Share

Chapter 22: The Attack of Emotion

I don't want to assume that there's something wrong sa pamilya ng asawa ko pero very disturbing talaga ang kinikilos nilang lahat. Maski ang kilos ni Rowan hindi ko na makilala. Para bang may tinatago siya sa akin na pilit niyang binabaon sa limot.

"Rowan, ano bang problema mo? Pwede mo naman ako kausapin. Kung may problema ka sa'kin maiintindihan ko naman. Makikinig naman ako hindi iyong dine-deadma mo lang ako na parang hangin."

"Honey, busy ako." Tinabig niya ang kamay ko nang akma ko na siyang yayakapin. "Please, Helena, busy ako ngayon. Mamaya nalang tayo mag-usap."

Tinapon ko ang mga dokumento sa lamesa niya. Oo nasa mansyon pa rin kami. Higit isang buwan na kaming nandirito. Isang buwan na siyang busy kakatrabaho para sa kompanya nila.

"Helena, naman! Hindi mo ba nakikita? Busy ako! Konting konsiderasyon naman sana. Walang araw na hindi mo ako ginugulo. Nakakapagod na." Paisa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat na papel sa sahig.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status