Share

Chapter 30: Happy Birthday

"Done!" sigaw ko nang matapos ang pinakahuli-hulihang dampi ng lapis sa portrait ni Cosimo. Agad akong tumayo buhat ang portrait at inangat ito sa ere, tinitingnan kung gaano kaganda ang ginawa ko.

"Tapos na?!" Agad pumunta sa likuran ko si Lucas para makitingin.

Malawak ang ngiting nilingon ko siya. "Maganda ba?!"

"Of course, it is!"

Parang gusto kong magpapadyak sa saya. "Yehey!" Kaya tumalon-talon na lang ako na hindi ko na namalayang niyayakap ko na pala siya.

Ikatatlong araw ko 'to ngayon dito at natapos ko na sa wakas ang portrait. Mula pa kahapon, nandito lang ako buong araw, hindi na pumunta sa tower ni Lucas at ang matanda, hindi rin pumasok. Para tuloy kaming high school na nag-cutting. Siraulo, gumaya pa sakin! Ito ba yung nagkakaproblema sa cruise ship? Hindi pumapasok?

Naputol ang pagsasaya namin nang biglang bumukas ang pinto. Agad akong humiwalay kay Lucas nang makita si Ma'am Amorsolla sa pinto, pamatay ang tingin. Teka, akala ko ba 1 week siya roon sa abroad?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status