Share

Chapter 05: The Husband Instinct

“What's wrong, hon?” Tanong ni Rowan nang makalabas siya sa banyo. Naka half naked siya habang pinupunasan ang kanyang buhok.

Sasabihin ko ba sa kanya?

Pero ayaw ko na mag-alala siya. Ayaw ko na mag isip pa siya ng dahil lang sa walang kwenta na threat note.

"Hon, what's the matter? You look pale. May ginawa na naman ba sa iyo si mama?" I shrugged my shoulder and smile bitterly.

"Tell me, hon, what's gotten in your mind?" the way he looks at me, mukhang hindi niya ako titigilan na malaman ang nangyari.

"Helena, I love you. I always do. Please, tell me, para naman magawan ko ng paraan. I don't want you to suffer because of my mother."

"I'm okay, hon. It's just-I'm tired."

"No, you looks frustrated and scared, hon. Ano ba talagang nangyari?"

Huminga muna ako ng malalim bago inabot sa kanya ang letter.

"Shit! Who could be it?" Nilamukos niya ang papel. Galit siya. Umalis siya sa tabi ko at kinuha ang kanyang cellphone. "Ma, ano ba? Could you please stop threatening my wife? Please. Don't try me to choose between the two of you baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo."

"Rowan, calm down. Nanay mo pa rin ang kausap mo." Nanatili akong nakaupo sa kama. Hindi ko namana magawang tumayo at yakapin siya para mapaklama siya.

"Sa oras na malaman ko na sinasaktan mo ang asawa ko- baka kalimutan ko na nanay kita."

Tinapon niya sa kung saan ang cellphone niya sa sobrang inis at muling bumalik sa banyo. Narinig ko pa siyang sumisigaw at sinusuntok ang pinto.

"Hon, maupo kana muna. Kanina kapa Hindi mapakali riyan." Panghihikayat ko kay Rowan na kanina pa naglalakad sa silid-nang lumabas siya sa banyo hindi mawari ang mukha niya.

"Hindi talaga ako mapapakali kung ganito ang nangyayari sayo, Helena."

"Wala naman sigurong kinalaman ang nanay mo sa nangyari sa akin."

"No, alam kong siya ang may pakana nang lahat ng ito. Alam kong may kinalaman siya sa aksidente."

"Rowan, mali naman ata na pagbintangan mo ang sarili mong ina."

Ginulo niya ang kanyang buhok at nagpameywang sa harap ko. Pilit siyang ngumiti habang hinihimas ang matangos niyang ilong.

"We never know, Helena. We cannot trust my mother."

"Rowan!" Sigaw ko.

"What? I'm just saying the truth, hon. Kung sa ating dalawa, mas kilala ko si mama. Mas alam ko iyong kaya niyang gawin para lang masira ang relasyon natin."

"Kahit na, nanay mo pa rin siya. Hindi mo dapat siya pinag-iisipan ng masama."

"I don't know. I don't even know if I can trust her. Hindi mo ba nakikita against siya sa relasyon natin."

"Ok. Fine. I understand. But, can we simply ask her about these threat notes first? Can we hear her perspective before we come to a conclusion? Is that possible, hon?"

"For what? For giving her a chance to deny it? No. Kung mapatunayan ko na siya ang may pakana nito, I'll never forgive her. You know me, Helena."

"Could you please take a breath first, ha? Mukhang hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko." Inis na sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang nakatingin sa akin habang hinihimas ang sintido niya.

"I'm sorry, but I can't forgive her, hon. I will not forgive her."

"But, Rowan, I'll forgive her. Besides she will never be able to destroy our relationship no matter what she does. So, patatawarin ko pa rin siya."

"Tell me if you're kidding, hon, because that's hilarious. You didn't have to forgive her."

"But, Rowan, I have to. It's preferable to honor your mother, kaysa naman bastusin ko siya."

"Helena, siya ang dahilan kung bakit tayo naaksidente. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganiyan ang mga binti mo."

