“Oh, dear Helena, how are you? Mukhang nakakalakad kana.” Sinalubong ako ng yakap ni Nelia nang makapasok kami sa loob ng mansyon. Nasa likod niya si tito Luciano na matamis na nakangiti sa akin.
Matapos ang pagyayakapan tumungo na kami sa sala–inalalayan akong makaupo ni Rowan. Nakakapanibago ang mansyon.“Anong gusto mong kainin, iha?” Tanong sa akin ni tito Luciano. Tinitigan muna ako ni Nelia ng masama bago siya umupo sa tabi ni tito.“Mukhang busog naman si Helena, Luciano. Huwag ka nang mag aksaya ng oras para paghandaan siya ng pagkain.”“Nelia, manahimik ka! Kararating lang ni Helena, ganiyan na agad ang ibubungad mo sa kanya. Napakatanda mo na para makipagtalo pa sa asawa ng anak mo.”“Aba. Bakit hindi? May batas ba na nagsasabi na bawal makipag usap sa daughter in law? Masyado kang seryoso, Luciano, kaya nagmumukha kang matanda.”“Huwag mo ng pakinggan si Nelia. Ano bang gusto mong kainin, Helena?” Pinisil ko ang kamayAlas syete palang ng gabi pero sobrang tahimik na sa loob ng mansyon. Nakabukas naman ang lahat ng ilaw pero walang mga tao. Wala kang ingay na maririnig. Si Simon lang ang kasama ko ngayon mula pa kanina. Nagluluto siya ng pagkain ngayong dinner.Si Rowan nagpaalam sa akin na aalis. Himala at hindi sila nagtalo ni Simon. Samantalang si Nelia naman kanina pa hindi umuuwi. Si Tito Luciano hindi ko alam kung nasaan. Nakakapanibago. Parang mababaliw na ako sa mga naiisip ko–ayaw kong maghinala pero parang hindi ako matatahimik hanggat hindi nalalaman ang totoo.Naiihi na ako. Gusto kong magpasama sa kanya pero nahihiya ako. Tsaka busy naman siya sa pagluluto kaya hindi ko na siya aabalahin pa.Kung aakyat ako sa itaas baka mawalan ako ng balanse at gumulong. Ayaw ko ng bumalik sa hospital. Minabuti ko nalang maghanap ng cr. Ilang kwarto na ang napasukan ko at mukhang kwarto yun ng mga katulong at guest. Nang may isang silid na pumukaw sa atensyon ko–palabas ng mansyon.
Kung hindi lang dahil kay tito Luciano hindi ako papayag na makipag usap sa babaeng kumakalantari sa asawa ko. Wala akong magawa kundi ang magpanggap na walang alam.“Pasensiya na Rowan pero mas gugustuhin ko pa na mag stay sa village kaysa makasama ang kabit mo.” “Helena, wala na kaming koneksyon. Tinapos ko na kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa.”“Paano ako makakasiguro na wala na ngang namamagitan sa inyong dalawa? Rowan, dito siya nakatira. For goodness! Habang nasa hospital ako siya pala ang kasama mo.”“Tatlong beses lang nangyari iyon, Helena. Hindi na naulit iyon. Mula nang mag usap tayo iniwasan ko na siya.”“Hindi ako naniniwala, Rowan, bakit pumayag ka na tumira rito kung alam mong nandito pala nakatira ang kabit mo?”“Hindi ko alam, Helena. Wala akong alam dito. Huling punta ko rito no'ng magkasintahan palang tayo.”“Sinungaling!” Kanina pa kami nasa silid. Kanina pa rin umiinit ang ulo ko sa taong
Ilang ulit kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang mali sa akin. Kung bakit parati nalang ako iniiwan ng mga taong malapit sa puso ko. Deserve ko ba talaga ang maiwan? Nagmahal lang naman ako. Nagmamahal lang naman ako at umaasa na sana magkaroon din ako ng buong pamilya.Dibale nang hindi kami masaya parati, ang mahalaga sa akin ay makasama ko ang pamilya ko. Makasama ko siya hanggang sa pagtanda. Kaya lang ang unfair, eh. Ang unfair unfair! Bakit ako? Bakit ako nasasaktan? Diba dapat Masaya ako? Diba dapat nag e-enjoy ako? Masaya dapat ako kasi kinasal na ako sa lalaking mahal ko.Bakit ako nag-iisa? Bakit pakiramdam ko maiiwan na naman akong mag-isa? I-iwanan na naman ako ng taong mahal ko. Masakit lang isipin na kahit anong gawin ko at the end of the day ako nalang pala ang mag-isang lumalaban.Ako nalang ang naniniwala na mag wo-work pa ang relasyon namin. Na tutuparin niya ang pinangako niya sa akin na magkasama kami hanggan
I don't want to assume that there's something wrong sa pamilya ng asawa ko pero very disturbing talaga ang kinikilos nilang lahat. Maski ang kilos ni Rowan hindi ko na makilala. Para bang may tinatago siya sa akin na pilit niyang binabaon sa limot."Rowan, ano bang problema mo? Pwede mo naman ako kausapin. Kung may problema ka sa'kin maiintindihan ko naman. Makikinig naman ako hindi iyong dine-deadma mo lang ako na parang hangin.""Honey, busy ako." Tinabig niya ang kamay ko nang akma ko na siyang yayakapin. "Please, Helena, busy ako ngayon. Mamaya nalang tayo mag-usap." Tinapon ko ang mga dokumento sa lamesa niya. Oo nasa mansyon pa rin kami. Higit isang buwan na kaming nandirito. Isang buwan na siyang busy kakatrabaho para sa kompanya nila."Helena, naman! Hindi mo ba nakikita? Busy ako! Konting konsiderasyon naman sana. Walang araw na hindi mo ako ginugulo. Nakakapagod na." Paisa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat na papel sa sahig.
