Share

CHAPTER FOUR

last update publish date: 2026-07-28 02:58:22

"Pfth! Sigurado ka bang nasa matinong pag-iisip ka pa?" Napailing si Erzel habang pinipigilan ang sariling matawa. "Biruin mo, ngayon lang tayo nagkita, tapos bigla mo na lang sasabihing ako na lang ang pag-asa mo?" 

“Mukha ba ‘kong nagbibiro?” seryosong tanong nito sabay ayos nang upo. 

“Pwede ba, mamaya niyo na pag-usapan yan? Ngalay na ngalay na ‘ko sa pagbitbit ng mami niyo!” inis na singit ng serbidora. “Kung may LQ kayo, dun kayo mag bakbakan sa motel!” dagdag pa nito sabay talikod

“Aba—” 

“Don’t mind her, sa ’kin ka lang mag-focus.”  putol sa kanya ni Juan Miguel. 

Hindi siya sanay na kinokontra at pinagbabawalan pero sa pagkakataong ‘yon padabog siyang naupo. Bahagyang inilapit sa kanya ang mangkok at yumuko. 

"Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan...  madapa sana ang babaeng ‘yan.” nakapikit niyang bulong habang marahang hinahalo ang beef mami na kakalapag lang ng serbidora.

Napaawang ang labi ni Juan Miguel. Hindi niya maalis ang tingin kay Erzel. Sa labi nitong may kung anu-anong ibinubulong na hindi niya maintindihan, sa marahang panginginig ng katawan nito, at sa bahagyang pagliyad na para bang nagriritwal. 

Dahan-dahang iminulat ni Erzel ang mga mata. Akala niya, tumakbo na si Juan Miguel sa takot dahil sa ginagawa niya. Ngunit laking gulat niya nang makitang nasa harap pa rin niya ito, nakangiti at tila hindi maalis ang tingin sa kanya. 

“Huy!” bulong niya sabay pitik sa noo nito. Agad namang natauhan ang binata at agad na humigop ng sabaw. 

“Bilisan mong kumain, pagkatapos natin dito... sa motel naman tayo.” 

Bigla namang naibuga ni Juan Miguel ang hinigop niyang sabaw sa mukha ni Erzel. “What the fúck!” gulat na gulat na sigaw niya. 

Sa halip na magalit at magreklamo, napahagalpak ng tawa si Erzel sa reaction nito. 

“Oh my God, I’m sorry!” nahihiyang sabi ni Juan Miguel, sabay punas sa mukha ni Erzel na basang-basa. 

“Alam mo kung mag-react ka para kang high school student na first time makarinig ng gano'ng bagay. Kung ibang lalaki siguro ‘yon malamang sila pa ang nagyaya sa ‘kin.”

Bahagyang napangiti si Juan Miguel. "Hindi naman nakapagtataka 'yon, you're beautiful, attractive, and I like your sense of humor... but you're not my type."

"Wow! Salamat ha. Parang compliment na insulto." nakasimangot na sagot niya. 

“Alam mo, Miss Erzel…” seryosong panimula nito. “Kahit ganyan ka kaprangka, naniniwala pa rin akong ikaw ang makakatulong sa problema ko. Kaya sana… huwag mo 'kong biguin. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga naging kliyente mo, at iisa lang ang sinasabi nila—magaling ka.”

Agad namang napayakap sa sarili si Erzel. “Hoy, Mr. Cervantez! Nagbibiro lang ako no'ng sinabi kong pupunta tayo sa motel! Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan. Hindi ko binebenta ang sarili ko, 'no!”

Napakunot-noo si Juan Miguel. “Ano bang sinasabi mo diyan?” Bahagya itong napailing. “'Yung panggagamot mo ang tinutukoy ko.”

Saglit na natigilan si Erzel. Dahan-dahan niyang tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. Ramdam na ramdam niya ang pag-init ng mga pisngi niya.

“Puwede bang... isipin mo na lang na hindi tayo nagkita ngayong gabi?” 

Hindi na niya hinintay ang sagot. Bigla siyang tumayo at mabilis na tumalikod. Para bang gusto na lang niyang maglaho sa sobrang hiya.

“Saan ka pupunta?” kunot-noong tanong ni Juan Miguel. Mabilis siyang humarang sa daraanan ni Erzel pero dire-diretso itong lumapit sa counter, nagbayad at lumabas ng karinderya. 

“Miss, tulungan mo 'ko, please!” nangingilid ang luhang sabi ni Juan Miguel.

Akmang luluhod na sana ito nang dahan-dahang lumapit si Erzel. “Hoy, tumayo ka nga—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang madulas. Sa gulat, napahawak siya sa braso ni Juan Miguel. Dahil hindi rin nito inaasahan ang paghila, nawalan din ito ng balanse. Diretsong bumagsak sa sementadong gilid ng kalsada ang binata, habang si Erzel naman ay napadagan sa ibabaw nito.

