Home / Romance / Lihim na Tikim (SSPG) / Kabanata 23 - Marked

Share

Kabanata 23 - Marked

Author: Saevris
last update publish date: 2026-08-28 17:04:29
Nerisse Villareal’s Point of View

Hinampas ko ang kaniyang dibdib nang bigla na lamang may tumikhim. Nag-init din ang aking mga pisngi, dahil hindi pa rin naman tumitigil si Lucien sa paghalik sa akin. Mabilis niya ngang hinuli ang aking kamay, bago siya lumayo sa akin.

Napaungol siya sa paghampas ko, saka inilagay ang kaniyang kamay sa likod ng aking ulo. Marahan niya akong isinubsob sa kaniyang dibdib, habang parehong mabigat ang aming hininga.

“What?” he hissed.

“Baka nakalilimutan niyo k
Saevris

Isusunod ko naman po mamaya ang Lihim na Pagnanasa. Maraming salamat po!

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 69 - Dare

    Nerisse Villareal’s Point of ViewMatapos naming kumain, umalis muna kami sa gazebo. Bukod sa ayaw niya ring uminom muli pagkatapos niyang ubusin ang pagkain ko, gusto rin niya munang masolo raw ako.Umismid ako nang tumigil kami ni Lucien sa bandang swimming pool area nila.Humarap siya sa akin, at tinaasan ako ng kilay. Tumatama ang liwanag ng buwan sa kanang parte ng kaniyang mukha. Kaya kitang-kita ko kung paano umigting ang kaniyang panga nang hindi ako magsalita.“What? Bakit ka umismid?”“Naalala ko lang ang sinabi mong gusto mo akong masolo,” paliwanag ko sa kaniya, at pinagkrus ang aking mga bisig sa aking dibdib. “Bakit?”Hindi siya kaagad nagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin, madilim, at tila binabasa ang emosyon sa aking mga mata.Ganoon naman siya madalas tumitig sa akin, at hindi naman ako naninibago. Ngunit ngayong gabi, sa harap ng mga bituin, buwan, at ng mga punong isinasayaw ng hangin, biglang kumalabog ang puso ko nang malakas. Ibang-iba ang kabog nito

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 68 - Share

    Nerisse Villareal’s Point of View“Kailan ka pa naging corny?” tanong ni Adrien.Tumigil sa pag-amoy si Lucien sa aking leeg, at nag-angat ng ulo. Inabot niya kaagad ang aking pisngi, at bahagyang inihaplos ang kaniyang hinlalaki roon.Alam naming dalawa na nagpapanggap lang kami, ngunit hindi ko lang alam kung aware ba ang mga pinsan niya tungkol sa setup namin. Though, arranged marriage lang talaga ang mayroon sa amin.“Corny na ba ‘yon sa’yo?” seryosong tanong ni Lucien, at inilapit ako sa kaniyang dibdib.Ramdam ko naman ang pagsulyap sa akin ng mga pinsan niya. Kaya mas lalong nag-init ang aking mukha, at pilit na isinisiksik ang aking mukha sa kaniyang dibdib.Sa tuwing kumakabog nang malakas ang kaniyang puso, napapapikit ako. Parang nagiging musika sa tainga ko ‘yon, kahit na naiinis ako kay Lucien.“Oo. Hindi ka naman ganiyan.”“Kung alam nilang pinaggagagawa nina Aeron, at Lucien sa akin—” Hindi nagawang ituloy ni Vaughn ang kaniyang sasabihin, dahil sabay na sumigaw sina Lu

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 67 - Name

    Nerisse Villareal’s Point of ViewNapakurap ako, at hindi nagawang mag-angat ng tingin para tingnan silang lima. Hindi ko inaasahan ang sasabihin ni Vaughn. Alam ko naman na hindi na dapat ako magtaka sa ganitong bagay, dahil normal lang ‘to sa mga kagaya nilang mayaman.Ngunit hindi ko naman magawang balewalain. Bumigat na rin kasi ang atmosphere, at wala ni isa sa kanila ang nagpatuloy sa topic na ‘yon. Ang tanging naririnig na lang sa buong paligid ay ang simoy ng hangin, at ang huni ng mga insekto.Hinaplos ni Lucien ang aking balikat, at marahang iginuhit ang kaniyang daliri nang paikot doon. Sinubukan kong mag-angat ng tingin, at hanapin ang mga mata niya, ngunit ang unang tumambad sa akin ay ang kaniyang mga mata na nakatuon sa akin.“Hungry?” mababang boses niyang tanong sa akin.Nanatili man na seryoso ang kaniyang mga mata, umiling ako nang bahagya bilang sagot.“Hindi pa,” bulong ko, dahil hindi pa naman ako gutom.Nahagip naman ng gilid ng aking mata ang pagsalin ni Vaughn

