Balak ko na sanang matulog nang biglang kumatok sa kwarto ko si tito Luciano. Wala na akong nagawa kundi ang makisalo sa hapagkainan. Mapupungay ang mga mata niya, bagsak ang balikat at maitim ang ilalim ng mata.
“Tito, may sakit po ba kayo?” Tanong ko, nagpatuloy lang siya sa pagkain.Hindi ko alam kung anong problema niya pero sana naman sabihin niya sa'kin para matulungan ko siya. Nawawala na ang asawa niya ngayon naman si Rowan. Sa laki ng galit nila sa'kin baka ako pa ang mapagbintangan.“Nasaan si Rowan, Helena?” Tanong ni tito Luciano, tapos na siyang kumain. Kasabay namin kumain sina Selena, Celine at Simon.Sa paraan palang ng pananalita niya parang pinagdududahan na niya ako. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano dahil kanina pa masakit ang ulo ko.“Hindi ko po alam tito.” Tipid na sagot ko, hindi ko na tinapos ang kinakain ko dahil wala talaga akong gana kumain. Nilagyan ni Simon ng tubig ang baso ko. “Kanina ko pa rin po siya hBukod sa sakit ng ulo na nararamdaman ko parang bigla nalang kumirot ang dibdib ko. Kilala ko si Simon hindi niya magagawang lokohin ako.“Naniniwala kapa rin ba sa kanya?” Tanong ni Celine. “Hindi mo ba napapansin magmula nang malaman mo na may relasyon kami ni Rowan, parati na siyang wala sa mansyon.”“Kung may problema kayo kay Simon pwede niyo naman sabihin sa kanya. Huwag niyo akong idamay sa kung ano man ang pina-plano niyong dalawa.” Matapang na pagkakasabi ko. Tatayo na sana ako nang hawakan ni Selena ang balikat ko kaya napaupo akong muli.Seryoso ang mga mukha nila nang tiningnan ko silang dalawa. Hindi sila nagsasalita taliwas sa nakikita ko sa kanilang mata.”Gusto ko lang ng maayos na buhay kasama si Rowan. Gusto ko lang na may kalakihan na tatay ang anak ko. Ayaw ko ng gulo. Kaya kung ano man ang problema niyo, nakikiusap ako sa inyo, huwag niyo na akong idamay pa.” Lakas loob akong tumayo at tinalikuran silang dalawa. Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong
Nakakatuwa silang panoorin habang iniisip kung sino nga ba talaga ang tunay na kalaban nila. Wala naman akong balak na idamay sila sa plano ko sadyang napilitan lang ako para pagmukain silang mangmang.“Helena, may kinalaman kaba sa pagkawala ni Rowan?” Tanong ni Celine, magmula nang makita nila ang recording device hindi na sila mapakali. “Malapit ka kay Simon, impossible na wala kayong pina-planong dalawa.” Dagdag niya.Plano? Mm.“Wag mo nang ipagkaila, Helena, alam kong may kinalaman ka sa pagkawala ng mag-ina.” Pilit akong pinagbibintangan ni Celine sa pagkawala ng aking asawa at ni Nelia.“Kung may kinalaman ako sa pagkawala nila, sa tingin mo ba mananatili pa ako rito? No, Celine. I won't stay here just to show that I'm innocent. Mag-isip ka nga!”Matagal ko nang alam na may relasyon sila ni Rowan, na matagal na silang kinasal. Ngunit pilit nilang tinatago sa akin ang katotohanan sa isang bagay na hindi ko magagawang ibigay kay Luciano.Kaya mas pinili kong magpanggap na walang
“Patayin niyo nalang ako!” Garalgal ang boses ko. “Patayin mo nalang ako, Celine.” Pagmamakaawa ko. Lumuhod ako sa harapan niya. Nagmamakaawa na patayin nalang ako dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pang makita si Rowan at Simon na magpatayan.“Kailangan mong tapusin ang nasimulan mo, Helena, kailangan malaman ni Rowan ang tunay na pagkatao niya.” Saad ni Celine. “Sinubukan kong sabihin sa kanya ang totoo pero hindi siya naniwala sa akin. Sa'yo lang siya naniniwala at maniniwala.”“Nasaan si Rowan? Saan mo siya itinago?” Inalalayan niya akong tumayo. “Gusto ko siyang makita, Celine.”“Hindi ko na alam kung nasaan siya, Helena, pero malakas ang kutob ko na nasa ilalim siya ng tinatapakan natin.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Celine. Ngayon palang baka hindi na ako tumagal dahil sa mga nalalaman ko.“Kailangan nating makuha ang susi kay Simon.” ani Selena. “Nasa kanya ang susi patungo sa underground.” Sinangayunan siya ni Celine.“Gusto kong malaman kung anong kinalaman ko kay
