Share

Chapter 04:, Her Threat

Makalipas ang isang linggo na pamamalagi sa hospital napagdesisyunan ko na umuwi na lamang. Maayos na si Rowan. Magaling na siya. Pero ako? Ewan. Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako gagamit ng wheelchair. Pakiramdam ko nagmumukha na akong pabigat sa kanya.

“Honey, may problema kaba?” Tanong niya. Inaayos niya ang mga gamit ko. Bandang alas tres ng hapon uuwi na kami sa mansyon.

“Wala naman.” Malamya kong sagot sa kanya. Nakakahiya na. Ako dapat ang nag aalaga sa kanya. Ako dapat ang nag asikaso sa kanya pero dahil sa lintik na binti ko na 'to hindi ko siya magawang pagsilbihan.

“Sabihin mo sa akin. Anong problema? Ginugulo ka pa rin ba ni mama?”Tinigil niya ang ginagawa niya at lumapit sa akin.

Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed. Tinabihan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko.

“Naisip ko lang.” Huminto ako saglit at huminga ng malalim. “Paano kung tama ang mama mo? Paano kung hindi talaga tayo para sa isat-isa?”

“So, ginugulo kapa rin pala niya. Hayaan mo kakausapin ko si–”

“Baka naman tama talaga siya. Baka hindi talaga ako nararapat para sa'yo. Hindi tayo bagay, Rowan. Baka mali na nagpakasal ta–”

“Pinagsisihan mo ba na nagpakasal tayong dalawa? Nagsisisi kaba na ako ang pinakasalan mo?” Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tumayo siya at bumalik sa sofa–inayos niya ang mga naiwan kong gamit.

“Hindi sa ganoon.”

“Eh, parang iyon ang gusto mong sabihin, Helena. Pinagsisihan mo na pinakasalan mo ako. Nagsisisi kana ngayon.”

“Hindi, Rowan. Kailanman hindi sumagi sa isip ko iyon. Oo, masyadong mabilis lahat ng pangyayari. Mula sa graduation, pagpropose mo, sa aksidente tapos heto ako ngayon.” Tinuro ko ang mga binti ko, “Hindi ko alam kung kailan ako makalakad, Rowan, magiging pabigat lang ako sayo.”

Pinaghahampas ko ang mga iyon hanggang sa bumuhos ang mainit na tubig sa mata ko. Wala akong maramdaman. Hindi man lang ako nasaktan sa paghampas ko. Bakit ganoon? Bakit ako pa?

“Mas mabuti pang pinutol nalang ang mga binti ko kaysa ganito. Hindi rin naman ako makakakilos ng maayos.” Mangiyak ngiyak kong sabi. Nilapitan niya ako at muling niyakap.

“Magiging maayos din ang lahat. Makakalakad ka muli. ”

“Kailan?” Pilit akong tumawa. “Hindi na, Rowan. Hindi na ako makakalakad. Habang buhay na akong baldado.”

“Helena, hindi. Wala pa naman sinasabi ang doctor. Wala pang tatlong buwan. Isang linggo palang tayo rito sa hospital.”

“Ano hihintayin mo matapos ang tatlong buwan bago mo matanggap na hindi na ako makakalakad?”

“Naging maayos naman ang operasyon sa mga binti mo. Ang sabi ng doctor kailangan mo lang magpahinga. Kailangan mo lang magpagaling gamit ang wheelchair. After three months pwede ka ng makabalik sa rati.”

“Naniwala ka naman sa sinabi niya?” Walang buhay akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. “Hindi na ako makakalakad, Rowan. Wala na akong silbi.”

“No. Don't say that. Tatlong buwan, Helena. Tatlong buwan lang ang hihintayin mo pagkatapos nun ayos na ang lahat. Aalis tayo kung saan mo gustong pumunta.”

“Hindi na mangyayari 'yon. Huwag ka ng umasa, Rowan. Huwag mo na rin akong paasahin na babalik pa sa rati ang mga binti ko.”

Pinunanas ko ang mukha ko. Nang biglang pumasok si Tito Luciano.

“Helena, Rowan, ready na ba kayo?”

“Opo pa, kukunin ko lang ang mga gamit namin.” Inalalayan ako ni tito Luciano na makaupo sa wheelchair. Hanggang sa makarating kami sa parking lot.

Pagkasakay namin sa sasakyan bigla akong nakaramdam ng gutom.

“Anong gusto mong kainin, Helena?” Tanong ni Rowan.

“Hindi ako nagugutom.” Pagsisinungaling ko. Oo, nagugutom ako pero wala akong gana kumain.

“Rowan, Helena, sa bahay nalang tayo kumain. Magpapahanda ako ng pagkain sa mansyon.” Sabat ni tito Luciano. Nginitian ko lamang siya at ganoon din ako.

Buong byahe kong hindi kinikibo si Rowan. Nakaramdam ako ng guilt. Nahihiya rin ako sa kanya. Nahihiya akong humarap sa pamilya niya lalo na sa kanyang ina.

Alam ko naman na ang magiging reaskyon niya kapag nakita niya akong naka wheelchair. Paniguradong matutuwa iyon sa kalagayan ko ngayon.

