bahagyang kumalabog ang puso ko nang hindi ko mapigilan na maalala ang asawa ko sa kaniya dahil ganiyan din lagi ang tanong ng asawa ko sa akin sa telepono. Umiling ako at magsasalita na sana ako pero walang boses na lumabas mula sa bibig ko. Pinatunog nito ang dila niya at umiling bago niya sinuklay ang magulong buhok niya gamit ang kamay niya bago ito naglakad papalapit sa akin.. "Hindi ba sinabi ko sayo na mag-iingat ka?" bakas ang galit sa boses nito na kinagulat ko. Hinubad nito ng jacket na suot niya at saka pinalibot niya 'yon sa likod at balikat ko. Napatitig ako sa mga mata niyang matalim ang kislap na nakatingin sa akin. Parang naiinis siya. Hindi, naiinis talaga siya. Kunot ang noo niya at nagtatangis ang bagang niya. "Bakit hindi ka nakikinig sa mga taong nakapaligid sayo? Sinabi ko sayo na maraming masasamang tao sa paligid. Sinabi rin sayo 'yan ni David." aniya na parang galit na nanenermon ng anak niyang pasaway. Pero nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nakatitig lang sa kaniya dahil sa pagkabigla ay lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Pasensiya na. . . Pinag-alala mo kasi ako." Hindi ako nakapagsalita. . I don't know what to say. Napabuntong hininga naman si Dr. Ryuu. "halika na, I'll take you back to the hotel." aya na lang nito sa akin. Wala na akong lakas na tumanggi pa at sabihing kaya ko na ang sarili ko kasi. . . alam ko naman sa sarili ko na hindi ko pa kaya. Kahit pa noong bata ako, I hated violence. Lumaki ako sa marahas na kapaligiran. Kaya nga pinili kong takasan ang pamilya ko. Violence. . . somehow scares me. Sumakay ako sa kotse ni Dr. Ryuu na nasa malapit lang naka-park. "I was in my way home when I saw what happen. . . I'm glad that I saw you. . . " sabi ni Dr. Ryuu bago niya pinaandar ang kotse. Hindi na ako nagsalita at nanghihinang isinandal ang sarili ko sa kinauupuan ko. Gusto kong matawa nang maalala ko na isinigaw ko ang pangalan ng asawa ko para humingi ng tulong. . . kahit na alam ko naman na wala siya at walang darating na Czar para tulungan ako. Maya maya ay inilabas ni Dr. Ryuu ang kaniyang cellphone at ini-report ang nangyari sa akin sa pulis. Ipinikit ko ang mga mata ko at namalayan ko na lang na nakabalik na kami sa hotel nang huminto ang kotse ni Dr. Ryuu. Kahit sa pagpasok ay nakasunod lang sa akin si Dr. Ryuu, mukang sinusukat kung kaya ko ba ang sarili ko o hindi. Hanggang sa nakarating kami sa palapag ng hotel room na tinutuluyan namin. Pero hindi ko inaasahan na aalalayan ako ni Dr. Ryuu papasok sa kwarto na inuukapa ko. "Don't get me wrong. . . Gusto ko lang tignan kung may sugat o gasgas kang natamo at gagamutin ko." sabi kaagad nito nang makita niya ang pagtataka sa mukha ko. Tumango na lang ako. "Maupo ka muna." utos nito sa akin bago siya umalis sa harapan ko at basta na lang pumunta sa kusina ko. Nanlalambot naman akong naupo sa sofa at napatitig sa doktor na bumalik at may dalag basong tubig. At sa isang kamay nito ay nakita kong hawak nito ang personal first aid kit ko na hindi ko alam kung paano niya nahanap. "Uminom ka." Tinanggap ko ang baso at saka mabilis kong inubos ang laman no'n. Napatitig ko sa glass wall kung saan kita ko ang syudad. "Can I sir beside you? Titignan ko lang kung may natamo kang sugar, galos, o pasa sa nangyari kanina." sabi nito. Tumango na lang ulit ako. Umupo siya sa tabi ko at kahit may pag-aalinlangan ay sinimulan niyang sipatin ang buong katawan ko at nang makita niya na wala naman ay para pa siyang nakahinga ng maluwag. "Are you okay?" tanong muli nito sa akin. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. At hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko kundi ang ikumpara ang lalaking nasa harapan ko sa asawa ko. Si Czar kanina ang tinatawag ko pero si Dr. Ryuu ang dumating. Ang asawa ko. Ni wala nga itong kaalam alam sa nangyari sa akin ngayon. Kung nasa tabi ko lang sana siya. Kung nagpakita lang sana siya sa akin noon pa at magkasama kami, hindi mangyayari 'yon sa akin. Mas may nagagawa pa si Vonte na kanang kamay niya keysa sa akin. Sanay rin ako na si Vonte ang laking promoprotekta sa akin, in behalf of my husband. Pero wala rin ang lalaki ngayon dito. Ibang tao ang tumulong sa akin. Ibang tao ang dumating nang