Share

Chapter 23: Fake feelings

Kanina pa kaming lahat nakaupo sa living room-tikom ang bibig ko dahil natatakot ako sa posibleng gawin sa akin ni Rowan.

Natatakot ako na baka patayin niya ako...

"May dapat ba akong malaman?" Tanong niya, "Ano ba ang tinatago niyo? Ako lang ba ang hindi nakakaalam na pinatulan mo si Celine na empleyado ng kompanya natin at kaibigan ng asawa mo?"

Tinapunan muna ako ng tingin ni Rowan bago hinarap ang kanyang ama."Pa, mahal ko po si Helena. Saksi kayo sa pagmamahalan naming dalawa."

"Sagutin mo ang tanong ko, Rowan, may relasyon ba kayo ni Celine?"

"Wala. Wala kaming relasyon." Pagtatanggi ni Rowan. "Ni minsan hindi ko naisipan na lokohin ang asawa ko." Dagdag niya pa.

"Pambihira, Rowan. Talagang itatanggi mo ako? Itatanggi mo na may nangyari sa atin? So, ano iyon? Wala lang. Trip mo lang, ganoon?" Nanggagalaiti na sabi ni Celine-ang lakas ng loob niya na sabihin na may nangyari sa kanilang dalawa sa harapan pa mismo ni tito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status