بيت / Romance / Lihim na Tikim (SSPG) / Kabanata 1 - Lucien

مشاركة

Lihim na Tikim (SSPG)
Lihim na Tikim (SSPG)
مؤلف: Saevris

Kabanata 1 - Lucien

مؤلف: Saevris
last update تاريخ النشر: 2026-08-11 08:19:58

Nerisse Villareal’s Point of View

“Bakit niyo ba kasi akong gustong ipakasal diyan?! Akala ko ba ay kaaway natin ‘yan sa negosyo?” singhal ko sa kanilang lahat.

Parang may bumaon na matalim na bagay sa aking puso na siyang nagpakurap sa akin. Ipagkasundo ba naman ako sa kaaway ng pamilya namin? Para ano?

“Nerisse!” sigaw ni Daddy, pero umiling lamang ako.

Mariing napapikit si Mommy. Ang ilan sa mga pinsan at tita ko ay napatitig lang sa akin, samantalang ang iba ay napailing. Nakita ko ang bilis nang paghinga ni Daddy, at mariin akong itinuro.

“Para ‘to sa pamilya natin!”

Umalingawngaw ang boses nito sa lahat ng sulok ng study room.

“Para sa pamilya, o sadyang para lang sa kagustuhan niyo?” may pait kong tanong sa kanila, at napailing.

Walang nangahas magsalita sa kanila. Nanatiling nakatikom ang bibig, at hinahayaan lang si Daddy na magsalita.

“Kung gusto niyo pa lang maayos ang gusot sa pamilyang ‘to, dapat kayo ang magpakasal sa lalaking ‘yon!”

Mabilis na tumayo si Daddy, at malalaking hakbang ang kaniyang ginawa papunta sa aking gawi. Kitang-kita ang panlilisik ng kaniyang mga mata, habang ako ay nanatili lamang na nakatitig sa kaniya. Hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan.

Nang akma nitong iaangat ang kaniyang kamay, doon ako natawa.

“Ano? Sasampalin mo ako?” natatawa, ngunit naaasar kong tanong sa kaniya. “Totoo naman, hindi ba? Kung gusto niyong ayusin ang gulo, kayo dapat ang magpakasal sa kanila, hindi ako.”

Tumalikod kaagad ako sa kanilang lahat, at nilisan ang study room nang mabibigat ang aking paghinga.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, at inis na binuksan ang p***o ng aking sasakyan nang tumigil ako sa harapan nito. Padabog kong isinara ang p***o, at binuhay ang makina ng sasakyan.

Naikuyom ko nang mahigpit ang aking kamay, habang nagmamaneho. Sigurado akong namuti na ‘to sa sobrang diin. Humahampas ang kabog ng aking puso ngayon sa aking dibdib.

Akala ko pa naman kanina ay simpleng meeting lang ng pamilya ang gagawin matapos ng dinner. Ibang meeting pala.

Marahas kong pinunasan ang tumakas na luha sa aking mga mata. Umigting pa nga ang aking panga, habang nakatitig sa harapan.

“Hindi ko pa nga nakikita kung sino ‘yong lalaking pakakasalan ko. Hindi rin nila sinabi kung sino.”

Marami silang magpipinsan. Puro pa nga lalaki ang single roon, habang ‘yong mga babae, may mga kasintahan, o hindi kaya ay asawa.

Natawa ako nang pagak. “Tang ina! Ako pa talaga ang naisipan nilang ipakasal? Mas gugustuhin ko pa ngang bumagsak ang kompanya, at ibang business namin kaysa pumayag na magpakasal sa taong hindi ko naman mahal.”

Wala sana akong balak na magpunta rito sa bar ngayon, pero dahil sa nangyari kanina, parang kailangan kong magpalipas ng oras. Mag-isip, o hindi kaya magpalamig ng ulo.

Dire-diretso lang ang lakad ko papunta sa loob, at hindi na pinansin pa ang sigawan ng mga lalaki sa isang sulok.

Kinagat ko ang aking dila. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan ng bar counter, at kinuha ang atensyon ng barista sa pamamagitan ng pag-angat ng aking kamay.

“Margarita,” diretsong order ko.

Inilibot ko naman ang aking mga mata sa buong paligid. Medyo marami na pa lang tao ngayon sa dance floor. May iilan din namang nakaupo pa rin, at nagsisigawan.

Nang mapalingon ako sa mga lalaking nagsisigawan, may isang babae pala roon na sumasayaw sa harap ng mga lalaki. May isa nga lang na hindi nakatingin sa babaeng nagsasayaw. Nakayuko lang siya, at tila mas interesado pa sa hawak niyang baso kaysa sa mga nangyayari sa paligid niya.

Walang ilaw sa gawi niya. May kabigatan din ang kaniyang presensiya, kahit pa malayo ako sa kaniya. Ngunit bakit ang bigat ng presensiya niya? Talaga bang ganito, o sadyang hindi ko lang siya kilala?

Hindi siya nakikisabay sa tawanan ng mga kasama niya. Ginagalaw lang nito ang basong hawak niya para paikutin ang laman no’n.

“May ganiyan pang lalaki?” komento ko, at napailing.

Inabot ko ang order kong alak, at ibinalik ang aking mga mata sa gawi ng lalaki. Pero hindi ko inaasahan na ang mga mata niya ang makasasalubong ko.

Nanuyo ang aking lalamunan, habang mariin ang titig niya sa akin. Ramdam ko ang pagbagsak ng aking tiyan na kaagad namang sinundan ng pagkabog ng aking puso.

“Problema nito?”

Inilihis ko na lamang ang aking mga mata, at nilagok na lamang nang diretso ang inumin ko.

Gumapang ang init ng alak sa aking lalamunan na siyang nagpapikit sa aking mga mata nang mariin.

Pagmulat ko ng aking mga mata, may mga matang nakatitig sa akin.

Napalingon ako sa gawi niya ngunit napaawang ang aking labi sa gulat. Ilang segundo lang akong napapikit, pero nasa tabi ko na siya.

“You’re alone?” tanong nito nang magtama ang aming mga mata.

“May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” tanong ko naman pabalik na siyang nagpaangat sa sulok ng kaniyang labi.

Nanginig ang aking mga hita sa kaniyang naging reaksyon, pero inabala ko lamang ang aking atensyon sa dance floor.

“It’s dangerous when you’re alone.”

“May gagawin ka bang masama?” tanong ko naman sa kaniya.

Ang mga lumalabas sa bibig ko ay hindi ko kayang kontrolin. Marahil ay dahil na rin ‘to sa alak. Napanguso na lamang tuloy ako.

“Hindi ako. ‘Yong ibang tao,” malalim na boses nitong sambit.

Tumahimik kaming dalawa. Ang malakas na musika na lamang dito sa loob ng bar ang nagsisilbing ingay sa pagitan namin.

Kung tutuusin ay wala rin akong ideya kung bakit nilapitan niya ako, at kinausap. Kahit papaano rin naman ay nawala sa isipan ko ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

“We’re not even close, so why would I even tell my problems to you?”

Bumaling ako sa kaniya, at napansin ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Kung ano ang dahilan, hindi ko alam, at wala rin akong balak alamin.

“Your name?”

“Curious?” tanong ko sa kaniya.

His lips twitched. He even licked his lower lip and swallowed hard.

“You can say that.”

“Nerisse,” sambit ko, at inilahad ang aking kamay.

“Lucien,” he whispered and took my hand.

Napaigtad ako, dahil sa paggapang ng kuryente sa aking katawan nang maglapat ang aming mga kamay. Hindi ko alam kung napansin niya ‘yon, pero nagtagal ng kaniyang mga titig sa akin.

Umigting ang kaniyang panga, at dumilim ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin.

“It’s my pleasure to meet you, Nerisse.”

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 18 - Challenge

    Nerisse Villareal’s Point of ViewMasama ang tingin na ipinukol ko ngayon kay Lucien. Sa huli ay napapayag naman niya ako, pero masama pa rin ang loob ko.Napilitan lang akong pumayag, dahil sa choices na ibinigay niya. Ang hapdi ko pa, tapos gusto niya akong kainin?“Bakit ka ba bumisita rito? ‘Yan lang ba ang gusto mong sabihin?” tanong ko sa kaniya, at sinamahan pa ng irap.“No,” aniya na siyang nagpakunot naman ng aking noo. “Sinadya ko talagang magpunta rito para matabunan ang issue kanina. Kahit pa nagawa naman na naming ayusin ‘yon, hindi dapat tayo magpakampante.”Hindi ako nagsalita. Bakit ba patuloy pa rin siya sa pagbanggit doon? Alam ko naman na may mali ako, ngunit kailangan bang isampal nang paulit-ulit sa akin?“Kaya dapat talaga na matulog ako sa condo mo. Dapat salitan.”“Ano ‘yon?! Palaging ganiyan ang setup?!”“Yes,” sagot niya kaagad na siyang ikinalaglag ng aking panga.May family dinner pa sila mamaya, at ang malala ay kasama pa ako. Tapos uuwi siya sa condo ko?

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 17 - Demand

    Nerisse Villareal’s Point of View “Bakit ka naman uuwi sa condo ko?! May condo ka naman!” Masama ko siyang tiningnan, pero tinaasan lamang niya ako ng kilay. Pinagkrus naman niya ang kaniyang mga bisig sa kaniyang dibdib. Ang umbok ng kaniyang mga bicep ang naging dahilan kung bakit ako napasulyap doon. Ngunit nang matanto kong galit nga pala ako, ibinalik ko ang aking mga mata sa kaniya. “Puwede namang ihatid mo na lang ako!” Natawa siya nang pagak sa aking sinabi. Napahugot na lamang ako nang malalim na hininga, at tumayo na lamang sa pagkauupo. Mabibigat ang aking mga hakbang habang nagtungo ako sa kitchen area ng aking office para kumuha ng kaniyang inumin. Galit man ako sa kaniya, hindi naman ‘yon dahilan para hindi ko siya bigyan ng inumin. Halos isang oras din ang itinatagal bago dumating ang order namin. Kaya mas mabuti na lamang na maghanda ako ng inumin niya, habang hinihintay ang pagkain namin. Although hindi ko naman sigurado kung sasamahan nga ako ng gagong ‘to na