“A-aray…” daing ni Erzel habang dahan-dahang iminulat ang mga mata. Ilang segundo pa bago niya napansing nakatitig lang sa kanya si Juan Miguel. Magsasalita pa sana siya nang biglang dumungaw ang serbidora mula sa pintuan ng karinderya.

“Aba! Tingnan n'yo nga naman 'tong dalawang 'to! Hindi na nakaabot sa motel, dito pa talaga sa gilid ng kalsada nagpatungan!”

Agad namang namula ang mukha ni Erzel. Saka lang niya naalala ang ibinulong niyang sumpa kanina.

Madapa sana ang babaeng 'yan.

Napapikit siya sa inis. “Bwisit… ako pa talaga ang nadapa,” inis niyang bulong habang dahan-dahang tumatayo.

"Halika na nga," nakasimangot niyang sabi, sabay abot ng kamay kay Juan Miguel para tulungan itong makatayo.

Agad namang tumayo ang binata at tahimik lang na pinagpag ang gusot nitong suit.

“Mukhang hindi mo talaga ‘ko titigilan hangga’t hindi ko pinakikinggan ang problema mo ‘no?” Bahagya siyang napailing bago muling tumingin dito.

Ngumiti lang si Juan Miguel na para bang nagtagumpay siya. 

“Tara, huwag tayo dito. Hindi puwedeng pag-usapan ang problema sa gilid ng kalsada.”

Makalipas ang ilang minuto, huminto sila sa tapat ng condo ni Erzel.

“Behave ka lang ha,” babala ni Erzel habang binubuksan ang p***o ng unit. “Isang kalokohan lang ang gawin mo, sisigaw talaga ako.”

Agad namang itinaas ni Juan Miguel ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Don't hesitate to call the police kapag may ginawa akong masama sa 'yo.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Erzel.

“Good.” Bahagya siyang ngumisi.“Puwede ka rin namang sumigaw kapag ako 'yung may ginawang masama,” tumatawang biro niya. 

Pagkapasok pa lang nila sa loob, agad na itinuro ni Erzel ang sofa.

“Maupo ka muna.” Humalukipkip siya. “Lilinawin ko lang ha, kung may... krung-krung ka, kahit anong ritwal pa ang gawin ko, hindi kita matutulungan diyan. Sa psychiatrist ka dapat magpunta."

Bahagya namang natawa si Juan Miguel. “Mukhang paglabas ko rito, saka pa lang ako mababaliw.” nakangising sagot niya. 

“Ano ‘yon, sa halip na gumaling ka, nabaliw ka pa dahil sa ‘kin ganun?!” kunwaring naiinis na sagot niya. 

“Joke lang! Ang hirap mo namang pasayahin!” nakangisi niyang sabi. 

“Sabihin mo na kasi, ano bang problema mo?” kunot-noong tanong ni Erzel.

Saglit na natahimik si Juan Miguel. Mahigpit niyang ikinuyom ang dalawang kamao bago marahang napabuntong-hininga at tumingin kay Erzel. 

“Isinumpa ako.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER FIVE

    Ilang segundo ring walang nagsalita.Nakakunot-noong nakatitig lang si Erzel kay Juan Miguel, na para bang hinihintay niyang bigla itong tumawa at sabihing biro lang ang lahat– pero nanatili itong seryoso."Ano'ng sabi mo?""Isinumpa ako," ulit ni Juan Miguel, walang bahid ng biro sa mukha.Napakurap si Erzel."Seryoso ka ba? H-hindi mo 'ko pinagtitripan? Sorry ha, but look at you. You look... decent. Mukha ka namang may pinag-aralan. P-pero bakit ka naniniwala sa sumpa?”Marahan itong tumango.“I know. But it’s true, alam kong mahirap paniwalaan, pero totoo 'to. Kaya nga ako iniwan ng ex-fiancée ko. Dahil isinumpa ako. Wala sa estado o katayuan sa buhay 'yan. Kapag sinumpa ka... sinumpa ka. Albularyo ka ‘di ba? Kung may taong mas makakaintindi sa kalagayan ko, hindi ba’t ikaw dapat ‘yon?” basag ang boses na sabi niya. Mariing napakagat si Erzel sa labi niya. “T-tama ka.” seryoso niyang sabi, “Albularyo ako at naiintindihan kita. Sige, ituloy mo.” nakangiti niyang sagot. “Halos lah