tawagin ko ang asawa ko. Mapakla akong natawa. Nagtaka tuloy si Dr. Ryuu dahil sa ginawa ko dahil kanina ay tulala lamang ako. "Why?" he asked. Total, siya naman ang nandito. Sa kaniya na lang muna ako magsasabi. Kay Vonte ko kasi laging sinasabi ang mga sakit na nararamdaman ko eh. "I'm done. . . waiting for him." sabi ko hinga ng malalim. "I'm done being a good wife. He doesn't want to see me? Fine." Nagtagis ang bagang ko. "Para alam mo, tatlong taon na akong kasal pero kahit kailan hindi ko pa nakikita ang asawa ko. If he will not show himself to me until this year ends, I'm divorcing him!" "W-what did you say?" Natigilan ako at bumaling ng tingin kay Dr. Ryuu na bakas ang kislap sa mga mata nito na hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "You'll divorce your husband?" Tumango ako. "Binibigyan ko ang sarili ko at ang asawa ko ng ultimatum. Kung hindi pa siya magpapakita sa akin hanggang sa kataposan ng taon, hihiwalayan ko na siya. Maghahanap na lang ako ng lalaki na kayang kayang ibigay sa akin ang oras niya. . . ang presensiya niya. . . at lalaking kaya akong bigyan ng anak." Natigilan ako at bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ko ang pagtatagis ng bagang ni Dr. Ryuu. Napakurap kurap ako. "Ayos ka lang, Doc?" tanong ko. Tumango lang ito bilang sagot at saka tinalikuran ako. "Aalis na ako. Magpahinga ka na." pagkasabi niya no'n ay umalis na ito sa kwarto ko. Napatitig naman ako sa pinto na nilabasan ng lalaki. May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? Masyado ba akong madaldal at ayaw niya no'n? Napabuntong hininga ako, "hindi man lang ako nakapag-thank you sa kaniya." Napasandal ako sa kinauupuan kong sofa at kapag kuwan ay napatitig ako sa bag kung saan naroon ang cellphone ko na nag-iingay, indikasyong may tumatawag. Kinuha ko iyon ar saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Czar. It's been months since he called. Kaagad kong sinagot 'yon. "Hello?" ani ko. "Megan." "Yes?" Biglang nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. Nagtaka akong napatingin sa screen ng cellphone ko bago ko ito nilapat muli sa tainga ko. Hinintay ko na magsalita ito pero ang end call tone ang narinig ko kapagkuwan. Matamlay akong napangiti at saka tinapon na lang basta ang cellphone ko sa sahig. "Czar Amadeo De Luca. . . pinaglalaruan mo ba ako?" napatingala ako sa kisame at saka napatitig doon. Mapait akong ngumiti. "Please. . . stop making me feel miserable. ." ani ko na para bang naririnig niya ako.Megan Point of View"May darating akong bisita," imporma ko kay Vonte na siyang sumalubong sa akin sa labas ng bahay. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. Pumasok na ako at sinundan naman niya ako."Sino, madam?""Someone," sagot ko lang.Hinihintay ko ang pagdating niya.Hindi ko sinabi kung saan ako nakatira. Wala akong sinabi na na kahit ano, sa bahay ba ako nakatira, sa hotel, sa mga beach resort.Kaya kapag dumating siya. . . paghihinalaan ko na siya.Hindi kasi ako naniniwala sa nagkataon lang. Dinala ako ni Czar dito sa Isla. Andito rin si Ryuu ngayon.Kailangan kong siguraduhin kung si Czar ba at si Ryuu ay iisang tao lamang. Hindi ko hahayaan na paglaruan mo uli ako, Czar. . Not this time.Napangisi ako at nagtungo sa kwarto upang magpalit ng damit at nang matapos ay pumanhik na ako sa kusina upang ihanda ang mga lulutuin ko."Lulutuan ko siya ng almusal, bagong kaibigan ko siya. Tiyak na kilala mo siya, Vonte." sabi ko sa lalaki na pinapanood ang bawat galaw ko. Hindi ito
Megan Point of View Pagod ako kahapon pero maaga pa rin akong nagising. Pinilit kong matulog ulit dahil masyado pang maaga pero masyadong marami akong iniisip. Napabuntong hininga ako habang nakatingin lang sa kisame. Czar left. Ryuu was here. I don't know what to feel. Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko at nagtimpla ng kape. Pero nang maubos ko 'to ay agad akong nakaramdam ng pagkayamot. Kaya naman nagdesisyon akong lumabas muna ng bahay para sana panoorin ang pag-angat ng araw. Nang makalabas ako sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa dalampasigan pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang mapansing hindi yata sa parteng 'to ng Isla sisikat ang araw kundi sa kabila. Bakit ang malas ko? Marahas na bumuga ako ng hangin at wala sa sariling napatingin sa lalaking naliligo sa dagat. Malayo ito ng kaunti at nasa malalim na parte pero dahil malinaw naman ang mga mata ko at medyo maliwanag na, malinaw kong nakita ang lalaking naliligo at nakatalikod sa gawi ko. Mula rito
