Home / Romance / Love Game with my Executive Assistant / Kabanata 187 The Truth behind Gael's Biological Mother (Part 1)

Share

Kabanata 187 The Truth behind Gael's Biological Mother (Part 1)

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-12-29 07:24:27

Abalang-abala ang buong venue sa huling oras bago magsimula ang launch ng first collection ng Gray Apparel. Ang dating tahimik na hotel ballroom ay napuno ng ilaw, kamera, at mga bisitang pawang kilala sa industriya. Binubuo ito ng mga fashion editors, investors, celebrities, at socialites.

Sa backstage naman ay mabilis ngunit kontrolado ang galaw ni Mona. Gusto niya kasing maging perfect ang lahat.

“Paki-higpitan ang waistline ng fourth look,” utos niya habang inaayos ang laylayan ng gown ng isang modelo. “Gusto kong maging perpekto ang lahat nang sa ganoon ay maging maganda ang magiging feedback sa kumpanya natin.”

“Yes, Miss Scott,” sabay-sabay na sagot ng mga assistants.

Kahit halatang pagod na, nanatiling malinaw ang isip ni Mona. Habang pinagmamasdan niya ang paligid, hindi niya maiwasang matuwa. Ito ang pinaghirapan niya—hindi lamang para sa kumpanya, kung hindi para sa sarili niyang dignidad bilang isang designer.

Samantala, sa isang pribadong lounge sa loob ng hotel, na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 205 The Beginning of their Bad Karma (Part 3)

    "O-Oo! Gusto kong malaman kung sino ang naging dahilan kung bakit napunta kami sa ganitong sitwasyon! Kung hindi ka lang niya sinabihang makukulong kami, hindi ka sana namin nakasalamuha!” matapang na sabi ni Livina. "Talaga palang namana mo ang tapang at kapal ng mukha ng nanay mo. Saka mo na lang tanungin si Miss Y kapag nagkita na kayo.” "Miss Y?” Kumunot agad ang noo ni Livina. Nakahinga siya nang maluwag. ‘So hindi si Luna ang tinutukoy niya? Hindi totoo ang kutob kong buhay siya?’ Napangiti siya. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?” "Wala naman,” mabilis na tugon ni Livina at agad na pinawi ang ngiti sa kaniyang labi. "Dalhin niyo sila sa banyo. Ipalinis niyo sa kanila ang inidoro pati na rin ang sahig! Lahat ng mga damit niyo, sila ang maglalaba. Lahat ng pinagkainan niyo, sila ang maghuhugas. Kung gusto niyong magpamasahe, magsabi lang kayo sa kanila. Kapag tumanggi sila o umangal, sikmuraan niyo. Maliwanag ba?" sigaw ng lider. “Opo, boss! Salamat po boss!" sabay-sabay na s

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 204 The Beginning of their Bad Karma (Part 2)

    Tumalim ang bawat titig ng lider kay Livina. “Hindi mo ba alam? Anak ko ang pinatay ng magaling mong ama kaya siya nakulong noon. Nang malaman ko mula sa aking kaibigan na makukulong kayo ng iyong inang si Vida, agad akong nagpabalik dito sa kulungan. Nakulong ako dahil pinagtangkaan kong patayin ang ama mo habang nasa selda siya. Oo, mapera ako pero hindi pa rin iyon naging sapat para makuha ko ang nararapat na hustisya para sa anak ko at kahit gumamit na ako ng dahas, kahit inilagay ko na sa mga kamay ko ang batas, hindi pa rin ako nagtagumpay. Alam mo ba kung bakit? Ang iyong amang si Victor, pinrotektahan siya ng grupo ni Nic dahil sa malandi mong ina. Alam mo bang naging kabit din ang nanay mo ng dating lider ng Italian mob? At ngayong wala na si Nic, wala na ring poprotekta sa inyong mag-anak. Handa na akong maningil at sa paniningil ko, idadamay ko na rin ang kaibigan kong winalang.hiya niyong mag-ina.”“Kaibigan? Sino ba ang tinutukoy mo? Wala kaming sinagasaang tao—” Natigila

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 203 The Beginning of their Bad Karma (Part 1)