Kanina pa kaming lahat nakaupo sa living room-tikom ang bibig ko dahil natatakot ako sa posibleng gawin sa akin ni Rowan. Natatakot ako na baka patayin niya ako..."May dapat ba akong malaman?" Tanong niya, "Ano ba ang tinatago niyo? Ako lang ba ang hindi nakakaalam na pinatulan mo si Celine na empleyado ng kompanya natin at kaibigan ng asawa mo?" Tinapunan muna ako ng tingin ni Rowan bago hinarap ang kanyang ama."Pa, mahal ko po si Helena. Saksi kayo sa pagmamahalan naming dalawa.""Sagutin mo ang tanong ko, Rowan, may relasyon ba kayo ni Celine?""Wala. Wala kaming relasyon." Pagtatanggi ni Rowan. "Ni minsan hindi ko naisipan na lokohin ang asawa ko." Dagdag niya pa."Pambihira, Rowan. Talagang itatanggi mo ako? Itatanggi mo na may nangyari sa atin? So, ano iyon? Wala lang. Trip mo lang, ganoon?" Nanggagalaiti na sabi ni Celine-ang lakas ng loob niya na sabihin na may nangyari sa kanilang dalawa sa harapan pa mismo ni tito.
Rowan POVDumating na iyong araw na kinakatakot ko. Ayaw kong saktan siya pero nasasaktan ko na siya. Nasasaktan siya dahil sa akin-sa maling mga desisyon ko para sa justice na inaasam-asam ko.Nahihirapan akong tingnan siya. Doble ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing pinagtataasan ko siya ng boses. Sa tuwing pinagbubuhatan ko siya ng kamay."Ano bang plano mo? Anong plano mo sa ating dalawa?"Hindi ko lubos maintindihan kung bakit patuloy pa rin akong hinahabol ni Celine. Kung bakit kinukulit niya pa rin ako sa isang bagay na malabo ng mangyari."Gusto ko lang linawin sa'yo, Celine, walang namamagitan sa ating dalawa."Nasa garden kami ngayon. "Joke ba iyan, babe? Well, hindi nakakatuwa, ha. You know how much I love you at alam ko naman na mahal mo rin ako." Nilagay niya sa hita ko ang kamay niya. "I miss you, babe. Can we just continue our conversation at my room? You have no idea how thirsty I am to kiss you." she
Celine POV He's weak. He can't ignore me. He can't resist the temptation. Hindi ko papasukin ang bagay na 'to kung hindi ko alam ang kahinaan niya. He's Rowan Hidalgo after all, hindi ako pwedeng umatras nalang basta-basta at itapon lahat ng effort ko para makuha siya.Hanggat hindi ko nakukuha ang tiwala at pagmamahal ni Rowan, hindi ako titigil na ligawan siya. Alam kong nawawalan na siya ng interest kay Helena. I will use it as an opportunity to destroy their marriage.Helena doesn't deserve a happy life and a complete family. Hindi niya deserve ang attention at pagmamahal ni Rowan-walang ibang sasapat sa tagapagmana ng mga Hidalgo kundi ako.I am their threat. I am the only person who can ruin their almost perfect life.No one can stop me from destroying their marriage. Walang sinuman ang pwedeng humadlang sa concrete plan ko na maging isang ganap na Mrs. Hidalgo.Konti nalang at malapit ko na makuha ang loob ng kanyang mga
One of the worst event that happened in my life is seeing someone I really love with other women. This is not what I wished for. Living with him is like turtoring myself.“Rowan!” I shouted his name. Kanina pa siya hindi bumabalik. “Rowan!” Pag-uulit ko. Nagpatuloy ako sa paghahanap sa loob ng mansyon. As I expected, walang tao pagkababa ko. Ang laki ng mansyon pero hindi makita ang mga tao rito.“Helena!” Tawag ni Simon na nasa sala. “Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Rowan?” Pagtatanong niya.“Kasama ni Celine.” Umupo ako sa sofa–isang dangkal lang ang pagitan naming dalawa. “Anong ginagawa mo rito? Nasaan sina tita Nelia at tito Luciano?”“Ewan. Hindi ko alam. Kanina pa ako pinauwi ni sir Luciano. Nagugutom kaba? Gusto mo ba paglutuan kita?”“Hindi na, Simon. Hindi pa naman ako nagugutom.” Napahawak ako sa ulo ko. Kanina pa ako nahihilo. Siguro epekto ito ng pagkakaumpog ko sa pader.“Helena, namumutla ka. May masakit ba sa iy