LOGINMIKYLA POV
“Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa katawan ng lalaking ito kaya ganoon? Tsk, alam ko naman na imposible iyun eh. Haysst, napa-praning na nga yata ako at nang mapansin kong binuksan na nga nitong si Kuya Arif ang pintuan, muli akong napatitig sa kanya “Bababa ka ba, ya?” tanong ko. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay niya. Hindi ko alam kung ano ang problema kaya naman, wala nang patumpik-tumpik na nauna na akong bumaba. Bahala siya sa buhay niya! Pagkababa ko, bumaba na din naman si Kuya Arif. Kaagad na sumalubong sa akin ang malamig na temperature ng buong paligid. Napatingala pa ako sa langit at napansin kong wala man lang kahit na isang bituin. “Tsk, mukhang uulan ah?” mahina kong bulong. Pagkatapos noon, kaagad kong inilibot ang paningin sa paligid para hanapin ang kakambal ko “Nasaan na kaya siya?” mahina kong sambit “Ano ang ginagawa mo? Tatayo ka na lang ba diyan?” muli na naman akong napapitlag nang muli na naman siyang nagsalita mula sa likuran ko. Sa pagkakataon na ito pakiramdam ko, parang ang lapit-lapit niya lang kaya naman, pasimple akong humakbang paabante. “Kuya, ano ka ba? Bakit ka ba nanggugulat?” tanong ko. At pagkatapos noon, parang wala lang na naglakad ako patungo sa isang coffee shop. Kaillangan ko yatang umorder ng matapang na kape. Pakiramdam ko kasi, parang hindi na ako ito eh. Kailangan kong gisingin ang diwa ko lalo na at nandiyan ang masungit na nobyo ng kakambal ko. Mukha pa namang engot. Imbes na kapatid ko ang sundan, bakit parang ako? Ako talaga..dahil napansin ko na lang na bigla na lang siyang tumayo sa tabi ko habang naghihintay dito sa pila. “Kuya, nasaan pala si Zyra?” hindi ko pa nga maiwasang tanong. ‘hindi ko alam.” malamig ang tono ng boses na sagot niya Kaagad namang nagsalubong ang kilay ko “Hindi mo alam? Hindi ba’t kasama lang natin siya sa kotse kanina?” tanong ko “Yeah, kasama pero sabi niya, may bibilhin lang daw siya ng snacks.” walang gana nitong sagot. Kaagad namang napataas ang kilay ko. Hindi ko alam kung normal ba ang utak nitong si Kuya Arif? Si Zyra ang nobya tapos hindi man lang sinamahan na bumili ng snacks? “Anong gusto mong kape?” maya-maya muli nitong tanong “Brewed black coffe…no sugar.” sagot ko din naman kaagad. Pero, wala akong narinig na tugon mula sa kanya. At nang nasa counter na kami, nagulat na lang ako nang umorder siya ng dalawang kape. Isang brewed coffee at isang cappuccino. Sinabayan na din niya ng ilang pirasong sweets. Siyempre, siya na din ang nagbayad. “Ako naman, tahimik lang. At habang hinihintay namin ang order, nagpasya kaming maupo na muna. Magkatapat kaming naupo sa pandalawahang mesa at habang hinihintay ang kape, hindi ko maiwasan ang managlumbaba. Napatitig ako sa labas ng coffee shop at nang mapansin ko na nag-uumpisa nang pumatak ng ulan sa labas, muli akong napatitig kay Arif kung saan, huling huli ko na nakatitig din siya sa akin Hindi ko tuloy malaman kung ano ang mararamdaman ko. Bigla din kasi akong nakaramdam ng pagkailang. Kakaiba kasi ang paraan ng pagtitig sa akin eh. Iyung feeling na para bang binabasa niya pati ang kululuwa ko? “Identical twin ba talaga kayo ni Zyra?” maya-maya tanong niya na labis kong ipinagtaka. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinakausap niya ako nang medyo personal “Ano sa palagay mo? Bakit, hindi ba kami magkamukha?” nakataas ang kilay na sagot ko. ‘Hindi! Sweet si Zyra pero ikaw, maasim ang ugali mo.” sagot niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapasimangot Bigla din akong na-concious sa amoy ko lalo na nang marinig ko ang salitang maasim. Mula Manila hangang Quezon province, ilang oras din ang ginugol ko sa biyahe gamit ang motor kaya feeling ko, ang maasim na salita ay may mas malalim na kahulugan eh Pasimple ko tuloy inamoy-amoy ang sarili ko. Identical twin kami ni Zyra, magkaiba lang kami pumorma pero magkamukha kami. Sa amoy naman, oo, sweet si Zyra, mabango kasi nga, kikay iyun. Beauty conscious din habang ako naman ay hindi naman burara pero mahilig sa initan dahil sa pagkahilig sa motor. Mas maputi din si Zyra kumpara sa akin kasi nga, palagi akong naiinitan. “Pero-----” muling wika ni Arif. Binitin pa ako ng gago kaya naman, muli akong napatingin sa kanya kung saan, napansin kong nakahalukipkip siyang pinagmamasdan ako. “Pero, tingin ko mas maganda ka kumpara sa kanya.” sagot niya na labis kong ikinagulat Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero feeling ko, may naririnig yata akong kalimbang ng kampana pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun. For the first time in the history of my life, may isang taong nagsabi na mas maganda pa daw ako kay Zyra? At sa dinami-dami ng taong iyun, itong Arif Fulgencio pa talaga? Gosh! Grabe naman iyan….feeling ko tuloy, mas mahaba pa ang hair ko kumpara kay Rapunzel. Hindi na tuloy ako nakapagsalita hangang sa dumating ang order namin. Kaagad na iniabot sa akin ni Kuya Arif ang isang baso kung saan, kaagad kong napansin na hindi ito ang inorder kong kape. Brewed coffee ang akin pero cappuccino ang binigay niya. “Kuya, nagkapalit yata tayo.” kaagad kong wika. Baka mamaya, mainuman niya na eh. Paano pa kami magpapalit kapag ganoon? “NO! Babae ka kaya dapat lang na cappuccino ang sa iyo at akin ang brewed coffee.” malamig ang tono ng boses na sagot niya Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Hindi ko alam kung normal lang ba ang lahat-lahat pero, parang hindi eh. Kailan pa natutong makialam si Kuya Arif sa mga dapat kong inumin gayung sa naalala ko, hindi naman kami closed? Ganito din ba siya kay Zyra?MIKYLA POV “Hayssst, badtrip! Ang motor ko!!!” imbes na pansinin ko ang reaction nila Mommy at Daddy, bigla tuloy akong nag-aalala sa motor ko. Kakabili ko lang noon ,galing sa allowance ko na tinipid ko din ng ilang taon. Tapos, kasama lang na itinakas ni Zyra? Haysst! Ni hindi ko pa ng na-enjoy ang pag rides doon eh. Kasi pinagbawalan na akong gamitin nila Mommy at Daddy iyun. Paano daw kung maaksidente ako? Ano ba iyan, kapag minamalas ka naman oo! Kainis talaga!!! “Mikyla, sabihin mo nga sa amin, teka lang, ikaw ba talaga si Mikyla? Baka naman, ikaw si Zyra? Eh ang tunay na Zyra, hindi marunong gumamit ng motor? Tska-----” “Mom, baka, marunong nang gumamit na motor si Zyra. Paano niya nagamit ang motor ko kung hindi siya marunong?" sagot ko din naman sabay hawak ko sa aking bibig nang mapasulyap ako kay Arif Paano ba naman kasi, kitang kita ko ang panlilisik ng mga mata niya habang nakatitig sa akin. “Ano ang sabi mo? Impossible!” puno ng galit sa tono ng boses na
MIKYLA POV Ipinahatid kami ni Kuya Arif pabalik ng Manila agad-agad. Wala nang naganap na pre-nup shoot sa pagitan ng dalawa at dinig ko, irere-schedule ng lang daw ulit At habang naghihintay ng panibagong schedule, kapansin-pansin ang lungkot ni Zyra. Bawal na din kasi siyang lumabas ng bahay na walang nakabuntot na mga tauhan ni Kuya Arif Hindi ko alam kung alam ba nila Mommy ang tungkol sa problema ni Zyra lalo na at naging busy din ako. Nag enroll kasi ako ng summer class para may pagkaabalahan SA nasabi ko na, ako kasi iyung tao na hindi talaga kayang mabuhay na walang pinagkakaabalahan sa buhay. Hind ko kayang magtagal sa bahay na wala namang ginagawa. Kaya nga palaging sinasabi nila Mommy na para daw akong hindi babae. Napaka lakwatsera ko kasi eh. Isang hapon, kakauwi ko lang galing sa School nang magulat na lang ako nang madatnan ko si Zyra sa aking silid at ang mas nakakagulat pa, nagkalat ang mga gamit ko sa kama. “Zyra, ano ang ginagawa mo dito sa kwart