Isang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik sa mansyon si Rowan. Hindi rin ako makatiyempo na tanungin si Simon at Celine sa kung ano ang nalalaman nilang dalawa.“Helena, ilang buwan na 'yang tiyan mo?” Tanong sa akin ni tito Luciano –kaming dalawa lang ang naiwan sa mansyon. Sapagkat inutusan niya si Simon na asikasuhin ang kanilang kompanya dahil nanganganib na ito.Si Celine at Selena naman ay hindi ko naabutan nang magising ako. 'Di ko na rin naisipang tanungin si tito Luciano kung saan sila nagpunta dahil noong bumaba ako busy siya sa pakikipag-usap sa telepono.“Mag apat na buwan na po.” Sagot ko habang kumakain ng tinapay. Sinamahan ko siya sa sala dahil wala siyang kasama. Magkalayo kaming dalawa nang bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.Umakbay siya sa balikat ko ngunit hindi ko iyon binigyan ng malisya. “Baka pwede pa kita maikama.” Napatigil ako sa pagnguya nang himasin niya ang hita ko. Nakasuot lang ako ng bistida ngayon para makakilos ako ng maayos.Hi
Kung ito man ang nakatadhana sa akin, handa akong tanggapin ang katotohanan. Ano pang silbi ko kung hindi ko na makakasama pa si Rowan. Ano pa ang magagawa ko kung 'yung taong pinaglalaban ko wala na sa tabi ko?Pumasok ako sa buhay ng mga Hidalgo upang makaganti–pagbayarin man lang ang taong pumatay sa magulang ko. Sa kabila nang paghihiganti at pagpapanggap natututunan kong magmahal. Natutunan kong mahalin ang anak ng demonyo. Alam kong walang karapatan ang katulad ko na maging masaya sa lahat ng kasalanan na ginawa ko. Alam kong may katupusan ang lahat. Alam kong darating ang araw na malalaman nila ang totoo na matagal ko nang pinaghandaan.“Hayop ka!” Nadismaya ako nang marinig ko ang boses ni Simon. Malakas niyang sinuntok ang kanyang ama. Hindi agad nakalaban si Luciano dahil sa gulat at biglaang pagdating ng anak niya. “Papatayin kita!” Hindi maipinta ang mukha ni Simon–galit na galit siya.Naaawa ako sa sarili ko dahil sa pagsisinungaling ko. Ginamit ko ang feelings ni Simon
Magmula nang bumalik sina Celine at Selena hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ano mang oras may masama silang gagawin sa akin. Gusto ko man maniwala sa mga paliwanag nila sa pagkamatay nina Luciano at Nelia ay hindi ko magawa. Hindi pa rin ako kumbinsido kahit na may tumutulong luha sa kanilang mukha. “Mahal, bakit hindi kapa kumakain? Baka makasama sa baby natin iyan.” Ani Simon. Halos paubos na ang pagkain sa kanilang plato ngunit hindi man lang nabasawan ang nasa akin. Si Simon ang nagluto ng aming hapunan at 'di ko maintindihan kung bakit may gana pa silang kumain sa kabila ng ginawa nilang pagkitil sa buhay ng mga magulang ni Rowan. “Wala akong ganang kumain, Simon.” Aakma na sana akong tumayo nang padabog niyang binagsak ang kubyertos. “Kumain ka, Helena.” Pikit mata niyang turan. “Makakasama para sa inyong dalawa ang ginagawa mo.” Malumanay na pagkakasabi niya. Patuloy parin sa pagkain ang dalawa. Na wari'y wala kami sa harapan nila. Naguguluhan na ako kung ano ang marar
Kung totoo ngang walang kinalaman si Simon sa pagkawala ng asawa ko at kung totoo ngang patay na siya kagaya nang pagkakasabi ni Celine, sino ang pumatay kay Rowan?“Hindi ako ang kalaban mo rito, Helena, kakampi mo ako kaya tinutulungan kita.”Kahit ilang beses ko nang tinatatak sa aking isipan ang paliwanag niya hindi ko pa rin siyang magawang paniwalaan. Pakiramdam ko nililinlang niya lang ako para makuha ang loob ko. Para makumbinsi ako na magkaroon kami ng seryosong relasyon.“Pero kung hindi kapa rin satisfied sa explanation ko, pwede ka naman gumawa ng paraan para malaman ang totoo.”Higit isang oras na kaming nasa kwarto pero hindi pa rin matapos ang diskusyon naming dalawa. 'Di pa rin naman ako inaantok sa kadahilanang gusto kong hulihin si Simon sa sarili niyang patibong.“Siguraduhin mo lang na hindi mapapahamak ang anak ko, Helena, dahil sa oras na malaman kong nasa piligro siya baka makalimutan kong mahal kita.”“Pin
Kung pwede ko lang ibalik ang lahat sa dati baka posible pang magkaroon ako ng masayang buhay. Kung hindi lang pinatay ni Luciano ang aking ama, baka may chance pa kami ni Rowan na mamuhay ng matiwasay.“Bakit ngayon ka lang dumalaw?”Nakangiti ko siyang tinitigan. Inakap ko siya patalikod at inayos ang kanyang buhok.. Ilang taon din kaming nagkawalay. Ilang taon kong tiniis ang pangungulila sa aking ina. “Ginawa ko ang pinag-uutos mo sa akin, ina, patay na sina Luciano at Nelia.”Maaga akong umalis ng mansyon. Inakala kong hindi na ako makakalabas ng buhay dahil sa planong pagpatay sa akin ni Celine. Pero nagkamali ako, inunahan na siya ni Selena. Pinainom niya ng pills ang babaeng iyon kaya ako nakalabas. 'Di ko na rin naabutan na gising si Simon kaya hindi na ako nag abala pa na ipaalam sa kanya ang distinasyon ko. Baka maging mahirap sa akin na lisanin ang lugar na iyon.“Pinatay mo ba sila?” Abala sa pananahi ang aking ina. Ni hindi niya nga