Share

08 - Worried

Sa paglabas ni Kraner sa opisina ng kan’yang hepe ay kaagad na naagaw ang atensyon n’ya ng mga nagsisitakbuhang mga pulis.

“Anyare? May terrorist attack ba?” tanong ni Inigo ng makita rin ang komusyon.

“Baka may chicks na bumisita bukod kay Amelia,” pahayag ni Gabriel dahilan para makatanggap s’ya ng masamang tingin mula kay Kraner. “Charing lang!” Pagbawi n’ya sabay iwas ng tingin sa kaibigan.

Kaagad na hinarang ni Daniel ang isa sa mga pulis para tanungin kung ano ang nangyayari.

“Dadalhin dapat sa interrogation room si Boris, sir pero biglang na lang itong nanlaban kanina.”

“May nasaktan ba s’ya? Nasaan na s’ya ngayon?” sunod-sunod na tanong ni Gabriel.

“Dalawang pulis ang sugatan dahil sa pagpupumiglas n’ya. Nakatakas s’ya at ngayon nga…” Bumaling ang pulis kay Kraner at doon palang ay nagkaroon na s’ya ng masamang hinala.

Hindi na hinintay pa ni Kraner ang sunod na sasabihin ng pulis at kaagad na nagtungo sa kanyang opisina para puntahan ang babaing iniwan n’ya roon.

May ka
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status