“Mm. Tito. Kung maari po sana sa susunod nalang kami pumunta sa mansyon. Gusto ko na po kasing magpahinga.” Mapakla kong sabi sa kanya ngunit nginitian lamang niya ako.

“Oh. Ayos lang, iha, naiintindihan ko naman. Kailangan mong magpahinga para mas mabilis ang recovery mo. Sanayin mo rin na mag exercise para nagagalaw mo ang mga binti mo.”

“Yes po, tito, salamat po sa pag unawa.”

Dahil nga hindi dala ni Rowan ang sasakyan niya at nakisabay lang kami kila tito Luciano hinatid nalang nila kami sa bahay. Malapit lang ang subdivision sa mansyon kaya mabilis kaming nakarating sa bahay.

“Salamat po sa paghatid, tito Luciano. Pasensiya na po kung hindi kami nakakasama sa inyo sa mansyon.”

“Ayos lang, Helena. Naiintindihan ko naman. Bumawi ka nalang sa susunod para hindi ako malungkot.” Pagbibiro ni tito Luciano. Nasa likod ko si Rowan.

“Oo naman po tito.” Masaya kong sabi sa kanya. Hinintay na muna namin silang umalis bago pumasok sa loob ng bahay.

Malaki ang bahay. May tatlong kwarto sa unang palapag at apat na kwarto sa pangalawang palapag. May tatlong katulong sa bahay at dalawang body guard.

Hindi na nakakapagtaka na galing sa mayaman na pamilya si Rowan. Galing sa disenteng pamilya. Samantalang ako? Ewan, hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit nila ako iniwan.

“Maligayang pagbalik po sir Rowan, ma'am helena.” Salubong ni Selena.

Kinuha niya ang dalang bag ni Rowan. Nagtungo kami sa sala.

“Hon, gusto ko uminom ng tubig.” Agad naman pumuntang kitchen si Rowan. Habang pinagmamasdan ko siyang nanguguha ng tubig naluluha ako.

Paano kung mapagod siya?

Paano kung magsawa na siya na pagsilbihan ako?

Paano kung wala pang tatlong buwan sumuko na siya?

Hindi ko lubos maisip na baka dumating iyong araw na magreklamo na siya dahil sa kalagayan ko. Pero sana kung dumating man iyong araw na mapagod na siya–sana maayos na ako. Maayos na ang mga binti ko.

“Hon, ito oh. May gusto ka bang kainin?” Inabot niya sa akin ang malamig na tubig. Tamang tama sa init ng panahon ngayon.

“Mm. Wala naman. Hindi pa talaga ako nagugutom.” Nilapag ko sa glass table ang baso. Umupo siya sa sofa.

“Sure ka? Kanina ka pa walang kinakain. Nag aalala na ako.”

“Paseniya na kung pati iyon inaalala mo pa. Siguro mamaya nalang hapunan. Gusto ko na magpahinga.”

Lumapit na siya sa akin at binuhat ako.

“Sige, sasamahan na muna kita magpahinga.”

Dumiretso na siyang umakyat patungo sa pangalawang palapag habang buhat buhat ako. Nang makapasok kami sa silid dahan-dahan niya akong ibinaba. Inalalayan niya akong makahiga.

“Thank you.” Mahina kong sabi. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko.

“Thank you for what?” Hinaplos niya ang mukha ko.

“Thank you sa lahat. Thank you kasi kahit naging ganito ang kalagayan ko hindi ka nagrereklamo.”

“Bakit naman ako magrereklamo kung kasalanan ko kung bakit naipit ka sa sitwasyon na iyan.” Alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari.

“Wala kang kasalanan, Rowan. Aksidente lang ang nangyari.”

“Hindi, eh. Ilang beses kong iniisip kung bakit ikaw pa. Pwede naman ako nalang. Bakit ikaw? Kasalanan ko naman iyon.”

“Wala kang kasalanan. Hindi naman natin alam na mangyayari ang bagay na iyon. Hindi mo naman pinagplanuhan ang insidente na iyon.”

“Pero hindi kita na protektahan, Helena. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit naging ganiyan ang mga binti mo. Wala akong kwentang asawa. Nilagay ko lang sa piligro ang buhay mo.”

“Rowan, aksidente ang nangyari, okay? Ayos lang ako. Ayos na ayos pa ako. Ikaw na nga ang nagsabi tatlong buwan lang ang hihintayin ko para makabalik sa dating lakas ang mga binti ko. Mabilis nalang iyon.” nakangiti kong sabi.

Wala naman akong karapatan na magalit sa kanya dahil sa nangyari sa akin. Sadyang mas napuruhan lang ako kaysa sa kanya.

Pagkatapos namin mag usap nagpaalam na muna siyang maliligo. Pinilit kong abutin ang magazine na nasa side table. Nang may biglang nahulog na letter.

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ang sulat.

“I'll kill you no matter what it takes. Kukunin ko ang lahat ng kinuha mo sa akin, Helena. I'll make sure na hindi kana magiging masaya. Mark my word.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status