MIKYLA POV “Zyra, ano ang nangyayari? Bakit?” nagtataka kong tanong sa kakambal ko. Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng magarbong kwarto. Kasalukuyan na din siyang inaayusan para umpisahan na ang prenup shoot nilang dalawa ni Kuya Arif Kaya lang, hirap ang make-up artist na lagyan ng make-up itong kakambal ko kasi wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak “Hindi mo naman pala mahal si Arif, bakit ka pa nakipagrelasyon sa kanya sa matagal na panahon.” Muli kong wika. Kaagad namang napatitig sa akin ang luhaan niyang mga mata “Dahil wala akong choice. Kung makikipaghiwalay ako kay Arif, baka pag-initan niya ang pamilya natin. Baka mapunta lang sa wala ang negosyo na matagal nang pinaghirapan ni Daddy.” lumuluhang sagot niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Sa mga gsanitong klaseng usapin, wala talaga akong kamalay-malay. Lalo na at wala naman kasing tumatakbo sa utak ko sa araw-araw kundi ang kung paano makasama sa mga barkada ko na mag motorcycle r
MIKYLA POV ITO din naman ang gusto ko sa kakambal kong si Zyra. Kahit naman na palagi akong sinusumbong kina Mommy at Daddy dahil sa katigasan ng ulo ko, alam kong mahal din naman ako nito. Sabagay, kami lang naman dalawa ang magkapatid. Kaya naman, hindi nakakapagtaka na kahit na magkaiba kami ng hilig, ramdam ko pa rin naman na kaya niya akong ipagtangol. “Oo nga, ano iyun….porket ayaw ni Zyra, ako na kaagad ang papalit sa kanya? Walang ganoon. Tsaka, kailangan ba talaga mamilit?” sagot ko din naman kaagad nang makabawi ako sa matinding pagkagulat. Pambihira, as in pambihira talaga! Gaano ba ka-tanga itong si Arif Fulgencio? Kung ayaw na sa kanya ni Zyra, dapat magpakalalaki siya. Huwag nang ipilit ang sarili at huwag nang maghanap ng panakip butas. “Ayaw ni Zyra----kung ayaw ni Zyra, mas lalong hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal ko!” galit na sagot naman ni Arif sa akin. Pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun, naglakad siya palapit kay Marvin, nakahandusay pa r
MIKYLA POV “Ano ang ginagawa mo diyan?” muling tanong sa akin ni Kuya Arif. Sa pagkakataon na ito, nakita kong pinupulot niya ang telescope na hindi ko namalayang nabitawan ko dahil sa matinding pagkagulat sa aking nasaksihan. “Ahmm, ahhh, wala..wala..nag---nagtitingin-tingin lang ng magandang tanawin.” sagot ko sa putal-utal kong boses. Gosh, nakaka-kaba. Paano na lang kung makita nitong si Arif si Zyra na may kahalikang iba? Ano kaya ang gagawin niya? Sa hitsura pa lang nitong si Arif, alam kong siya ang taong mataas ang tingin sa sarili. At kapag malaman nito na niluluko siya ng kakambal ko, gaano kaya kalaking gulo ang mangyayari.?Lalo na at ikakasal na sila sa susunod na buwan “Wala? Are you sure na wala kang nakita or baka naman may itinatago ka sa akin?” seryosong tanong niya. Hindi naman ako nakaimik. Lalo na nang makita kong tumitig siya sa gawi kung saan nakatutuok ang telescope ko kanina. Sa gawi kung nasaan naroroon sila Zyra kasama ang lalaking hindi ko pa k
MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela samantalang si Zyra naman, nakaupo sa kanyang pwesto kanina habang nakapikit na ang mga mata. Hindi ko alam kung tulog ba siya or sadyang nagtutulog-tulugan lang. Pero ang nakakapagtaka, hindi man lang nito pinansin ang pagsakay ni Kuya Arif Na para bang may something na namagitan sa dalawa. Pero, sino ba naman ako para mag-usisa. Paki ko ba sa kung ano ang problema nila. Ang mahalaga ngayun, marami akong bitbit na baon at hindi pa ubos ang kape ko Pinayagan ako nitong si Kuya Arif na i-take-out ang mga sweets na hindi man lang nabawasan namin kanina. Kaya naman, pwede akong kumain habang nasa biyahe kami habang walang nakatingin sa akin Kanina kasi sa loob ng coffee shop, hindi ako m