"Rowan, wala siyang kasalanan. Hindi pa natin alam kung sino ang nasa likod ng insidente. Kung aksidente ba o sinadya lang para patayin tayong dalawa or should I say-para patayin ako."

"That's the point, hon. Hindi natin alam kung sino ang tunay na may pakana nito. Pero alam ko-believe me or not, may kinalaman si mama rito."

"Rowan, shut up!"

Naiinis ako sa kanya. Gusto ko siyang pakalmahin pero mas nanggagalaiti lang ako sa inis sa inaasal niya. Talagang hindi siya magpapatalo sa diskusyun na kagaya nito. Hindi siya titigil hangga't hindi ako naniniwala na may kinalaman ang kanyang ina.

Oo, inaamin ko hindi maganda ang simula namin ng kanyang ina. Pero gusto kong ayusin kung ano man ang pangit na humaharang sa pagitan namin.

"Wha-what? What's wrong with you, Helena? I thought magkaaway kayo ni mama. Akala ko galit ka sa kanya pero ano 'tong nakikita ko?"

"Oo galit ako sa kanya. Totoong naiinis ako sa ugali niya pero parang awa mo na, Rowan, gusto kong makapagpahinga. Hanggat hindi natin nalalaman ang totoo, pwede bang huwag na muna tayong magbintang? Kung ayos lang sayo, Rowan."

Nanatili akong nakangiti sa kanya kahit gusto ko ng ibato 'yong hawak kong magazine para matauhan siya. Nakakaubos ng pasensiya ang ugali ng asawa ko. Daig pa ang babae sa rami ng sinasabi.

"Hele-"

"Get out!"

"WHAT?"

"Hindi mo ba ako narinig? Lumabas ka muna, Rowan. Iwanan mo na muna ako."

"Helena, huwag naman ganito."

"Get out, Rowan!" Isa-isa kong binato sa kanya ang mga bagay na makikita ko malapit sa kama at mesa.

"Helena, could you please stop this shit? Nagkakalat ka lang." Sagot niya habang iniiwasan ang mga binabato ko sa kanya.

""Would you mind getting out of this room, ha? Is it all right? Bumalik ka nalang kapag kalmado kana."

"You can't do this to me, hon. I just want to comfort and help you."

"Pwes hindi ka nakakatulong, Rowan. Imbes na i-encourage mo ako na magpatuloy sa buhay kahit ganito ang nangyari sa mga binti ko-dinadagdagan mo pa ang iniisip ko. Paano kung kakabintang mo mas lalong pagdiskitahan ako ng nanay mo?"

"That's what I was referring to earlier- siya lang naman ang may galit sa'yo kaya possible na may kinalaman siya sa insidente at threat note."

"Shut up, Rowan!"

"Helena, kung patatagalin pa natin 'to baka mas higit pa riyan ang abutin mo. Baka mas mapahamak ka lang kung hahayaan mo nalang ang nangyari."

May point naman siya pero hindi ko lang lubos maisip na magagawa sa akin 'to ni Nelia.

"Paano kung mali ang hinala mo?"

"Then. Mm. I sincerely apologize to her. But what if my gut feelings is correct? "

"What?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Will you choose to stay with me despite my mother's shabby demeanor?"

"Ofcourse! Why not? Hindi naman ang nanay mo pinakasalan ko, ikaw iyon. Ikaw ang minahal ko, Rowan. Kaya kahit gaano pa kapangit ang ugali ng nanay mo manatili pa rin ako sa tabi. Ikaw pa rin ang pipiliin ko."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Alam kong hindi ganito ang buhay na pinangarap mo pero pinapangako ko sa'yo na hindi na muli kitang hahayaan na masaktan."

"Ayos lang na masaktan basta kasama kita."

"Hindi ayos sa akin iyon. Hindi ayos na nakikita kitang nasasaktan o nahihirapan dahil sa kasalanan ng nanay ko."

"Tanggapin nalang natin na hindi ako tanggap at matatanggap ng nanay mo bilang parte ng pamilya niyo."

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"I will never hurt you, Helena."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status