Share

Chapter 14

Ivy

Kasal? Kasal ang kapalit ng pagtulong nya sa akin?

Naikuyom ko ang kamao at hirap na lumunok. Bigla ay parang nag iba ang tingin ko sa kanya. Bakit sa dami ng pwede nyang hinging kapalit ay kasal pa? Bakit? Dahil wala naman akong perang pambayad? Akala ko ay iba sya sa mga lalaking yun. Pero mukhang nagkamali ako.

Nagngingitngit na padarag akong tumayo at lalabas ng pinto pero hinawakan nya ako sa braso.

"Ivy wait!"

"Bitiwan mo ko!" Asik ko sa kanya.

"Makinig ka muna sa akin! Mali ka kung ano man yang inaakala mo." Wika nya.

Naniningkit ang matang nilingon ko sya. Bumibigat na rin ang paghinga ko sa galit. Bakas ang pangamba sa kanyang mukha.

"Talaga? Mali ang isipin ko na mapagsamantala ka kagaya ng iba?" Inis na sabi ko at pumiksi sa hawak nya.

Napasuklay sya ng buhok at nagpamewang. May gumuhit na sakit sa kanyang mata. Ngunit hindi ko na binigyan ng pansin yun dahil nananaig ang galit sa dibdib ko.

"Sa loob ng halos tatlong linggo na nasa bahay kita, may natandaan ka ba
Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Jadexanne
Ayieeee kinikilig c Sgt... Ang Ganda NG story n Angel at Sgt..
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status