Megan Point of ViewNaligo na ako at nagbihis ng sundress bago ako lumabas sa kwarto ko at nilibot ang buong kabahayan. Halatang pinapalinis ito araw araw dahil dumating ako rito na malinis na ang paligid.Walang ibang tao ngayon dito maliban sa akin at si Vonte na hindi ko na alam kung saan pumunta.Nang magsawa ako ay lumabas ako ng bahay at nagpasya na maglakad lakad muna sa dalampasigan upang mawala ang galit at dismaya na nararamdaman ko.Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako sobrang nadismaya at nagalit, ngayon lang. Tanging ang asawa ko lang, si Czar lang ang kayang kaya na iparamdam sa akin ang sobrang galit, pagkamiserable, at pagkadismaya.Marahan ang paglalakad ko. Hinawakan ko na ang sandal na suot ko upang mas maramdaman ko ang pino at puting hangin sa paa ko. Inililibot ko ang paningin ko sa paligid at nakakita ako ng ilang mga tao na rito nakatira. . . At mga turista na mukhang nag-eenjoy sa ganda ng tanawin. Mukhang doon sila sa mga cabin at hotel tumutuloy.May mga nakit
Megan Point of View Namangha ako sa ganda ng tanawin. Inalalayan ako ni Vonte na bumaba at maglakad sa pino at puti na buhangin ng dalampasigan. . . Ang ganda ng paligid. Ang presko ng hangin at bibihira lang ang tao na makikita rito sa Isla. May mga beach resort kaming nadaanan kanina at mga hotels. Sinundan ko si Vonte na naglalakad, may mga kasama na kaming magbubuhat ng gamit. What a beautiful island. . . Sumakay pa kami ng golf cart papunta sa rest house ni Czar at hindi na ako nabigla nang makita na hindi lang 'to basta basta rest house. Kasing laki lang nito ang bahay namin sa Italy. It was big and extravagance. . . Pero anong silbi ng malaki at magandang bahay kung mag-isa ka lang naman? Wala. Kayang kaya kong ipagpalit ang buhay ko ngayon maging masaya lang ako. "Let me show you your room, Madam. . " sabi sa akin ni Vonte. "No, thank you." tanggi ko kaagad. Hinarap ko siya at inilibot ang tingin ko sa paligid, hinanap ang taong dahilan kung bakit ako narito ngayon. "W
Megan Point of View "Aalis ka na talaga? Hindi na kita mapipigilan? Iiwanan mo na ako?" Natawa ako dahil iyan ang sunod sunod na tanong ni Seb sa akin habang bitbit niya ang mga maleta ko palabas ng hotel. Wala pa si Vonte pero tumawag na siya kanina sa akin na paparating na siya. Pababa ako ng hotel nang nakasalubong ko si Seb . . . At ito, kinukulit ako. "Sa Palawan lang naman ako, kung gusto mo akong dalawin ay puntahan mo lang ako." tawang imporma ko sa nakasimangot na lalaki. "Eh, ako mag-aalaga sa kapatid mo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa gising si Maddie pero maganda na ang lagay niya. Si Doc. Seb ang naka-assign na doktor sa kapatid ko kaya panatag din akong aalis. Nakalabas na kami ng hotel at sakto naman na huminto ang magarang kotse sa harapan namin. Alam ko kaagad na ito ang kotse na susundo sa akin. Tama ako dahil lumabas mula sa kotse si Vonte. Hindi siya nagsalita at inagaw ang mga maleta ko kay Seb na walang nagawa dahil sa gulat. "Vonte, he's
Megan Point of View Tumayoo na ako mula sa pagkaka-upo ko sa sofa at hinubad lahat ng damit ko at saka ako pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpling ito na damit na hanggang tuhod ang haba at saka lumabas sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto ni Dr. Ryuu. Kumatok ako at hinintay na pagbuksan niya ako. Nang bumukas ang pinto ay sumalubong sa akin ang iritadong mukha nito. Napakurap kurap ako dahil sa iritadong mukha nito. "Ahm. . . Abala ka ba?" "No." halos pasinghal na sagot nito sa akin, "bakit? May kailangan ka ba?" tanong nito. May yamot na sa boses na para bang gusto na niya akong umalis at isarado ang pinto. "I. . . Ahm. . I wanna thank you for saving me—" "Hindi na kailangan." putol nito sa sasabihin ko. At akma niyang isasara ang pinto pero hindi natuloy dahil nagsalita ako. "Have dinner with me." sabi ko. "Hindi ba may asawa ka na?" matalim ang boses nitong tanong sa akin. Kunot din ang noo