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER FOUR

    "Pfth! Sigurado ka bang nasa matinong pag-iisip ka pa?" Napailing si Erzel habang pinipigilan ang sariling matawa. "Biruin mo, ngayon lang tayo nagkita, tapos bigla mo na lang sasabihing ako na lang ang pag-asa mo?" “Mukha ba ‘kong nagbibiro?” seryosong tanong nito sabay ayos nang upo. “Pwede ba, mamaya niyo na pag-usapan yan? Ngalay na ngalay na ‘ko sa pagbitbit ng mami niyo!” inis na singit ng serbidora. “Kung may LQ kayo, dun kayo mag bakbakan sa motel!” dagdag pa nito sabay talikod“Aba—” “Don’t mind her, sa ’kin ka lang mag-focus.” putol sa kanya ni Juan Miguel. Hindi siya sanay na kinokontra at pinagbabawalan pero sa pagkakataong ‘yon padabog siyang naupo. Bahagyang inilapit sa kanya ang mangkok at yumuko. "Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... madapa sana ang babaeng ‘yan.” nakapikit niyang bulong habang marahang hinahalo ang beef mami na kakalapag lang ng serbidora.Napaawang ang labi ni Juan Miguel. Hindi niya maalis ang tingin kay Erzel. Sa labi nit

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER THREE

    Kusang napaurong si Mrs. Evangelista nang makita kung sino ang lalaking kaharap niya. "Ikaw na naman. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na hindi ako sasama?!" mariing bulong ni Erzel habang inaayos ang sarili niya. Pero ngumiti lang ang binata na para bang hindi natatakot sa mga tingin niya.Akmang tatalikod na si Erzel nang bigla siyang bumaling kay Mrs. Evangelista."Alam mo ba kung bakit ako nakikipagkita sa asawa mo?"Napakurap ang ginang."Client ko rin siya." Bahagyang natawa si Erzel. "Hindi ko naman talaga dapat sabihin 'to, pero dahil sa ginawa mo, pagbibigyan na kita. Gusto ka sana niyang i-surprise sa anniversary n'yo."Lalong nanlaki ang mga mata nito."Ako rin ang nag-recommend ng cream na ibinigay niya sa 'yo." Dahan-dahan siyang lumapit sa ginang. "Gusto ka niyang pasayahin at maramdaman mo kung gaano ka niya kamahal..." Humugot siya ng malalim na hininga. "Pero hindi niya magawa dahil sa kapal ng bulbòl mo!"Napasinghap ang lahat."I-ikaw—" natigilan si Mrs. Evangelista.

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWO

    Ilang minuto pa ang lumipas nang mapatingin si Erzel sa side mirror. May isang itim na van na kasunod niya."Sinusundan ba ako nito?" kibit-balikat niyang bulong. "Tsk! Baka pareho lang kami ng daan."Muli niyang ibinalik ang tingin sa kalsada. Lumiko siya sa kanan. Lumiko rin ang van. Napakunot ang noo niya. Nag-U-turn siya sa susunod na kanto. Nag-U-turn din ang van."Teka..."Bahagya niyang binagalan ang takbo ng big bike. Kasabay no'n ang pagbagal ng van."Okay..." Bahagya siyang napangiti. "Sinusundan nga ako."Hindi siya kinabahan. Sa halip, tila mas lalo pa siyang naaliw."Gusto n'yo pala ng habulan, ha? Tingnan ko lang kung maabutan n'yo pa ako!"Mabilis niyang pinaharurot ang motor. Humarurot din ang van. Sunod-sunod niyang nalagpasan ang ilang sasakyan. Sanay na sanay na siyang sumingit sa pagitan ng mga ito, at halos kabisado na niya ang bawat eskinita at shortcut sa lugar.Lumiko siya sa isang makitid na daan kung saan halos isang sasakyan lang ang kasya. Napangisi siya.

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER ONE

    "Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"Mariing nakapikit si Erzel habang dahan-dahang iniikot ang kahoy na sandok sa malaking tansong kawaling puno ng iba't ibang dahon. Unti-unting kumapal ang usok sa loob ng consultation room, dahilan para lalo pang kabahan ang eleganteng babaeng nakatayo sa harapan niya.Muli siyang huminga nang malalim."Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"Mas mabilis na bulong niya. Bahagya siyang yumuko at sinadyang panginginigin ang katawan, na para bang may espiritung unti-unting sumasapi sa kanya."M-Miss..." halos pabulong na sabi ng babae. "S-sino ang nakikita mo? Sabihin mo na sa akin."Hindi agad sumagot si Erzel. Sa halip, mas binilisan pa niya ang paghahalo sa kawali. Unti-unti niyang binuka ang labi."B-bay..."Napahawak sa dibdib ang babae."B-Bayani?" gulat nitong sabi. "Si Bayani? Ang asawa ko?"Biglang napadilat si Erzel at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status