    “Mama, bakit mo sinabi kay Mona kung sino ang anak ni Luna? Sa tingin mo ba ay babalikan niya tayo para tulungan? Ni hindi nga niya tayo pinansin kanina bago siya umalis eh!”Hinilot ni Vida ang kaniyang noo. Maging siya ay kinukwestiyon na rin ang kaniyang naging galaw.“Mama, anong gagawin natin? Sigurado akong papunta na si Mona ngayon sa mansyon ni Andy. Ni hindi pa nga natin nalalaman kung ano ang tunay niyang koneksyon kay Luna eh. Paano kung gamitin niya si Gael para makuha niya ang loob ni Andy? Paano kung tuluyan na niyang maakit si Andy? Paano na kami?!”Marahang nilingon ni Vida ang kaniyang anak at tinapunan ito ng masamang tingin. “P’wede ba, tumahimik ka muna Livina? Pati ako ay hindi makapag-isip ng maayos dahil sa kapuputak mo eh!”“Mama, paano ako tatahimik? Mona is out there making her bold moves at ako? Heto, nakakulong sa mabaho, masikip at mainit na kulungang ito!” Napasabunot si Livina sa kaniyang buhok. Magmamaktol pa sana ulit siya nang biglang may sumita sa ka

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 202 Hearing the Truth

    "ENOUGH! TULUNGAN NIYO NA LANG KAMING MAKALABAS DITO AT ITUTURO KO KUNG NASAAN ANG ANAK NG MALANDING SI LUNA!” walang pagtitimping sigaw ni Vida.Mabilis na naglakad palapit kay Vida si Mona. Hinawakan niya ang pala-pulsuhan nito. "Sige. Sabihin mo na sa akin, Vida. Saan ko matatagpuan ang anak ng kaibigan ko?”“Si Gael…Si Gael Gray ang anak ni Luna. Nasa puder siya ngayon ng ama niyang si Yael Anderson Gray…”"A-Anong s-sinabi m-mo? S-Si G-Gael…ang a-anak ni Y-Yael? Are you kidding me, Vida?" hindi makapaniwalang sambit ni Mona.Iniikot ni Vida ang kaniyang mga mata. “I already said it once. I will not repeat it again—-" Namilog ang mga mata niya nang bigla na lamang siyang sinakàl ni Mona. “A-Anong ginagawa mo? Bitiwan mo ako!" “I'm not playing with you, Vida. Magsabi ka ng totoo o dito ka na malalagutan ng hininga!"Agad na nilapitan nina Rafael at Drake si Mona para awatin ito.“Mona, stop it! Maaari ka nilang kasuhan sa ginagawa mo!" suway ni Rafael. Nakahinga siya ng maluwag na

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 201 Blocking the Truth

    “Tama na nga ang drama niyong dalawa." Nilingon ni Vida si Mona. “Ano, Miss Mona? Kaya mo bang tuparin ang usapan natin kanina kapalit ng hinihingi mong impormasyon?"“Mama, tumigil ka na nga. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala tayong mapapala sa babaeng ‘yan?" pigil ni Livina.“Ano ka ba, Livina? Bulag ka ba o tànga? Hindi mo ba nakikita kung gaano kalawak ang koneksyon ng Mona na ‘yan? She's talking to an Angelini right now. Ano pa bang pruweba ang nais mo para maniwala kang may maitutulong siya sa ating dalawa?" mahina ngunit may diing sambit ni Vida sa anak.“Mona, halika na. Umalis na tayo rito," aya ni Rafael at agad na inabot ang kamay ni Mona. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang binawi ni Mona ang kamay nito sa pagkakahawak niya.“Mauna na kayo ni Drake. Susunod na lang ako," malamig na sambit ni Mona. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Rafael dahil kina Vida at Livina naka focus ang paningin niya."No, Mona. Hindi ako aalis dito kapag hindi kita kasama,” giit n

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 200 Hanging on the cliff ot truth (Part 2)

    “Mama! Ano bang nangyayari sa’yo? Mag-isip ka nga! Inuuto lang tayo ng babaeng ‘yan! Baka nga wala talaga siyang hawak na alas laban sa atin eh! Pinapaikot at pinapaamin lang tayo ng babaeng ‘yan!” pigil ni Livina.“Tumahimik ka, Livina! Wala na tayong ibang aasahan! Hangga’t may katiting na pag-asang tutulungan niya tayong makawala sa sitwasyon natin ngayon, kakapit ako! Hindi tayo matutulad sa ama mo na naging ex-convict!”‘So totoo nga ang sinabi sa akin ni Rafael? Hindi ko kadugo si Livina? All this time, talaga palang pinaglalaruan lang nila kami ni papa! Ang kakapal ng mga mukha nila!’ Hindi napigilang ikuyom ni Mona ang kaniyang mga kamao. Gustong-gusto na niyang saktan ang mag-ina. Gustong-gusto na niyang ipaalam sa mga ito kung sino talaga siya pero hindi pa iyon ang tamang panahon para alisin niya ang kaniyang maskara.“Miss Mona, makinig ka. Ang anak ni Luna ay si—----”“Mona!” Napalingon ang lahat nang umalingawngaw sa buong silid ang malalim at malakas na boses ng isang l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status