LOGINARIF FULGENCIO POV "Nasaan si Dr. Mika? Nakita mo ba siya? Hindi pa ba siya nakabalik?" mahina kong tanong kay Guiller habang nananatiling nakapako ang tingin ko sa nagaganap na kasiyahan sa hardin. Sa panlabas ay kalmado akong nakatayo, ngunit sa loob ko ay tila may bagyong unti-unting nagbabadya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Kanina lamang, nang una kaming magkaharap ng isa sa mga panauhin ni Lolo, pakiramdam ko ay may kung anong nagbago. Isang bagay na hindi ko maipaliwanag at lalong hindi ko maintindihan. Hindi ko naman siya kilala. Hindi rin kami matagal na nag-usap. Ngunit bakit sa bawat pagkakataong naaalala ko ang mukha niya... lalo na ang mga mata niya... parang may kung anong humihigpit sa dibdib ko? Para bang matagal ko na siyang kilala. Para bang matagal ko na siyang hinahanap. At ang mas nakakainis, hindi siya maalis sa isip ko. "Boss," maingat na bulong ni Guiller. "Kasalukuyang nasa loob ng living room si Dr. Mika
MIKYLA POV "Triplets? Wow... talaga?" malamig ngunit kontrolado ang tinig ni Arif. Halos walang emosyon ang kanyang mukha, ngunit hindi niya naitago ang bahagyang pagkagulat ng kanyang mga mata. "Hindi ko akalaing may tatlo ka na palang anak, Ms. del Rosario." Saglit akong napangiti. Hindi dahil natuwa ako sa sinabi niya, kundi naisip ko lang na kung alam niya lang na ang mga batang tinutukoy niya ay sarili niyang dugo. Paano kaya kung malaman nitong si Arif na siya ang ama ng triplets? May magbabago kaya? Gugustohin niya pa kayang kunin ang buhay ko? Ganoon pa man, pilit kong itinakwil sa isipan ko ang bagay na iyun. Lalo na at wala akong balak na magpakita sa kanila ng kahit na katiting na mga bagay na possible silang magduda sa akin. "Sa totoo lang, wala naman sigurong nakakagulat doon, Mr. Fulgencio. Noon pa man, pangarap ko na talagang magkaroon ng malaking pamilya. Hindi lang isa, kundi maraming anak." mahinahon kong wika. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming mag
MIKYLA POV "ANG ganda mo naman, iha! Tsaka, ang boses mo ay---- ka-boses mo talaga siya!" wika ni Mommy sa akin habang hawak niya ang kamay ko at titig na titig siya sa mga mata ko Kaagad din naman akong nag-iwas ng tingin at pasimple kong binawi ang kamay kong hawak niya pa rin. Na para bang wala siyang bitawan ako. "Thank you po, Ma'am." sagot ko din naman. Pagkatapos noon, kumapit ako kay Mama Amor para magpaalam sa kanya na magbanyo na muna I think, kailangan kong mag retouch. Feeling ko kasi, pinagpapawisan na ako eh. Isa pa, gusto kong umiwas kay Mommy. Baka kasi hindi ako makapagpigil at bigla na lang akong maiyak sa harapan niya. "Ma, excuse po muna, magsi-CR lang po ako." pabulong kong wika kay Mama Amor. Kaagad din naman siyang tumango "Kaya mo ba? Sasamahan na kita, anak." wika niya pa nga. Kaagad din naman akong umiling "Kaya ko po, huwag po kayong mag-alala." sagot ko din naman kaagad. Kaagad din namang tumango si Mama kaya pasimple na akong nag excuse sa ka
MIKYLA POV "HAPPY BIRTHDAY PO!" magalang kong bati kay Don Fernando, kahit sa kaibuturan ng puso ko ay wala akong anumang pagnanais na batiin siya. Ngunit kailangan kong magkunwari. Sa gabing ito, isa lamang akong ordinaryong bisita na nakikiisa sa pagdiriwang ng kaarawan niya. Hindi ako maaaring magpakita ng kahit katiting na pagkapoot. Isang maling kilos lang, maaaring magdulot ng pagdududa. Ako na ngayon si Mikyla del Rosario. At para sa mga Fulgencio... isa na lamang akong ganap na estranghero. Gayunpaman, hindi ko napigilang pagmasdan si Don Fernando. Walong taon ang lumipas, at kitang-kita ang bakas ng panahon sa kanyang mukha. Mas payat na siya, mas maputla, at tila bawat paghinga ay may kasamang hirap. Naka-upo na lamang siya sa wheelchair, halatang may malubhang karamdaman. "Maraming salamat sa inyong pagdating," malamig niyang tugon sa aming mga bumati. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mahirap basahin kung natutuwa ba siya o hindi Ngunit may isang bag
MIKYLA POV “Dahil ka-boses ka niya?” katagang lumabas sa bibig ni Arif na nagbigay sa akin ng labis na pag-aalala. Hindi...hindi niya maaaring makilala ako. Pero sa nakikita ko ngayun sa mga mata ni Arif, bakit pakiramdam ko…nadududa siya sa akin? Or baka naman nag-iisip lang ako ng hindi kanais-nais kaya kung anu-ano na lang ang nakikita ko sa kanya ngayun? "Talaga? Baka nagkataon lang." "Nagkataon?" Bahagya siyang natawa, ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiting iyon. "Hindi ako naniniwala sa mga nagkataon, Miss del Rosario." Mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko, bawat segundo ng pananahimik ay isa na namang pagsubok sa tibay ng loob ko. Sa pagkakataon na ito, alam kong hindi ako dapat magkamali. Dahil isang maling kilos..isang maling tingin...isang maling salita...ay maaaring makikilala niya ako. Tsaka, kung hindi niya man ako makilala, baka pagdududahan niya pa ako. At iyun ang mahirap. Dahil naranasan ko kung gaano ka
MIKYLA POV Samut-saring damdamin ang lumulukob sa dibdib ko habang kaharap ko ngayon ang lalaking pinakahuling inasahan kong makikita pang muli Ang dating asawa ko na si Arif Fulgencio!! Ang lalaking mas piniling mamatay ako kaysa hayaan akong mabuhay nang malayo sa kanya. Siya rin ang lalaking walang puso at walang awa na nag-utos na pumatay sa caretaker ng rest house na iyon. Ang lalaking dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Delilah. Kung buhay pa ba siya... o isa na rin siyang biktima ng mga taong ito. At sa kabila ng lahat, si Delilah pa rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nakatakas ako noon. Dahil sa lakas ng loob ni Delilah, nagkaroon ako ng pagkakataong makatakas sa impiyernong iyon nang hindi tinatamaan ng bala. "Mikyla... small world? Kung gano'n, totoo pala talaga ang report ng mga tauhan ko. Marami nga palang kapangalan ang asawa ko." Muntik na akong mapatawa sa narinig ko. Asawa? Nagpakasal na siya kay Olga, pero asa
MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela s
MIKYLA POV “Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa kataw
MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang
MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut