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 16 - Visit

    Nerisse Villareal’s Point of View Napahawak ako sa aking sintido nang makaramdam ako ng kirot. Mariin akong napapikit, at itinigil ang pagbabasa ng dokumento. “Hindi tumatalab ang kape,” daing ko. Isinandal ko ang aking likuran sa swivel chair para kahit papaano ay guminhawa naman ang aking pakiramdam. Kanina ay katawan ko lamang ang masakit, pero ngayon ay biglang pumintig ang sintido ko. Marahil ay dahil ‘to sa pagpupuyat ko, at kagagawan ‘yon ni Lucien. Sumagi sa aking isipan ang nakaiinis na nitong ngisi. Maging ang pagkislap ng kaniyang mga mata sa tuwing inaasar niya ako, naalala ko. “Bwisit talaga ‘yong lalaking ‘yon,” sambit ko, at napamulat na lamang ako ng aking mga mata. Habang nakatitig ako sa kisame, biglang tumunog ang doorbell. Pinindot ko naman ang aking intercom para sabihan ang taong gustong pumasok sa aking office. “Come in.” Ilang segundo lamang ay biglang pumasok ang aking secretary. Dahan-dahan niyang isinara ang p***o. Hindi niya inalis ang tingin sa ak

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 15 - Distraction

    Nerisse Villareal’s Point of View“Bakit ikaw ang kukuha?! Ako nga!”Bakit ba bigla na lamang niyang gustong kunin ang gamit ko?Inilihis ko ang aking mga mata, at padabog na naglakad para lampasan siya. Mabibigat na hininga ang aking pinakawalan kasabay ng panginginig ng aking mga kamay.Ngunit bago pa ako makalayo sa kaniya nang tuluyan, pumulupot ang matigas na bisig niya sa aking baywang.Hinila niya ako pabalik sa aking kinatatayuan, at iniharang ang kaniyang mga bisig sa aking gilid dahilan para hindi ako makawala. Yumuko siya nang kaunti para pantayan ang aking mukha.“Ano ba?!”Umigting ang kaniyang panga, habang nakatingin nang mariin sa akin. Tumalim din ang kaniyang mga mata.Napaatras ako nang isang hakbang, ngunit malamig, at matigas na bagay ang sumalubong sa akin dahilan para lumaki ang aking mga mata.“Wala kang suot na underwear, hindi ba?” paalala niya.“Oh? Ano ngayon—”“Gusto mong masilipan?” malamig na tanong nito sa akin.Hindi naman ako nakapagsalita. Nanatili la

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 14 - Possessive

    Nerisse Villareal’s Point of View Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman nawala ang ngisi niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad—bawat hakbang ay may kasamang pagkalukot ng aking noo sa tuwing umiika ako papunta sa kitchen. Nararamdaman ko ang kaniyang titig sa akin na tila sinusuri kung nagawa ba niya ang kaniyang binitawang salita kagabi sa akin. “Mukhang nahihirapan kang maglakad. Kulang pa siguro ang ginawa ko sa ‘yo kagabi.” Kinagat ko ang aking ibabang labi. Bawat gasgas sa aking balat ay parang binubuhusan ng alkohol. Halos napapaiyak na ako sa bawat hiningang pinapakawalan ko, ngunit hindi ko siya binigyan ng pansin. Binuksan ko ang fridge, at kumuha ng ice cubes. Maingat ko itong inilagay sa baso, at pilit na itinutuon ang paningin sa umaapaw na yelo para lang iwasan ang mga mata ni Lucien na nanghuhusga na ngayon. Hula ko ay kumikislap na ang kaniyang mga mata ngayon. Natanto yata niyang tama ang kaniyang kutob. “Masakit ba ang panga mo?” Biglang nag-init ang aking m

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 13 - Sore

    Nerisse Villareal’s Point of View Nakailang posisyon na kami ni Lucien, pero hindi pa rin niya naaabot ‘yon. Ang sakit na ng mga hita ko. Ang hapdi ko na rin, pero hindi niya ako tinantanan. “Lucien!” Anong oras na ba? Pipikit na kasi ang mga mata ko. Naliligo na rin ako sa pawis, at kung tutuusin ay ang lagkit nito sa pakiramdam. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang idiin na naman niya ang sarili niya sa akin. Hindi na mabilang kung ilang beses ko na ‘yong naabot. Sa tuwing hinahagod niya ang aking clitoris gamit ang kaniyang daliri ay nanginginig na ulit ang aking mga hita. “Tinatanong kita kanina. Hindi mo sinasagot.” Pinalo na naman niya ako. Kaya mariin akong napapikit, at hindi na napigilan pang sumigaw. “Ahh!” “Kung sumagot ka na sana kanina pa, hindi ‘to mangyayari.” As if naman na kapag sumagot ako, hahayaan na niya akong magpahinga. Aabutin kami nang madaling araw base sa kaniyang stamina. Hindi pa siya pagod. Hindi pa rin niya tuluyang naaabot ‘yon. Kaya paanong t

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status