JANNA KAGAYA ng sinabi ni Vanilla, ipinakilala nga nito si Gabby kay Zakari na siyang labis niyang ikinatuwa. Kaagad na nagkasundo ang dalawa at dahil naiuwi sa usaping negosyo ang naging topic ng dalawa, hinayaan niya na. Para naman hindi ito ma-bored habang kasama siya. “So, kailan ang kasal niyong dalawa?” nanunudyo ang boses na tanong ni Devi sa kanya. Ongoing ang program at dahil silang dalawa lang yata ni Devi ang single sa party na ito, nandito sila sa isang sulok, abala sa pag-uusap. “Hmmp, anong wedding ang sinasabi mo diyan? Nasa period pa kami ni Gabby na kinikilala ang isa’t isa.” Nakangiting sagot niya dito,. “Hmmp, nasa getting to know each other pa kayo pero kung makakapit at makatitig siya sa iyo akala mo mawawala ka sa kanya eh. And best, look at him…kahit kausap niya si Zakari sa iyo pa rin siya nakatitig. Halatang patay na patay siya sa iyo kaya huwag mo nang pakawalan ang lalaking iyan. Alam kong magiging masaya ka na sa kanya dahil mahal na mahal ka niya.”
Janna Wow, ang ganda ng Janna ko ah?” Nakangiting wika ni Doc Gabby sa kanya. Kakabukas pa lang ng pintuan ng unit niya at kaagad na bumungad sa paningin niya si Doc Gabby na ang unang namutawi sa bibig ay ang pansinin ang ganda niya. Sabagay, maganda naman talaga ang ayos niya. Mas nakakaganda pala talaga kapag mamahalin ang suot diba? “Hmmp, huwag mo na akong utuhin, Doc Gabby! Matagal ko nang alam na maganda ako kaya huwag mo nang ulit-ulitin.” Nakangiti niyang sagot dito. Natawa naman ito sabay hawak sa kamay niya at sabay na silang naglakad paalis. “I know, alam kong matagal ka nang maganda. Mabait ka din and sweet kaya nga love na love kita eh.” Nakangiting sagot nito sa kanya. Kaagad tuloy siyang nakaramdma ng pag-iinit ng kanyang pisngi. Ang chessy na naman ng sinabi ni Doc sa kanya. Nakakapanginig ng puso. Isang lamborghini limited edition ang gamit ngayun ni Doc Gabby kaya hindi niya mapigilan ang mamangha. Feeling niya tuloy, para siyang naka jackpot sa lotto sim
JANNA "Mahal man kita or hindi, mahalaga pa ba iyan sa ngayun Darren? Kung ano man ang namagitan sa ating dalawa noon, kinalimutan ko na iyun. Tangap ko nang hindi ka para sa akin kaya naman sana tigilan mo na ako.” Seryosong sagot ni Janna kay Darren Wala nang puwang para sa kanya ang lahat-lahat. Hindi na din mahalaga para sa kanya ang presensya ni Darren. Binigyan niya na ito ng maraming pagkakataon at wala na siyang magagawa pa sa ngayun kundi ang tuluyang palayain ang sarili niya. Lalo na at nasanay na siyang hindi na ito kasama. “Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako, Janna. Sabihin mo sa akin. Ano ba ang pwede kong gawin para bumalik ka sa akin?” seryosong tanong nito sa kanya. Isang malalim ng buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya muliing nagsalita. “Lubayan mo na ako, Darren! Tapos na tayo at magfocus ka na lang sa buhay mo kasama si Lexi.” Seryosong sagot niya sabay kabig ng pintuan pasara. Nonsense lang kung patuloy siyang makipag-usap kay Darren
JANNA “See you tomorrow, your highness!” nakangiting wika sa kanya ni Doc Gabby. Inihatid siya nito sa mismong loob ng unit niya dahil hindi niya kayang bitbitin ang mga gamit na ibinili nito sa kanya. Wala silang nabili na regalo para sa triplets at gusto yatang panindigan ni Gabby na tseke na lang daw ang iaabot nito sa mga bata bukas. Ang sosyal diba? Iba na talaga ang mayaman. Sabagay, hindi talaga issue kay Gabby ang pera lalo na at nag-iisa lang din naman itong tagapagmana ni Don Lorenzo. Nakahiga si Gabby sa pera at lahat kaya nitong bilhin. “See you tomorrow. Alas nueve daw ng umaga ang start ng party kaya huwag kang late.” Nakangiting wika niya pa dito. Napangiti naman ito na may nanunudyo na mga tingin na tumitig sa kanya. “Sino ba sa ating dalawa ang palaging late? By the way, anong oras pala kita susunduin bukas?” nakangiting tanong nito. Saglit siyang nag-isip bago sumagot “Eight o’clock in the morning po, Doc!” nakangiting sagot niya “Okay..your wish is my com
JANNA Saktong pagkatapos nilang kumain ni Doc Gabby sa isang seafood restaurant, nakatangap siya ng tawag mula kina Vanilla at Devi. Iniimbitahan siya ni Vanilla sa mismong mansion ng mga ito dahil birthday daw nila Hannah, Nathan at Nicholas at bukas na ang selebrasyon. “Huhh? Bukas na kaagad?? Ano ba iyan bakit biglaan?” Seryosong sagot niya. ‘Anong biglaan? Ano ka ba, Janna, noong last tayong nagkita, sinabi ko na sa iyo ang tungkol sa birthday ng mga bata tapos sasabihin mo sa akin ngayun na bilgaan? Hmmp, gaano ka ba ka-busy para makalimutan mo ang ganitong bagay?” seryosong sagot sa kanya ni Vanilla. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangiwi lalo na at hindi niya talaga maalala. Wala siyang maalala na ininvite siya nito eh. “Ah, basta! Whatever your reason dapat dumating ka ha? Kayong dalawa na nga lang ni Devi ang ka-closed ko eh.” Muli nitong bigkas. Wala na siyang nagawa pa kundi ang pumayag na lang. May time pa naman bumili ng regalo kaya okay lang din naman. No p
JANNA “Hi, your highness!” nakangiting bati sa kanya ni Doc Gabby! Isang linggo ang mabilis na lumipas pagkatapos ng tatlong araw nilang bakasyon sa Bagiuo at mas lalong naging close silang dalawa ni Doc Gabby. Wala eh…ang sarap kasi talagang kasama ni Doc kaya feeling niya, unti-unti nang nahulog ang loob niya dito “Gabby, ano ang ginagawa mo dito? Akala ko ba may pupuntahan kang meeting ngayun?” nakangiting tanong niya dito “Well, meron nga pero parang hindi ko kayang ako lang mag-isa eh. Gusto kitang isama.” Nakangiting sagot nito. Hindi niya naman mapigilan ang matawa. Hindi na bago sa kanya ang ganitong mga gawain. SA tuwing may pinapuntahan itong meeting, imbes na secretary nito ang isama, siya ang palagi nitong kinukulit. Ayos lang naman sa kanya lalo na at hindi naman tambak ang trabaho niya. Sa totoo lang, hindi siya busy. Easy lang din ang mga trabaho na ibinibigay sa kanya at minsan, sa walang magawa dito sa loob ng opisina niya, wala na siyang ibang nagawa kundi ang