Share

Chapter 77

Sandra's POV

NANG masigurado ng doktor na maayos na ang lagay ko at pinirmahan na niya ang mga papeles sa ospital, pinayagan na rin kaming umuwi.

Napabuntonghininga na lang ako nang makarating kami sa bahay. Ilang araw palang kaming narito ngunit sunod-sunod na ang mga nangyayari. Sunod-sunod na rin ang mga bagay na nalalaman ko na sa tingin ko, pagsisisihan ko sa huli.

Kinuha ko ang mga papeles na nakapatong sa aking kama, saka muling lumabas ng aking silid.

"Anak, sigurado ka bang papasok ka na sa trabaho? Baka naman kung mapaano ka?" nag-aalalang tanong sa akin ni nanay.

"Opo, nay. Ayos na po ako at sa tingin ko, lalo lang akong made-deppress kung mananatili ako rito sa bahay, dahil wala rin naman akong ibang gagawin kung hindi ang mag-isip," paliwanag ko sa kanila.

Lumapit sa akin si nanay at hinawakan ang aking kamay. Nababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala niya sa akin at ramdam ko ito.

"Anak, hindi ba sinabi na namin na kung ano man ang mga bagay na iniisip mo, pwede mo itong
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status