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 66 - Shade

    Nerisse Villareal’s Point of ViewPagdating namin sa private resort nila, hindi ko maiwasang ilibot ang aking mga mata sa buong paligid. Nasa parking lot pa lang nila kami, pero kahit nag-aagaw na ang dilim, at liwanag, kitang-kita pa rin sa exterior ng kanilang private resort kung ilang milyon ang ginastos nila. Napalunok ako, at natanto kung gaano talaga kayaman ang mga Vieri. Sa pamilya ko, at pamilya nila, sila ang alam kong mas maraming property. Mas matagal na sila sa business world kung ikukumpara sa amin.“May mga staff kayo rito?” tanong ko sa kaniya nang alalayan niya akong makababa ng kaniyang sasakyan.Nilingon niya ako, at isinara ang p***o ng passenger seat. Pumulupot ang mainit, at matigas niyang bisig sa aking baywang.“Yes,” sagot niya, at nagsimulang maglakad. “May headquarters sila rito.”Nahigit ko ang aking hininga sa kaniyang sinabi, at hindi makapaniwala na may mga staff nga sila rito. Though, may kutob naman na ako, dahil malawak nga naman ‘tong private resort

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 65 - Carry

    Nerisse Villareal’s Point of ViewInirapan ko lamang siya, at sinubukang bilisan ang lakad ko. Ngunit dahil mas malaki ang kaniyang hakbang, naabutan niya ako nang walang kahirap-hirap.Ipinulupot kaagad niya ang kaniyang bisig sa aking baywang, at hinigit ako palapit sa kaniya, hanggang sa tumigil kami sa harapan ng kaniyang condo.“Doon ba tayo matutulog?” tanong ko sa kaniya.Para naman makapagdala ako ng damit kung sakali na matutulog nga kami roon. Pero ayos lang naman kung hindi ako magdadala, dahil maliligo na rin ako ngayon saglit.“I don’t know. Let’s see.”Nauna akong pumasok sa kaniyang condo. Humarap ako sa kaniya, at tinaasan siya ng kilay.“Iinom kayo, hindi ba? Imposible naman na hindi kayo iinom,” sagot ko sa kaniya, at napailing.Tumalikod ako sa kaniya, at naunang pumasok sa kuwarto niya. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin, ngunit hindi ko na siya nilingon.“Hindi ka puwedeng magmaneho kung nakainom ka. Hindi rin naman puwedeng ako ang mag-drive ng sasakyan

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 64 - Debt

    Nerisse Villareal’s Point of ViewMatapos niya akong parusahan nang halos isang oras, tumigil din siya. Ngunit hindi niya nagawang ilihis ang kaniyang mga mata. Nakatingin lang siya sa akin, habang sinusubukan kong magtrabaho.Kaya lang ay paano ako makapagtatrabaho nang maayos kung namamaga ang labi ko? Nakailang kagat na ako ng ibabang labi ko, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga maramdaman.“Stop biting your lips.”Nag-angat ako ng tingin, at napansin na masama na naman ang tingin niya sa akin. Namumula rin ang labi niya, dahil isang minuto pa lang ang lumipas mula nang tigilan niya ang paghalik sa akin, o hindi kaya ay pagkagat sa aking leeg.Pinakrus niya ang kaniyang mga bisig sa kaniyang dibdib, habang nakatitig sa akin nang mariin. Umiigting ang kaniyang panga, at parang gusto na namang lumapit sa akin para halikan ako.“Namamaga,” simpleng sagot ko, at tinaasan siya ng kilay. “Wala akong maramdaman.”Kung may nararamdaman man ang labi ko, ‘yon ay kung paano niya ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status